webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Teen
Not enough ratings
456 Chs

Kabanata 280

Ang pangyayare kaninang umaga pagka gising ni Kelly…

"Blurghh…"

Pagkagising na pagkagising ni Kelly nag tungo agad sya sa cr para mag suka hindi na rin niya ginising si Patrick dahil masyado pang maaaga at mahimbing pa ang tulog nito.

"Tuwing umaga nalang ako nag susuka ano bang nangyayari sakin?"

Gaya ng dati kinakausap na naman ni Kelly ang sarili niya kapag nag iisa sya sa banyo.

"Mabuti pa tanungin ko si kuya Kevin baka kailangan ko ng mag pa check up. Pero... ngayon nga pala yung meeting sa SM Corp.kung sasabihin k okay kuya baka hindi nya akopayagang umattend sa meeting bukas na nga lang."

May na amoy sya na hindi gusto ng ilong niya kaya na suka na naman siya "ano ba yon? Ang baho!"

Hinanap niya yung mabaho at nung nahanap niya pabango pala ito ni Patrick "bakit ganun nababahuan ako sa pabango ni Patrick? Samantalang ito pa nga yung ginamamit ko minsan dahil ang bango bakitg ngayon…"

Hindi na nya na ituloy pa ang sinasabi dahil na suka na naman sya.

"Ano ba ang nangyayare sakin?"

Kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan si Mimay at nag video call sila.

"Really? Ilang araw ka ng ganyan?"

"Ahm…recently lang baka mga 2 o 3 days na rin siguro."

"Yung menstruation mo ba regular?"

"Ha? Ano ba yang mga tinatanong mo?"

"Basta! Sagutin mo nalang."

"Irreg ako dati pa eh pero misan naman regular pa iba-iba eh."

"Ohhh…nahihilo ka ba?"

"Ngayon? Hindi naman pero kanina oo nung hindi pa ako nakakasuka."

"Ohhh...ganun pala."

"Ano? May sakit ba ako?"

"Shunga! Wala kang sakit."

"Ha? Eh bakit kung makatanong ka naman diyan wagas."

"Babygirl listen to me yang nararamdaman mo ay naranasan ko na kaya wag kang mag alala."

"Ano ga ang ibigsabhin mo?"

"Ganire ang gawin mo naalala mo yung binili natin ni Aliyah na PT?

"Wait, yung binili natin sa drugstore na pregnancy test?"

"Yes yun mismo at sakto ngayon dahil umaga kaya gawin mo na lang yung nasa instruction."

"Ha?"

"Babygirl, sa tingin ko kasi buntis ka."

"Ano? Ako buntis?"

"Wag kang mag alala di pa naman ako sure pero gawin mo yung sinabi ko mag PT ka para malaman mo kapag naging dalawang guhit yon it means true nga buntis ka pero pag isa lang negative yun lagyan mo lang s yang ihi mo. Wag kang matakot normal lang yan."

"Pero…"

"Like what I've said wag kang matakot hindi ba ready naman na kayo ni Patrick sa ganyan? Napagusapan niyo na yan di ba?"

"O— Oo pero Mims…"

"Don't worry magiging okay rin ang lahat. Sige na ha, nasusunog na ata yung niluluto ko balitaan mo nalang ako ha?"

"O— Okay."

Hinanap naman ni Kelly yung PT nilang binili ni Mimay nung nakaraan pero kinakabahan siya sa magiging resulta nito.

"Haysss…bahala na."

Nang matapos gawin ni Kelly yung lahat ng nasa instruction talagang na gulat sya sa kinalabasan nito "po---positive?"

"Knock…Knock…"

"Wifey, andiyan ka ba sa banyo?"

Pandalas na si Kelly na ibinulsa yung PT at pinahid yung luha niya bago sya sumagot kay Patrick "Ye—Yes I'm here do you need something?"

"Ayos ka lang ba?"

Binuksan ni Kelly yung pintuan "oo ayos lang ako sige mag cr ka na."

Papalabas na sana si Kelly ng banyo pero hinarangan siya ni Patrick dahil may napansin ito "umiyak ka ba?"

"Ha? Ba—Bakit naman ako iiyak?"

"Ang pula kasi ng mga mata mo."

"Ah…nag hilamos kasi ako eh. Sige na bababa na ako sumunod ka nalang."

Nag madali naman sa pag labas si Kelly "wi—wifey!!!"

***

Kasalukuyan,

Nag sisimula ng kumain sila Kelly ng kanilang dinner "maraming salamat po sa masarap na dinner tita." Ang sabi ni Kevin.

"Wala yon kami nga ang dapat mag pasalamat sa inyong magkakapatid kasi tinulungan niyo kami."

"Oo nga umuwi pa si kuya Kim para dun." Ang sabi ni Patrick.

"Nako, hindi naman nagkataon lang kasi na uuwi na rin kasi ako ng Pinas pero kailangan ko ring bumalik agad ng Canada one week lang ako dito."

"Ohh…so babalik ka na rin agad? Kamusta pala si Balae?"

"Ayos naman po si Mama, tita kinakamusta rin niya po kayo ni tito."

"Inform mo ako pag paalis ka na ha? Mag papadala ako ng pwedeng ipasalubong kay balae."

"Nako, nakakahiya naman po."

"Wala yon isang pamilya na tayo ditto kaya hindi niyo kailangan mahiya samin."

"Oo kung may kailangan kayo mag sabi lang kayo samin." Ang sabi naman ni Mr. Santos.

"Maraming salamat po kayo rin po kapag may kailangan wag kayong mahihiyang mag sabi samin di ba, tol?"

Matapos sabihin yun ni Kim siniko niya si Kian na wala sa mood "ano?"

Napansin ni Mrs. Santos na hindi nakain ng ayos si Kian "Hindi mo ba gusto ang pagkain? Gusto mo bang mag pa luto ako ng iba?"

"Ho? Hindi na po gustong gusto nga po ni Kian di ba honey?" Ang sabi ni Rica at kinurot niya si Kian.

"AHHHH!!!"

"Is there something wrong?"

"Wa— Wala po tita ayos lang po siya di ba?"Pinandilatan niya ng mata si Kian.

"O—Opo ayos lang po ako medyo busog pa rin po kasi ako kaya hindi po ako makakain ng marami. Just don't mind me."

Samantala sila Vince naman ay pinagkakatuwaan si Kelly dahil sa dami ng laman ng plato nito "ah…eh…wifey, kaya mo ba talagang ubusin ang lahat ng yan?"

"Oo nga! Kumain ka na nga lang ng kumain diyan."

"Pero kasi…"

"Hayaan mo sya sure naman akong hindi nya talaga yan mauubos hanggang takaw tingin lang naman yan mamaya tignan mo kung ano ang nasa plato niya ganun parin mamaya." Ang sabi ni Mimay.

Bulong naman si Dave "ganyan ka rin nung buntis ka eh."

"Wag ka ngang maingay!"

"Sorry naman excited na kasi ako."

Napatingin naman si Kelly kay Shai at Faith na nahihirapang kumain dahil sa dinadala nila kaya napahawak siya sa tyan niya at inisip niyang "paano kaya pag ganun ng kalaki ang tyan ko gaya ng sakanila? Parang ang bigat."

"Wifey, ayos ka lang ba? Bakit hawak mo ang tyan mo? Sabi ko naman sayo wag kang masyadong kumain eh."

Tumayo namang bigla si Kelly ng walang dahilan "wifey!"

"Shhh…makinig ka… at kayo rin pong lahat."

At nakuha naman niya ang atensyon ng lahat "what's wrong?" Ang sabi ni May.

"Ahm…ate kasi… BUNTIS PO AKO!!!"

Nagulat ang lahat dahil ang buong akala nila ay hindi pa alam ni Kelly na nag dadalang tao na ito "paano mo nalaman wifey?"

"Hmmm? Paano ko nalaman? Wait, bakit parang alam mo na?"

"Actually… alam na naming lahat."

"Ano?"

"Oo totoong nadadalang tao ka nga at kinumpirma yon ni Dra.Jinzel kanina nung nasa hospital ka." Ang sambit ni Kevin.

"Eh?"

"Yes babysis kaya congrats sa inyo ni baby bro." Ang masayang masaya naman na sambit ni May "ninang ako ha?" dagdag niya pa.

Napatingin naman si Kelly kay Patrick "so—sorry kung hindi ko na sabi sayo kanina gusto kasi nilang masurprise ka eh kaso…"

"Kami ang na surprised." Ang sabi ni Dave at nag tawanan sila.

Bigla namang napaiyak si Kelly "wifey bakit ka naiyak?" niyakap niya ang asawa at ganoon rin sya napaiyak na rin dahil sa galak.

"Hindi ko kasi inaasahan na ganito ang magiging reaction niyo sobrang kabado ako kanina nung nag PT ako tapos nag positive. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo."

"Don't worry andito lang ako hindi kita iiwan haharapin natin ang bagong journey na ito sa ating buhay. Kaya wag ka ng umiyak okay?"

"Naiyak ka rin kaya." Ang basagtrip na sambit naman ni Dave habang naiiyak na rin sila dun sa dalawa.

"Manihimik ka nga!" Ang naiinis namang sambit ni Mimay at bineltukan niya si Dave.

"Sweetheart naman."

"Heh!"

Nagtawanan naman ang lahat dahil dun sa aso't pusang mag asawa na hindi na magkasundo "congratulations po tita Kelly and tito Patrick." Ang sabi ni Jacob.

"Salamat baby." Ang sagot ng KelRick.

"Sana po baby girl."

"Nako baby hindi pa nila alam kung ano ang gender kasi hindi pa malaki ang tyan ng tita Kelly mo." Ang sabi naman ni Rica.

"Ohhh…ganun po pala yun…tita Faith kayo po alam niyo na ang gender ng baby niyo?"

"Oo baby di ba nasabi na namin sayo na boy uli ang baby naming ng tito Keith mo?"

"Ay, opo nalimutan ko po. Hehe…Ahm…kayo po tita Shai alam niyo na po ba ang gender ng baby niyo?"

"Hmm? Ah…eh…boy din eh."

"Oh? Puro po boy? Sana girl naman ang maging baby nila tita Kelly."

"I second demotion gusto ko rin girl." Ang sabi naman ni May.

"No way! Dapat boy rin para masaya di ba mga bayaw?" Ang sabi naman ni Richmond at nagulat sa kaniya ang mga kuya ni Kelly dahil sa unang pagkakataon sya ang nag insist na kumausap sa mga ito. "Ah…Ahm…ang akin lang kasi baka gusto nyo rin na maging boy ang maging anak nila Patrick you know boys always be boys."

"Oo naman!" Ang masayang sagot naman ni Keith na gaya ng dati feeling close parin sa kahit sinong makausap niya at umayon rin naman sa kaniya yung tatlo pa nila Kian pero hindi naman pumayag ang mag kababaihan gaya ng mom nila Patrick na gusto rin ay maging girl ang maging anak nila Kelly.

"Tara sa loob?" Ang sabi ni Patrick kay Kelly.

"Um…pero paano sila?"

"Hayaan mo mukhang nag eenjoy naman silang lahat at hindi nila mapapansin na aalis tayo."

"Okay?"

At dahan-dahan nga silang umalis doon sa may pool are at pumasok sa loob "gusto mo na bang mag pahinga?"

"Oo sana pero hindi pa ako inaantok."

Binuhat ni Patrick si Kelly "Oh? Bakit?"

"Para hindi ka na mapagod."

"Eh? Kaya ko pa naman ang sarili ko maliit pa naman ang tyan ko."

Habang naglalakad papunta sa kanilang kwarto patuloy naman silang nag uusap "wifey…"

"Hmmm?"

"Salamat dahil hinayaan mo akong maging ama."

"Para kang ewan!"

"Hindi ko rin talaga alam kung ano ba ang dapat kong maging reaction pero sobrang saya ko talaga ngayon, wifey."

Napaluha na namang muli si Patrick pero hinalikan siya ni Kelly sa pisnge.

"Sabi mo kanina wag akong umiyak tapos ngayon ikaw naman itong iyak ng iyak."

"Ehhh…kasi hindi talaga ako makapaniwala na magiging tatay na ako."

"Haysss…tung asawa kong ito napaka iyakin ikaw ba yung mag bubuntis?"

"Hinde, hayaan mo nalang na maging emosyonal ako kasi nga sobrang saya ko talaga."

"Sus…bahala ka nga pero pwede ba buksan mo na muna yung pinto ng kwarto?"

"Ay…oo nga pala, sorry."

"Wala ka na nga sa sarili mo."

***

Doon na nag palipas sa Santos Residence ang mga kapatid ni Kelly at pati na rin ang tropa nila na sila Dave.

At ginising ng malakas na sigaw ni Keith ang lahat ng naroon "AHHHHHHH…"

"Ano ang nangyayare?" Sabi nila Kian na humahangos.

"Si--- Si Faith kasi pumutok na yung panubigan niya."

Bineltukan naman siya ni Kian "ungas! Ikaw ba yung manganganak? Bilisan mo buhatin mo na sya."

"O—Oo kuya."

"Faith, relax lang magiging ayos rin ang lahat." Ang sabi ni Rica at dumating na rin naman sila Kevin at Kim pati na rin ang iba pa.

"Mabuti gising ka na Kevin pumutok na ang panubigan ni Faith itawag mo na agad sa hospital nyo."Ang sabi ni Kian.

"Oo kuya sige."

"Kim, yung sasakyan i-ready mo na."

"It's okay nasa baba na si Manong Berto dun niyo nalang isakay si Faith." Ang sabi ni Richmond.

"Thankyou bro." Ang sabi ni Keith hang dala-dala si Fiath.

"Sige na Keith mag dahan-dahan ka sa pagbaba."

"Oo kuya."

Inalalayan naman ni Kevin si Keith para madala ng ayos si Faith "salamat." Sabi ni Kian kay Richmond.'

Tinapik lang nito ang balikat ni Kian at bumaba na rin "pasensya na po kayo sa abala." Ang sabi naman ni Kian sa mga magulang nila Patrick pati na rin kay May.

"No worries bumaba na kayo at mag breakfast na tayong lahat." Ang sabi ni Mrs. Santos.

Nahuli naman sila Kelly sa pag bangon "anong nangyayare sino yung sumigaw?"

"Si ate Faith manganganak na." Ang sabi naman ni Vince.

"Ha? Nasan na?"

"Dinala na ni Keith sa hospital wag ka ng mag alala. Patrick, yang si Kelly ay may pag kalampa kaya tignan mo ang mga paa niya pag baba ng hagdan delikado buntis pa naman sya." Ang sabi ni Kim.

"Opo kuya."

"Sinong lampa?"

Pinisil naman ni Kim ang pisnge ni Kelly "tsss… wag ako bunso mag suklay ka nga muna nakakahiya sa mga biyenan mo."

Napatingin naman siya sa parents ni Patrick sabay hagod sa buhok niya "go—good morning po mom, dad."

"Pfft…parehas na parehas kayo ni Patrick."

Napatingin naman si Kelly sa buhok ng asawa niya at gaya niya gulo-gulo rin ito "daddy naman!" Ang sabi ni Patrick.

"Okay, tama na yan bumaba na tayong lahat at mag breakfast."

"Opo." Anila kay Mrs. Santos.

Pagbaba ng iba naiwan pa sila Kelly at Patrick sa may hallway "is there something wrong, wifey?"

"Wala naman bigla lang ako napaisip sa sinabi ni kuya Kim."

"Ang alin?"

"Yung sa pagbaba ng hagdan bigla akong na takot."

"Ha?"

"Bakit kasi ang taas-taas ng bahay niyo eh."

"Sorry…bubuhatin nalang kita pababa."

"Wag na, alalayan mo lang ako para safe si baby."

Napangiti naman itong si Patrick sa sinabing iyon ni Kelly kaya binuhat nalang nya ang asawa "sabi ko alalayan mo nalang ako bakit mo ako binuhat?"

"Ehhh… para mas safe ang baby natin."

"Haysss… para kang ewan."

"Love you."

"Love you more."

Yehey naka 280chapters na! I hope you geysh enjoy reading my novel. ^_^

• Basahin at bigyan niyo rin po sana ng comment, review at powerstone ang iba ko pang mga stories. Ang Be My Princess Ms. Faye and Chasing Her Smile.

•Beke nemen po. HAHAHAHA

lyniarcreators' thoughts