webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Urban
Not enough ratings
388 Chs

Chapter 317

Nung masigurado ko ng maayos na yung mukha ko mabilis ko ng dinampot yung mga kalat ko para umalis kasi kanina pa tumatawag sakin si Mike kanina pa daw siya sa baba. Medyo bumagal kasi yung pagkilos ko paano kasi si Martin kanina pa ko pinagmamasdan yung bawat kilos ko naka sunod siya pero di naman nagsasalita kung anong problema niya basta naka tingin lang siya.

Despedida party kasi ngayon nila Anna, Analyn at Christopher kaya lalabas kami. Di kagaya dati na apat lang kaming lalabas, ngayon kasama namin si Robert at Mike may bonus pa si Xandra. Inivite din kasi sila ni Anna kasi daw ako naman magbabayad.

Naalala ko pa yung usapan namin ni Anna kahapon.

"Hoy Day, narelease na komisyon mo kahapon ah!" bungad sakin ni Anna nung sagutin ko yung tawag niya.

"Talaga?" tanong ko, di kasi ako makapaniwala kasi nga expect ko rerelease yung after kong magclearance.

"Oo day kaya magpainom ka bukas kasi aalis na kami sa Sunday kaya dapat lasingin mo kami."

"Di ba dapat kayo magpakain kasi kayo ang aalis?"

"Hindi, ikaw kasi ikaw ang mas madaming pera ngayon!"

"Ayos!"

"Ano ayaw mo?" mataray na tanong ni Anna.

"Oo na, sige na ako na ang magbabayad!"

"Good, nagpabook na ko para bukas! Sama mo yung kapatid mo! Kita tayo bukas!" sabi lang uli ni Anna bago ibaba yung phone.

"Di ba, ang galing niya na set na niya lahat pero yung payment sakin!"

Papalabas na ko ng pinto ng kwarto ni Martin ng bigla niya kong harangin kaya biglang kumunot yung noo ko feeling annoyed.

"Wag mo kong tingnan ng ganyan baka di kita palabasin!" pagbabanta ni martin habang pinitik yung noo ko na nanatiling naka kunot.

"Akala ko ba nagkaintindihan na tayo!" reklamo ko ng hilahin niya ko pabalik sa loob at huminto kami sa tapat ng closet niya.

Mabilis siyang nagkalkal dun, alam ko na yung susunod na mangyayari pipilitin niya kong magpalit ng damit kaya bago pa niya yung gawin ay kumaripas ako ng takbo palabas. Binilisan ko yung pagdampot ng bag ko pero bago ko mahawakan yung door knob ng opisina niya naabutan ako ni Martin.

"Saan ka pupunta sa tingin mo?" tanong ni Martin na halatang gigil na gigil sakin kasi medyo mahigpit yung hawak niya sa braso ko.

"Ayaw kong magpalit ng damit!" sabi ko habang pinipilit kong kumawala sa kanya.

"Wag ka ngang OA!" sabi ni Martin habang inilatag sa harap ko yung bitbit niyang damit. Coat pala iyon, mabilis niyang inangat yung kanang kamay ko at ipinasok yun sa manggas at ganun din ginawa niya sa kaliwa. Binutones niya rin iyon at iniayos yung kwelyo.

Dahil nga sa height difference naming dalawa at isama mo pa yung magkaiba naming body built nagmukha tuloy akong ewan. Bahagya kong iniangat yung dalawa kong kamay na di ko makita dahil sa haba ng manggas at mukang naintindihan naman yun ni Martin kaya maingat niya yung tinupi.

Sumbrero nalang at magnefying glass puwedi na kong detective kasi nga wala ng makakilala sakin sa ayos ko ngayon.

Tiningnan ko si Martin at makikita sa mukha ko na ayaw ko yung itsura ko.

"Masaya ka naman sa itsura?" sarcastic kong tanong.

"Wag ka ng magreklamo, suotin mo muna yan tapos hubarin mo nalang kapag nakarating ka na sa pupuntahan mo," sabi ni Martin habang hawak hawak ako sa dalawang balikat na para bang kino-consule ako.

"Yoko!" muli kong protesta.

"Wag ka ng umalis kung ayaw mong makinig sakin!" Sasagot pa sana ako ng tumunog yung phone ko. Si Mike yun, mukang naiinip nanaman.

"Mike?" sagot ko.

"Asan ka na?"

"Pababa na!"

"Kanina pa yang pababa mo, hanggang ngayon wala ka parin," reklamo ni Mike kasi nga kanina ko pa yun sagot sa kanya at hanggang ngayon andito parin ako sa itaas.

"Sige na, baba na ko!"

"Bilisan mo, tumawag na sakin sila Ate Anna malapit na daw sila."

"Okay!" sagot ko bago ko binaba yung tawag. Inabot ko na yung bag ko at pinagbuksan na ko ng pinto ni Martin kaya dumiretso na ko ng labas.

"Ingat ka!" pahabol pa ni Martin pero di ko siya pinansin at diretso lang ako sa paglalakad.

Sa common elevator ako sumakay kasi nga di ko naman kasama si Martin. Una ako lang nakasakay pero habang bumaba yung elevator ay napuno na iyon. Di mapigilang mapatingin sila sakin marahil dahil nga sa kakaiba kong damit kaya di ko matiis na di cursed si Martin sa isip ko. Hanggang maka rating ako sa parking lot mainit ulo ko kaya nung sumakay ako ng kotse ni Mike inunahan ko na siya ng tingin na masakit para di na siya magsalita kasi wala na ako sa mood makipagtalo sa kanya.

Dumaan muna kami sa bahay nila Xandra bago kami dumiretso sa meeting place.

"Yaan na talaga yung suot mo?" tanong ni Mike na dg makapaniwala sa porma ko. Nagpalit na kasi siya ng damit naka pantalon na lang siya at t-shirt na blue, samantalang si Xandra ay naka short lang at long sleeve ang pares pang itaas. Inirapan ko lang siya at di ko siya sinagot.

Paano kanina ko pa tinatangal yung pagkakabuhol ng tali ng coat ni Martin sa baywang ko pero kahit anong gawin ko di ko talaga siya matangal hanggang sumakit na lang kamay ko kaya hanggang ngayon suot ko parin siya. Naisip ko sinadya talaga iyon ni Martin para di ko mhubad

Ang naisip ko nalang solusyon ay putulin iyon ng kutsilyo sa bar mamaya or hubarin ko siya papunta sa baba at para gawin yun need ko ng space.

Balak ko sana maki gamit ng banyo kina Xandra kaya lang ang daming tao sa kanila dumating daw kasi yung mga pinsan niya. Okay lang sana kung mga babae kaya lang puro lalaki kaya naisip ko sa bar na lang.

Naunang dumating samin yung grupo ni Anna at dahil nga may reserved room na kami dun na kami dumiretso. Sa groud floor lang kami para pag gusto namin magdisco ay malapit lang kami sa dance floor. Ang importante lang naman may sarili kaming kwarto na pwding uminom at kumanta na walang istorbo.