webnovel

Mission: Playing with Fate

Jessica Strauss works for a secret organization created to play with other people's fate--either she attaches them, breaks them up, or maybe something deeper than that. She's busy making the world a little more exciting, but what she doesn't know is that her own fate is being played by someone else--someone *very* close to her heart.

xJaeger · Teen
Not enough ratings
21 Chs

13: Damnation

Chapter 13

"Jessica Strauss, yohoo!"

"Mmmmmmmm."

"Hey, wakey wakey!"

"Ughhh..."

"Miss Strauss, I would probably wake up if I were you."

"Shut ughhhhp"

"Nick, ayaw!"

"Hmmmm."

"Nicholas! Ayaw talaga gumising ehh!"

"..."

Bigla akong nagising dahil nahuhulog daw ako mula sa isang mataas na building sa panaginip ko pero pagkamulat ko ay likod ng isang lalaki ang una kong nakita. As in, literal na nakabaliktad ang posisyon ko dahil buhat buhat ako ng lalaking ito na parang sako ng bigas. Shit!

"Nicholas, put me down! Nasusuka ako," tamad kong tawag sa kanya kahit hindi naman totoo kaya binaba naman niya ako mula sa balikat niya pabalik sa kama ko. Kinusot ko muna ang mga mata ko at saka ko tuluyang nakita ang tingin niya sa 'king nakakamatay. Huhuhuhu, scary!

"Do you know what time is it? Past 12 yet you're still sleeping like a baby," inis na saway ni Nicholas. Ugh, good afternoon to me!

"U-uhm, late na ako nakatulog eh. Sorry na," malumanay kong sagot bago ako ngumuso.

Lumabas naman siya sa kwarto ko nang hindi man lang nagsasalita. Nang lumingon ako sa gilid ng kama ko ay nakita ko agad ang salarin na may mapang-asar na ngiting nakapaskil sa mukha niya.

"Good morning, bakla! I mean, good afternoon! Hahahahaha," bati ni Emma na abot tenga ang ngiti na para siyang nanalo sa lotto.

"Ang saya mo ah!" Mataray pero pabiro kong tugon sa kanya.

"Oo naman, sabi ko kasi sayo gumising ka na eh. Tinawag ko pa tuloy si Nick," ani Emma habang kinikilig kilig pa. Emma Santos, pasalamat ka mabait ako ngayon kung hindi baka kanina pa kita nasapak.

"Parang sira. Alam mo namang iba ang gusto ko, diba?"

"Napagtanto ko kasi kahapon na mas bagay si Nicholas para sayo. Ikaw na rin mismo ang nagsabing hindi ka talaga magugustuhan ng gusto mo at sobrang hirap siyang basahin kahit magkaibigan kayo. Hindi gaya ni Nick na mararamdaman mong may pakialam siya sa nararamdaman mo kahit saksakan siya ng sungit," paliwanag niya habang naglalakad nang pabalik-balik sa harapan ko.

"May pakialam din naman si Adam ahh," bulong ko.

Totoo naman 'yun. Diba nga inalagaan niya ako nang minanyak ako nung kalaban namin after racing? Sinasabihan niya rin ako ng mga sweet things paminsan minsan. Ganun ba talaga kaimposibleng magustuhan niya ako kahit konti?

"You told me those were mixed signals. One day, he's acting as your friend. The other, he's fucking up your brain cells by becoming so sweet. Pero si Nick? His passion for you is constant. Maybe hindi man siya vocal pero halata naman kasi sa actions niya," pagpupumilit ni Emma pero pinilit ko ring baguhin ang opinyon niya.

"Kaibigan lang ang turing sa 'kin ni Nicholas," batid ko bago ako huminga nang malalim.

"Dahil kay Ace namanhid ka na nang sobra sa nararamdaman ng iba para sayo. Mabait si Ace, alam ko 'yun kasi kaibigan ko rin siya, pero ayokong nakikita kang umaasa sa wala. You deserve to be loved so much na halos pumutok na ang puso mo sa sobrang saya. Gaya ko," dagdag ni Emma habang nakatingin nang diretso sa mata ko.

"I know, Ems, but I can't shake these feelings off me. Ganun kataas ang intensity ng love ko for him. Maybe, I'll just let my feelings fade away then after that, sige, let's find the one for me," sagot ko bago ulit huminga nang malalim. Alam kong totoo ang sinasabi ni Emma pero ang hirap kasing hindi mahalin ang lalaking 'yun.

"Well, hindi ko naman sinabing you have to stop loving him right now. Nasa sayo ang desisyon. Stay or move on lang 'yan," payo niya bago ako yakapin nang mahigpit.

Somehow, this is the exact moment when epiphany started entering my brain cells. Emma is right about everything. Although, one thing about love is that you can't force yourself to give your heart to someone else when the person you like doesn't like you back. Stay or move on? Bahala na.

After ng sermon ng best friend kong pwede nang maging nanay, bumaba na kaming dalawa para mag-lunch sa may garden kasabay ang barkada. Nilanghap ko naman ang preskong simoy ng hangin na parang wala nang bukas. Hindi pa rin kami kumpleto dito sa garden kasi wala pa sina Elizabeth, Hera, Spade, Thomas, at Ezekiel. Siguro tulog pa ang mga lalaki at naghahanda naman ang mga babae.

Umupo muna ako sa swing habang pinapanood ko ang mga nag-iihaw na sina Adam at Nicholas malapit sa swimming pool. Napatitig naman ako sa katawan nila dahil topless ang dalawang loko. Kyaaah, uminit tuloy dito! Naisip ko lang, paano pala kung si Nicholas ang nagustuhan ko? Magugustuhan niya ba ako? Papahawakin niya ba ako ng abs, biceps, at pecs niya? Pero, ugh, matalik ko silang kaibigan ni Adam.

Pumikit na lang ako para mabura ang lahat ng nasa isip ko ngayon. Shoo! Shoo! Naguguluhan ako lalo eh. Pagkadilat ko ay may nakita akong mukha na halos 4 inches lang ang lapit mula sa mukha ko.

"Hahahahaha, bakit dito ka natutulog?" Natatawang tanong niya habang nakangiti nang malapad pero hindi pa rin niya nilalayo ang mukha niya sa 'kin.

"U-uhm, hindi ak—"

"Waaaah! Guys, look at Jess and Thomas oh!" Nilingon ko naman ang sumisigaw na si Hera sa may patio.

Nasa likod niya ang mga kaibigan naming wala pa dito kanina na merong nakakalokong ngiti sa mukha nila ngayon. Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo sa mukha ko dahil sa sobrang hiya sa kanilang lahat. First instinct kong sumandal sa isang bagay pero nalimutan kong nasa swing nga pala ako kaya muntikan na tuloy akong malaglag pabaliktad.

"Oh my gosh!"

"Shit! Sorry, okay ka lang ba?" Tanong ni Thomas na halatang nag-aalala sa akin. Mabuti na lang talaga nahawakan niya ang braso ko kaya hindi ako tuluyang nalaglag.

"Okay lang ako, thank you," tipid kong sagot. Tumakbo agad papunta sa 'min sina Adam at Nick at saka tinanong kung okay lang daw ba ako.

"Hehe, okay nga lang ako," tugon ko habang nagkakamot ng ulo.

"Are you sure?" Mahinahong tanong ni Adam bago siya ngumuso. Tumango ako sa kanya habang nakangiti para maniwala siya sa akin. Hinawakan muna ni Nicholas ang ulo ko bago guluhin ang buhok ko.

Malumanay ang boses niya hindi gaya kaninang umaga at sinabing "ingat kasi." Kyaaah, kitang kita ko ang abs nilang dalawa kaya napalunok ako nang sobrang daming beses. I swear!

Pagkatapos nun, dumiretso na kami sa isang malaking outdoor table kung saan kami kakain. Sorry pa rin nang sorry si Thomas kahit ilang beses ko na sinabing okay lang talaga ako at niligtas niya ako kaya hindi ako bumaliktad. Nakakumpol na nag-uusap ang mga lalaki sa kaliwa ng mesa at sa kanan naman kaming mga babae. Isusubo ko na sana ang pagkain ko nang biglang nagsalita si Elizabeth.

"I still like him, you know," seryosong bulong ni Eli habang nakatingin sa akin.

Naramdaman ko naman ang pagsipa ni Emma sa paa ko pero hindi ko iyon pinansin. Tinignan ko panandalian ang mga lalaki pero mukhang hindi nila narinig 'yun dahil nag-uusap sila tungkol sa NBA.

"I know," walang ganang sagot ko bago sumubo ng pagkain ko. Hindi pa ako nagbi-breakfast kaya wag niya akong binabadtrip, ha?

"And Hera still likes his best friend," dagdag pa niya pero hindi ko pa rin siya tinitignan at patuloy lang ako sa pagkain.

"Alam ko rin," tipid na tugon ko. And so? Anong gusto niyong gawin ko? Magpa-party?

"I gave you 7 years to get him but you didn't. I guess chance ko naman ito, diba?" Mataray na bulong niya kaya kumunot ang noo ko dahil dun. Seryoso ba siya diyan?

"Huh? Ang sabi mo nirerespeto mo ang nararamdaman ko kaya hindi ka na sisingit pa. I liked him for so many years. Wala kang karapatang sabihin 'yan sa akin," inis na sinabi ko habang sinisigurong walang ibang makakarinig sa amin. Sinilip ko ang reaksyon ni Hera sa sinabi ng best friend niya pero nakayuko lang ito.

"Well, things have changed. We want those two for ourselves. Kung kaibigan ka talaga, you would distance yourself from the guys we like," bitchesang aniya kaya nagpintig ang tenga ko.

"What the hell? That's not a way of proving a friend's integrity. You've been clinging onto him for the past 7 years and I dealt with your shit," galit kong diin at hindi ko napigilang ibagsak ang kamay ko sa lamesa dahil sa galit.

Napatingin tuloy sa amin ang mga lalaki na ngayon ay tumigil sa pinag-uusapan nila.

"What's happening?"

"Jess, calm down," nag-aalalang tawag ni Emma habang hinihila ako pabalik sa upuan ko.

"Okay lang ba kayo diyan, Ems?"

"Love, anong nangyayari?"

"Well, I will take him. Sorry," nakangising sagot ni Elizabeth habang nakataas ang isang kilay. Ihampas ko kaya sa kanya 'tong plato ko.

"Fuck you."

Tears kept falling down from my eyes even though I wiped it out several times. Sorry for the word pero gago siya. Sino ba siya para palayuin ako kina Adam at Nicholas? Those two are the closest people to my heart ever since. They are my best friends and I love them with everything that I got so no one, not even Elizabeth, can take them away from me.

I ran away as fast and as far as I could. Tumigil ako sa pagtakbo nang marating ko na ang rock formation sa kabilang banda ng beach. Malapit ito sa bundok pero malayong malayo ito mula sa villa namin at sa pinagtambayan namin kahapon. Umupo naman ako sa may likod ng malaking bato bago sumandal dito. Sa sobrang layo, siguradong mapapag-isa ako.

Naiinis at nagagalit pa rin ako hanggang ngayon. How could she say that to me? Idadahilan niya pa na para ma-prove na totoo akong kaibigan? Sino kaya ang hindi totoong kaibigan sa amin? That's the reason why I only have few female friends. Like what I've said before, most of the girls I know are backstabbing manipulating bitches. Si Emma lang talaga ang bukod tanging kaya kong tagalan kasi parehas kami ng pag-iisip at pagkilos.

Narinig kong tumunog ang tiyan ko kaya natawa ako habang pinupunasan ang mga luha ko. Kung kailan ako nagdadrama at saka nagparamdam ang gutom ko. Hindi na nga ako nakapag-breakfast tapos ilang subo lang ang nakain ko for lunch. Thank you, Elizabeth!

Dumadami na rin ang tao dito sa beach dahil medyo maghahapon na rin. Sana hindi nila ako mapansin kasi para akong tanga dito at feeling ko namamaga na ang mata ko. Pinanood ko na lang ang mga lalaking nagtitricks habang nakasakay sa jet ski nila at mukhang sobrang saya nila kahit delikado ang ginagawa nila. Gusto ko rin tuloy subukan 'yun dahil baka adrenaline pala ang hinahanap ng katawan ko para mawala ang sakit sa loob nito.

May isang papalapit na jet ski sa pangpang malapit sa kinauupuan ko at topless ang sakay nito kaya kitang kita tuloy ang abs niya. Nahihiya naman akong yumuko dahil baka makita niya ang mukha ko.

"Jessica?" Malumanay na tawag ng lalaki kaya tumingala ako para tignan kung sino siya.

"Race," halos bulong ko bago siya mag-squat sa harapan ko para punasan ang luha ko. Siya pala 'yung lalaking bumaba galing sa jet ski kanina.

"Hey, are you alright? What's wrong?" Nag-aalalang tanong ni Race sa 'kin bago suklayin ang basa niyang buhok.

"I'm fine," pagsisinungaling ko at saka ako ngumiti nang tipid.

"If you don't want to talk about it, I respect your decision. Hmm, are you alone?" Tanong niya ulit habang may mga lalaki sa likuran niya na kakababa lang din ng jet ski at mukhang papalapit sa amin.

"Race, what's wrong?" Mungkahi ng isang foreigner na kulay pula ang buhok.

"Woah! Is she the hot chick yesterday? Hi Miss! I'm Jaime /jey-mi/," bati naman ng lalaking blonde ang buhok na may diamond earring sa kanang tenga niya.

"Baby, you can ride me all day long," sabi ng isa pang kasama nila sa babaeng nakapulupot sa braso nito. Halos maghalikan na nga sila sa sobrang lapit ng mukha nila eh.

"Shut up, bro!" Saway ni Race sa kaibigan niya habang sinasamaan ito ng tingin. Hala, he reminds me of someone I knew very well. Napatingin naman ang lalaki sa pwesto namin bago siya tuluyang lumapit.

"No shit! She's more beautiful up-close. Would you mind switching?" Natatawang biro ng lalaking may kasamang babae. Grabe, hindi man lang nagalit 'yung kasama niya. Ano ba 'tong si ate girl?

"Fuck off, Jake!"

"Please don't mind them. Are you alone?" Pagpapatuloy ni Race na halata namang nag-aalala sa 'kin.

"Yeah, I ran away from my friends," diretsong sagot ko pero ayoko nang magbigay pa ng ibang detalye tungkol dun.

"I can't leave you here now that you told me you're alone. Do you mind if we stay with you?" Ani Race kaya umiling ako habang nakangiti nang tipid.

"I'll let her borrow my jet ski because she's sexy as hell. We'll go back to the hotel to fuck," bara barang paalam nung Jake ata 'yun. Grabe, napaka-vulgar naman niya!

"Bro, come on! Watch your language!" Nahihiyang sigaw ni Race bago tampalin ang noo niya.

"Sorry, love. We'll go ahead then," natatawang sabi nung Jake bago may ihagis na susi kay Race.

Pagkatapos niya akong itayo mula sa pagkakaupo, pinakilala niya na sa akin formally ang mga kaibigan niya. Si Benette daw ang may red hair, si Jaime ang blonde, at si Jake naman ang may kasamang chicks. Dahil mabait sila, pinakain muna nila ako bago turuan kung paano mag-jet ski.

Hindi naman ganun kahirap magpatakbo nun kasi sabi nila para ka lang daw nagmo-motor sa dagat. Well, never pa akong nakasakay sa motor kaya hindi ko alam kung totoo ba 'yun. Nagpapaturo nga ako sa kanila kung paano mag-tricks pero ayaw nila kasi masyado raw delikado para sa akin lalo na't beginner pa lang daw ako.

"It was fun, right?" Masayang tanong ni Jaime pagkatapos naming magkarera. Siyempre, nung umpisa nauna silang tatlo kasi ginagamay ko pa ang alon pero after 2 rounds nanalo na rin ako. Weee!

"Are you sure you're an amateur?" Dugtong ni Benette habang tumatawa.

"Of course!" Nakangusong sigaw ko habang natatawa.

"You're really good at this! Next time, we're gonna teach you auto racing," nakangiting suhestiyon ni Race.

"If she beats me again even there I'm going to marry her. She's so cool," batid ni Jaime na parang nananaginip bago siya hampasin ni Race sa ulo kaya napangiwi siya.

"Actually, I'm already in the tracks," sagot ko bago ngumiti nang malapad sa kanila.

"Woah! Let's go for a spin when we're back in Manila. Where are you racing, anyway?" Manghang manghang tanong ni Race na parang ngayon lang siya nakakilala ng babaeng gaya ko.

"Artic Plaza. How about you, guys?"

"Atlantic, that's a 10-minute drive from Artic. Waaaah! Fate is bringing us together," pangbobola ni Jaime habang nagpapacute na parang bata.

"Hmm, I heard there are three top professional racers in Artic and there's no chance to beat them at all. I think their names are Nicholas Hawker, Adam Knight, and something Strauss. Jaime, what's the name of the other one?" Mungkahi ni Benette habang hinihintay ang sagot ng kaibigan niya.

"I think it's Jessi—no shit! Is that you? Shit shit shit! I'm going to marry you right now," gulat na gulat na sabi ni Jaime kaya tawa lang ako nang tawa sa reaksyon niya. Sobrang cute niya talaga kasi para siyang bata.

"Let's race when we get back. Bring Jake too," nakangising sagot ko sa kanila.

"You just made me like you even more," bulong ni Race sa tenga ko pero natawa lang ako sa sinabi niya.

"Let's race again? Whoever loses will swim back and forth from here to the shore!"