webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Urban
Not enough ratings
388 Chs

Bitter Taste

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko, tumatawag si Martin sakin.

"Hello?" Medyo paos ko pang sabi.

"Nagising kita?" Tanong niya sa akin.

"Oo!" Sagot ko naman sabay tingin sa may orasan na nakapatong sa side table ko. Seven pa lang ng umaga kaya bahagya ko pang ipinikit yung mata ko habang yung cellphone ko ay nasa tenga ko.

"Sensya na at nagising kita pero bangon ka na sunduin kita diyan labas tayo!"

"Labas tayo?" Naguguluhan kong tanong.

"Oo, maliligo na ko tapos diretso na ko diyan kaya tayo ka na!" Masigla niyang sabi.

"Sorry Hon pero may lakad ako ngayon." Paliwanag ko.

"Saan ka pupunta?" Seryosong tanong niya.

"Punta ako kina Anna tapos punta kami sa bahay ni Nina, bale magrereunion kaming tatlo!" Paliwanag ko bago tuluyan ng tumayo sa pagkakahiga.

"So mas gusto mo silang kasama kaysa sakin?" Nagtatampo niyang sabi.

"Hon naman, Pagtatalunan nanaman ba natin yan?" Naiirita ko nanamang sabi kasi nga kagabi yan na yung pinagtalunan namin at ngayon nag-uumpisa nanaman siya.

"Postpone mo yung meeting niyo, samahan mo ko!" Utos ni Martin sakin.

"Martin naman pwedi ba! Wag ka namang maging unreasonable. Bukas magkasama naman tayo kaya pumayad ka na!"

"Ayoko!"

"Bahala ka sa buhay mo!" Sagot ko sa kanya at tuluyan ko ng ibinaba yung tawag. Inihagis ko yung phone ko sa kama at agad kong kinuha yung tuwalya at damit ko sabay baba para maligo kasi maya-maya lang darating na si Anna kasi eight yung usapan naming dalawa.

Pag-akyat ko sa taas may bagong miscall si Martin at text message pero di ko yun binasa at nagpatuloy lang ako sa paghahanda para sa paglabas ko. Five minutes bago mag eight dumating si Anna.

"Tita!" Matinis niyang sigaw habang yumakap sa Mama ko na nasa pintuan.

"Anna, lalo kang gumaganda ah!" Papuri ni Mama habang tinitingnan si Anna mula ulo hanggang paa.

"Hay naku Tita sumeksi rin kaya ako!" Sabay pose na parang modelo.

"Papaniwala ka sa Mama ko di niya lang sayo masabi na pumangit ka at tumaba!" Pambabara ko habang palapit ako sa kanila.

"Ikaw diyan yung pumangit at tumaba palibhasa di marunong mag-alaga yung mapapangasawa mo!" Anggil sakin ni Anna.

"Bitter ka lang kasi kahit anong gawin mo di mo na ko magiging hipag!" Sagot ko kay Anna habang sinusuot ko yung rubber shoes ko. Naka t-shirt lang ako ng light pink at maong na shorts kasi nga kina Nina lang naman kami pupunta.

"Ikaw kasi talaga may kasalanan nito eh!" Sigaw ni Anna sa labas yun pala nasa labas si Christopher kausap si Papa. Kinawayan ako nito ng makita niya ako at tinanguan ko lang siya bilang pag acknowledge na nakita ko siya.

"Tara na!" Pagyaya ko pagkatapos kong humalik sa pisngi ni Mama.

"Una na po kami Tita!" Sabi ni Anna at sabay na kaming lumabas.

"Pa, alis muna kami!" Sabi ko at humalik din ako sa pisngi niya.

"Mag-ingat kayo at wag masyadong magpakalasing ha!" Paalala ni Papa, kasi alam naman niya na kapag kami nagkasama malabong di kami uminom.

"Opo pa!" Sagot ko naman bago ako tuluyang sumakay sa backseat ng kotse. Syempre ayaw ko magkaroon ng issue lalo pa nga at may dati kaming relasyon ni Christopher.

Pagkaupo ko sa kotse saka ko sinilip yung phone ko na patuloy parin sa pag vibrate kasi sinalet mode ko ito kanina bago ako bumaba.

"Bukas diyan ako matutulog kaya wag ka ng makulit!" Text ko kay Martin.

"Ako pa talaga makulit? Sagutin mo yung tawag ko!" Reply niya sakin at maya-maya nga ay tumatawag na siya pero gaya kanina di ko parin yun sinagot.

"Nakaalis na ko sa bahay kasama ko na si Anna mamaya na tayo usap." Muling text ko.

"Bakit ayaw mong sagutin, kinahihiya mo ko?"

"Hays!" Di ko mapigilang mapa buntunghininga kasi ang hirap paliwanagan ni Martin.

"May problema ba?" Tanong sakin ni Christopher na naka tingin sakin sa front mirror.

"Bakit Michelle?" Tanong na rin ni Anna na naka tingin na sa direksyon ko.

"Wala naman!" Sabay ngiti ko sa kanilang dalawa. Alangan naman sabihin ko na na-stress ako sa jowa ko.

"Wala eh kanina ka pa wala sa sarili mo! Wag mong sabihin na namimiss mo na kagad yung jowa mo?" Pang-aasar sakin ni Anna.

Speaking of Jowa ko tumatawag nanaman siya uli kaya para matapos na sinagot ko na.

"Hon!" Sabi ko para kahit di nila mahalata na nagtatalo kaming dalawa.

"Asan ka na?" Galit niyang tanong.

"Kaalis lang namin ng bahay kasama ko na ngayon si Anna."

"Si Anna lang?"

"Kasama namin yung kapatid niya!"

"Si Cristopher?" Tanong ni Martin. Di ko na nga binanggit yung pangalan ng isa pero di talaga niya ko pinaligtas.

"Oo!" Pag-amin ko.

"Saan ka naka upo?" Muli niyang tanong.

"Sa may backseat!" Sagot ko habang naka tingin ako sa may labas ng bintana feeling ko kasi nasasakal ako sa ginagawa ni Martin para kasi akong criminal na kailangan niyang imbestigahan.

"Anong oras kayo matatapos?"

"Di ko pa sure!"

"Hanggang 3pm ka lang, sunduin kita dun pag di ka umuwi." Sabi ni Matin sabay baba ng tawag. Napa kunot yung noo ko dahil sa sinabi niya.

"Ano pinapauwi ka na ng Lolo mo?" Pang-aasar ni Anna sakin.

"Di pa naman binigyan niya lang ako ng curfew kundi grounded daw ako!" Iiling-iling kong sagot habang ibinabalik yung phone ko sa bag ko.

"Kung ako boyfriend mo di kita gaganyanin!" Narinig kong sabi ni Christopher.

"Di mo nga ako bibigyan ng tanning pero pinagpalit mo naman ako sa babae!" Pambabara ko sa kanya.

"Ouch... haha... haha...! Tawa ni Anna.

"Diretso na ba tayo kina Nina o mamalengke muna tayo?" Tanong ko. Kagabi kasi ang plano sa bahay kami nila Anna kaya lang naisip namin yung inaanak namin alangan namang isama pa yung ni Nina eh napaka hassle lalo pa nga at balak naming uminom kaya naisip na dun na lang ganapin sa bahay nila yung pagtitipon.

"Mamalengke muna tayo ng mga kakainin natin at pupulutanin, si Robert na daw bahala sa inumin natin eh kaya pagkain yung atin."

"Okey!" Pagsang ayon ko Di ko na inisip si Martin kahit yung sinabi niya bahala na siya sa buhay niya.