webnovel

MessUnderstood

Anna Lorenza Montemayor, a woman who doesn't have time to love and afraid to love after the traumatic car accident that killed his father way back when she was just an 8-year old kid. Some years later, she met her long lost childhood friend, Reynold who is the son of her mother's business partner. All the time, she thought her childhood friend was a gay. Due to their closeness she fell in love with him, despite the thought of him being a gay. She did a lot crazy things just to make him a man. Would she ever win the fight for love or it would remain MessUnderstood?

AZKHA · Others
Not enough ratings
16 Chs

Chapter 3

Labindalawang taon na ang nakalipas, kahit papaano ay nakabangon na ang mag-ina. Napagdesisyunan kasi nila noong pagkatapos ng libing na sa Tagaytay muna manirahan, sa bahay ng lolo ni Renza para mas mabilis ang pagmove on. At tama nga ang naging desisyon nila, dahil malaki ang naitulong ng mga masayahin nilang kamag-anak para makamove on sila sa kanilang kawalan. Habang si Rudolph at ang kaniyang pamilya naman ang pansamantalang nakatira sa bahay nila sa Manila para maingatan ito. Bagama't si Toni ay designer pa rin, pero sa Tagaytay na siya nakabase at minsanan nalang siya pumupunta sa shop nila sa Manila.

Malaki na ang ipinagbago ng hitsura ni Renza. Kung dati ay bestida at sandals ang suot niya, ngayon ay simpleng t-shirt at jeans nalang. Bagama't panlalaki ang kaniyang postura hindi pa rin maikakaila ang kaniyang angking kagandahan. Balingkinitan, maputi at siyempre chinita. Talagang kopyang-kopya niya ang hitsura ng kaniyang nasirang ama! Siguro, ang pagkakulot lang ang namana niya sa kaniyang ina. 

"Sweetie, hindi ko napansing dalaga ka na pala. Parang kailan lang sinusubuan lang kita. Ngayon, gagraduate ka na!" Masayang bulalas ni Toni habang inaayusan ang anak.

"Thanks, mom. Hindi ko po matatapos ang kurso ko kung 'di dahil sa inyo. Pinili ko po talaga ang BFA Major in Photography para may bubuhay sa ala-ala ni daddy." Nang mabanggit ang ama ay nakaramdam uli siya ng lungkot.

Natigilan si Toni sa tinuran ng anak.

"Namimiss ko na si daddy, sweetie." Bumuntong-hininga si Toni saka nagpatuloy sa kaniyang pag-memake-up.

"Me too." Halos mangiyak-ngiyak si Renza sa panghihinayang na hindi na masasaksihan ng kaniyang ama ang pagsunod niya sa karera nito. Hindi naman nakalampas sa paningin ng kaniyang ina ang mapait na ekspresiyon ng kaniyang mukha.

"Naku sweetie! Sayang ang make up. Huwag ka na munang mag-emote at malelate na tayo. Miminsan ka nga lang magmemake up eh. Bakit 'di ka nagmana sa'kin? Tingnan mo ako, maganda 'di ba? Girl na girl!" Ibinaling ni Toni ang usapan baka mag-iyakan na naman sila.

"Maganda naman ako ah! At guwapo si daddy! Kaya ka nga patay na patay sa kaniya eh." Depensa ni Renza.

"Oo nga. Maganda kung maganda. Pero 'di ka nagmana sa kasexy-han ko. Para kang lalaki pumorma. Kaya nga napagkakamalan tayong magkapatid eh." Giit ni Toni.

"Mom, ito na po ang nakasanayan ko. Ayaw ko ng makolorete. At saka, mabuti na 'yon para wala ng mangungulit na lalaki."

"Bakit? Babae ba ang gusto mo?" Pang-aasar ni Toni sa anak niya.

"Mom, nangako ako sa'yo na aalagaan kita. Hindi na mahalaga kung sino o ano ang magugustuhan ko."

"Okay, malelate na talaga tayo. Tara na!" 

Walang mapaglagyan ng kagalakan ang mga magsisipagtapos. Samot-sari ang mga kuwentong sipag at tiyaga ng mga graduates para lang magtagumpay at ito na nga ang pinakahihintay nilang araw, ang matikman ang tagumpay na kanilang pinaghihirapan. Kasama na doon si Renza sa mga nagtagumpay. Talagang pinaghuhusayan niya ang kursong ito alang-alang sa kaniya nabalong ina at namayapang ama. 

Sa dami ng mga graduates, inabot ng limang oras ang seremonya. Tinapos ito sa pamamagitan ng tradisyon, ang paghahagis ng toga ng mga graduates. May umiiyak sa tuwa, naghihiyawan at nagyayakapan. Siyempre, hindi pahuhuli si Toni na kilalang dramatic at overactive.

"Congratulations, sweetie!!!" Galak na galak si Toni na yumakap sa anak niya.

"Thanks, mom. Matutupad na rin ang pangarap kong trabaho." Umiiyak si Renza sa tuwa.

"Let's celebrate! Tara dinner tayo sa paborito nating resto." Masayang yaya ni Toni sa anak.

"Daan po muna tayo sa bahay mom. Magbihis po muna ako, nakakahiya namang kumaing ganito."

"Okay. Let's go!" Wika pa ni Toni.

Karakarakang nilisan nila ang lugar at dumiretso bahay ng lolo ni Renza. Pero bakit waring wala silang nadatnang tao. Nagtataka sila kung saan na kaya nagpunta sila. Nang pihitin ni Renza ang saradura, hindi naman nakalock ang pinto. Kinabahan siya baka kung may sinong masamang-loob na nakapasok sa tahanan nila at gumawa ng masama. Nang pumasok na siya, halos iluwa ng dibdib niya ang kaniyang puso sa sobrang kaba.

"CONGRATULATIONS!!!" Sabay-sabay humiyaw ang kaniyang mga kamag-anak nang iniluwa sila ng pinto.

Bumungad sa mag-ina ang sorpresang handaan para kay Renza. Ang akala niya may nangyari ng masama sa pamilya niya, iyon pala ay isang nakakaantig-pusong sorpresa. Hindi maiwasang maluha ni Renza sa tuwa dahil maibiging kabaitan ng kaniyang pamilya.

"Maraming salamat. H~Hindi niyo po ako nakalimutan kahit busy kayong lahat." Nauutal si Renza dahil naging emotional siya.

"Ano ka ba? Kahit kailan nandito kami para sumuporta sa'yo, apo." Lumapit ito at niyakap siya ng kaniyang lolong retired judge.

"Oh siya, tama na ang drama at masayang ang okasyong 'to." Awat naman ng tita ni Toni na si Cory.

"You're right! Mabuti pa kumain na tayo." Segunda naman ng kapatid nitong si Leng.

"Mabuti pa nga. We're supposed to have a dinner in our favorite restaurant but we're all here so we're not going. Tara, kain na tayo!" Masayang wika ni Toni at nauna pa itong umupo sa inihandang hapag.

Matagal-tagal ding hindi nagkasama ang buong pamilya at gaya ng nakagawian, masayang nagkakainan ang buong mag-anak. Nagbibiruan at nagtatawanan, na siyang pangunahing pagkakilanlan ng kanilang angkan. Hanggang sa umabot sila seryosong paksa, ang tungkol sa karera na tatahin ni Renza. Kahit kakagraduate lang nito, interesado talaga sila sa pipiliin nitong landas na tatahakin.

"Apo, ano ang balak mo ngayong graduate ka na?" Seryosong tanong ng lolo ni Renza.

"Noon pa man, lagi kong ginagaya si daddy. Kaya nga Fine Arts Major in Photography ang kinuha ko. Kaya..." Biglang naalala ni Renza ang namayapa niyang ama kaya napahinto siya sa kaniyang pagsasalita.

"Kaya, bubuhayin ko uli ang shop ni daddy. Nandiyan naman si Tito Rudolph na aalalay sa akin eh. Iyon nalang kasi ang natitirang ala-ala namin sa kaniya." Patuloy ni Renza habang halos maluha-luha ang mata. Kaya naging emotional din lahat ng naroon.

"Well, anuman ang desisyon mo, nandito lang kami." Muling wika ng lolo ni Renza.

"Oh siya, nagdadrama na naman tayo. Mabuti pa magvideoke nalang tayo!" Pinutol ng tita ni Toni na si Cory ang madamdaming usapan ng pamilya baka imbes na kasiyahan ay maging iyakan ang eksena.