webnovel

Perfect Gift

Jungkook's Pov

"Anong problema mo at nakabusangot ka dyan. Malapit nang tawagin ang pangalan mo. Magna cum laude ka pa naman. Ano ba kasi problema mo?" tanong ni V.

"Paano kasi si Lisa hindi sumama. Naintindihan ko naman na masama ang pakiramdam nya, kaso nalulungkot at nag aalala ako." sabi ko.

"Napatingnan mo na ba si Lisa? Patignan mo na hanggat maaga para hindi lumala." sabi ni Jimin.

"Dapat papacheck up kami kahapon, kaso hindi daw nya kayang lumabas ng bahay. Tapos nung pinipilit kong magpadoktor, bigla ba namang umiyak. Ayun di na kami natuloy." sabi ko.

"Nagiging moody na si Sis. Baka naman may pinoproblema. Hayaan mo na lang muna. Nandun naman ata sila Jennie para bantayan sya." sabi ni V.

Graduation namin ngayon. Dapat kasama ko si Lisa magmamartsa kaso masama ang pakiramdam. Magna cum laude pa naman ako. Si Namjoon ang Suma cum laude at si Suga ang cum laude.

Natapos ang graduation namin ng parang wala lang sa akin. Lutang kasi ako dahil kay Lisa. Nandito kami sa secret room ng BTS sa school.

"Jk pwede ba ngumiti ka naman, nakakahawa ka kasi." sabi ni Jhope.

"Saan tayo magcecelebrate? Nagugutom na ako." sabi naman ni Jin.

"Out of town tayo." sabi ni Suga.

"Kayo na lang. Kailangan ko ipacheck up si Lisa. Hanggang ngayon namumutla yun bago ako umalis." sabi ko.

"Sya nga naman. Mas maganda siguro magpadeliver na lang tayo sa bahay ni Jk at dun na lang tayo magcelebrate." sabi ni Namjoon.

"Cge imbitahan na rin natin ang mga girls."  sabi ni Jimin.

"Tara na. Nag aalala ako kay Lisa. Gusto ko nang umuwi." sabi ko.

Umuwi kami sa bahay. Pagkapasok na pagkapasok namin sa gate, nadatnan namin na nakatayo si Manang Rita sa labas ng pinto.

"Manang bakit po kayo nasa labas?"  tanong ni V.

"Nahimatay kasi si Lisa pagkatapos nya magluto." sabi ni Manang.

"Ano po? Bakit hindi nyo ako tinawagan? Saang ospital daw at pupuntahan ko." tanong ko.

"Wag na. Kaya nga ako naghihintay sa labas kasi sabi ni Jennie, pauwi na daw sila." sabi ni Manang.

Naghintay kami sa labas ng bahay. Wala ni isa sa amin ang gustong pumasok sa bahay dahil nag aalala din sila kay Lisa. Makalipas ang tatlumpung minuto natanaw na namin ang sasakyan ni Lisa. Si Jisoo ang nagdadrive. Dali dali akong lumapit sa sasakyan. Inalalayan ko si Lisa papasok ng bahay. Inupo ko si Lisa sa couch.

"Ano bang nangyari?" tanong ko.

"Nadatnan namin si Lisa na nagluluto sa kusina kasama si Manang. Gusto ka daw isurprise pag uwi mo." sabi ni Jennie.

"Nasupresa nga." sabi ni Suga.

"Anak anong resulta. Bakit pinauwi ka agad?" tanong ni Manang. Nagkatinginan naman ang apat. Bigla namang umiyak si Lisa.

"Bakit? Bakit ka naiyak? Ano ba talagang nangyari? Pwede ba sabihin nyo sa akin!" sigaw ko. Umiyak naman ng malakas si Lisa.

"Huminahon ka nga Jungkook. Ok lang si Lisa. Naku Lisa babatukan na kita eh. May pakiusap ka pa samin na ikaw magsasabi tapos iiyak ka lang naman pala." sabi ni Jennie.

"Tumahan ka na nga. Hindi makakabuti sa inyo yang pag iyak mo. Natural lang yang nararamdaman mo. Pero hanggat maaari iwasan ang stress." sabi ni Rose.

"Teka ang gulo nyo. So okay lang si Sis. Wala syang malubhang sakit?" tanong ni V.

"Walang sakit yang si Lisa. Medyo emosyonal lang yan. Natural lang yan sa mga first timers." sabi ulit ni Rose.

"Naku babatukan na kita eh sinabi nang wag ka mag alala kung hindi mo kaya, nandito kaming lahat para umalalay sayo. Tigilan mo na yang pag iyak mo. Sasabihin mo ba o kami magsasabi. Nag aalala na sila sayo o." sabi ni Jisoo.

Hinarap ko sakin si Lisa. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya.

"Mahal, sabihin mo sakin kung anong problema. Sabay nating haharapin kung ano man ang bumabagabag sayo." sabi ko at tumango tango naman si Lisa.

"Kasi huhuhu... Kasi natatakot ako.. Huhuhu.. Kasi buntis ako. Hindi ko alam kung handa na ba ako sa responsibilidad." nagulat ako sa sinabi ni Lisa. Niyakap ko sya agad.

"Yun lang pala Sis. Kakayanin mo yan. Bago man sayo pero alam ko kakayanin mo. Tandaan mo palagi na nandito lang kami para sa iyo. Kung kailangan mo ng yaya andito naman ako. Aalagaan ko yang inaanak ko hahaha!" sabi ni V.

"Inaanak? Aba hindi pa nga nalabas nagprisinta ka na agad." sabi ni Jennie.

"Ganun din yun. Malamang lahat tayo ninong at ninang ng baby na yan." sabi ni V.

"O siya pakainin nyo na si Lisa at kailangan nya magpalakas. Alalahanin mo dalawa na kayong kakain. Bago ako umalis ibibilin ko sayo Jungkook kung ano ang pwede at hindi sa kanya. Sa ngayon pakainin muna natin ang mag ina mo." sabi ni Rose sa akin.

"Buti na lang may ob gyne tayo hehehe." sabi ni Jimin.

"Yes! Magkakapamangkin na tayo hahaha. Yahoooo!!!" sabi ni alien V. Napailing lang ako.

"Alien talaga. Mas excited pa si alien kaysa kay Jk. Hahaha. Tara na nga." sabi ni Jin.

"Mahal ayaw ko tumabi sayo. Ang panget mo." sabi ni Lisa.

"Ano mahal? Ang gwapo ko nga eh." sabi ko. Bigla naman umiyak si Lisa.

"Tahan na mahal, o sige mahal, ano ba gusto mo at ibibigay ko?" tanong ko.

"Gusto ko katabi si Jhope. Ang cute cute kasi nya eh." sabi ni Lisa.

"Paktay na!!!!!" sabay sabay namin sabi, maliban kay Jhope.

"Naku baby, sa lahat lahat bakit si Jhope pa huhuhu" sabi ko.

Ang saya ng araw ko. Akala ko malungkot ang graduation namin. Yun pala bibigyan ako ng the best perfect gift ever.