webnovel

Sa Wakas ay May Ginawang Tama (Katapusan ng Intermission Arc)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Sang-ayon ako!" Tumalon si Lin Lin mula sa kanyang upuan at mabilis na tumango. Isang pares ng malaki at maliit na mata ang kumislap kay Mubai tulad ng dalawang usa na natutukan ng headlights. Napahinuhod si Mubai ng may tawa. "Sige, pwede nating palitan ang pelikula."

Sa utos na iyon, tinulungan sila ng nagtatrabaho sa sinehan na baguhin ang pelikula. Magagawa nila ito dahil silang tatlo lamang ang laman ng buong sinehan.

Mas gumanda ang ere noong nanonood na sila ng animation. Patuloy na ipinapaliwanag ni Lin Lin ang mga eksena at tauhan kay Xinghe, natatakot na baka hindi niya maintindihan ang istorya. Tumatango si Xinghe ng may sigla. Si Mubai naman ay kinikimkim ang kanyang sama ng loob, na ninakaw ng kanyang anak ang kanyang lugar. Pero nagkaroon siya ng pagbabago ng isip. Hindi niya maiwasan ito nang makita ang maliwanag na ngiti sa mga mukha nina Lin Lin at Xinghe.

Hindi na mahalaga kung ano ang pagkain na kinain nila o kung anong pelikula ang kanilang pinanood, basta ang mga taong mahal niya ay masaya…

Ibibigay niya ang buong mundo para panatilihing tumatawa ang dalawa. Dahil sa pagbabagong ito ng kanyang kaisipan, makikita ang kanyang pagbabago at ang date ay mas naging interesante. Nilalapitan ni Lin Lin ang lahat ng may masiglang pananabik. Habang nangunguna siya, naranasan ni Xinghe at Mubai ang maraming klase ng bagay mula sa inosenteng pananaw ng bata. Ang kasiyahan ay puro at simole. Ang mga karanasang ito ay bihira matapos na ang isang tao ay hindi na isang bata.

Sumapit na ang gabi nang matapos silang magliwaliw.

Narating na ng kotse ang Purple Jade Villa at ang alinlangan ay makikita sa mukha ng lahat. Si Xinghe ang naunang nagsabi, "Aalis na ako. Alalahanin mong matulog ng maaga kapag nakauwi ka na."

"Okay, ikaw din, Mommy." Bigla ay hinila siya ni Lin Lin para yakapin at nahihiyang hinalikan siya sa pisngi. "Mommy, ito na ang pinakamagandang ng araw na naranasan ko ngayon, salamat."

Nanginig ang mga mata ni Xinghe at gumanti ng halik sa noo ng bata. "Ito rin ang pinakamagandang araw na naranasan ko sa buhay ko."

"Ako din." Hindi inaasahang humilig si Mubai at bago pa nakakilos si Xinghe, ay nakahalik na sa pisngi nito. Nagulat si Xinghe at, habang bahagya siyang napaatras, nasalubong niya ang mainit nitong titig.

Sinubukan ni Lin Lin ang lahat para pigilan ang ngiti sa kanyang labi at inosenteng nagtanong, "Mommy, hindi mo ba gagantihan ang halik ni Daddy?"

Biglang kumurba ang ngiti sa labi ni Mubai. Sa wakas, may nagawa ding tama ang bata.

Iniiwas ni Xinghe ang kanyang tingin at mahinang sinabi, "Aalis na ako, salamat sa pagsundo."

Binuksan niya ang pintuan ng kotse at makikita ang pagkabigo sa mukha ni Mubai.

Matapos makalayo ni Xinghe, inalo siya ni Lin Lin, "Daddy, huwag kang mag-alala, may susunod pang pagkakataon."

"Tuluyan mong sinira ang plano ko ngayon kaya huwag mong isipin na isasama kita sa susunod," pagbabanta ni Mubai sa kanya ng may halong biro.

Matagumpay na ngumiti si Lin Lin. "Pero Daddy, kung wala ako, sa tingin mo ba ay papayag si Mommy na lumabas kasama mo?"

"…" Ang maliit na demonyito!

Gayunpaman, sumuko din si Mubai sa kanyang anak. Kung wala si Lin Lin, siguro ay hindi magiging masaya ang araw na ito, at hindi papayag si Xinghe sa date na ito sa una pa lang. kaya naman, may pakinabang din pala ang batang ito…

Noong sumunod na araw, umalis ng bansa si Mubai at bumalik si Xinghe sa lab para gawin ang kanyang pananaliksik.

Maingat sila laban sa madidilim na puwersa na posibleng pumupuntirya sa kanila. Matapos lasapin ang kung ano ang pwedeng mawala sa kanila, mas naging determinado sila na protektahan ang kaligayahang mahahawakan nila. Hindi na sila magbibigay ng awa pa sa mga taong nagbabanta na sirain ang mga ito!