webnovel

Mission: Playing with Fate

Jessica Strauss works for a secret organization created to play with other people's fate--either she attaches them, breaks them up, or maybe something deeper than that. She's busy making the world a little more exciting, but what she doesn't know is that her own fate is being played by someone else--someone *very* close to her heart.

xJaeger · Teen
Not enough ratings
21 Chs

12: Beach Please

Chapter 12

Hinubad ko ang suot kong bistida para makapag-swimming na kaming dalawa nang maayos. Ewan ko ba kung bakit pero pakiramdam ko halos lahat sila napatigil nang maghubad ako. Sorry sa lahat ng nakakakita ng fats ko ngayon. Huhuhuhu. Baka naman napapraning lang ako kaya ganito ang nararamdaman ko. Tama tama, minsan sobrang imaginative ko talaga eh.

"Do you have any other clothes that are not too revealing?" Iritableng tanong niya habang nakakunot ang noo niya.

"Dapat pala nag-pajama ako para mahaba suot ko. Is that what you're saying, Nicholas?" Mapang-asar kong tanong sa kanya bago ko hampasin ang braso niya.

Hindi naman niya pinansin ang sinabi ko habang naghuhubad ng sando niya at saka isinuot rin sa 'kin. As in, literal na isinuot talaga. Nakarinig naman ako ng mga babaeng kinikilig sa hindi kalayuan. Jusko, akala ko ba monthly period niya ngayon? Bakit niya ako inaaway? He was supposed to be the mabait and sweet Nicholas today.

"Tell me, g-ganun ba kapangit ang katawan ko?" Malungkot na tanong ko habang nakatingin sa mga paa ko.

Hayy, siguro hindi nga bagay sa 'kin magsuot ng bikini kasi miski si Adam pinagsuot ako ng shirt nung nagswimming kami sa bahay niya.

Hinawakan ni Nicholas ang baba ko para tumingin ako sa mga mata niya kaya nadaplisan ng tingin ko ang abs niya. Mas developed ang kanya kung ikukumpara sa abs ni Adam dahil mas manly at muscular ang built ng katawan ni Nicholas. Waah! Me and my obsession with abs. Halos makalimutan ko tuloy ang kalungkutan ko dahil sa kahalayan ko.

"Seriously? I find it beautiful," dire-diretsong sagot niya sa tanong ko.

"W-what?" Nalilitong tanong ko kaya kumunot ang noo ko. Huh, anong pinagsasabi niya?

"Jessica Strauss, listen to me. I said, I find you and your bikini beautiful. Even though you're still wearing shorts and even after I clothed you with my sando, there are a lot of people who are still staring at you," sinabi niya iyon nang hindi tumitingin sa mukha ko. Nakakatawa dahil sobrang dalang mo lang kasing makikita ang isang Nicholas Hawker na nahihiya.

"Stop lying to make me feel better, Nick," giit ko bago ngumuso. Pakiramdam ko kasi pinapagaan lang niya ang loob ko para ngumiti na ulit ako. Hayy, nalulungkot pa rin talaga ako. Alam ko namang hindi ako maganda at sexy ehh.

"I'm not. Look around you. Even that group of guys over there are still checking you out... and that one, and that one too! Gusto mo bang may mabugbog ako?" Iritang tanong niya bago mag-igting ng panga.

Luminga linga pa siya sa mga nasa paligid namin habang nakatingin nang masama. Umiling na lang ako dahil ang sungit sungit na naman ng lalaking ito.

"Good. So suck it up, tomboy," aniya habang blangko lang ang ekspresyon ng mukha niya.

"Wushu, tomboy raw pero you find me and my bikini beautiful," pang-aasar ko sa kanya bago ako tumawa nang malakas. Tinignan naman niya ako nang may nakakalokong ngiti bago ako hilahin sa dagat at basain ng napakalamig na tubig.

"Waah Nick! Epal! Ang lamig lamig kaya," tili ko habang binabasa rin siya.

"It's good that it's col—aww! Masakit 'yung kame-hame wave mo ah!" Sigaw niya habang kinukusot ang kanang mata niya dahil natamaan ito sa lakas ng kame-hame wave ko.

Lumapit ako sa kanya para tignan kung anong nangyari at para sana magsorry. Imbis na ipakita niya ang mata niya sa akin ay hinapit niya ako sa bewang habang dinadala sa mas malalim na parte ng dagat kaya mas lalo akong tumili.

Marunong naman akong lumangoy pero hindi ako pumupunta sa malalim kapag nasa dagat ako. Praning kasi ang mga magulang ko dahil kahit marunong daw akong lumangoy ay mabuti nang nag-iingat. Never kong nasubukan noon pero nandito ako ngayon sa malalim na parte ng dagat habang nakasabit sa likod ni Nicholas para siguradong safe lang ako.

My parents would probably freak out if they found out about this. I can imagine Mommy's armalite sermon and Daddy's daggers stares but too bad they're in the States.

Nang mapagod kami ni Nick, napagpasyahan naming magpahinga muna sa mats kung saan nakaupo ang mga kabarkada namin. Nang malapit na kami sa kanila ay kitang kita ko ang abot-tengang ngiti ni Emma habang nakahiga sa hita niya si Lance at ang pagtitig ni Hera sa abs ni Nicholas. Hindi naman kami napansin ng iba dahil busy sila sa pagkekwentuhan.

"Guys, don't you think Jessica and Nicholas look cute together?" Anunsyo ni Emma kaya tumingin ang mga kaibigan namin sa amin.

Kitang kita ko naman ang pagtitig ni Spade sa katawan kong basang basa, ang tingin nina Hera at Thomas na may bahid ng selos, ang hindi mabasang emosyon sa mukha ni Adam, at ang mapang-asar na tingin mula sa iba naming kaibigan.

"Hahahahaha. No, I think mas bagay sila ni Thomas," ani Elizabeth bago bigyan ng "look" si Hera na ngumiti lang nang tipid nang makita niyang tinitignan ko siya. Nasaan na ang sisters don't fight over boys? Geez.

"Ems is right. Haven't you seen how protective he is to Jess?" Mapang-asar na tanong ni Lance sa amin. Isa pa siya! Ang lakas talagang mang-asar ng magjowang ito.

"Kinikilig ako!" Tili ni Emma na parang 10 years old na fangirl.

"Hahahahaha. Hoy, tama na. Nagseselos si loverboy dito ohh!" Biro ni Ezekiel na naging dahilan kung bakit siya binigwasan ni Thomas kaya tawa kami nang tawa.

Maggagabi na nang napagdesisyunan naming bumalik na mansyon para kumain na ng hapunan. Natatawa nga ako kasi sobrang bilis maglakad ng boys eh. Halatang gutom na gutom na ang mga 'yun kasi naman snacks lang kinain namin sa beach. Sinasabayan naman nina Eli at Hera sina Adam at Nicholas kahit nagmamadali na 'yung dalawa.

Ang magjowa naman kanina pa bumalik sa mansyon kasi siguradong naglalandian na naman 'yun ngayon. Kapag nakikita ko nga sila, minsan naiinis ako kasi sobrang clingy nila at hindi na sila nagsawa. Parehas naman silang naka-base sa States kaya sure akong nagkikita sila palagi pero kahit ganun parang sabik na sabik pa rin sila sa isa't isa. At the same time, I envy them because they highlight the strengths of each other and turn their partner's weaknesses to strengths. I want that kind of love. Ano bang feeling kapag mahal ka rin ng mahal mo? Sobrang saya siguro, noh?

Dahil sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayang sobrang layo na nila sa akin. Nakaliko na sila sa daanan papunta sa mansyon samantalang nasa beach pa lang ako. Nagmadali ako nang konti pero wala ring nangyari dahil buhangin ang nilalakaran ko. Tumingin na lang ako sa napakagandang sunset habang naglalakad pa rin sa tabi ng dagat kaya para tuloy akong nasa music video ngayon.

Waves? Check.

Sunset? Check.

Breeze? Check. (Punyeta, hindi detergent 'yan. Hahahahahaha)

Beautiful scenery? Check.

Boyfriend? ERROR 404. BOYFRIEND NOT FOUND.

Kahit sino sigurong makakakita sa 'kin ngayon ay iisiping baliw ako dahil tumatawa ako sa sarili kong joke. May lumapit naman sa 'king lalaki nang malapit na ako sa likuan at saka siya nag-hi sa akin. If I remember correctly, kasama niya ang mga lalaking tinutukoy kanina ni Nicholas. Pasimple naman akong lumayo kasi mahirap na. Malay ko ba kung holdaper o manyak pala siya.

"Oh, sorry. Did I scare you?" Lumungkot ang tono ng boses niya kaya napatingin ako sa kanya. Sa totoo lang, mukha siyang pinaghalong Brazilian at Japanese.

"Sorry," tipid na sagot ko bago maglakad ulit.

"U-uhm, sorry but I can't shake the fact that you're the most beautiful woman I've ever seen ever," seryosong aniya kaya napatingin ako sa kanya ulit. Ano raw?

"Stop joking, guys like you will say anything just to get into women's pants. I'm sorry but I'm not that type of girl," batid ko bago umalis. Narinig ko naman siyang tumawa bago ako sabayan sa paglalakad.

"I like you even more. No, I'm not trying to be in your pants because I wouldn't gather my strength for the past 2 to 3 hours just to talk to you if I did," nakangiti niyang tugon sa akin.

"Ooh, men and their pickup lines," natatawa kong komento bago umirap nang pabiro.

"Hahahahahahaha. Look, I'm serious here," tawag niya pero nginitian ko lang siya bago maglakad ulit. "Oh, I almost forgot. I'm Race by the way," dagdag niya bago makipagkamay sa 'kin.

"Jessica," pagpapakilala ko bago iabot ang kamay ko. Tumigil ako sa paglalakad dahil sampung hakbang na lang ang layo ko mula sa gate ng rest house.

"I should probably go inside," magalang na paalam ko bago ako kumaway sa kanya. Mukha naman siyang mabait kaya magiging mabait din ako sa kanya.

"Man, I thought your place was farther. Good night then, Jessica!" Bati niya bago kumaway rin at saka naglakad pabalik sa dinaanan namin kanina.

Nakangiti akong pumasok sa loob hindi dahil kinilig ako kay Race pero dahil napatunayan kong ganun ko kamahal si Adam para hindi tumingin sa iba na mismong sila ang nag-ooffer ng sarili nila sa akin. Bago ako umakyat sa kwarto ko, nakita kong naghahain na ang maids kaya ibig sabihin ay malapit na rin kaming kumain.

I showered for a while just to freshen up when someone knocked on the door while I'm combing my hair.

"Yes?" Bumukas naman ang pinto at may sumilip na isang napakagwapong nilalang sa pintuan.

"Hey, let's go down. Kakain na raw eh," aya ni Adam. Inaamin kong nagseselos pa rin ako sa kanila ni Elizabeth pero wala naman akong karapatan dahil hindi naman siya sa 'kin. I know that's sad but that's the truth.

"Sige, sunod na lang ako," sabi ko habang pinipilit kong wag maging cold pero hindi ko ata kaya. Damn it!

"Galit ka ba?" Nag-aalalang tanong niya. His question screwed my whole system. Alam niya bang nagseselos ako? Nahahalata na ba niyang may nararamdaman ako para sa kanya?

"H-huh? Why would I be mad?" Tanong ko, tinatago ang totoo kong nararamdaman.

"Ewan, parang kasi eh," malungkot na bulong niya.

"Baba ka na. Sunod na lang ako," tipid na sagot ko. Again the coldness is still gripping my heart even if I don't want to. Defense mechanism ko na ata ito kapag nasasaktan ako.

"Okay, baba ka na after that," aya niya ulit bago isara ang pinto.

I love Adam but I wouldn't do things just to please him all the time. Basta babawi na lang ako sa kanya mamaya o bukas. Pagbaba ko, halos kalahati na agad ng pagkain ang nauubos nila. Siyempre, gutom na gutom ba naman ang mga lalaking 'yun eh.

"Jess, kain!" Sigaw ni Kiel na super bubbly pa rin kahit punong puno na ng pagkain ang bibig niya. Tinignan ko kung saan ako pwedeng maupo at ang natitira na lang na pwesto ay sa tapat ni Adam, sa kanan ni Nicholas at kaliwa ni Thomas.

Illustration:

Ace—Eli—Hera—Kiel

Nick [T—A—B—L—E] Lance

?—Tom—Spade—Em

Umupo agad ako dun at saka kumain na rin dahil nagugutom na ako. Kukulitin ko sana si Nick pero halatang gutom na gutom pa rin siya kaya nanahimik na lang ako. Nakakatakot pa naman siya kapag gutom kasi para siyang monster na nakikipag-make love sa food niya. It's cute and scary at the same time.

"Jess, would you like some lasagna?" Alok ni Thomas na nakangiti nang malapad habang hinihintay ang sagot ko.

"Sure," tipid na sagot ko tsaka niya nilagyan ng lasagna ang pinggan ko. Naririnig ko namang gumagawa ng mapang-asar na tunog si Spade na katabi lang ni Tom.

"Naks, natututo na si loverboy," pang-aasar ni Ezekiel habang tumatawa.

"Siyempre, ako master niyan eh," singit ni Spade kaya nag-apir sila ni Kiel over the table. Tumawa lang silang lahat bukod kay Nick na seryoso lang sa lovemaking nila ng kinakain niya.

"Gago! Hahahahaha. Wag mong pansinin 'yan," ani Thomas bago ngumiti sa 'kin. May lumapit namang butler sa akin na nag-offer ng red wine. Ibibigay ko na sana ang baso ko nang nagsalita ang katabi ko.

"No red wine for her. Give her sparkling wine instead," sabi ni Nicholas sa butler na tumango sa kanya.

Napasimangot naman ako sa ginawa niya. Why? Bakasyon naman kaya okay lang malasing ahh. Napansin niya ang pagbubulakbol ko kaya bumulong siya sa 'kin.

"Red wine gets you drunk within an hour of drinking it and I wouldn't bring you upstairs if that happened," mahinanong dugtong niya bago bumalik ulit sa pagkain.

"I volunteer as a tribute!" Pabirong sigaw ni Thomas kaya sinamaan siya ng tingin ni Nick.

"Chill lang, Hawker! Nagbibiro lang ako. Hahahahaha. Oo nga, Jess. Mas mag-eenjoy ka bukas kapag wala kang hangover," dugtong niya.

"Fine fine," walang ganang tugon ko. Napansin ko namang nangingiti si Emma na nasa kabilang dulo ng lamesa.

"What?" Naguguluhang tanong ko pero umiling-iling lang siya habang nagpipigil ng tawa.

"Jick? Ness? Jeni? Jesolas? Nisica?"

"Huh?" Tanong ko ulit. Tumingin ako sa kabarkada namin pero mukhang nalilito rin sila sa sinabi ni Emma.

"Slow niyo naman, guys. I was thinking a name for Jessica plus Nicholas," sagot ni Emma habang natatawa.

Ano na namang trip ng babaeng ito? Siguro narealize niyang wala talaga akong pag-asa kay Adam so she's pushing me for a better option. Tinignan ko naman si Nick pero focused pa rin siya sa pagkain niya kaya hinayaan ko na lang din.

"Mas bagay ang Tomessa," singit ni Spade bago sila magngisian ni Ezekiel.

"Ano naman 'yun?" Mataray kunyaring tanong ni Emma habang nakataas ang isang kilay niya.

"Thomas plus Jessica. Wag ka nga, kinikilig si loverboy eh!" Pang-aasar ni Kiel na unti-unting lumalayo sa lamesa kasama ni Spade dahil patayo na si Thomas para habulin sila. Wala pa rin silang pinagbago kasi para pa rin silang mga bata. Mas nakakamiss tuloy sila lalo.

Nagpahinga na rin kami pagkatapos naming kumain. Hindi ako makatulog kaya chineck ko muna ang account ko sa Cryptic para sa mission documents pero wala naman ako sa mood magbasa ngayong gabi. Wala akong magawa kaya naisipan kong bumaba para uminom muna ng tubig bago ako matulog. Bago ako makarating sa kusina, nakita ko si Ezekiel na mag-isa lang sa living room habang may hawak hawak na beer.

"Hey," bati ko bago umupo sa harapan niya.

"Yo! Gabi na ahh, bakit gising ka pa?" Malumanay na tanong ni Ezekiel.

"Namamahay at insomnia. Ikaw ba?" Tanong ko bago sumilip sa paligid kung may iba pa bang gising bukod sa amin. Mukhang wala na kasi wala na rin akong makitang mga maids at butlers sa paligid eh.

"Ewan ko rin. eh," sagot niya bago uminom ng beer.

"Alam mo ba, sabi ng parish priest namin noon, never drink alone kasi kasalanan daw 'yun. Kapag mag-isa ka kasi, marami kang maiisip na masama lalo na't lasing ka kaya..." Kinuha ko ang bote niya at saka ako uminom nang onti. Binalik ko naman agad sa kanya 'yun dahil ayoko ng lasa ng iniinom niya.

"Hahahahaha, you're impossible. Kapag napagalitan ako ni Nick ha," ani Kiel.

Oo, tumatawa tawa siya pero halata sa boses niyang malungkot siya. Nakakapanibago tuloy na malungkot ang pinakamaligalig sa barkada namin.

"If you don't mind, what's the problem?"

"I've been in love with this girl but she's in love with a guy who's in love with another girl. Triple kill," kwento niya bago tawanan ang sarili niya.

"Well, time will come that all of you will have your happy ending. Tignan mo ako, wala naman akong boyfriend pero hindi naman ako nagmamadali. God will give us someone who will make us feel that we're the most worthy person to love. Maybe not now but eventually," sagot ko bago siya bigyan ng napakatamis na ngiti.

"Hayy nako, kaya maraming may gusto sayo ehh," bulong niya bago tumawa. Huh?

"Stop joking, okay?" Saway ko sa kanya pero mas lalo lang siyang natawa.

"Tsk tsk, kawawang mga ano..."