webnovel

Mission: Playing with Fate

Jessica Strauss works for a secret organization created to play with other people's fate--either she attaches them, breaks them up, or maybe something deeper than that. She's busy making the world a little more exciting, but what she doesn't know is that her own fate is being played by someone else--someone *very* close to her heart.

xJaeger · Teen
Not enough ratings
21 Chs

15: Impossible

Chapter 15

Pagkagising ko kinabukasan ay iba na ang pakiramdam ko tungkol sa mga bagay bagay. Gusto kong hindi isipin ang mga sinabi ni Thomas pero hindi ko talaga mapigilan kaya halos sabunutan ko na ang sarili ko dito sa kwarto. Kinusot kusot ko na ang mata ko, nag-stretching nang 15 minutes, naligo nang matagal, nag-toothbrush, nagsuklay, at kung anu ano pa pero hindi pa rin talaga mawala sa isip ko. Ugh! Okay Jessica Strauss, let's make one thing clear. That's freaking impossible!

"Huy! Nabaliw ka na ata nang tuluyan. Bakit mo sinasabunutan ang sarili mo, bakla?" Nagtatakang tanong ni Emma bago isara ang pinto sa likod niya.

Nakakunot lang ang noo niya habang nakatingin nang maigi sa mukha ko. Mabilis pa sa alas kwatro niyang ginawang krus ang dalawang daliri niya bago sumandal sa pinto. Oh, heavens no.

"Sinasapian ka ba? Oh my gosh, tatawag na ako ng albularyo!" Hiyaw niya habang naka-krus pa rin ang daliri niya.

Para talagang baliw ang babaeng ito kahit kailan. Inirapan ko lang siya kaya tumigil siya sa kalokohan niya bago tumawa nang malakas.

"Ito naman, joke lang kasi. Ano ba kasing problema mo diyan? Ay, kakain na nga pala sa baba kaya bilisan mong magsalita kasi gutom na gutom na ang kagandahan ko," nakangiting dugtong niya habang tumitingin sa orasan niya.

Hindi ako nakakain kagabi dahil sa kakaisip pero hindi ko alam kung bakit hindi pa rin ako nagugutom hanggang ngayon kahit 8:30 na.

"Bukod kay Elizabeth, meron akong tatlong problema," bulong ko habang sinusuklay pa rin ang buhok ko. Nakita ko namang kumunot ang noo niya at naglakad siya papunta sa pintuan.

"Ang dami naman. Ayoko na makinig kasi gutom na ako eh. Bye bye!" Biro niya bago buksan ang pinto ng kwarto habang kumakaway. Sa totoo lang, sa aming dalawa siya kaya ang parang sinasapian. Hayy, baliw na talaga ang best friend ko. Ano bang nagustuhan ni Lancelot Ramos dito?

"Problema ko sina Adam, Nicholas, at Thomas," malungkot na sagot ko kaya agad naman siyang bumalik sa loob ng kwarto.

"Ang haba naman ng hair ni bakla! Ang daming boys ahh. Ohh, bakit pala miski si Thomas kasama pa? Hindi mo naman siya gusto, diba?" Tanong ni Emma bago may kuning maliit na chichirya sa bulsa niya. Nako, halatang gutom na nga talaga siya.

"Dahil gutom ka na, let's make this quick. Kinausap ako kagabi ni Thomas tapos sabi niya may gusto raw sa akin sina Adam at Nicholas. Sabi niya, na-insecure ang pagmamahal niya for the first time kasi pakiramdam niya raw na kulang pa ang kanya kung ikukumpara sa 'pagmamahal' nung dalawa. Oo, alam ko 'yang nginingiti ngiti mo diyan kaya tumigil ka. Hindi naman ibig sabihin nun totoo ang sinabi ni Thomas kagabi at ang sinabi mo sa 'kin. Isa pa, problema ko si Thomas dahil nasasaktan ako para sa kanya. Sabi niya, gusto niya akong maging masaya kahit hindi sa piling niya. Kaibigan ko si Tom kaya ang sakit nun para sa 'kin. Ohh, wag ka nang magtanong kasi bababa na tayo at kakain. Manahimik ka na lang kung ayaw mong masapak kita at idadamay ko rin si Lancelot kasi sabi mo iisa lang kayo diba. Halika na!" Dire-diretso at mabilisan kong sinabi sa kanya bago ko siya hilahin palabas ng kwarto. Binilisan ko rin ang paghila sa kanya para wala na siyang mabigay na side comment.

"Huhuhuhu, aray naman. Love ohh! Kinaladkad ako ng babaeng 'yan pababa galing dun sa kwarto niya!" Nakabusangot na sumbong ni Emma sa fiancé niyang patagong pumapapak ng ulam sa may dining table. Niyakap naman nito si Emma habang ngumunguya. Talagang dito pa sila naglandian, ha?

"Away ka ni Jess? Okay lang 'yan! Hahahahahahaha," natatawang sagot ni Lancelot kaya napanguso lalo si Emma. Siniko naman niya ito bago titigan nang masama.

"Gagu. Matulog ka mamayang gabi mag-isa, ha?" Pang-aasar ni Emma kay Lance habang nakataas ang kilay. Nagpanic naman nang konti si Lancelot kaya niyakap niya ulit nang mahigpit si ate girl na halata namang kinikilig.

"Joke lang naman, love. Ito naman hindi mabiro. Hoy Jessica Strauss, bakit mo inaaway ang fiancé ko?" Galit kunyaring tanong niya sa 'kin bago ako kurutin nang mahina na parang hinahawakan lang talaga niya ang braso ko. Hayy, manang mana talaga sa girlfriend niya.

"Paki mo," mataray kong batid bago ko irapan si Lance pero siyempre pabiro lang 'yun.

"Ay ay, lumalaban pa po siya. On the left corner, weighing 75 kg and wearing a black sando—Lancelot Ramos! On the right corner, weighing 54 kg and wearing a white v-neck shirt—Jessica Strauss! Fight! Fight! Fight! Fight!" Sigaw ni Emma na feel na feel ang pagiging announcer ng boxing.

Tinamaan na nga talaga. Siya ata ang kailangan kong dalhin sa albularyo ehh.

"Hayy nako, Lance. Hindi mo na naman ata napainom ng gamot 'yang girlfriend mo," natatawang biro ko bago ako umupo sa may dining table. Naramdaman ko na kasi ang gutom ko nang makita ko ang tocino sa lamesa. Hihihihihi. I want!

"Alam ko kung bakit hyper 'yan, Jess. Umuungol si Lance kagabi eh! Naka-headphones tuloy ako buong gabi. Hahahahahaha," singit ni Spade na kakarating lang ng dining room kasama si Ezekiel na nagkukusot pa ng mata.

"Ulul! Tangina nito pauso!" Natatawang sigaw ni Lance pero kitang kitang pinagpapawisan siya.

"Hala, eh totoo naman. Rinig na rinig kaya sa pader tapos meron pa ngang tunog ng—mhmmmhmhmhm," pagpapatuloy sana ni Spade pero bago pa man niya matapos ang sasabihin ay natakpan na ni Emma ang bibig niya.

"Spaaaaaaaaaade! Shut up! Shut up! Shut up!" Hiyaw ni Emma na halatang namumula sa hiya.

"Hahahahahahahahahahahahahahahaha."

"Emma, lasang chichirya kamay mo. Kadiri! Pwe," diring diring sabi ni Spade bago ilabas ang dila niya at saka lumapit sa lababo para magmumog.

"Hahahahahaha. Anong chichirya, pre?" Natatawang mungkahi ni Thomas na nakatayo sa gilid ko kahit hindi ko alam kung kailan pa siya nakarating dun. Napansin niya ang pagtingin ko sa kanya kaya nginitian niya naman ako nang tipid.

"Tangina pre, lasang Clover!"

Natapos ang agahan namin nang wala namang nangyaring kakaiba. Ngayon ko lang napansin na nagkanya-kanya pala kami ng mga ginagawa para magpalipas ng oras. Mamayang gabi raw kasi magbobonfire kami sa tabing dagat kasi huling gabi na namin dito sa Batangas. Lumingon ako sa paligid para tignan ang ginagawa ng mga kabarkada ko.

Naglalandian sina Emma at Lance habang lumalangoy sa swimming pool. Baka gumagawa na naman sila ng scandal ahh. Hahahahaha, joke lang. Ako naman, nakahiga lang sa outdoor chaise lounge katabi ng pool habang umiinom ng lemonade.

Naglalaro naman ng baraha ang boys except kay Thomas sa outdoor couch na malapit din dito sa swimming pool. Ang lalakas nga ng mga sigaw nila at mukhang binuburot pa ata nila si Spade. Nagpapa-tan naman sina Elizabeth at Hera habang nakahiga sa mats na nakalatag sa damuhan. Si Thomas naman, kanina pa aligaga sa loob ng bahay dahil inaasikaso niya ang mga kailangang bilhin.

"Sinong sasama mamalengke sa bayan?" Tanong ng nakapamulsang si Thomas na kakalabas lang ng patio.

"Magdadala ka ba ng pickup, pre?" Nakangising usisa ni Ezekiel sa kanya bago ibaba ang baraha niya. Narinig ko namang nagmura ang mga kalaban nito dahil sa tira niya.

"Oo naman, sama ka?" Mungkahi ni Thomas bago isuot ang shades niya na bumagay sa suot niyang polo na nakabukas ang maraming butones.

"Hindi, tinatanong ko lang," pang-aasar ni Kiel sa kanya kaya binatukan niya ito nang malakas. Napangiwi naman si Kiel doon pero patuloy pa rin itong nakangisi.

"Tangina mo, lumayas ka nga sa rest house ko. Hoy! Hindi niyo ba ako sasamahang mamalengke?" Iritableng tanong ni Thomas sa mga kaibigan niyang patuloy ang paglalaro ng baraha na hindi nakikinig sa kanya.

"Ayoko, maghahanap pa ako ng chicks mamaya sa beach," sigaw ni Spade bago bumalik ulit sa ginagawa niya.

Baka naman nagpustahan ang mga baliw kaya hindi makatayo sa paglalaro. Napalingon naman ako sandali kay Emma na tili lang nang tili dahil sa ginagawa ng fiancé niya. Hay nako, sapakin ko na kaya ang dalawang ito.

"Wag mong i-uuwi 'yun dito ahh. Lintek, wala ba talagang—" Hindi na natuloy ni Tom ang sasabihin niya dahil nagsalita ako bigla.

"Samahan na kita," sagot ko sa kanya bago tumayo mula sa chaise lounge na hinihigaan ko.

Inubos ko naman ang lemonade na iniinom ko at saka ko tinignan si Emma na nakatingin din sa 'kin ngayon. Tinataas taas pa niya ang kilay niya kaya umamba akong babatuhin ko siya ng tsinelas pero binelatan niya lang ako.

"Oh, sino pang sasama? Mga ungas, mahiya naman kayo sa babae! Hindi namin kayang buhatin lahat ng bibilhin," pagpaparinig pa ulit ni Thomas sa mga nagbabaraha.

"I'll go with you," mahinahong sagot ni Nicholas bago ibaba ang mga huling baraha niya kaya literal na napuno ng sigawan ng mga nagmumura ang garden dahil mukhang siya ang nanalo.

Hayy nako, kaya nga ako sumama kay Thomas para makapag-usap ulit kami nang masinsinan. Paano ko naman gagawin 'yun kung kasama si Nicholas?

"Sama rin ako! Panalo na si Nick ehh. Ang laki pa naman ng pusta ko," nakangusong sinabi ni Adam habang umiiling iling.

"S-sige. Wala ba kayong ipapabili, mga ungas? Gege! Wala ka na bang naiwan, Jess?" Ani Thomas habang nakatingin lang sa akin. Halata sa itsura niyang kakaiba ang nararamdaman niya ngayon. Dahil ba kasama ako o dahil kasama sina Adam at Nick?

"Wala Tom. Halika na," aya ko kaya naglakad na kami papuntang parking lot. Dumikit naman siya sa akin nang konti bago magsalita.

"Okay lang ba sayo? Pwede namang hindi ka na sumama kung hindi ka komportable," nag-aalalang bulong niya bago kunin ang susi mula sa bulsa niya at saka pinatunog ang lock ng dadalhin naming Ford Super Duty na isang mamahaling pickup truck.

"Okay lang, Tom," mahinahong sagot ko bago maglakad papunta sa passenger's seat.

Habang nagdadrive si Thomas ay nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Paminsan minsan ko ring sinisilip ang bubong ng sasakyan dahil meron itong bintana sa taas para makita mo ang langit in panoramic style. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit gusto kong kausapin ulit si Thomas ngayon.

Basta ang alam ko lang gusto kong humingi ng tawad sa kanya dahil alam kong nasaktan ko siya kahit hindi ko sinasadya. Kaso hindi naman ako makapagsalita ngayon kasi nasa likod lang namin sina Adam at Nicholas na prenteng prente lang ang upo sa backseat.

"Jess, kamusta pala work mo? Sa Pricewaterhouse ka pa rin ba nagtatrabaho? Nung naghahanap kasi ako ng external auditor, ipapakuha sana kita kaso hindi ka raw available ehh," kwento ni Thomas bago ako tignan sandali. Nag-stretching naman ako nang onti bago ako sumagot.

"Hindi na ehh, lumipat ako sa isa sa mga company nina Adam kasi sobrang laki magpasweldo kahit nakatunganga ka lang buong araw," natatawa kong sagot at narinig ko namang tumawa rin sila sa sinabi ko lalo na 'yung dalawa sa likod.

"Ahh, ganun ba? Bakit hindi ka magtrabaho sa kompanya niyo?" Tanong ni Thomas habang may kinukuhang listahan mula sa bulsa niya.

Ang dami pala naming bibilhin kaso hindi ko naman maintindihan 'yung ibang nakalagay kasi ang pangit ng sulat. Sulat ata ito ni Spade ehh!

"Malakas pa naman sina Mommy at Daddy kaya kumukuha muna ako ng experience mula sa ibang company," batid ko habang kinakabisado pa rin ang listahan para mapabilis ang pagbili namin ng ingredients.

"Thomas, sabi ni Dad sobrang taas daw ng sales niyo this year ahh," singit ni Adam na nakatingin lang din sa bintana.

"Bukod sa 100th anniversary ng Airlines namin, maraming holiday na dineklara kaya maraming bumibili ng ticket to travel. Kayo rin kaya. Kaya nga napabili tuloy si Dad ng maraming aircraft sa inyo eh. Hahahaha. Ohh, kamusta naman pala ang Hawker International?" Natatawang usisa ni Thomas bago tumingin sa rearview mirror.

"Classified," tipid na sagot ni Nicholas habang tinitignan kaming dalawa ni Thomas sa harapan niya.

Yeah, gets ko naman kung bakit classified dahil government, armies, federation, secret organizations, at marami pang iba ang clients ng mga Hawker.

"Classified mo mukha mo eh lagi kayang nasa news na maraming bansa ang bumibili ng weapons and technology mula sa inyo," pang-aasar ni Adam habang nakangisi lang.

"But that isn't the classified I'm talking about. What are we going to buy anyway?"