webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Urban
Not enough ratings
388 Chs

Super Super

"Nak, andito na si Ninang ganda mo!" Sigaw ni Nina nung makita kaming parating. Agad akong bumaba ng kotse kasunod si Anna. Maya-maya lang may humahangos na batang lalaki papunta samin.

"Ninang!" Sigaw ni Robie samin habang tumatakbo papunta sa direksyon ko pero di siya umabot sakin dahil hinarangan ni Anna ng kamay niya.

"Wait! Sinong mas maganda samin ni Ninang Michelle mo?" Sabay pakita sa ampao niya.

Medyo naguluhan si Robie kaya nagpalipat lipat siya ng tingin sa pagitan naming dalawa ni Anna.

Dahil di sumagot yung bata muling nagsalita si Anna. "Dollar yung laman nitong sobre ko kaya ayusin mo ang sagot mo Robie."

"Mahirap yan palitan Robie kaya wag mo siyang pansinin." Payo ko naman.

"Kahit na mas malaki value nito mabibili mo yung car na gusto mo! Yung kay Ninang Michelle mo pambili lang yun ng pajama mo!"

"Hay naku pagmalaki daw pang dollar ang sahod!" Sabi ko kay Anna sabay irap sakanya.

"Haha..haha...! Tawa ni Nina.

"Wag kang mag-alala Nak, magpapakasal si Ninang Michelle sa mayaman kaya big time narin si Ninang!" Sabi ko kay Robie. Bahagya akong yumuko para magtama yung paningin naming dalawa saka ko hinaplos yung buhok niya at nginitian.

"Talaga Ninang Ganda?" Masayang sabi ng bata.

"Opo!" Mabilis kong sagot sabay karga ko sa kanya di ko rin kinalimutang hablutin yung ampaw na hawak ni Anna.

"Pagyabang daw ba yung mayamang na jowa?" Taas kilay na tanong ni Anna.

"Pinagyabang mo nga dollar mo!" Sabay dila ko sakanya.

"Hoy tulungan niyo ko!" Sigaw ni Christopher na nagbaba ng pinamili namin mula sa trunk ng kotse niya.

"Hi Ninong guapo!" Sabi ni Robie sabay kaway kay Christopher.

"Hello Baby Boy, May regalo sayo si Ninong mamaya bigay ko sayo ha!" Sigaw din ng isa.

"Pasok na kayo!" Sabi ni Nina habag nilakihan yung bukas ng gate nila.

"Pasok na tayo sa loob Baby!" Sabi ko kay Robie na karga-karga ko parin.

"Sige po!" Sagot naman nito sakin. Iniwan namin si Anna at Nina na pumunta kay Christopher para tumulong sa pagdadala ng pinamili namin.

"Bigat mo na Baby ah! Ilang taon ka na nga?"

"Six years old na po!"

"Wow naman malapit ka na palang di maging Baby! May girlfriend ka na?" Pang-aasar ko.

"Wala pa po! Bata pa daw ako sabi ni Daddy, bawal pa daw!" Nahihiyang sagot naman nung bata sakin.

"Haha...haha...!" Tawa ko sa reaksyon niya. Dahil nga si Nina pa lang ang may anak saming magbarkada kaya spoiled siya saming lahat at isa pa naka cute ng batang ito, samahan pa na napaka bait at magalang kaya talagang kinawiwilihan namin.

"Uy dumating na pala kayo!" Sabi ni Robert na pababa sa may hagdan, halatang kaliligo lang dahil basa pa yung buhok.

"Oo, exited yung dalawa eh!" Tinutukoy ko si Anna at Christoper na maaga akong sinundo. Tumango lang siya at agad ding lumabas para salubungin yung tatlo. Bale si Robert at Christopher ang magbarkada kaya din sila nagkakilala ni Nina. Since college days namin yung relasyon nilang dalawa and after graduation nagpakasal na sila kasi nga may Baby Robie na sa tiyan ni Nina buti na lang responsible naman siya at di na niya pinagtrabaho yung isa at sa tingin ko naman okey naman yung buhay nila at masaya sila. Kaya wala na din kaming reklamo sa naging desisyun nilang dalawa.

"Ninang guapo din ba yung boyfriend mong bago?" Tanong ni Robie sakin nung maupo na kami sa sofa nila.

"Oo guapo!" Naka ngiti kong sagot.

"Mas guapo pa kay Ninong guapo?" Curious na tanong ng bata.

"Oo mas guapo pero secret lang natin ha!" Bulong ko sa kanya, syempre naman baka mamaya marinig ako ng iba mahirap na.

"So dapat tawag ko sa kanya Super-super Guapo na Ninong?" Namimilog na mata na tanong ni Robie pero bago pa ko makasagot may nauna saking magsalita.

"Sinong super-super guapong Ninong ang tinutuloy mo?" Tanong ni Christopher na kapapasok lang kasunod sila Nina, Anna at Robert.

"Yung bagong boyfriend ni Ninang ganda." Pagboboking sakin ni Robie. Napa-iling na lang ako kasi nakalimutan na niya kagad yung sikreto naming dalawa.

"Oo, nga pala Michelle magpapaksal ka na daw ah pero di mo man lang napapakilala samin yung boyfriend mo." Sabi ni Nina na halatang nagtatampo. Napakamot nalang ako ng ulo kasi nga totoo naman yung sinabi ni Nina.

"Akala ko samin lang di pinakilala kasi malayo kami pero di ko akalain na sayo." Galit na sabi ni Anna.

"Magluto na tayo!" Pag-iiba ko ng usapan sabay tayo para pumunta ng kusina at dahil nga lagi naman kami dun alam ko na kung saan iyon.

"Galing umiwas!" Sigaw ni Anna.

"Guapo ba talaga?" Narinig ko pang tanong ni Nina.

"Super-super guapo sabi ni Ninang ganda!" Sagot ni Robie. Napangiti na lang ako sa sagot ng bata.

"Lamang lang naman sakin yun ng isang paligo kaya di siya super-super guapo saka mayabang yun saka ubod ng sungit." Sagot ni Christopher. Inirapan ko lang siya dahil sa sinabi niya bago ako sila iniwan. Sa totoo lang balak ko naman ipakilala si Martin sa kanila kaya lang di nagkaroon ng chance, isa pa medyo naging busy rin kasi.

"Papuntahin mo yung boyfriend mo dito!" Sabi ni Nina sakin habang tinutulungan ako sa paghuhugas ng mga gulay, magluluto kasi ako ng chopsuey.

"Next time na lang girl, mahirap na! Andito si Christopher eh, baka magkagulo!" Paliwanag ko kasi nga dahil sa nangyari last time sa restaurant pero di ko na yun sinabi kasi nga tapos na.

"Dapat set mo yun para makilala man lang namin ni Anna. Magpapaksal ka na pero di man lang namin nakita yung jowa mo!"

"Sige set ko, wag kang mag-alala!"

"Siguraduhin mo lang!" Pagbabanta sakin ni Nina.

Nag-umpisa na kaming magluto ni Nina, samntalang si Anna nanatili sa tabi ni Robie siya yung bantay. Yung dalawang boys asa labas nagiihaw ng isda at pork chop para pulutan daw mamaya.

"Sayang wala si Analyn noh?" Sabi ni Nina.

"Oo nga eh!" Sagot ko naman, bihira na talaga kaming mabuo simula ng magtrabaho kami.

"Ito kasi niyaya pa dun sa ibang bansa eh!" Turo ni Nina kay Anna.

"Hay naku, ang sarap ng buhay ni Annalyn dun kaya wag kayong magulong dalawa. Siya nga pala hiring pa kami baka gusto niyong sumama sakin?"

"Sige sama mo si Nina ewan ko nalang kung di ka balatan ng buhay ni Robert!"

"Eh di ikaw na lang Michelle!" Sabi ni Nina sakin.

"Hay naku, papunta nga lang dito nagwawala na boyfriend niya sasama pa siya sakin sa ibang bansa baka magpakamatay na yun!" Walang ka gatol-gatol na sabi ni Anna.