webnovel

Mission: Playing with Fate

Jessica Strauss works for a secret organization created to play with other people's fate--either she attaches them, breaks them up, or maybe something deeper than that. She's busy making the world a little more exciting, but what she doesn't know is that her own fate is being played by someone else--someone *very* close to her heart.

xJaeger · Teen
Not enough ratings
21 Chs

10: Adventure Time

Chapter 10

Nag-panic lahat ng cells sa katawan ko nang makita ko siyang pumasok sa kwarto ko. Ano ba? Paano kung may mangyaring... iba? Wala pa nga akong first kiss sa lips, ano agad? Huhuhuhu.

Wala naman akong nagawa kung hindi umakyat ng hagdan dahil inaantok na rin ako. Dahan dahang pag-akyat ang ginawa ko. Siguro dala na rin ng alak kaya ang lakas ng loob kong pumasok pa sa kwarto ko kahit alam kong nandun ang lalaking gusto ko sa loob and to think na nakainom din siya gaya ko.

Kumatok ako nang tatlong beses pero walang sumasagot kaya binuksan ko na lang ang pinto. Parang tanga, Jessica. Sa sarili mong kwarto, kumakatok ka? Pagpasok na pagpasok ko pa lang ay may humila na sa 'kin at nilock ang pinto. Kinulong naman niya ako agad sa pader gamit ang matitipuno niyang bisig.

"Jessica Strauss, I'm in love with you. Simula bata pa lang tayo I've been thinking about you every time I wake up. Damn, mahal na mahal kita," bulong niya sa akin.

Kitang kita ko ang pagmamahal sa mga mata niya. I don't know how to react to this. Never in my life na inisip kong posibleng magkagusto siya sa 'kin. Never kong naisip na may patutunguhan pala ang pag-asa ko sa kanya.

Tinignan ko ang mga mata niyang nakatutok lang sa mga mata ko. Tinitignan niya ako nang diretso na parang hinihigop na niya ang kaluluwa ko. Sandali ko namang pinasadahan ng tingin ang mapupula niyang labi na medyo nakaawang at halatang naghahabol ng hininga.

Sa sobrang gwapo niya ay para akong nalasing lalo. Bigla siyang pumikit at dahan dahang inilapit ang napakagwapo niyang mukha sa mukha ko. Shit, this is it! Pumikit na rin ako dahil alam kong sumusunod lang ako sa tinitibok ng puso ko.

"Hoy Jess!"

"Babae!"

"Yoohoo!"

"Jessica Strauss, wag kang matulog sa hagdan! Huy!"

"Shit!" Sigaw ko bago ako mapamulat sa gulat dahil sa maingay na lalaking nakadungaw sa second floor. Teka lang ha, okay na eh! May first kiss na sana tayo eh! Bakit mo ba ako ginising?

"Hoy, nag-iidle ka na naman," tawang tawa niyang sinabi sa 'kin pero tinignan ko lang siya nang masama. Napanguso ako dahil sa naudlot naming first kiss sa panaginip ko.

"Bakit mo ako ginising? Ayun na eh," malungkot kong sabi bago ako humagulgol.

Nagmura siya nang pabulong pero rinig na rinig ko iyon dahil sa katahimikan ng bahay ko. Nakarinig naman ako ng mga yabag na papalapit sa 'kin.

"Awww, sorry na. Grabe, ang laki naman kasi ng kama mo pero sa hagdan ka pa natutulog. Marami ka ngang nainom. Halika na nga," aya niya habang itinatayo ako sa hagdan.

Tinignan ko siya nang may onting luha pa sa mga mata ko pero hinayaan ko na lang na buhatin niya ako nang parang prinsesa hanggang makarating kami sa kwarto ko. Dahan dahan niya akong ibinaba at tinakluban na ako ng kumot. Dinalaw na rin ako ng antok pagkatapos niya akong halikan sa noo.

(AFTER ALMOST 2 WEEKS)

I woke up to the sound of the shitty alarm clock beside my bed. Ugh, alas tres pa lang nang umaga ah. Anong kalokohan 'yan? Pinatay ko naman ang lecheng alarm clock na 'yun bago ako bumalik sa pagtulog... until someone barged inside my room and turned the freaking lights on.

"Aray! Ang sakit sa mata," iritang sigaw ko bago ako magtalukbong ng unan.

"Good morning, Jess. Gising na oh, we need to leave at 4. Please wake up. Please please please," bati niya nang mahinahon.

Boses pa lang niya ay pangpa-good na talaga ng morning ko pero, no way, sobrang aga pa kaya. Of all things in this entire universe, waking up so damn early is the worst thing that could happen to me. Naramdaman ko namang tumabi siya sa 'kin bago tapikin ang likod ko.

"Uy, bangon ka na," malambing niyang sinabi kahit halatang inaantok pa rin ang boses niya.

Hayy, ang cute talaga niya. May narinig akong sumisigaw mula sa baba pero hindi ko maintindihan ang sinabi niya kaya tinry ko ulit bumalik sa pagtulog. Pagkatapos ng ilang minutong pangungulit ni Adam, may narinig akong mga yabag na papasok ng kwarto ko.

"Hoy babae! Do you want us to leave you behind? Leche, you told us to wake you but you don't want to. In the first place, you're the one who wants to go to this stupid trip," sigaw ng lalaking kakapasok lang ng kwarto ko. Nako, ang aga aga hina-high blood na naman siya.

"Hahahahaha. Ayaw niyo talagang dalawa ng gumigising nang sobrang aga, noh? Mga bugnutin," natatawang komento ni Adam.

"Fuck you, Adam. Shut the fuck up. Jessica Strauss, I'll say this the first and the last time. Babangon ka ba diyan o isasako kita at saka ilalagay sa trunk ng sasakyan ko para dun ka matulog?" Tanong ng nakakatakot na Nicholas Hawker.

Tinawag niya sa first name si Adam kaya bad sign 'yun. Huhuhuhuhu. Grabe, napatayo ako agad dun kasi alam kong seryoso siya sa sinabi niya.

"Gigising rin pala. Tss, let's go," iritang iritang sabi niya bago buhatin ang isa sa dalawa kong bagahe bago lumabas ng kwarto ko.

Nakita ko naman si Adam na tahimik na tumatawa tawa sa tabi ko kaya ngumuso ako sa kanya. Walangya talaga, tuwang tuwa pa siyang pinagalitan ako ni Nick.

"Knight," galit na tawag ni Nicholas na nasa labas na ng kwarto ko.

"Get the fuck out of there so she can prepare herself. Let's go, dumbass," nakakatakot na pagpapatuloy ni Nick.

Tumayo naman agad si Adam bago kinuha ang isa pang bagahe ko at saka dumiretso na sa labas habang tumatawa tawa pa rin. Para siyang baliw pero cute naman siya kaya pagbibigyan ko na.

Nagbihis naman ako ng beach dress at hoodie dahil alam kong malamig sa sasakyan at saka matagal ang byahe namin. Bumaba na rin ako agad pagkatapos para hindi lalong magalit si Nicholas. Chineck ko ang watch ko at nakitang 3:53 AM pa lang kaya binelatan ko pa si Nick habang bumababa ako sa hagdanan pero inirapan lang niya ako.

Napag-usapan namin na sasakyan na lang ni Adam ang dadalhin namin para salitan na lang kaming tatlo sa pagmamaneho nito. Ngayong papunta, si Adam muna ang nagda-drive at si Nicholas naman ang nasa passenger's seat. Dahil mahal nila ako, nasa backseat ako ngayon para ipagpatuloy ang masarap kong pagtulog. Marami namang unan dito sa likod kaya mas feel na feel ko tuloy matulog.

After awhile, nagising ako dahil naramdaman kong matagal nang nakatigil ang sasakyan namin. Umupo naman ako mula sa pagkakahiga at nakitang nakatigil kami sa isang malaking gasoline station sa expressway.

Tumingin ako sa labas para hanapin sina Adam at Nicholas pero hindi ko sila mahanap. Tinawagan ko rin sila pero hindi sila sumasagot. Hindi ko naman maiwan ang sasakyan dahil hindi ko ito malalock kasi wala sa 'kin ang susi. Wala tuloy akong magawa kung hindi mag-iPad na lang.

Naglaro na lang ako ng Asphalt para magpalipas ng oras nang may kumatok sa bintana sa tabi ko.

"Wait! I'm not yet finished playing! One more lap," sigaw ko kahit hindi ko naman alam kung naririnig ako sa labas.

Ni hindi ko nga nilingon kung sino man ang kumatok ehh. Kumatok ulit siya kaya panandalian ko siyang tinignan para irapan. Ibabalik ko na sana ang focus ko sa paglalaro nang maaninag ko kung sino siya. Si Emma 'yun, diba?

Wala na akong pakialam sa nilalaro ko at tinignan ulit ang taong kumakatok sa bintana ko. Shit! Si Emma nga! Dali dali kong binuksan ang pinto ng sasakyan para lumabas at yakapin ang best friend kong matagal ko nang hindi nakikita.

"Wow! Babaeng babae ka na ahh!" Tili ni Emma bago humahagikhik habang tinitignan ang suot kong beach dress at hoodie.

"Sira! Lalaki pa rin tayo, tol," sabi ko gamit ang pinalalim kong boses ko.

Ugh, namiss ko ang baklang ito. I call her that kasi naman parehas kaming supposedly lalaki talaga pero napunta sa katawan ng babae. Hindi namin gusto ang sobrang girly na mga bagay at mas trip naming kaibigan ang mga lalaki (like Adam and Nicholas) dahil lesser drama at alam mong totoo silang kaibigan. Hell yeah, we're one of the boys.

"Grabe, kamusta naman? How long has it been since we last talked? A year? Grabe, I'm sorry, busy talaga ako sa States. Alam mo namang CEO na ako ng company namin, diba? Pinapasabi pala ni mommy, miss ka na raw niya at may pinadala siyang pasalubong for you. Wait, kayo na ba ni alam mo na or torpedo pa rin si kuya? Waaaaah! I really missed you, bakla," sigaw niya nang punong puno ng kasiyahan ang mga mata niya. Natawa na lang ako dahil katulad pa rin siya ng dati na walang preno ang bibig.

"Isa isang tanong lang! Grabe, I'm fine. Best friends pa rin kami nina Adam and Nicholas. And no, hindi pa kami at never atang mangyayari yun. Hahahahaha. Ayan na naman 'yang torpe torpeng yan. Since high school, pinapaasa mo na akong may gusto siya sa 'kin kahit wala naman talaga. Nako," bulong ko bago ngumuso.

"Meron naman kasi talaga. Be patient na lang," natatawa niyang sagot habang nakangiti nang abot tenga.

"I was born with lots of patience noh! Alam mo naman 'yun. Although, hindi pa rin ako aasa. Bleh! Anyway, how are things going with you and your Lancelot?" Pang-aasar ko kay Emma at nakita ko naman siyang namula bago sagutin ang tanong ko.

"Lance and I are already engaged," nahihiya niyang sagot habang sobrang namumula ang mukha niya.

I was so shocked and speechless at first before I shrieked so loud because of kilig. Niyakap ko naman ulit siya dahil sa good news na sinabi niya.

"Since when? Wow, I'm so happy for you! Naunahan mo na talaga ako, grabe. Magiging Mrs. Lancelot Ramos ka na ha," kinikilig na pang-aasar ko sa kanya. Halatang halata rin ang kilig sa mukha ng best friend kong gaga.

"Last month lang. We're planning our wedding next year pa naman. Siyempre, you're going to be my Maid of Honor and Ace is going to be the Best Man. Match made in heaven lang ang dating. Kabog! Pak na pak!" Natatawa niyang batid habang pumipitik pa kaya tinawanan ko lang siya. She's the same old Emma I know. Ayan ba? Ayan ba ang CEO?

"Excited na ako! Wow, kailan kaya ako ikakasal?" Biro ko bago ngumiti nang matamis.

Sasagot na sana si Emma nang may nagsalita sa gilid namin kaya hindi na niya natuloy.

"Hayaan mo, ikakasal din tayo," singit ng napakagwapong si Adam Knight.

Oh my heavens! Hindi agad ako nakapag-react pero sinagot ko agad siya nang makabalik ang kaluluwa ko sa katawan ko.

"Hoy, I haven't agreed with your HIMYM pact na when we're fourty at wala pa tayong asawa tayo nang dalawa ha," pabiro kong sagot bago suntukin nang mahina ang braso niya. Tumawa naman siya sa ginawa ko.

"Don't worry, hindi dahil sa deal kaya kita papakasalan at mas lalo nang hindi when we're already fourty. Papakasalan kita—"

"Papakasalan ka niya kapag 100 years old na kayo. Hi ulit Emma," putol ni Nicholas sa sasabihin ni Adam bago siya tumawa nang parang baliw.

Nakita ko naman ang pagsimangot ni Adam bago buksan ang pinto ng backseat.

"Hawker, you drive! Leche," daing ni Adam na parang 5 years old.

Hinagis niya ang susi kay Nick bago isara ang pinto sa likod. Pagkasarado nun ay tumalikod kaming tatlo mula sa sasakyan bago tumawa nang tumawa.

"Sira ulo ka, Nick. Nagalit tuloy ang bata," natatawang komento ni Emma habang pinapalo ang braso ko na parang mababaliw na.

"Shit! Balik na pala ako sa sasakyan. Sabi ko kasi kay Lance, magrerestroom lang ako ehh. Kanina pa yun naghihintay. Anyway, see you sa Batangas. Ingat kayo," pagpapatuloy niya bago kumaway sa amin.

"Ingat din kayo," sabi naming dalawa ni Nick.

Pagkapasok namin ng sasakyan ay sinilip ko si Adam sa backseat na nakanguso lang habang naka-earphones at naglalaro ng Cytus sa iPad niya. Humarap naman ako kay Nicholas na binuksan na ang makina ng sasakyan at saka bumulong ng "lagot ka" pero tumawa lang siya nang mahina bago paandarin ang sasakyan ni Adam.

Woooh, this is going to be a long drive.