webnovel

A fight with Jade

Lisa's Pov

Nagprisinta akong kumuha ng pagkain at para na din makainom ako ng gamot. Iniwan ko muna sila Jk sa gaming room. Habang bumababa ako, nakarinig ako ng pagbasag ng plato. Dali dali akong bumaba at nagpunta sa dining room kung saan namin iniwan sila inay. Nagdilim ang paningin ko sa nakita ko.

Sinampal ni Jade ng malakas si Inay at di pa sya nakuntento hahampasin pa nya ng bag nya si inay Rita. Dali dali kong hinawakan ang bag ni Jade para nde na tumama kay inay.

"Anong problema mo at kailangan mong saktan si inay?" tanong ko.

"So inay mo sya? Eh tatanga tanga yang nanay mo eh. Tinapunan nya ng mabahong pagkain ang damit ko. Alam nyo ba kung gaano kamahal to? Para sabihin ko sa inyo mas mahal to sa buhay nyo!" sigaw ng maldita.

Nagdilim ang paningin ko at sinampal si Jade.

"Ikaw ang tanga. Nakita mo bang sinadya nya? Tao ka ba? Bakit kailangan mo saktan ang matanda sau ng dahil sa damit mo? Alam mo nde na ako magtataka kung bakit nde ka gusto ni jungkook at ng mga kaibigan nya. Panget ka na nga, panget pa ang ugali mo." sabi ko. Actually nde naman sya panget maganda sya pero ang ugali sobrang gaspang.

"How dare you say that to me. You dont know me. Do you know who are my parents? Their so powerful, so if i were you just shut up. You slapped me. And i will tell it to my parents. Just wait and see." sabi nung maldita

"I will do what ever i want to do with you. Yeah i dont know who your parents are and so what. Di pa rin tama na manakit ka ng tao kasi gusto mo." sabi ko.

Tumalikod ako sa kanya para tignan si inay. Napansin ko na magkabilang pisngi ang namumula kay inay. Nanggagalaiti ako sa babaeng ito. Walang pakundangan kahit pa matanda kausap.

Di ko na lang ito pinansin. Kukuha sana ako ng yelo para lunasan ang pamumula ng pisngi ni inay. Kaso natigilan ako ng may bumato sakin ng bag.

"Hindi ka ba titigil? Wag ka maghanap ng away baka nde mo kayanin. Sobra na pagtitimpi ko sayo. Lumayo ka na hanggat kaya kong pang magtimpi." sabi ko.

"Wala akong pakialam. Gagawin ko lahat ang gusto kong gawin." sabi nya. Lumapit sya sakin at sinabunutan ako.

"Aray! Ano ba! Tumigil ka na!" sigaw ko. Ang sakit kasi ng sabunot nya.

"Yan ang bagay sayo. Ang kapal ng mukha mo na lumaban sakin." sabi ni Jade.

"Tama na pwede ba. Tumigil na kayo." pag aawat ni inay

Masakit ang sabunot nya pero kaya ko itong tiisin. Wala pa itong sakit na ito sa dinanas ko nuon.

Nakahanap ako ng butas para hawakan ang kamay nya. Diniinan ko ang paghawak sa kanya hanggang sa bumitiw sya. Hawak hawak nya ang kamay nya dahil sa sobrang sakit ng paghawak ko. Sinigurado ko na bibitaw sya sa sakit ng pagkakahawak ko. Nakakita ako ng kutsilyo at itinutok sa kanya.

"Subukan mo pang lumapit sa amin at nde ako mag aatubiling saksakin ka. Inawat na kita. Sinabihan kitang tumigil na pero ano pang ginawa mo tinuloy mo pa. Lapit para magkaalamanan na tayo." sabi ko

"Tama na anak, bitawan mo ang kutsilyo." sabi ni inay

"Umalis ka na bago pa magdilim ang paningin ko. Alis!" sigaw ko

"Anong nangyayari dito?" tanong ni Jk.

Nakita kong lumapit si Jade kay Jk at lumingkis sa braso ni Jk at nagsumbong

Great! Paniwalaan kaya nya ito?