webnovel

Biglaang Pagbabago ng Katungkulan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi naman santo sina Xinghe at Mubai. Hindi sila magdadalawang-isip na wasakin ang kanilang mga kaaway, at sa oras na ito, ang kanilang kaaway ay nangyari na naging iisang tao kaya siguradong hindi ito magkakaroon ng magandang katapusan. Ngayon ay naghihintay sila kay Mubai na magbalik ng may magandang balita at si Feng Saohuang ay magiging isa na lamang alalahanin sa nakaraan. Sa madaling salita, ang mga araw ni Feng Saohuang ay bilang na.

Ganoon din ang iniisip ni Saohuang sa Xi family. Ito ay dahil sa tulong ng Lin Family, ang sulat ng katungkulan na nagpapangalan kay Munan bilang pinuno ng Flying Dragon Unit ay biglang nagbago!

Sina Munan at Saohuang ay parehong itinatalaga sa katungkulan.

Bibigyan ang bawat isa ng magkahiwalay na lupon para sanayin. Matapos ang anim na buwan, lalahok sila sa isang drill. Kung kaninong lupon ang mas maigi ay siyang magiging pinuno at ang kabila ay magiging ikalawang pinuno ng lupon. Sa madaling salita, ang karne na nasa harap na ng bibig ni Munan ay biglang kinuha. Ang papel ng pinuno ay naging bagay na kailangang pagtalunan. Ang kalaban niya ay hindi madaling talunin, kakailanganin niyang pagtuunan ng buong pansin ito para magkaroon ng pagkakataon na manalo.

Nang matanggap nila ang balitang ito, agad na nag-imbestiga ang Xi family para malaman ang katotohanan. Hindi na kailangan pang sabihin, na may kinalaman ang lahat sa Lin family. Ang impluwensiya ng Lin family ang nagbigay ng pagkakataon para mapunta ito sa kamay ni Saohuang.

"Mukhang may plano ang Lin family na maging kaaway tayo," seryosong sinabi ni Lolo Xi na halata ang pagkainis.

Dumagdag din si Jiangnian ng parehong disgusto, "Ama, ginawa na nila. Halata ang galaw na ito para kalabanin tayo."

"Dahil lang sa nabastos natin si Lin Yun?" Tuya ni Munan. Ang impresyon nila sa Lin family ay bumagsak ng mas mababa pa sa lupa. Mas maraming sinasabi ang aksyon kaysa sa salita, at ang kanilang pagkilos ang nagpatunay ng kakitiran ng kanilang isip at kasuklam-suklam na pag-uugali.

Umiling si Lolo Xi. "May mas malalim pa doon. Mukhang may mas maitim na plano pa ang Lin family laban sa ating Xi family. Magdoble-ingat ang lahat, isang buong pamilya ang kakalabanin natin dito."

"Lolo, huwag kang mag-alala. Hindi ko hahayaan na kuhanin ito ni Feng Saohuang mula sa akin!"

Tumango si Lolo Xi. "Tama ka, ang pangunahing bagay ngayon ay ang tulungan kang matalo si Feng Saohuang. Kahit na ano ang mangyari, hindi mo siya dapat hayaang manalo, hindi dapat mawala sa atin ang pagkakataong ito. Kung hindi, malalantad ang kahinaan natin at ito ang magbibigay sa ating mga kaaway ng butas na kailangan nila."

"Yes!" May kabagsikang pangako ni Munan. Sa ilalim ng kanyang masiyahing hitsura ay isang maaasahang binata. Naniniwala si Lolo Xi sa kanyang kakayahan.

Gayunpaman, alam nila na hindi ordinaryo si Saohuang. May kakayahan si Saohuang na panindigan ang mga ambisyon nito. Mas malaki ang magagawa niyang pangalan para sa sarili kung naipanganak siya sa mas magandang pamilya. Gayunpaman, ang katotohanan na nagawa nitong makarating ng malayo ay patunay ng kanyang husay at talento.

Kapag nagawa niyang manalo, makakalipad siya ng mataas sa langit. Pagkatapos niyon, ang mga araw ng Xi family ay mabibilang na. Kaya naman, kahit na ano ang mangyari, kailangan nilang masigurado na si Munan ang magiging pinuno ng Flying Dragon Unit!

Para mapadali ang paghirang ng katungkulan, nagsimula na agad ang pagsasanay. Nagpunta na sa kampo militar sina Saohuang at Munan. Binigyan sila ng magkapantay na dami ng tauhan. Ito ay para maging isang patas na kompetisyon at ang magwawagi ay matutukoy matapos ang anim na buwan. Kaya naman, ang susunod na anim na buwan ay panahon ng mataas na pakitaan ng lakas.

May malaking karanasan at marami nang napatunayan si Munan at may mahahalaga siyang mga koneksiyon. Ang lupon niya ay mabilis na napabuti sa unang araw pa lamang.

Ganoon din ang nangyari sa lupon ni Saohuang. Magkapantay sila na may kakayahan pero mas may militanteng estilo siya ng pagsasanay.