webnovel

Mortem University

The only way to survive is to DIE.

MarieMendoza · Realistic
Not enough ratings
8 Chs

Mortem 07

Lunch with Me

Hindi kami pumasok sa klase. Hinayaan nila akong tumambay dito sa opisina nila. Simula nang maikwento ko kaninang umaga ang nangyari sa cafeteria ay hindi na nila ako hinayaan pang lumabas mag isa..

"Okay ka lang diyan?" Fatima asked. Tumayo siya at lumapit sa akin.

Aside from the tables, mayroon ding parang isang sala set sa loob nito. Nasa pinakagilid iyon at hindi mapapansin kaagad kapag pumasok. They also have a small pantry and coffee maker.

Tumango ako at ngumiti. I noticed that they have a lot of things to do. Gusto ko na sanang bumalik na lang sa dorm pero baka mag alala pa din sila.

"Aren't you hungry?"

I shook my head kahit sa totoo lang ay nagugutom na ako. It's passed 12 noon, late na sila kumain kanina kaya panigurado ay hindi pa nga sila gutom. Napaangat ang tingin naming lahat nang tumunog ang upuan ng nasa gitnang lamesa.

"Come with me." He ordered without looking at anyone..

Nagkatinginan kaming lahat. Biglang sumidhi na naman ang kaba ko sa kaniya.

"Whom are you referring to, Rex?" Tanong ni Dash na nakasalamin din habang nakaharap sa laptop. So may advantages pala sila kumpara sa amin.

They look like nerd leaders right now dahil sa mga suot na eyeglasses. Nawala ang iniisip ko nang higitin niya ako sa pala-pulsuhan.

"T-teka..." Tumingin ako kina Sophie to get some help but they just thumbs up and smiled at me as if I am safe with this guy. But seriously? He can kill me in just a snap!

"Ingatan mo 'yang kaibigan namin, Rex!" Pahabol ni Sophie.

Why do I feel like they are shooing me with this guy?

"S-saan tayo pupunta?" I managed to ask.

Mainit ang kamay niyang nakapalibot sa akin. He did not answer me. Ang isang kamay niya ay nakasuksok sa bulsa ng pantalon na suot.

Ngayon ko lang din napansin na hindi pala siya nakauniform. Sabagay, why would he wear uniform if he is not studying anymore? Masyado na siyang matagal dito, I also wonder how old he is, but based on his looks, mukha namang ilang taon lang ang tanda niya sa akin.

Dumiretso kami sa likod ng Dormitory buildings. Natigilan ako, pero wala akong lakas ng loob na kumawala sa hawak niya. What is he planning to do?

"You know how to cook?"

My eyes widened when I saw a two-storey house inside the forest. My mouth opened a bit. Kaniya ito?

"N-no.." I plainly answered. Totoo naman, kahit pagpiprito ay hindi ko alam.

"You should not lie when you know you're starving." That stopped me from my track. Naramdaman niya iyon kaya tumigil din siya at tumingin sa akin. Tinaasan niya lang ako ng kilay bago nagsimulang maglakad muli, but this time, hindi niya na hawak ang kamay ko.

Binuksan niya ang pintuan, he waited me to get inside before he does. My mouth gaped open. Halatang lalaki ang nakatira dito dahil halos lahat ng gamit ay kulay black.

He has a sala set in the middle, flat screen t.v. and not far from the sala is the dining table. Sa gilid pagpasok sa pintuan ay ang hagdan paakyat.

"Seat down. I'm just going to cook."

All I did is to watch him walk towards the kitchen. Why?

Why would he cook for someone like me? Pwede naman kaming bumili sa cafeteria o magtake out na lang doon.

But why put effort to cook for someone you just know?

My breathing became uneven.

Umiwas ako ng tingin at naupo sa sofa. Humalukipkip ako at pumikit. This day is not nice, pagsalubong sa umaga ko ay gulo kaagad. Then I was saved by their King and now he's cooking for me. Nice, Isabella.

Hindi ko napansin na napasandal na pala ako at nakatulog sa sofa.

"Hey," Naramdaman kong may tumatapik sa pisngi ko.

My forehead creased. Naamoy ko kaagad ang mabangong samyo ng pagkain.

"I'm going to throw you outside if you don't wake up."

Mabilis akong napaupo when I found out whose voice was that. Our eyes met and I can't help but to gulp. Wala na siyang suot na eyeglass, pero nakasuot pa din siya ng apron na...

T-teka.. Kulay pink ba iyan?

"Done checking me out, Ms. Alcantara?"

I pursed my lips and stand up. Gusto kong mapangiwi sa sarili ko. Nakatulog ako sa sofa niya nang hindi ko namamalayan.

Ready na ang lahat nang makarating kami sa lamesa. Hindi ko akalain na may side siyang ganito.

Who would have thought that Mortem's President knows how to cook?

Inalis niya ang suot na apron at umupo na sa harapan ko. Hindi ko magawang tingnan siya.

Hindi din ako makakilos. Baka sabihin niya naman na ang kapal ng mukha ko kapag nauna akong kumuha ng pagkain.

"Tsk.." I heard him say.

"H-hey!" Pagpigil ko sa kaniya nang lagyan niya ang plato ko ng pagkain.

"Just eat, or I will throw you outside."

I just stared at the food in my plate. How could he? Ang daming pagkain!

Okay, hindi naman ako masyadong body conscious, but still.

I just pouted and get my utensils. Unang subo ko pa lang ay nalasahan ko na agad kung gaano kalinamnam ang ulam na niluto niya. Hmmm.... not bad for a guy like him. But seriously speaking, he's way better than I expected. Pwede siyang maging professional chef and I'm not kidding.

Napansin ko na hindi pa siya nagsisimulang kumain kaya napatingin ako sa kaniya. Nailang ako nang mapansin na titig na titig siya sa akin.

"W-why?" I asked. Hindi siya sumagot, tumaas lang ang kilay niya at parang may hinihintay na sabihin ko. "Uhh... thank you?"

"Tsk.." He said again and rolled his eyes unto me. Ano ba dapat ang kailangan kong sabihin?

O may nasabi akong mali?

Ang hirap naman niyang intindihin.

Mali ba iyong naririnig ko tungkol sa kaniya?

"Ungrateful woman." He whispered but enough for me to hear.

Ano daw? I said thank you na, 'di ba?

Sumandok na lang ako ng isa pang ulam na niluto niya, if I'm not mistaken, this dish is chicken adobo. Though yes, this is my favorite.

I stopped when the sauce filled in my tastebud.

He also stopped and looks at me. "Why?" Siya naman ngayon ang nagtanong.

Mangha akong napatingin sa kaniya. I've been eating a lot of different ways cooked chicken adobo, but this?

"Oh my gosh...." I utter.

I don't know if it's just me or talagang may bumahid na kaba sa mga mata niya. He creased his forehead and leaned towards me a little.

I saw him gulped, too and his ears turned red.

"What's the matter? Does it--"

"Oh my gosh, Rex! This is the best dish of chicken adobo I've ever tasted!"

And just like that, the tension I have with him faded. Like the smile he hided after I said those words.

Iyon siguro ang hinihintay niya kanina pa, am I right?

For me to praise his cooking skills. And I just didn't know that for a Mortem's King like him, that will matter to him.

That lunch is I guess, that start of our friendship too.

*****

Marie Mendoza

@ThirdTeeYet