webnovel

Leo and Lala

Jungkook's Pov.

Pinagmamasdan ko ang babaeng nasa harap ko na natutulog. Hinawakan ko ang isa nyang kamay at hinalik halikan. Sobrang humahanga ako sa kanya dahil nailuwal nya ang aming kambal ng maayos.

"Ang tagal naman ni Rose, gusto ko nang makita ang mga babies natin. Sino kaya ang kamukha?" sabi ni Jennie.

"Anong pakiramdam Jk na may mga anak ka na? Tangna Jk naunahan mo pa ako, ako ang panganay sa atin pero inunahan mo pa ako." sabi ni Jin.

"Di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko basta ang alam ko napakasaya ko. Pasensya ka ang bagal mo kasi." sabi ko kay Jin.

"Gawa na lang kayo ni Jisoo hahaha. Ayaw nyo bang totohanin? Di ba kinilig ka naman sa halikan ninyo ni Jisoo. Parang ayaw mo ngang paawat eh." sabi ni Jhope. Binatukan naman sya ni Jin.

"Mga sira ulo kayo kita nyo namumula na si Jisoo. Inuunahan nyo ako sa diskarte ko." sabi ni Jin.

"Ok lang samin basta wag mo sasaktan si Jisoo namin." sabi ni Jennie.

"Magsitigil na nga kayo. Baka magising pa si Lisa. Sya nga pala Jennie may problema tayo. Kailangan nating pag usapan ito sa headquarters." sabi ni Jisoo.

"Tungkol saan?" tanong ni Jennie.

"Tungkol kay Rose." sabi ni Jisoo.

"Confidential ba yan? Tungkol saan? Baka naman di nyo ako isama dyan. Magtatampo ako sa inyo lalo na at tungkol kay Rose." sabi ni Lisa. Napatingin kami lahat sa kanya kasi gising na sya.

"Kamusta mahal may masakit pa ba sayo? Nagugutom ka ba?" sabi ko.

"Masakit pa din pero kaya ko namang tiisin. Pwede na ba ako kumain? Asan na nga pala mga babies ko?" tanong ni Lisa.

"Dadalhin ni Rose maya maya. At tungkol kay Rose, sasabihin talaga namin sayo kasi alam ko ikaw lang ang may alam sa sitwasyon nya. Ewan ko ba dun naturingang pinsan ko di man lang sinasabi sakin." sabi ni Jisoo.

"Marami ka din kasing problema kaya ayaw ka nun sabihan. Nahuli ko lang sya na binebenta ng magulang nya kaya ko nalaman. Pagdumating sya wag kayong magbabanggit ng tungkol sa kanya. Mag usap usap tayo pag wala sya." sabi ni Lisa.

"Mahal baka mabinat ka nyan." sabi ko.

"Wag ka mag alala mahal, mag uutos lang ako at gagabayan lang sila sa desisyon nila. Nakaleave kaya ako para sa mga babies ko." sabi ni Lisa.

Bumukas naman ang pinto at pumasok si Rose at isang nurse hawak hawak ang mga babies namin. Ibinigay ni Rose sakin ang babae kong anak at ibinigay kay Lisa ang lalaki naming anak.

"Eto na ang mga babies ang cucute di ba?" sabi ni Rose.

Pinagkatitigan ko ang baby na hawak ko. Ang ganda nya. Di ko napapansin na tumutulo na pala ang luha ko. Tinignan ko si Lisa at naiyak din sya.

"Wag kang mag iiiyak sis, baka mabinat ka nyan." sabi ni V.

"Di ko mapigilan eh. Napakasaya ko kasi." sabi ni Lisa habang naiyak.

"Ano nga pala ang ipapangalan nyo sa kanila?" tanong ni Jisoo.

"Leonard Erroll Jeon at Lady Lavinia Jeon." sabi ko.

"Pero tatawagin namin sila sa pangalang Leo and Lala." sabi ni Lisa ng nakangiti.

Tumabi ako sa kanya at hinalikan ko ang noo nya.

"Salamat mahal at binigyan mo ako ng 2 malulusog at magagandang mga anak." sabi ko. Nakangiti lang si Lisa sa akin.

"Teka bakit iba ung mga gamit ng babies. Di ba ang dala namin puro white?" sabi ni Jimin. Sya kasi yung kumuha ng bag ng babies.

"Alam ko na kasi na kambal at boy and girl ang babies kaya bumili ako ng mga gamit nila hehehe. Eh ayaw nila tignan kung ano yung nasa ultrasound. Pero for sure alam ni Lisa na kambal anak nila." sabi ni Rose.

"Tama alam ko na kambal. Narinig ko kasing dalawa ang tibok ng puso kaya alam ko na kambal hehehe. Pero gusto ko surprise ang gender. Alam ko kasi nagpustahan kayo hahaha." sabi ni Lisa.

"Mga sira ulo kayo, pinagpustahan nyo mga anak ko." sabi ko. Napakamot lang sila ng ulo.

"Pakarga naman sa mga inaanak ko." sabi ni Jennie. Tapos kinarga nya si baby boy.

"Ako din gusto ko kargahin si baby girl. Kaso natatakot ako baka masaktan ko." sabi ni V.

Ibinigay naman ni Lisa si baby girl kay V at tinutuan nya itong magkarga. Tapos pinagkumpulan na ng mga kaibigan namin.

Lumipas ang ilang oras nagpaalam sila Suga, Namjoon at Jhope na uuwi dahil may meeting pa sila sa Baguio. Si Jisoo naman nagpaalam kasi may mission sya at ihahatid muna daw ni Jin si Jisoo bago umuwi. Si Jennie at V naman ay bumili ng mga pagkain namin.  Kami nalang nila Jimin at Rose ang natira.

"Rose pwede ka bang makausap? Yung tayong dalawa lang?" sabi ni Lisa.

"Tungkol saan? Kung sa baby lang bakit tayong dalawa lang pwede naman silang nandito." sabi ni Rose.

"Rose alam mo kung tungkol saan ang gusto kong pag usapan natin." sabi ni Lisa. Hindi kami naimik ni Jimin.

"Mabuti pa mahal labas lang kami ni Jimin para makapag usap kayo ng maayos." sabi ko kay Lisa. Hinalikan ko muna sya sa ulo bago lumabas ng kwarto.

"Bakit tayo lumabas ng kwarto? Tungkol ba saan ang pag uusapan nila at ayaw ni Lisa marinig ng iba?." sabi ni Jimin.

"Hindi ko alam pero nararamdaman ko na kailangan nilang mag usap ng masinsinan." sabi ko.

Nag hintay lang kami sa labas ng kwarto ng mahigit 30 minuto. Bumukas ang pinto at lumabas si Rose nang umiiyak. Dirediretso sya nalumakad paalis samin. Susundan sana ni Jimin kaso pinigilan ko sya at sinabing pumasok kami sa kwarto.

Nadatnan namin si Lisa na nakatingin sa mga kambal at hinahaplos haplos ang mukha.

"Anong klaseng magulang ang kayang ibenta ang anak? Hindi ko na kaya pang palagpasin to. Sa ayaw at sa gusto ni Rose aaction ako sa ginagawa ng magulang nya sa kanya. Masama ba akong kaibigan?" tanong ni Lisa.

"Hindi ka masama mahal, kahit ako kung ganyan ang nakikita ko sa mga kaibigan ko, gagawa at gagawa ako ng paraan para sa ikakabuti nila." sabi ko.

"Alam nyo maswerte sina Leo at Lala na kayo ang mga magulang nila. Alam ko mapapalaki nyo sila ng mabuti." sabi ni Jimin.

Bumukas ang pinto at pumasok si Jennie at V.

"Oh asan na si Rose? Sinabi nang kakain tayo, umalis pa ang loka." sabi ni Jennie.

"Jen kinausap ko si Rose." sabi ni Lisa.

"Oh that explain why she left. Oh edi tayo na lang kumain." sabi ni Jennie.