webnovel

Chapter 6

Rhunzel's POV

Pagulong-gulong lang ako sa aking higaan habang iniisip ang sinabi ni Mommy Vi kahapon. Aish! Bakit ba kasi 'yon naging biglaan? Masyadong atat sila na magkaroon ng mga apo. Jusmiyo naman, ayaw ko pang magkaroon ng anak sa murang edad. Marami pa akong pangarap sa buhay na gusto kong makamit. Bakit ba ako napasok sa mga ganito? Aish.

I'm really stressed.

"ANO?!/WHAT?!" Sabay naming sigaw ni Kajick. Napatayo pa ako nang sabihin ko iyon samantalang si Kajick nama'y nakaupo lang habang hawak-hawak ang kubyertos.

"Yes, please calm down. Hindi naman kailangang sumigaw. Just be calm and relax," saad pa ni Daddy kaya dahan-dahan akong umupo. Ano ba 'to?!

"Ang aga-aga naman po. Masyado pa pong maaga para gumawa ng anak," saad ko sa kanila at palihim na umirap.

"Then make it at night para hindi maaga. That's easy, darling," saad pa ni Tito Zari kaya nanlaki ang aking mga mata.

Ay, pusang gala...

Napakamot na lamang ako sa aking ulo. "Tss, insane," saad ni Kajick and he walked away. Nakatingin lang ako rito nang maglakad ito paalis. Aish. Bakit ba may ganitong pamilya ako?

Ganoon lang naman ang mga pangyayari. Nakakinis nga eh. Sobrang nakakainis. They might be older than us but I'm mad.

I just have to endure a year to be with Mr. Sungit. If I can bear with him, then that's good but if I can't? It's easy to file a divorce, right? Besides, may private lawyer naman sina mommy. I can use that lawyer.

"Hija, aalis na kayo. Nandito na si Kajick at Vincenzo. You should be fast. Don't let them wait."

Napabalingkawas ako ng bangon nang marinig ko ang sigaw ni Mommy mula sa baba. Mabilis kong hinila ang aking mga bagahe saka tumakbo pababa. Wala na akong pake kung madapa, ang importante ay dadating ako sa baba.

"O, ingat. Baka mahulog ka sa hagdanan. Wala pa namang sasalo sa 'yo," anang MommyLa. Humarap ako sa kanila at isa-isa ko itong hinalikan.

"Bye, see you on Thursday," ngumiti ako at mabilis na lumabas ng bahay. Dumako ang tingin ko sa dalawang sasakyan na nakaparada sa labas ng aming bahay.

Pamilyar sa akin 'yung isang sasakyan ngunit 'yung isa naman'y hindi ko kilala kung sino ang may-ari. Kay bakla 'yung kulay abong Innova samantalang 'yung kulay itim na Bugatti naman ay kay... Kajick?

Bakit ba ang mahal-mahal ng sasakyan ng lalaking masungit na 'to? Ganyan na ba talaga siya kayaman? He bought that very expensive Bugatti which costs eighteen point seven million dollars. Ilan na nga ba ang eighteen point seven million dollars? Malapit na 'yon magbilyon. Mabuti na lang at hindi gaano kalaki ang bahay nila. Well, the most expensive house is two billion dollars. I can't say that it is just a normal house, mukhang palasyo na 'yung two billion dollars.

Binalingan ko ng tingin 'tung sasakyan na itim.

Siya lang naman ang taong kilala ko na mahilig sa kulay asul at itim. Kagaya ng wallpaper nila sa bahay, kulay itim na may halong asul. Pati na rin ang carpet nila, kulay asul rin. Ang outline naman ng kanilang carpet ay kulay itim. Pati bubong kulay itim na hinahaluan ng kulay asul. Iyong mga dekorasyon nama'y mostly itim at asul.

Nagtataka lang talaga ako. Kulay asul at itim 'yung motif nila sa kanilang mansion pero hindi man lang nahihirapan ang kanilang interior designer. Maganda rin ang pagkadesign ng kanilang bahay. Maganda ang ayos niyon at sobrang linis kahit na kakaunti lang 'yung mga kasambahay.

Hindi na ako magtataka pa. Itim at asul lang naman ang gusto ni Kajick. "Hey, what are you doing there? Hop in. You're so mabagal and I hate mabagal," saad ni Kajick habang nakasandal sa kanyang sasakyan at 'yung isang kamay nama'y nasa bulsa.

Napansin ko rin na lumabas si bakla mula sa kanyang kotse. "Gora na, shokla. Ang init-init na. Ang bagal-bagal mo," saad ni bakla and he patted his car.

"Faster, naghihintay na ang eroplano. I don't want to be late," seryosong sabat ni Kajick.

"What the fvck, woman!"

Naaalala ko nanaman 'yung sinabi nito kahapon kaya marahan akong napailing. Why am I thinking that thing? Galit siya sa 'kin dahil nahawakan ko 'yung malaking bagay na 'yon. Akala ko kasi unana. Imposible rin naman kung gano'n kalaki ang aking unan. Hindi naman ako mahilig sa mga malalaki.

"Uhmm, I'll go with Venice. Mauna ka na sa 'min," saad ko sabay turo kay Vincy. Nagsimula na akong humakbang papalapit kay Vincy. Hindi pa man ako nakalapit rito nang makarinig ako ng malakas na tikhim Kaya mabilis akong napasulyap roon.

"You're going with me, young lady."

Umiling ako. "I'll go with him instead of you. Mauna ka na lang para naman hindi ka mahihirapan," saad ko pa at lumapit sa bakla.

Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan nito ngunit napasara rin naman ito nang itulak ito pasara ni Kajick. He was staring at me seriously.

"Ride me," anito kaya tumaas ang isa kong kilay. Ano raw? He wants me to ride him? Or he wants me to ride his car?

"What? Should we be talking about your car?"

"Nevermind," anito at umiwas ng tingin. Linapit nito ang kanyang labi sa aking tenga and he whispered. "They're watching us. Let's pretend that we are not fighting." Napalingon naman ako sa mga taong tinutukoy nito.

Nakatingin nga sila sa 'min. Kailangan pa ba talaga ang mga ganitong bagay? Pwede namang hindi magpanggap.

"Oh, okay. Sige Vincy, I'll go with him. Sumunod ka na Lang sa 'min. We'll be guiding you, baka Kung saan ka pa sususnod at maliligaw ka pa," saad ko sa bakla at mabilis na umangkas sa sasakyan ni Kajick. He started the engine saka rin niya ito pinaharurut patungong airport.

We stayed quite for a while. We didn't talk much. All those things which he show concerns about me are all part of his acting. Halata sa kanyang hitsura na napipilitan lamang ito. A guy like him is very hard to crack. I trying to lift him up para naman magiging close kami. It's also hard to open a topic for a guy like him. Sobrang seryoso, sobrang arogante, sobrang demanding, sobrang guwapo sa sarili. Well, not to mention... He's handsome.

Nagmumukha lang tuloy akong trying hard kung gagawin ko ang pakikipagusap sa kanya. I can't even find a better topic to talk with. Mahirap naman talagang pakisamahan ang lalaking 'to. Baka rin kung ano pa ang ganyang sasabihin. He's arrogant, but he's also ravishing.

I wonder, ilan na kaya ang mga babaeng nadali ng lalaking ito. I mean, it's impossible that he wasn't in a relationship, before. He's handsome, tall, blond, dark and sometimes a sweet talker. Napapansin ko iyon the way he talks to his parents. But the way he talks to me is like... we are at war. He's my commander, masyadong demanding. He also have a very high pride. I think he can do everything, wala atang bagay na hindi niya kayang gawin. I'm really impressed. Ang cool niya Rin at the same time.

I saw photos of him on their house. He has a lot of photos like, playing soccer, playing, basketball which makes him look so hot and cool, playing chess, playing tennis, playing dart, playing archery, playing bowling, playing football, playing guitars, playing flutes, playing piano and also playing billiard.

Ano kaya ang pakiramdam na makakalaban ko siya sa isang billiard game? Gusto kong masubukan ang ganoong klaseng pakiramdam. Sino naman kaya ang mananalo sa 'min? Almost every Friday I played billiards with my friends. The rest of the day are my working day as a Veterinarian. I really like animals, especially dogs. I love playing with dogs. I love being around with dogs.

Marami na rin akong naging aso, my last dog was a Husky and his name is Key. Hindi ko rin alam kung kukuha pa ba ako ng bagong aso but it would be an honor if bibili ako ng bago. It's a pleasure. I'm a big fan of dogs. A really big fan, indeed. As far as I can remember, sampong aso ang dumaan sa aking mga kamay and all of them died because of me. I'm not a good veterinarian

I'm not really a good veterinarian kaya tumigil ako sa pagiging veterinarian ko. No matter how hard I tried, it ended up being a mess. Being my mess. I don't want to harm animals kaya mas mabuti na lamang kung titigil ako sa aking pagiging Veterinarian. I don't really trust myself that much. I can't hold an injection whenever I saw injections. It became my phobia. Pakiramdam ko may nasasaktan ako t'wing hahawak ako ng injection. I need to be responsible.

Well, I'm trying hard to do it. Many people wanted me to continue what I've started but I refused it all. Kaya ngayon nama'y nagiging tambay na lamang ako sa bahay. I wanted to find a suitable job for me but jobs don't like me. Many opportunities knocked on my door but I didn't open it all. Nagiging sayang na lang ang lahat ng mga opportunities na dumadating sa buhay ko, I became more choosy.

I was actually agreeing to my parents decision to become a businesswoman pero parang nalalayo na rin ang aking piling sa negosyo simula no'ng naging veterinarian ako. I love animals more than businesses. Ang ganda naman kasi magalaga ng mga hayop.

When I was a veterinarian way back two thousand and sixteen and I was eighteen. I actually started at a very young age learning things about animals. Marami hayop ang aking inaalagaan like cats, dogs, birds, I also have a turtle pero binenta ko lahat ng 'yon simula no'ng namatay ang panghuli kong aso na si Key. That was when I was twenty years old.

Natigilan ako sa pag-iisip nang apakan ni Kajick ang break ng sasakyan kaya muntikan na akong madubsub sa harapan.

"Yah! What's your problem ba?! Do you want us to die here, bastard?!" Inis kong tanong at bumalik sa aking dating pagkakaupo. He didn't answer me kaya umirap na lamang ako.

Nagpatuloy na ito sa pagmamaneho hanggang sa dumating kami sa airport. Nauna na akong bumaba saka naglakad papasok sa loob ng airport habang dala-dala ang aking mga bagahe. Good for five days 'tong dala kong damit kahit na hindi kami magtatagal room dahil marami pa kaming aasikasuhin rito sa Pinas.

"Shokla! Makakapunta na talaga ako ng Germany!" Napalingon naman ako sa sumisigaw na bakla kaya. Nagsitinginan ang mga tao sa kanya dahil sa lakas at matinig nitong sigaw.

"Huwag ka ngang maingay. You're so noisy," suway ko rito at agad naman kaming naglakad patungo sa eroplano. Mabuti na lang at sakto lang 'yu g pagdating namin ay flight na namin.

Magkatabi kaming tatlong umupo. Linagay ko muna ang aking headset habang nakatingin sa mga stewardess na nagdedemo sa 'ming harapan kung ano ang dapat gagawin.

Bumuntong-hininga ako saka pumikit. Nararamdaman ko namang gumalawa na ang eroplano kaya hindi ko na iyon binigyan ng pansin. Hindi ko alam kung saang parte ng Germany kami pupunta, ang alam ko lang ay sa Germany.

Baka alam ni Kajick, he's the one who leads us here. Hindi kaya'y sa Berlin? Saan Naman Kaya said Germany? Narinig ko na maraming magagandang lugar sa Germany. Well, hindi lang narinig. Nakapunta ako ng Germany when I was twenty dahil may inaasikaso sina Daddy at gusto rin kaming makita ng kapartner nito sa trabaho.

Namumugad kami sa Germany for almost a month dahil sa dinami-rami ng mga gawain ni Daddy.

Iminulat ko ang aking mga mata. Dahan-dahan akong gumalaw at sinilip si bakla pati na rin si Kajick. Naglalaro lang si bakla ng league of legends samantalang si Kajick nama'y nakapikit. Mahina akong tumikhim saka ko rin ito kinalabit.

"What?" Tanong nito habang nakapikit pa rin. I tried to wave my hand in front of his face. Hindi niya pala iyon nakita. Gsising siya pero nakapikit. Ganyan ba talaga ang mga tao?

"Saan pala tayo pupunta?" Tanong ko rito habang nakatingin sa kanya.

"Germany," sagot nito at hindi gumalawa.

Sapakin ko kaya 'to, ano?

"Saan nga sa Germany? What part? Saan?" May halong inis ang tono ng aking boses. Naiinis naman talaga ako sa tarantadong lalaking ito.

"The place where my parents booked the hotel," saad pa nito kaya napanguso na lamang ako.

"Umayos ka nga!" Padabog kong sigaw. Tinanggal nito ang kanyang sunglasses saka sumulyap sa akin. Kalma lang ang mukha nito kaya Hindi mapigilang hindi makaramdam ng inis sa lalaking 'to.

"Maayos naman talaga ako? What's your problem?" I pressed my lips together to stop my rising anger. Marahan akong bumuntong-hininga.

"Ganyan ka pala kausap? Kailan ka pa magiging matino? You talk like a bastard, not just the way you talk. You're really a damn bastard, asshole!" inis kong saad rito pero mahina lamang itong natawa.

"Thank you for that," anito and he put back his sunglasses.

Grrrr!...

"You're bullshit. You're driving me mad and I hate you for that," kalma kong saad at agad ko itong tinalikuran. Naiinis ako, naiinis ako sa kanya!

"Likewise," anito kaya umirap ako habang nakatingin sa gawi ni bakla.

Narinig ko ang mahinang pagtawa nito kaya sinulyapan ko muna ito. Parang nangiinis ang lalaking ito. Halata naman talaga sa hitsura ng kanyang mukha.

"Thank you, that's a good compliment. Don't worry, I'll keep on remembering that," he said while smirking.

Aish, baliw!...

"Stop talking, you're annoying. Too annoying. Don't talk to me." Humarap na lamang ako kay bakla.

"Nag-away ba kayo, beh?" Tanong ni bakla habang kumakain ng chocolate at 'yung isang kamay ay nasa laro. I shrugged and I lean on the chair. Hindi ko rin alam kung nag-away ba kami o hindi.

Pero to be honest, I hate him. So MUCH!

"Akin na 'yan," saad love at marahan na binawi mula sa mga kamay nito ang chocolate. Nakasimangot akong kumain nun.

"Sa 'yo 'yan, beh? Sa 'yo?" Sarkastiko nitong tanong at umirap. "Bahala ka na nga. Mabuti na lang at isang bag ng chocolates ang dala ko."

Binalik ko rito ang kanyang chocolate at binawi ko naman ang cellphone nito. "Kapag mananalo ako, ibibigay mo sa 'kin ang lahat ng 'yung chocolates... Kapag ikaw naman ang mananalo, ibibigay ko sa 'yo ang lahat ng aking mga pabango. Mahilig ka naman sa mga pabango, hindi ba?" Kumunot ang noo nito kaya tumaas ang isa kong kilay.

"Talo ka na, bakla. Hindi ka naman marunong maglaro ng ganyang laro." Nagkibit-balikat lamang ako at nagsimula nang maglaro.

Dalawang attempts ang aking maggawa. Hindi naman mahirap. Madali lang laruin ang ganitong klaseng mga laro. Sumasali ako ng mg tournaments sa mga moblie games. Nakalaban ko rin ang aking kapatid sa kahit na anong mga laro pero mas mahilig pa rin talaga ako sa billiards. Exercise ko kasi ang larong bilyar at iyon rin naman ang nagpaparelax sa 'kin.

"O, ayan na. Dapat dalawang attempts lang. Kapag natalo ka sa pangalawa... Wala na talagang tsansa. Better get ready." Tumaas ang kilay nito at parang confident pa ito sa resulta.

"Bakla, talo ka na," deretsong saad nito at sumeryoso ang mukha habang nakatuon sa paglalaro ang mga mata.

Nakatingin lang ako rito nang seryoso itong maglaro. No'ng una'y natalo ito sa ikalawa nama'y natalo nanaman ito Kaya malakas akong tumawa ngunit mabilis ko ring tinakpan ang aking bunganga nang maalala ko kung nasaan ako.

"Ano na?" I asked while smirking. He rolled his eyes which made me laugh even more.

I was about to get his bag of chocolates but he directly put it away, far from me. Ano nanaman kaya ang problema ng baklang ito?

"Give me that. Don't cheat." Nakasimangot itong umiling-iling kaya napabuntong-hininga na lamang ako.

"Akin 'to eh," nakasimangot nitong saad. Blangko akong tumingin rito.

"A deal is a deal. You're cheating and hate it," deretso kong saad at sumandal sa 'king kinauupuan.

Narinig ko itong may sinabi pero hindi ko na iyon narinig. "O, sa 'yo na. Share tayo." Linahad nito sa 'kin ang bag Ng chocolates. Tumaas ang kilay ko rito.

"Gusto mo share?" Binuksan ko muna 'yung bag at kinuha ang kisses mula roon. "Ayan, sharing is caring," nakangiti kong saad at linahad rito ang dalawang piraso ng kisses.

Umirap ito at tinanggap ang dalawang piraso ng kisses. "Ang damot. Sasakit sana 'yang ngipin mo," mahinang nitong saad ngunit malinaw na malinaw ito sa 'king pandinig.

"Sana sasakit ang ngipin natin. Hindi lang naman ako ang kakain nito. Kailan mo nakitang naging madamot ako? I'm going to share everything I have with you because you're my bestfriend, maliban na lang sa mga personal na bagay." Nakita ko ang matamis na ngiti sa labi nito.

"Bakit ba tayo nagging magkaibigan?" Anang nito.

"Aba, malay ko." Nagkibit-balikat ako at kinuha 'yung Tobleron sa loob ng bag. Binuksan ko ito at bibigyan ko naman si bakla.

Tahimik lang akong kumakain habang nakatingin sa ginagawang paglalaro ni Vincenzo. "Shokla, bigyan mo ng chocolate 'yang asawa mo," Saad nito habang nasa laro ang tingin. I frowned as I glanced at my husband.

Tss, asawa?

"Nah," sagot ko at binalik ang tingin sa bakla.

"Why not? He's your asawa, you better give him that. Sharing is caring, hindi ba?" Mahinahon nitong saad at pinatay ang cellphone. I raised my brows.

"I never said that I care about him. Why would I give him?" Napangiwi naman ito kaya mahina akong natawa.

"Ang rupok mo. Bigyan mo n---"

"Fine," putol ko rito. I turned my face to my husband. He was leaning on the chair, closed eyes.

Palihim akong bumuntong-hininga. I feel nervous. Pakiramdam ko matatanggal ang lahat ng aking laman loob. Kinuha ko 'yung Dairy Milk at mabilis ko itong kinalabit. I heard him hummed while on the same position.

"Gusto mo?" I asked trying to sound good.

Umayos it ng upo. I saw him frowned so I did the same thing. "Why are you giving me that?"

"Para kainin. Ang weird naman pakinggan kung binigay ko 'to sa 'yo para paglaruan, tss." Nakarinig ako ng mahinang tawa kaya sinulyapan ko ito.

Nakita ko ang mukha ni bakla na kanina pa nagpipigil ng tawa. Namumula ang mukha nito pero umirap lang ako at agad na binalingan ng tingin si Mr. Sungit.

"I hate chocolates. I also hate the person who gave me chocolates," saad nito kaya bumuntong-hininga ako.

"Ma baog ka sana," mahina kong bulong saka umirap sa hangin. Ang OA Naman kasi ng lalaking 'to. Chocolates lang hate agad? Tsk!.

"What did you say?" Seryoso lang ang mukha nito.

"Sabi ko, ma baog ka sana." Nakita ko ang pagkunot ng noo nito.

"Baog? What's that?"

"Ganyan ka ba talaga ka inglesero para hindi mo malaman kung ano ang baog?" Nagkibit-balikat ito kaya mahina akong natawa.

"What's funny?" Aniya. Umiling-iling naman ako. "So? What baog?"

Lumingon ako sa gawi ni bakla. Napatakip ito sa kanyang bibig habang nakikinig sa 'min. "Tanungin mo 'to," saad ko sabay turo kay bakla.

"Guwapo! Baog means guwapo. Yeah, I'm right. You're so baog," deretsong sabat ni bakla kaya natampal ko na lamang ang aking noo.

Juiceko naman, bakit ko ba 'to naging kaibigan?

"I'm baog? Baog means handsome?" Tumango-tango si bakla kaya mahina akong natawa.

Hind ko na alam kung ano ang dapat kong gawin. Jusmiyo marimar naman. Bakit ba may tanga-tanga akong kaibigan?

"You're so baog." Tumango-tango naman si Kajick. Gusto kong sapokin ang dalawa pero nagtitimpi na lamang ako. Ayaw kong gumawa ng eskandalo. Mga gago.

"Okay, stop this. Pareho lang talaga kayo, tss." Binalik ko na lamang ang chocolate sa loob ng bag saka ko rin ito linapag sa sahig.

Bumalik ako sa 'king pagkahilig at pinikit ang mga mata napansin ko namang tumahimik ang paligid kaya idinilat ko ang kaliwa kong mata.

Nagpatuloy lang sa pagkain Ng chocolate si bakla samantalang si Kajick nama'y bumalik sa posisyon nito kanina.

Isinara ko ang aking mga mata. Mga ilang minuto pa bago lumapag ang eroplano sa airport. Nagsimula nang lumabas ang mga tao kaya gano'n rin kami. Dumeretso muna kami sa immigration office bago makuha ang aming mga bagahe.

Nakasunod lang kami kay Kajick tutal siya rin naman ang may alam kung saan kami pupunta.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko rito habang iritang nakasunod.

Nakita ko ring Todo kuha naman ng mga litrato si bakla kahit nasa labas pa kami ng airport. "Ang ganda ng paligid. Kinakabahan tuloy ako." Bakas ang pagkasabik say boses nito habang kumukuha pa rin ng litrato.

"Mr. Eigenmann." Sabay kaming tatlong napalingon sa gawi ng isang lalaking nakatayo sa isang chauffeur service.

Nakangiti ito sa 'min. Mabilis rin naman kaming lumapit rito. "I am Monty. I will be your Butler for your stay," pagpapakilala nito at matamis na ngumiti sa 'min.

"Ay, ang tamis naman," bulong ni bakla kaya napipilitan akong lingunin ito.

He's really crazy.

"Kuya, picture muna tayo," saad pa ni bakla doon sa lalaki kaya kumunot ang noo nito, gano'n rin ako.

"What?"

"I'm sorry, what he meant was he wants to take a photo with you." Ngumiti ako rito kaya tumango-tango naman si bakla.

Pakiramdam ko gusto kong matawa. Nasa Germany kami pero nagtatagalog ang baklang ito.

"You done?" Seryosong tanong ni Kajick rito.

"Yes, you're so baog."

"Pfft." Nagpipigil naman akong matawa. Bakit ko ba sinabi ang salitang baog? Bakit ngayon ko lang naalala na baliw pala 'tong kasama ko?

"Let's just go. Please lead us to our destination," saad ko kay Monty.

Binuksan nito ang pintuan kaya sumakay ako roon sumunod rin naman sa 'kin si Vincenzo at si Kajick.

Ang posisyon namin sa eroplano ay gano'n pa rin ang posisyon namin rito sa sasakyan. Bumuntong-hininga ako at umupo ng maayos habang naghihintay na pumasok ang driver sa loob ng kotse.

Sinulyapan ko muna kung saan nakatayo ang butler. Linagay nito sa compartment ng chauffeur ang aming mga bagahe hanggang sa matapos ito at mabilis na sumakay ng kotse.

"We'll be going to one of the hot---"

"Yes, I know," deretsong saad ni Kajick at hindi pinatapos ang butler. Kunot-noo na lamang akong napatingin rito.

"Don't be rude," suway ko rito pero hindi man lang kumibo ang gago.

"Ang bongga ng Germany," rinig kong bulong ni bakla pero hindi ko ito pinapansin. Nanatiling nakatutok lang ako kay Kajick.

"I'm so sorry. Ganyan lang talaga siya. He's an asshole. Please don't mind him," nakangiti kong saad at mabilis na kinurot si Kajick pero wala pa ring reaksyon ang mukha nito. Parang gusto ko siyang batukan.

Nakita ko ang pagngiti ni Monty. "It's okay, ma'am. I understand." Tumango-tango naman ako. Naaawa ako sa kanya. I hate Kajick.

"Let's go," seryosong saad ni Kajick kaya sinulyapan ko ito.

Gago!...

Pinaandar ni Monty ang makina ng sasakyan kaya tahimik lang akong nakatingin sa paligid.

Teka, nasaan nga ba 'yung chocolates ko? Nasaan na ba 'yon?

"Bakla, alam mo ba kung nasaan 'yung chocolates ko?" Umiling-iling ito kaya napakamot-kamot na lamang ako sa 'king batok.

Juiceko, nawala ang aking chocolate. Ayan, ang damot-damot pa kasi. Aish.

Bye, bye chocolates...

Kajick's POV

I was staring outside the window when I heard Rhunzel finding her chocolates. Tss, that fvcking chocolates.

Kanina pa itong hindi mapakali sa kanyang kinauupuan kaya mabilis ko itong hinarap.

"Here," binigay ko rito ang bag na naglalaman ng maraming chocolates. It's also heavy. I wasn't expecting that this bag has a lot of chocolates.

"Oh, my chocolates!" Masaya nitong sigaw at yinakap ang bag ng chocolates.

She's cute.

I can't deny the fact that she's cute. She's not just cute but she's also beautiful. I have never seen a face as beautiful as her. Well, I have seen but she's way more higher.

Maganda rin naman 'yung anak ni Mr. Perez. Si Faris, she's also beautiful even though she's not that tall.

Si Faris 'yung pinakilala ng kaibigan kong si Sky sa 'min. Well, that Faris looks good on her red dress. Maliit ang mukha nito same as Rhunzel.

I blinked my eyes when I realized that I was talking to someone. "Thank you. Akala ko nawawala," nakanguso nito saad kaya hindi ko mapigilang hindi mapangiti.

"I know you're finding it. I'm too responsible. I don't left things," saad ko at binalik ang aking tingin sa labas ng bintana.

"Maraming salamat talaga. I don't know what to do if I lost these chocolates. Thank you so much. Babawi ako sa sususnod." Binalik ko ang aking tingin sa kanya. She is smiling widely.

"Hmm," sagot ko rito.

We became silent when she opened the bag. I saw her gay friend taking pictures in every place we passed.

"I didn't know that you have a soft side." Mabilis akong napatingin rito when I heard her angelic soft voice.

I frowned. "What?"

"May parte rin pala diyan sa pagkatao mo na may mabuting kalooban. I like you that way," nakangiti nitong saad habang binubuksan ang chocolates.

I directly touching my chest when I felt that my heart was beating so fast. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang aking nararamdaman but it's really strange.

"Okay ka lang?" Anito kaya tumango ako and I stared at her face.

Why is she so beautiful? I love her pointed nose and red lips.

Bumaba ang aking tingin patungo sa dibdib nito kaya mabilis akong napakurap-kurap nang mapansin ko kung saan dumapo ang aking mga mata. Napalunok na lamang ako at mabilis kong binalik ang aking tingin sa mukha nito.

What the hell is happening to me?!...

Tss, this is fvcking insane. I should stop this. I don't like these feelings. It's really strange.

Damn...