webnovel

Outing

Jungkooks Pov

Nasa byahe na kami papuntang beach. Syempre hindi sa isla ko hahaha. Secret ko yun eh. Dalawang sasakyan ang dala namin. Sa unang sasakyan nandun sina Suga, Namjoon, Jin at Jhope. Mga tahimik kasi sila ayaw nila ng magulo. Kaya kami ang nasa ikalawang sasakyan. Sina V, Jimin, Jennie, Lisa at ako. Si V ang nagdadrive. Katabi nya ako tapos sa likuran namin si Jennie at Lisa at sa huli si Jimin.

Narating na namin ang Acea Subic Bay.

Ang ganda dito. Mukhang mag eenjoy tayo dito." sabi ni Jennie. Tumango lang si Lisa.

"Ok dalawang tao sa isang room. Syempre yung dalawang girls sa isang room. Room 15 kayo. Kami ni Jin sa Room 13. Si Jhope at Suga sa Room 14 at sa Room 16 yung tatlong magugulo. Sa madaling salita share ulit kayong tatlo." sabi ni Namjoon.

"Thats ok with us." sabi ko. Naghigh five kaming tatlo.

Nagpasukan na kami sa kanya kanyang kwarto.

"Jk paano ka manliligaw kung laging nakadikit si Jennie kay Lisa." tanong ni Jimin.

"Hayaan nyo muna may tamang panahon naman dyan. Masaya akong nakikitang masaya sya dahil ok na sila ni Jennie. Alam ko deep inside sobra pa syang nagluluksa dahil sa kakambal nya." sabi ko.

"Grabe nga no. Dun kaya nya nakuha yung mga sugat nya? Pero bakit pinatay yung kapatid nya?" sabi ni Jimin.

"Naalala nyo sabi ni Jennie na maghihiganti si Lisa. Paano? Delikado sya kung ganon. Nung unang makita natin sya eh halos mawalan sya ng buhay tapos ngayon maghihiganti pa sya kasama si Jennie." sabi ni V.

"Ewan ko. Ang alam ko marami pa syang nililihim sa atin. Pero kahit ganun susuportahan ko sya sa gusto nya. Kung kailangan na sumama ako sa plano nyang paghihiganti ay sasama ako para lang masigurado ko na magiging ligtas sya." sabi ko.

"Taena brad inlababo ka na. Mukhang di ka makakaahon sa pagkakahulog mo. Wag ka mag alala nakasuporta kami ni Jimin sayo. Sasama kami sa laban nyo." sabi ni V.

"Taena ka rin alien pinapaiyak mo ba ako. Tignan mo si Jimin may uhog na kakaiyak. Hahaha." nagkukunwarian kami na naiyak. Madalang kasi magseryoso yang si V. At pagnagpayo siguradong tagos sa buto.

"Tara na baba na tayo. Nagtxt na si Namjoon. Nasa baba na daw sila pati sila Lisa." sabi ni Jimin.

Bumaba kaming tatlo. Nakita namin sila sa lobby na nag iintay. Nagsimula na kaming maglibot sa beach.

"Lisa picture tayo." sabi ni Jennie

"Sige, teka, wala tayong selfie stick." sabi ni Lisa.

"Ako na ang magpipicture sa inyo." prisinta ko at ngumiti si Lisa. Napangiti din ako. Click.....

"Kayo naman mga boys." sabi ni Lisa. Click.....

Ang saya ng paggagala namin sa beach. Nagutom kami kaya nag aya na silang kumain sa isang restaurant.

Masaya kami nagkukwentuhan. Pagkatapos kumain lumabas ulit kami sa beach. Habang naglalakad kami biglang may nagsisisigaw sa dagat.

"Ang mga anak ko! Tulong! Para nyo nang awa sagipin nyo ang mga anak ko!" nagmamakaawang sigaw ng babae.

Nakita namin sa malayo na malapit nang lumubog yung mga bata. Tatlong bata ang natangay ng alon. Iisa lang ang lumusong na life guard.

Nagulat ako nang biglang tumakbo si Lisa sa dagat.

"Lisa!" sigaw ko na ikinatingin ng mga kaibigan ko. Wala akong nagawa kundi sundan si Lisa. Nakasunod naman sakin si V at Jimin.

Napansin ko na napakabilis lumangoy ni Lisa. Kung mabilis kaming tatlo at nalagpasan na namin ang life guard eh si Lisa nakahawak na sa isang bata.

Yung dalawang bata lumubog na. Inabot ni Lisa yung isang bata kay Jimin. Kasi si Jimin ang nasa tabi nya.

Sumisid na si Lisa at sinundan namin ni V.

Nahawakan agad ni Lisa ang pinaka malapit sa batang lumubog. At ibigay sakin. Sumenyas sya na iakyat ang bata. Ipinasa ko kay V at umakyat na sila. Nilibot namin ang paligid. Malapit na akong maubusan ng hangin nang mamataan namin ung huling bata eh sumisid si Lisa ng mabilis. Nakuha nya ang bata. Nahawakan ko sila at nagsimulang umahon. Lumangoy kami hanggang makarating sa pangpang.

Naabutan namin na nag iiyak yung nanay ng mga bata. Ung isa ligtas na. Ung isa naman nilalapatan na ni Jennie ng lunas kasama si V.

Inilapag namin ung huling bata sa buhanginan. Sinimulan na ni Lisa na bigyan ng CPR ung bata. Natutulala ako kay Lisa dahil simula kanina parang ibang Lisa ang kasama ko. Hindi nya tinigilan ang bata, hanggang sa sumuka ito ng tubig at magkamalay. Nabigla ako ng umiyak si Lisa. Lumapit ako sa kanya at niyakap sya.

"Akala ko hindi ko na sya masasagip. Huhuhu...." sabi ni Lisa habang umiiyak.

"Shhhh tahan na Lisa. Nagawa mo.

Nasagip mo ang bata. Tahan na." pag aalo ko kay Lisa.

Dumating ang ambulansya at sinimulang dalhin sa ospital ang mga bata. Nagpasalamat ang nanay ng mga bata. Hindi pa rin natahan si Lisa.

"Lisa, tama na. Alam ko ang nararamdaman mo. Tumahan ka na baka nde ko na rin mapigilan ang sarili ko at bumigay na ako." sabi ni Jennie. Nakita ko na umiiyak na din sya at niyakap ni V.

Ang higpit ng hawak ni Lisa sa akin. Naramdaman ko na tumigil sya sa pag iyak. Mukhang nawalan na sya ng malay kakaiyak. Binuhat ko si Lisa at dinala sa kwarto nya.