webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Urban
Not enough ratings
388 Chs

Chapter 316

"Hanggang magsawa ako!" diretsong sbai ni Martin ng marinig ko yun di ko maiwasang matawa.

"Haha...haha... ano yun joke?"

"Sa tingin mo?"

"Di naman ako papayag na laspagin mo ko ano ka hello!" naiinis kong sabi, balak ko na sanang tumayo pero pinigilan ako ni Martin kaya muli akong nagsalita.

"Sa tingin ko wala ng mapupuntahan yung usapan natin maghahanap nalang ako ng iba na wiling magbayad," sabi ko sabay tayo.

"Kung may kilala kang kaya kang bayaran ng seven million para sa virginity mo then go on pero sa tingin ko wala, kasi kahit magtrabaho ka bilang prostitute hanggang aged of sixty malamang di mo yun kayang bayaran!" sagot ni Martin sakin.

Actually sinabi ko lang naman yun para sana asarin siya pero di ko akalain na papatulan niya ko ang dating pa walang lalaking willing magbayad sakin ng ganung amount maliban sa kanya.

"Wait lang at magprostitute ako!" sagot ko sabay talikod pero bago ako makahakbang ay hinila ako ni Martin papunta sa kanya. Ikinulong niya ko sa mga bisig niya habang nasa kandungan niya ko naka upo.

"Problema mo?" galit kong sabi sa kanya.

"Ikaw anong problema mo?" ganting tanong niya sakin.

"Nagbabyad ka nga sakin ng one million just to sleep beside you, ngayon ayaw mo magbayad ng seven million para sa virginity ko?" mayabang kogng sabi.

"Sige bibilhin ko na yang virginity mo for seven Million then spend seven nights with me starting today!" seryoso niyang sabi.

"Bakit seven-night?"

"One million per night!"

"Di pwedi two million per night yung rate ko!"

"Wow ang mahal mo!"

"Take it or leave it!"

"Okay, then wait for my lawyer para paalis kayo sa bahay niyo!" sabi ni Martin habang binitawan ako. Di ko tuloy alam kung tatayo ako o mananatili sa kandungan niya. After thingking for a minutes muli ako nakipag compromise kay Martin.

"How about two days?" malambing kong sabi na may kasama pang puppy eyes para mapa-oo ko siya.

"Sige five days!"

"Three days!" paki-usap ko.

"Half-way four days!" sabi ni Martin habang hinahalikan ako sa pisngi.

"Deal!" payag na ko kasi di na ko lugi dun pumapatak almost two million yung rate ko for a day. Pga-ganun ako na siguro ang pinakamahal na prostitute sa buong mundo.

"Tara na!" sabi ni Martin sabay buhat sakin.

"Di pa yun ngayon, ano ka ba! Baba mo ko!" sabi ko habang nagpupumuglas ako sa pagkakakarga niya sakin.

"Eh kailan?" seryoso niya sabi habang dahan-dahan akong ibinaba kasi nga sige yung pagpupumiglas ko, natatakot siya marahil na malaglag ako.

"Next Friday!" sagot ko pagkatapos kong mag-isip. Kasi ngayon may lakad ako then bukas susnduin namin sila Mama at Papa, then next week may pasok pa ko kaya tamang-tama yung Friday kasi wala ako nun gagawin.

"Bakit di pa ngayon? Anong difference?"

"May lakad ako ngayon!" declare ko.

"Saan ka pupunta?" taas kilay niyang tanong.

"Basta!"

"Then tomorrow?"

"Di rin pwedi susunduin namin sila Mama at Papa sa Bataan kaya lingo pa balik ko!"

"So sa Monday?"

"Di rin pwedi, pupunta na ko sa site sa Monday baka abutin ako dun ng Wednesday dun."

"So sa Thursday ka pa pwedi?" Bahagya akong nag-isip parang alanganin naman yun kasi nga may pasok pa sa Friday eh di ba sabi nila pag first time mo daw di ka mamatayo kasi masakit daw yun paano ko makakapasok?

"Sa Friday na lang!"

"So wala akong choice kundi maghintay ng Friday?"

"Oo!" sagot ko, pagkarinig ni Martin nun ay muli niya kong hinila para siilin ng halik pero umiwas ako.

"May deal na tayo at mag-start yun Friday kaya tumigil ka na sa pagtake-advantage sakin."

"Di ka narin pwedi halikan?"

"Oo, di ba nga bawal halik mo may price eh nag deal na tayo ng seven million for four days all in na yun kaya bawal na, kaya bitaw!" sabi ko sa kanya habang pinapagpag ko yung kamay niya na nakakapit sa braso ko. Napa-iling nalang si Martin siguro na realize niya na naisahan ko siya.

"Kumain ka na, at matulog!" muli kong sabi habang iniwan ko siyang naka tayo at naka tingin sakin.

"Kunin mo yung paper bag sa lamesa, pasalubong ko sayo yan!" sabi niya habang pabalik sa lamesa para kumain.

"Di mo ko kailangang bigyan ng pasalubong!" tanggi ko.

"Lahat binigyan ko kaya kunin mo na yan!"

"Yoko!"

"Kukunin mo o void ko yung contract natin?"

"Eh di kunin!" wala akong nagawa, mapilit eh. Kaya muli akong tumayo sa upuan ko at dinampot yung paper bag na sinasabi niya pero di ko iyon binuksan at inilagay ko lang sa drawer ko at nagsimula na ko uli magtrabaho.

Bago mag-lunch break lumabas si Martin dahil nga may meeting nagbilin siya sakin na hintayin ko siya at sabay na daw kami mag-lunch pero nung tumungtong yung alas dose na wala pa siya bumaba na ko sa canteen.

Hanggang makabalik ako wala parin si Martin, malamang naipit sa meeting. Eksaktong five ng hapon ng patayin ko yung computer ko at pumasok ako sa kwarto ni Martin. Kapal muka akong gumamit ng banyo niya, naisip ko kasi na dito na magbihis at dahil nga medyo malagkit yung katawan ko naisip kong maligo.

Sakto naman paglabas ko ng pintuan ng banyo siya naman pagpasok ni Martin ng kwarto. Nagkatinginan kaming dalawa pero nauna akong naka recover kaya una akong nagsalita.

"Naki gamit lang," ngiting sabi ko habang pinupunasan ko yung buhok ko ng basa.

"Bakit ganyan yung suot mo?" tanong ni Martin habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa kaya tiningnan ko din yung reflection ko sa salamin. Maayos naman yung nakikita ko at wala naman problema sa pananamit ko.

Naka mini-skirt kasi ako ng itim sa pang-ibaba habang yung pang taas ko naman ay naka sleeveless ako na itim din. Medyo fitted lang yung pang-taas ko kaya kitang-kita yung hubog ng katawan ko. Pinarisan ko yun ng low-cut na boots.

Kung tutuusin di naman mahalay yung suot ko pero napaka sexy kong tingnan. Sa akin walang problema yun kasi dalaga naman ako kaya di ko ma-gets kung anong problema ni Martin kaya di ko siya pinansin at pinagpatuloy lang yung pagtutuyo ko ng buhok.