webnovel

Mission: Playing with Fate

Jessica Strauss works for a secret organization created to play with other people's fate--either she attaches them, breaks them up, or maybe something deeper than that. She's busy making the world a little more exciting, but what she doesn't know is that her own fate is being played by someone else--someone *very* close to her heart.

xJaeger · Teen
Not enough ratings
21 Chs

9: Biyaheng Langit

Chapter 9

Second day na namin ngayon dito sa bar. Dapat ngayon lang kami gagawa ng action pero nakapag-improvise kami kahapon kaya sure akong madaling matatapos ang mission namin. Expected kasing next week pa kami matatapos kung sinunod namin ang plano namin.

Flame flicked Daniel's button by flirting with Nicole and I touched a part of Daniel's heart by telling him his faults indirectly. 65% complete na ang mission, thank heavens.

Come to think of it, after ilang years ngayon na lang ulit ako nagkaroon ng Alpha Mission. Maybe, just maybe, pinapaalala lang sa 'kin ang feeling to be happy when you bond people and not break them up.

"Ehem." Just like the last time, ehem pa lang niya ay alam ko na kung sino siya.

I looked at him while he flashes his sweetest smile before sitting in front of me. He's wearing a blue 3/4 polo na naka-unbutton ang tatlong taas na butones. Oh my freaking marshmallows, super hot niya! Feeling ko tuloy nanlalambot ang tuhod ko kahit nakaupo ako.

"W-what are you doing here?" Tanong ko sa napakagwapong lalaki sa harapan ko.

"Sungit naman. I'm here to hang out. Bawal na ba akong uminom ngayon, miss?" Nakangusong tanong ni Adam bago ipatong ang mga kamay niya sa mesa.

"Of course not, akala ko kasi busy ka sa office," batid ko bago ako napayuko dahil sa hiya.

Naalala ko na naman kasi ang nangyari sa 'min sa bahay niya. Nakakahiya talaga! Sana kainin na talaga ako ng lupa.

"I am, but it's a Friday night and I came here to watch," sagot niya habang nakahawak sa baba niya na parang may malalim na iniisip. Napatingin naman ako sa kanya habang nakakunot ang noo. Tss! Babae siguro ang pinunta niya dito.

"Watch what? Hindi ito strip club, Mr. Adam Knight. Pwede ka nang umalis. Shoo shoo!" Iritableng sabi ko bago inumin nang straight ang Martini sa baso ko.

Binalik ko ang tingin ko sa kanya at halatang sumeryoso ang itsura niya kaya napainom na lang ulit ako. Alam ko naman sa sarili kong hindi niya ako magugustuhan kahit kailan pero sana naman hindi siya naghahanap ng babae sa harapan ko, diba? Sobrang sakit kasi eh.

"I'm here to watch you," bulong niya pero rinig na rinig ito ng buong sistema ko.

Nasamid naman ako at muntik ko nang maibuga ang iniinom ko dahil sa sinabi niya. Pumasok ata sa ilong ko ang iniinom ko kaya halos mapaiyak ako sa sakit. Naramdaman kong tumabi siya sa 'kin bago tapikin ang likod ko.

"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Adam habang hinahagod pa rin ang likod ko.

Tumango na lang ako dahil hindi ako makasagot nang maayos. Nakita kong ngumuso siya kaya napangiti ako nang lihim. Who would have thought that a guy this handsome can be super cute at the same time?

"Grabe ka naman kasi, hindi kaya ako nag-gaganun. Baka si Nick—" Naputol naman ang sasabihin ni Adam dahil nagsalita si Nicholas na nasa likuran na pala namin.

"What? Ano ako?" Masungit na tanong niya habang nakataas ang isang kilay. Umupo naman siya sa harap ni Adam habang tinitignan siya nang masama.

"Hehehehe. Sabi ko, mabait ka rin. Nick! Pinagbintangan ako niyang babaeng 'yan na nagsistripclub daw ako," sumbong ni Adam sa matalik niyang kaibigan habang tinuturo ako. Para talaga siyang bata. Sobrang cute, ang sarap i-uwi!

"Jess, he's not going to strip clubs. Trust me. He might even run away after seeing a girl naked," pang-aasar ni Nicholas bago ngumisi.

Tumatawa pa rin siya kahit kanina pa siya tinitignan nang masama ni Adam. Hala, paano na 'yan kapag kasal na kami? Tatakbo kaya siya? Hahahahahaha, asa naman ako.

"Umamin na kasi kayong dalawa na magjowa kayo. Hahahahaha. Bakit kayo nandito?" Masayang tanong ko habang salitan silang tinitignan.

"First reason, it's Krypton's first mission and I'm here to support him as a boss and as a friend," paliwanag ni Adam bago kumuha ng nachos ko. Lagi na lang siyang gutom, talaga naman.

"Second reason, we're here to watch you. After such a long time, ngayon ka na lang ulit nagkaroon ng Alpha Mission so we wouldn't let it pass," nakangiting pagpapatuloy ni Nicholas bago hilahin ang nachos ko papunta sa kanya.

Monthly period niya ngayon? Bakit ngumingiti 'yan? Napansin ko namang sumimangot si Adam bago siya lumipat sa tabi ni Nick para makakain ulit.

"Yow, pre. Bakit kayo nandito?" Bati ni Krypton bago makipag-bro hug kina Adam at Nicholas. Umupo naman siya sa tabi ko at nakikain na rin sa nachos ko na malapit nang maubos. Grabe, dalawang piraso pa nga lang nakakain ko dun eh.

"Nag-aalala lang ako kasi baka pinahirapan ka nito," natatawang sagot ni Adam bago guluhin ang buhok ko gamit ang malinis niyang kamay.

"Hindi ahh, she's a great help nga eh. By the way, damoves na pala ako. See you later," pagpapaalam ni Krypton sa amin.

Uhm, feeling ko dapat ko silang tawagin sa code name dahil considered as work ito. What do you think?

"How about you, Jess? Aren't you making a move on the guy?" Tanong ni Nick kaya naging seryoso na naman ang itsura ni Adam. Huh, bakit na naman?

"Nag-improvise na kami kahapon. Sayang hindi niyo nakita ang pagiging best actress ko. Although, I'm also happy na wala kayong pang-aasar sa 'kin kasi hindi niyo naman nakita," kwento ko habang natatawa dahil naalala ko na naman ang kadramahan ko kagabi.

"I have my ways, Ms. Strauss. I have my ways," pang-aasar ni Adam bago sila magtinginan ni Nicholas habang nakangisi. Leche, dapat hindi ko na sinabi!

"Tse! Sige na, tutulungan ko na si Flame. Balikan ko na lang kayo later. Bye." Pagkaalis ko mula sa booth namin, I saw a notif blink on my watch kaya tinap ko 'yun para mabasa ko ang message.

July 20, xx14 (8:23 PM)

From: Flame

G.

Kahit malayo ako kay Krypton ay kitang kita kong nangyayari ang lahat base sa plano namin. Siyempre, kailangan pa rin naming suotin ang earbuds na mukhang earrings para marinig din namin ang isa't isa. Tinignan ko si Krypton na binibigyan ngayon si Nicole ng napakaraming bouquets ng bulaklak na sa dami ay maraming delivery boy ang pumasok sa loob ng bar para magbuhat ng mga ito.

There are four reactions I can see right now—kilig from their friends, shock from Nicole, jealousy from Daniel, and happiness from Krypton. Lumapit ako sa table nina Daniel at tinabihan siya pero mukhang hindi niya ako napansin at ipinagpatuloy lang ang panonood kina Nicole.

"Siya ba 'yung babaeng tinutukoy mo?" Tanong ko kay Daniel bago inumin ang alak sa baso ko.

"H-ha?" Gulat na tanong niya bago ako lingunin.

"Ikaw pala 'yan, miss. Oo, siya 'yun. Siya nga pala ang pinakamamahal kong malapit nang maagaw ng iba," bulong niya. Pinilit niya pang tumawa kahit halata sa boses niyang naiiyak na siya. Ramdam na ramdam ko rin kung gaano siya nasasaktan ngayon.

"Sinagot na ba niya 'yung guy?" Tanong ko habang tinuturo si Krypton na hawak ang kamay ni Nicole ngayon.

"I don't know but girls fall for guys like that. Admit it. He looks good, diba? Sweet pa si gago. Ano namang binatbat ko diyan?" Malungkot na sabi niya bago lagukin ang beer na hawak niya.

"Nag-confess ka na ba? Hindi pa naman, diba? Malay mo, all this time hinihintay ka lang pala niya umamin sa kanya. Akala ko pa naman ginawa mo na kahapon," bulong ko habang tinitignan ang malapad na ngiti ni Krypton sa harapan namin.

"Kung ikaw ba ang nasa posisyon ko, magagawa mo pa bang mag-confess sa kanya kahit may sobrang deserving na tao nang nasa tabi niya?" Tanong ni Daniel habang tumutulo ang mga luha mula sa mata niya. Tinapik ko naman ang balikat niya para patahanin siya.

"He may be deserving but he may not be the one for her. Magkaiba 'yun. Kung umamin man ako at hindi niya ako gusto, wala akong pagsisisihan na hindi ko ginawa. Just do what your heart tells you do," payo ko sa kanya. Wait, tinatamaan din ata ako sa sinasabi ko ahh.

Pagkatapos ng sinabi ko sa kanya ay tumayo na ako para umalis. Bumalik na ako sa booth namin kanina para doon na lang ako magmamasid kung anong mangyayari. Sa tingin ko kasi sapat na lahat ng sinabi ko kay Daniel simula pa kagabi. Ilang minuto na ang nakalipas pero wala pa rin siyang ginagawa kung hindi magpakalasing lalo habang nakatingin pa rin kina Krypton at Nicole.

"Don't worry, everything will be alright." Napalingon ako kay Adam na kanina pa pala nakatingin sa 'kin pero ipinagpatuloy ko lang ang pag-inom ko. Sana naman mag-work ang plano namin.

"Jess, stop drinking too much," saway niya bago kunin ang baso ng alak na hawak ko. Marami rami na rin kasi akong naiinom.

"Sorry."

Bumalik si Krypton sa lamesa namin na may dala-dalang beer at saka ako tinabihan. Tinignan ko lang siya sandali bago ako yumuko ulit para mag-isip ng backup plan.

"Pre, grabe anong ginawa niyong dalawa kay Jess?" Mapang-asar na tanong ni Ton kaya tinignan ko siya nang nakakunot ang noo ko pero sa halip ay nginitian lang niya ako.

"Tange, nag-iisip ako ng backup plan," sagot ko habang nakahawak sa baba ko. May lalaki naman sa harapan kong nagpipigil ng tawa niya kaya miski siya ay tinignan ko nang masama.

"Are you serious? Mukha ka kasing natatae eh," pang-aasar ng lecheng si Nicholas.

Kinurot ko ang braso niyang nakapatong sa table pero kahit diinan ko wala pa ring epekto sa kanya. Naka-poker face pa rin ang loko kaya tawa lang nang tawa sina Adam at Krypton habang nagpapakahirap ako dito.

"Okay okay, I know you want me to do this so I will. Aww, it hurts," sabi ni Nick nang walang kabuhay-buhay. Nabwisit naman ako kaya tinigil ko na ang pangungurot sa kanya.

11 o' clock na. Nawawalan na ako ng pag-asa lalo na't wala akong maisip na backup plan for tonight. Nakita ko namang tumayo si Daniel mula sa kinauupuan niya kaya naisip kong baka uuwi na siya. Medyo disappointed ako sa sarili ko kasi sigurado nang next week pa matatapos ang mission namin.

Hayy, nahihiya tuloy ako kay Krypton. Lalabas na sana ako ng bar nang may narinig akong maingay na nanggaling sa stage.

"Hindi niyo man ako kilala pero nagmamahal ako ng isang napakagandang babae na alam kong imposibleng magkagusto sakin. May isang babaeng nagsabi sa akin na kapag mahal mo talaga ang isang tao, sabihin mo dapat sa kanya ang nararamdaman mo kahit alam mong marereject ka. Atleast in the end wala kang pagsisisihan, diba? So fuck it. Wala akong pakialam kung hindi mo ako gusto, Nicole, pero mahal kita," pag-amin ni Daniel gamit ang lahat ng lakas na natitira sa kanya.

Napangiti ako nang sobra sa kanya at tumango naman siya sa akin. Damn, akala ko hindi ka na kikilos eh.

"Kahit hindi kita deserve, I will still love you. Kahit na may lalaking mukhang perfect na para sayo, I'm still driven crazy by you. Mahal na mahal kita," pagpapatuloy niya bago huminga nang malalim. Rinig na rinig naman ang hiyawan ng mga tao dahil sa ginawa niya.

Lumingon ako kay Nicole na halatang gulat na gulat sa ginawa ni Daniel. Lumapit ang lalaki sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. Pagkatapos nilang magyakapan, hinalikan ni Nicole sa labi si Daniel.

Sobrang saya ng puso ko ngayon. Hindi lang dahil tapos na ang mission namin pero dahil din sa saya na may dalawang taong nagkatuluyan dahil sa amin. May umakbay naman sa 'kin at saka ako hinila palabas ng bar bago pa man ako maiyak dahil sa sobrang tuwa.

"I told you so," nakangiting batid ni Adam.

Nakalabas na kami ng bar pero nakaakbay pa rin siya sa 'kin. Ngayon ko lang napansin na siya pala ang naaamoy ko kanina pa. Akala ko ibang tao 'yun pero bakit siya nagpalit ng pabango? This one smells manlier kaya medyo okay lang din pero his older scent is already his signature.

My eyes were scanning the parking lot but I can't see my car. Oh no, nanakawan ba ako? Tinanggal ko ang braso niyang nakaakbay sa akin at saka lumapit sa parking spot ko kanina. Kakausapin ko na sana ang valet pero inakbayan ulit ako ni Adam.

"Tinawagan ko kanina si Manong. Inassume ko kasi na maglalasing ka kaya sabi ko kunin na ang sasakyan mo para ako na lang maghahatid sayo," sabi niya bago ako hilahin papunta sa sasakyan niya.

"Hindi naman ako lasing eh. Parang sira," sagot ko sabay hampas sa matipunong dibdib niya.

"Ehem."

Nilingon namin sina Krypton at Nicholas na kakalabas lang galing sa bar. Nagtetext si Nick habang naglalakad kaya siguradong hindi siya ang nag-ehem. Lumayo ako nang konti kay Adam pero hinila niya ulit ako papalapit sa kanya.

"Jessica, thank you sa tulong mo sa first mission ko ah," pagpapasalamat ni Krypton na nakangiti nang matamis.

"Wala 'yun!"

"Alis na kami, pre. Hahatid ko pa si Jess eh," pagpapaalam ni Adam sa kaibigan niya.

"Same," sabi naman ni Nick bago dumiretso sa sasakyan niya. Leche, may bago na naman siyang sasakyan. Kainis talaga ang lalaking ito, inunahan pa ako sa Toyota 86.

"Alis na rin ako. Sige pre," sagot ni Krypton bago sumakay sa sasakyan niya at saka ito pinaharurot. Tumigil naman ang sasakyan ni Nicholas sa harap namin bago buksan ang bintana niya.

"Hoy Knight, drive safely. You're supposed to drive her home pero uminom ka rin, dumbass," saway ni Nick kay Adam habang umiiling iling.

"Hoy! Hindi kaya ako lasing. Few shots lang 'yun noh," pagmumukmok ni Adam bago ngumuso.

Sobrang cute talaga niya! Narinig ko namang tumawa si Nick nang mahina dahil sa reaksyon ng best friend niya.

"I know but please take extra care. Jess, please call me if you feel na nasa byaheng langit na kayo. Ako mismo babangga sa sasakyan niyang gagong 'yan," natatawang sabi ni Nicholas.

"Hoy anong byaheng langit!" Sigaw ni Adam habang namumula at nakakunot ang noo. Parang bata talaga!

"Yuck, perv ka na pala, Knight. Parang dati..." May binulong bulong siya na hindi ko maintindihan. Baka naman nag-oorasyon na si Nicholas ahh.

"It means near to death, asshole. Ingat kayo. Bye."

"Hoy Nicholas Hawker! Hindi pa tayo tapos mag-usap. Hindi ako bastos noh," sigaw pa rin siya nang sigaw kahit kanina pa pinaharurot ni Nick ang sasakyan niya. Ako naman tawa lang nang tawa habang pumapasok na sa sasakyan niya.

"Hoy Jess! Hindi ako bastos noh, grabe!"

"Hahahahahahaha oo na."

Buong byahe namin pinagpipilitan niyang hindi siya bastos pero tinatawanan ko lang siya. Nakarating na kami sa bahay ko at lahat pero nakasimangot pa rin siya.

"Para 'tong baliw," biro ko tsaka ako tumawa nang mahina.

"Sige na. Uw—"

Hindi ko na natuloy ang pagba-bye sa kanya kasi lumabas siya ng sasakyan at dire-diretsong pumasok sa loob ng bahay ko pagkatapos patunugin ang lock ng sasakyan niya. Wala akong magawa kaya sinundan ko na lang siya.

Ano na namang sumpong nito? May extra key siya ng bahay ko kaya hanggang loob ay nakapasok siya. Umakyat siya sa hagdan at tinignan ko kung saan siya dumiretso.

Oh my gosh! Bakit sa kwarto ko siya pumasok? Hindi pa ako ready!