webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Teen
Not enough ratings
456 Chs

Kabanata 279

Nahimasmasan na sila Kian at Patrick at gaya ng inaasahan hindi sila makapaniwala na buntis na nga si Kelly.

"Kuya, ayos ka na ba?" Ang sabi ni Keith.

"Um…pero kung pwede lang ilayo niyo ang isang yan dito." Ang sama ng tingin ni Kian kay Patrick.

"Pero kuya si Patrick ang asawa ni Kelly at sya rin ang magiging ama ng dinadala ng kapatid natin."

"Haysss… nanggigil talaga ko diyan na nga kayo tulog pa naman si Kelly itext mo nalang ako kapag na gising na siya. Kailangan ko atang mag kape para magising sa bangungot na ito."

"Sama na ko." Ang sabi naman ni Kim.

At lumabas na nga yung dalawa humingi naman ng pasensya si Keith kay Patrick sa inasal ng nakatatanda nilang kapatid "Ayos lang po yon sanay naman na po ako kay kuya Kian."

"Wag kang mag alala matatanggap ka rin nun."

"Salamat po."

"Nga pala, kailangan ko lang bumili ng gamot ni Tum-Tum kaya aalis na rin muna ako ha? Babalik rin ako agad pagkabili ko babalik rin daw sila Vince dito mamaya. Ikaw na munang bahala kay Kelly ha? Tawagan mo lang si Kevin kapag nagising na si Kelly okay?"

"Sige po kuya ako ng bahala."

"Okay mauna na ko baka may gusto kang ipabili?"

"Ah, wala naman po pero si Kelly kanina gusto niya ng icecream eh kaso natunaw na po pwede po bang pakibili nalang siya?"

"Sige vanilla lang gusto niyang flavor yun ba yung sinabi niya sayo?"

"Opo kaso with eggpie and bacon po."

"Ano? Eggpie and bacon flavor?"

"Opo yun daw ang gusto niya kaya po siguro weird ang cravings niya kasi buntis pala sya."

"Ahhh…oo sige ako ng bahala naranasan ko nay an sa ate Faith nyo. Nako, mag ready ka na dahil sa mga susunod na araw lalong pa wirdo ng pa wirdo ang cravings ni Kelly. Ganon daw kasi kapag buntis."

"Ohhh.,, Sige po noted."

"Oh sya sige aalis na ko text mo nalang ako kapag may ipabibili ka pa ha?"

"Sige kuya salamat."

"Um."

Nang makaalis nga si Keith sya naming dating ng mga magulang ni Patrick kasama ang ate at kuya niya "kamusta na sya?"

"She's okay mom."

"Mabuti naman kung ganon."

"So, ano baby bro totoo nga na butis na si baby sis?" Ang tanong naman ni May.

"Oo ate kaso hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Kelly pag nagising sya."

"Ihanda mo na yang mukha mo sure masasapak ka."

"Daddy si kuya oh!"

"Richmond!"

Tumawa naman ng tumawa si Richmond hanggang sa bineltukan siya ni May "what the?!"

"Ang ingay mo baka magising si Buntis!"

"Tumigil na nga kayong dalawa hindi ba sabi ko bumalik na agad kayo sa company maraming kailangang asikasuhin."

"Yes Dad." Ang sabay na sagot nung dalawa.

"Sorry nga po pala hindi na naming natapos ni Kelly yung problema kay Tuazon."

"It's okay ang importante nasa maayos ng kalagayan si Kelly at ang magiging apo ko."

"Tama ang daddy mo wag niyo ng intindihin ang kumpanya ang ate at ang kuya mo ng bahala don."

"Mom is right kami na ni kuya ang bahala malaki na ang tinulong niyo ni Kelly sa pag iimbestiga para mapatalsik yang si Tuazon."

"Sabihin mo rin sa mga kuya ni Kelly na salamat sa mga ginawa nila yung Ethan na yung umayos about sa case ni Tuazon. Do you know him?"

"Oo kuya isa siyang pulis at the same time teacher rin sya ang bestfriend ng mga kuya ni Kelly."

"By the way, we plan na invite ng dinner ang mga kuya ni Kelly para na rin pormal na mag pasalamat tsaka sila Dave sabihan mo rin."

"Yes mom sasabihan ko."

"That's right sa dinner nalang."

"Anong sa dinner nalang ate?"

"Sa dinner mo nalang sabihin kay Kelly about sa good news."

"Ha?"

"Yes your ate is right I think mag luluto nalang ako para dun nalang tayo sa bahay what do you think honey?"

"Well, ayos lang sakin mag order nalang tayo ng ibang food para hindi ka na mapagod."

"No, it's alright para naman sa aking Kelly."

"Okay, bago ang lahat halika na May para matapos na natin ang dapat gawin bago mag dilim.'

Hinila na ni Richmond si May papalabas pero bago pa sila makalabas humirit pa ito "Mom, gawin nalang nating pool party."

"O=Okay?"

"I will call nalang Ms. Maricar para ayusin ang lahat ng kailangan."

"Halika na… ang daldal mo."

"Ouch…dahan-dahan naman kuya."

"Alis na po kami mom, dad…bro congrats kita nalang tayo mamaya."

"Thanks bro."

Pagkalabas naman nila May at Richmond nag pasalamat ang tatay nila kay Patrick sa nagawa nitong tulong para sa kumpanya nila na muntik ng mawala sa kanila "Dad, ayos lang po yun tsaka kumapanya natin yun pinaghiran niyo yun ni Mom kaya hindi ako papayag na mawala nalang yun ng basta-basta lang sa inyo. Pero hindi ko naman magagawa ang lahat ng iyon kung hindi ako tinulungan ng mahal kong asawa."

Hinawakan ni Patrick ang kamay ni Kelly at pinagmasdan ito habang natutulog ng mahimbing "ang laki na talaga ng ipinagbago ng anak natin." Ang pabulong naming sambit ni Mrs. Santos kay Mr. Santos habang pinagmamasdan nila si Patrick.

"Tama ka mahal ko nakikita ko ang sarili ko kay Patrick at sinisigurado kong magiging mabuti siyang ama sa magiging anak nila ni Kelly."

"Oo, maging masaya at matiwasay sana ang pagsasama nilang mag asawa sa bawat araw na lumilipas at dumarating."

","

Mga minuto pa ang nakalilipas sa wakas nagising na rin si Kelly at sila nalang ni Patrick ang nasa kwarto "Na saan ako?"

Nag pa linga-linga si Kelly at napansin niyang tulog si Patrick habang nakaupo at hawak ang kaniyang kamay "nasa ospital ba ako?"

Ginising niya si Patrick "hubby, wake up! Nasan ba tayo?"

"Oh, gising ka na pala may masakit ba sayo? Sandali lang tatawagin ko muna si kuya Kevin."

"Hindi na, ayos lang naman ako pero nasan ba tayo? Sa hospital?"

"Oo andito tayo wala ka bang maalala?"

"Hmm…naalala ko sinapak ko si Mr. Tuazon tapos bigla nalang umikot ang paningin ko tapos eto na nagising ako nandito na ako."

"Ohh…nahimatay ka kasi."

"Eh? Bakit?"

"Ha? Ah… Eh… Kasi…"

"Kasi…"

"Ahm… A—Ano kasi…"

"Ano nga? Bakit ba parang nautal ka? Kinakabahan ka ba?"

"Ha? A--- Ako?"

"Ay hinde ako nalang. Ano ba kasing nangyayare sayo?"

At bigla naming pumasok si Kevin kaya nakahinga na ng ayos itong si Patrick na kinakabahan kung papaano niya sasabihin kay Kelly yung about sa pag dadalang tao nito.

"Oh, buti naman at gising ka na. Kamusta na ang pakiramdam mo?"

"Ayos lang naman nagugutom na nga ako eh pwede na bang lumbas?"

Napatingin naman si Kevin kay Patrick at sumenyas ito kung nasabi niya naman yung about sa pregnancy "kuya?"

"Ha? Ano yon?"

"Sabi ko kung pwede na akong lumabas ayos naman ako eh."

"Ahhh…oo pwede naman na."

Patuloy namang nag kakasenyasan yung bayaw na hindi alam ni Kelly.

"Bakit ba parang ang weird niyo?"

"Ha? Hindi namna wifey. Sige lalabas na muna ako aayusin ko na yung bill mo."

"No need na ayos ko na."

"Ohh…salamat kuya."

"Ayos lang yon kapatid ko naman si Kelly at sainyo naman ang hospital na ito kaya don't bother, brother…"

"Ahhh…oo ng apala nalimutan ko."

"Wait, kalian pa naging sa inyo itong DLRH?"

"Babysis, wala namang hindi kayang bilhin ang mga Santos eh kaya wag ka ng magtaka yung dating shareholders lang dito ay may ari na ngayon."

"Eh?"

"Actually hindi ko rin alam yun wifey nabanggit lang sakin ni ate May na sya na pala ang may ari nito.'

"Ha? Akala ko ang daddy mo?"

"Hindi kuya pera ni ate ang ginamit niya hindi ba sya ang Director dito dati? At isa rin naman syang doctor dito kaya she decided na bilhin nalang ito sa mga De Los Reyes."

"Wait, hindi ko kayo gets doctor pala si ate May dito?"

"Oo wifey hindi ko ba nabanggit? Isa siyang dentist."

"Ohhhh…sorry nalimutan ko kala ko kasi isa lang businesswoman si ate May. Hindi naman rin kasi nakukweno sa akin ni kuya. Diba kuya Kevin?"

"Ha?"

"Ewan! Bakit ba parang lutang kayo? Anyways, gusto ko ng kumain."

"Sige, uuwi na tayo ipagluluto nalang kita."

"Okay. By the way ano nga palang nangyare sa kumpanya?"

"Wag mo ng alalahanin yun sila kuya at ate na ang bahala don."

"Okay sabi mo eh lets go na nagugutom na talaga ako gusto kong kumain ng chicken curry."

"Ha? Hindi ba ayaw mo nun kanina?

"Ehhh…gusto ko na uli eh may problema ka?"

"Wa— Wala po mahal na reyna."

"Tsss… tigilan mo nga yan nakakahiya kay kuy abaka sabihin niya inaalipin kita."

"Sus…bakit hindi ba?" Ang panunuksong sambit naman ni Kevin na maingat na tinatanggal ang dextrose kay Kelly.

"Kuya naman eh!"

"Nga pala bro, nag chat sakin si May na may pool party raw sa inyo mamayang gabi?"

Napatingin naman si Kelly kay Patrick "oo kuya parang pa thankyou party na rin po para sa pag tulong niyo samin. Kasama rin sila Vince at ang buong tropa."

"Eh? Nako, nakakahiya naman hindi naman nay un kailangan masaya na kaming makatulong sa kumpanya nyo."

"Ah…eh… about lang po ba dun ang sinabi sa inyo ni ate?"

"Bakit may iba pa ba dapat?"

Sumenyas namang muli si Patrick kay Kevin at nag kaintindihan na sila bago pa man nag tanong si Kelly "is there something wrong?"

"No---Nothing, everything is right. Halika na mag bihis ka na para makauwi na tayo."

"No need ako nalang nasan ang cr?"

Tinuro naman ni Patrick agad kung nasan yung cr at nag tungo naman na nga doon si Kelly at habang nag papalit ito ng damit nag usap naman yung dalawang mag bayaw "so, double celebration rin pala buti nalang at na gets ko agad yung mag sinenyas mo."

"Oo nga kuya eh kala ko mahahalata na ko ni Kelly."

"Mukhang hindi naman pag dating kasi sa mga ganyan medyo slow ang kapatid ko."

"Hehe…opo nga napansin ko rin."

"Oo matalino sya pero pag dating sa mga senayasan yung mga parang hand sign nako ayaw niya ng ganun tamad kasi siya sa mga ganyan gusto niya mabilisan lang. Kaya naiinis na sya kapag hindi ka direct to the point sa sinasabi mo."

"Opo ang bilis niya kasing magalit."

"Sino nag mabilis magalit?" Ang bungad ni Kelly paglabas niya ng cr.

"Ha… Ha…Ha… wala naman may dear ano aalis na ba tayo?"

"Tsss…kuya ikaw? Hapon na rin naman tara na."

"Mamaya pa kong 5pm eh mauna na kayo."

"Okay, kita nalang tayo sa bahay."

"Oo sige ingat kayo. Patrick ingat sa pag drive."

"Opo kuya."

***

Kinagabihan well informed na ang lahat about sa pregnancy ni Kelly at naka ready na rin ang pool at ang pagkain sa Santos Residence.

"Andito na po tayo." Ang sabi ni Patrick na nag drive ng van samantalang katabi naman ni Kelly sila Jacob at Tum-Tum na katabi ni Faith.

"Jacob gisingin mo na yang tita Kelly mo andito na tayo."

"Yes daddy."

At gaya ng sabi ni Kian ginising ni Jacob ang tita Kelly niya habang nag sisibabaan na ng sasakyan sila Keith "Mmm?"

"Gising na po andito na tayo sa bahay nila tito Patrick."

"Eh? Ang bilis naman."

"Ayos lang babysis hindi kasi traffic ang papunta dito." Ang sabi naman ni Faith na nag reready na ring bumaba "Keithaniel! Baka naman gusto mo akong tulungang bumaba?" Dagdag niya pa na hirap na hirap dahil sa laki ng kanyang tyan.

"Ay sorry babe halika ibigay mo sakin si Tum-Tum."

"Tulog buhatin mo nalang."

"Teka lang lalabas na muna kami ni Jacob para makapasok ka kuya."

"Mabuti pa nga ang sikip nyo diyan eh."

"Aba't anong gusto mong palabasin na ang laki-laki ko?" Ang pagalit na sagot ni Faith.

"Ah…Ahm… hindi naman naman sa ganun babe para lang maayos ko na makuha si Tum-Tum."

"Tsss! Palusot ka pa!"

"Hahaha... ikaw naman kasi kuya alam mo na ngang kabuwanan na ni ate Faith eh magtaka ka kung kabuwanan na niya eh ang sexy pa rin." Ang sambit naman ni Kelly.

"Kaya nga luko yang kuya mo eh gusto na namang mabugbog."

"Babe naman!"

"Ewan!"

Tinulungan naman ni Patrick na bumaba si Kelly "Ayieee… ang sweet naman ni tito Patrick parang tunay."

"Tung batang ito anong tingin mo sa ginawa ko fake? Lagi naman akong ganito sa tita mo ah."

"Sus…dami mong alam at ikaw naman Jacob sumunod ka na sa daddy at mommy mo."

"Ay, opo. Hehe…"

Nang makapasok na ang mag Dela Cruz sa Santos Residence napansin ni Kelly na masayang masaya si Patrick "aba, masaya ka ata."

"Oo wifey ngayon nalang ulit kasi ako nakauwi pero masaya talaga ako as in sobrang saya."

"Hmmm? Nakauwi ka lang sa inyo sobrang saya mo na ang babaw naman ng kaligayanahan mo."

"Hindi lang naman kasi nga ang pag uwi ko dito ang rason kung bakit ako sobrang saya eh."

"Eh ano naman yon?"

"Basta, malalaman mo rin mamaya tara na?"

"Haysss…pa suspense pa eh."

Ramdam ni Kelly na may kakaiba talaga kay Patrick ngayong gabi kaya balak niya na ring sabihin dito ang nalaman niya kaninang umaga.

Ano kaya sa tingin niyo ang nalaman ni Kelly? Hmmm...next chapter ka na... hihihi

lyniarcreators' thoughts