webnovel

Mortem University

The only way to survive is to DIE.

MarieMendoza · Realistic
Not enough ratings
8 Chs

Mortem 06

Rex saved You

Pangalawang araw ko pa lang ngayon. Pakiramdam ko ay may nagbabago sa akin. Natatakot ako, pero mas natatakot ako sa sarili ko.

Ayoko nang bumalik sa dating ako.

Pagbaba ko ay wala si Sophie at Fatima. Sakto namang palabas si Ashley sa pinto pero natigilan nang makita ako.

"Punta ka na lang muna sa cafeteria. May aasikasuhin lang kaming tatlo sa council. Mag iingat ka, Sab."

Tinanguan ko na lang siya. Mukhang maiiwan pala ako ngayong araw.

Nakalimutan ko na sa bandang huli, may mga pagkakataon pa din na kailangan kong intindihin ang sarili ko dahil hindi sila palaging nandiyan.

Iba ang mundo nila sa mundo ko kahit pa nandito kaming lahat.

Paglabas ko ng dorm, sumalubong agad sa akin ang kakaibang tingin ng mga nandito. Bulgaran nila akong titigan palibhasa, wala sina Ashley.

Kahit may takot akong nararamdaman, pinilit ko na huwag na silang pansinin at panatilihin ang tingin sa unahan. Walang emosyon na mababakas sa mukha ko.

Kung hindi ako lalaban para sa sarili ko, parang inialay ko lang ng walang kahirap hirap ang buhay ko sa kanila, at iyon ang hindi ko hahayaan.

Lolokohin ko ang sarili ko kung hahayaan ko lang silang paglaruan ako.

Pagdating ko sa cafeteria ay umupo agad ako sa bakanteng mesa at umorder na. Napansin ko na tahimik ang paligid, maliban na lang sa lamesang nasa gitna.

They have a unique way of dressing. There's a total of 9 boys and only one girl. Umiwas agad ako ng tingin nang mapatingin sa akin ang isa nilang kasamahan.

I am a newbie and I know that they're itching too much to have a grip of me.

Dumating ang pagkain ko, nagsimula na ako nang hindi sila tinatapunan muli ng tingin.

I am used to this life before. Eating alone, just spending all the time I have being alone. But since I came here, I had a chance to have someone to call as a friend.

Natigilan ako sa pagkain when a group of people entered the cafeteria. The tension between them and the group in the middle rises up.

Who are they?

Ang ilan ay nagmamadaling umalis. Mayroon pang halos magtago sa ilalim ng kanilang mesa.

I gulped when I realized that I'm just few tables away from them.

Ang mga lamesang nagsilbing espasyo ko sa kanila ay pawang wala nang mga laman.

But my stomach is growling and I am not myself if I won't eat. Hindi naman siguro sila magpapatayan, hindi ba? Bawal ang pagpatay sa ganitong oras. Lalo na sa white areas. White areas ang mga lugar kung saan safe ang lahat ng estudyante kahit gabi dahil bawal pumatay sa loob niyon.

Isa ang cafeteria dito. Comfort rooms, dormitory buildings, at theater zone. Ang classrooms ay hindi kasali sa white areas, red areas ang tawag sa classroom dahil pwedeng pumatay doon pero sa gabi lang.

At ang black areas ang mga lugar na walang pinipiling oras.

"Nasaan ang leader niyo?" I heard from the group of people beside me asked.

"Bakit? What do you need from him?"

Ramdam ko ang pagtayo ng balahibo ko nang tingnan ako ng lalaking may pulang buhok, isa siya sa mga kakapasok lang at nasa kanan siya ng lalaking parang leader nila. They are all good-looking but they also scream danger.

"Tell him not to mess up with my members. Subukan niya lang manghimasok ulit sa teritoryo ko, magkakasubukan na kami."

Pumailanlang ang isang tawang nakakakilabot. I know I'm exaggerating, but that's what I feel!

"My, my... Why don't you tell that to him personally? Natatakot ka ba?"

Nagsitayuan na ang mga nakaupo at nag ipon ipon sila hanggang makaharap ang mga lalaking naka itim. Ngayon ko lang napansin na ang mga nakaupo kanina ay pawang nakamaroon.

May ngisi sa labi ng bawat isa pero ang mga nakaitim ay seryoso lamang.

Gusto ko nang umalis pero para akong napako sa kinauupuan ko nang magsimula silang umatake sa isa't isa!

Halos mawasak ang mga lamesa at upuan na sumasalo sa bawat suntok at sipa nila sa isa't isa.

Napatayo ako nang wala sa oras, pero kahit anong gawin ko ay hindi ko magawang kumilos para umalis!

I hitched my breath when the guy with red hair walks towards me.

Napaatras ako.

What is he planning to do?

"A newbie?"

I just want to ease my hungry stomach, why am I here right now in the middle of these two groups' fight?

Napalunok ako nang mas lalo pa siyang lumapit. Ramdam ko ang pangangatog ng binti ko, lalo na at wala na akong maatrasan.

"Do you wanna play with me, little cat?"

My eyes grew bigger when he speaks right through my ear. Sa sobrang lapit niya ay naaamoy ko ang kaniyang pabango.

Damn! Why can't I just punch him and get away?

No, Isabella, that would be a death wish for you.

These guys are surely no joke. Lalo na sa pinakitang expression ng mga estudyante sa kanila.

He is about to touch me when suddenly everyone stopped from fighting.

"R-rex.."

I heard someone said in the crowd. I creased my forehead.

"Don't dare to touch her, Freckleton."

A deep, cold voice interrupted this messy scene.

Kahit ako na hindi kasali ay nanigas sa kinatatayuan ko. Kung nakakatakot ang dalawang grupong ito, wala sa kalingkingan noon ang takot na nararamdaman ko para sa bagong dating.

He has black messy hair, black orbs and pointed nose. Red thin lips, hawk-like eyes and perfectly-angled jaw. Matangkad siya at maputi.

Hanggang balikat niya lang yata ako.

Walang emosyon ang mukha niya, parang inaantok na timatamad na hindi ko talaga mawari.

Lumipad papunta sa akin ang tingin niya, and when our eyes met,

I hitched my breath.

"Feisty, huh..." I heard this red-haired guy said.

Siya lang ang namumukod tanging nakangisi sa lahat sa amin dito.

"First warning," The guy said to this red haired guy.

Nakapamulsa siyang naglakad palapit sa amin. Yumuko ang lalaking may pulang buhok nang magkatapat sila ng lalaking ito.

"Cafeteria is a white area. Better be ready with the consequence of your action."

Iyon lang at hinigit niya ako palayo doon.

Who is this guy?

Why does everyone fears him?

I can't help but to stare at him. He's devilishly handsome, I must say. Madaming gwapo na akong nakita dito sa Mortem pero kakaiba ang appeal niya..

Isama pa na he's wearing an eyeglass. Parang ang inosente niyang tingnan pero sa kabila noon ay ang nakakatakot na aura niya.

Para bang kapag tiningnan ka ng mga mata niya, maging handa ka na.

"Sab!!"

I realized that we went to the Office of the Council. Nakahinga ako ng maluwag nang yakapin nila ako.

Magkakatrauma yata ako nang dahil sa kagutuman ko. I swear to God na hindi ko na uulitin iyon!

"Rex, why is she so pale?"

W-wait...

"Ask her."

He just said and sits down on his chair. Nasa isang kwarto kami kung saan may pitong lamesa. Three on both sides and one on the middle. Nanlaki ang mata ko nang marealize ang katauhan ng lalaking nagligtas sa akin sa gitna ng gulo!

"Sab, are you okay? Masama ba ang pakiramdam mo? Sorry, hindi na ako nakapagluto. Rex told us to be here early this morning, eh." Sophie sincerely said pero parang nililipad ang utak ko.

My neck almost freeze when I'm turning to look at him. But my breath stopped when he's looking at me too with a smirk on his face while playing with his pen. T-this guy....

HE IS SIMON FREAKING KING MONTALVAN?!

*****

Marie Mendoza

@ThirdTeeYet