webnovel

Lost in Lost Island

Veh_Seranob · Teen
Not enough ratings
7 Chs

Chapter Four (Unexpected)

Leah POV

Kasalukuyan kaming nag Snorkeling at panay ang pangungulit ni Luke sa akin kaya inis ko naman itong tinulak

Napapansin ko ang mga tingin ni kim at alam kong may Gusto siya kay Luke simula ng marinig ko sila Carl na nag-uusap tungkol sa nararamdaman nito.. Sa twing gumagawa ng kakornihan si Luke sa akin ay parang nawawala sa wisyo si kim at makikita mo sa kanyang nasasaktan siya at iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit ayaw kong kinukulit ako ni Luke ayaw kong isipin ni Kim na sinasaktan namin siya pareho lalo na at napaka emosyonal nito kaya iniiwasan ko si Luke buti nalang at nandyan si Carl para protektahan siya..

Aaminin ko may pagtingin ako kay Luke peru naiisip ko palang na may masasaktang tao at kaibigan pa namin ay parang nasasaktan na rin ako. Nabulag lang si Luke dahil nakatuon sa akin ang kanyang atention kaya di niya napapansin ang mga kinikilos ni kim pagdating sa kanya.

Inaamin ko rin na sa twing magsasalita siya at maglalambing sa akin ay kinikilig ako peru at the same time nasasaktan ako para kay kim at parang ako ang na a-awkward sa twing magkaharap kaming tatlo

I'm Sorry kim...

Matapos namin lumangoy ay nakapag desision na kaming umakyat at ayon na si Chloe nakahiga lang naman na parang walang nangyari habang natutulog.

Nag eenjoy ba talaga siya dyan sa ginagawa niya? Grabe..

"Chloe gising, saan na ang video" pangungulit ni Jen dito

"Ano ba ang sarap ng tulog ko eh" at inis tinignan ang Camera na nakapatong sa may mesa "eh ayan ang Camera mo oh ginising mo pa ako" singhal nito

"Hoy pumunta kaba dito para matulog chloe Ha?" Pangungulit pa ni jen

"Ayan na nga ang video mo nangungulit ka pa! Ang ingay mo! Oh ayan tignan mo ang video Ano masaya ka na? Psh! Tabi" Singhal nito at bumalik sa pagkakahiga

"Hoy Lowbat ang camera ko hindi ko ma open haysss kainis naman nito oh" nagpapadyak pang sabi ni jen na parang bata

"Malolowbat talaga iyan dahil seconds lang ang pahinga niyan" Sigaw ni Chloe dito "mike what time is it?" Baling nito kay mike na katabi niya sa upuan

"5:30.. kaya bumangon ka na dyan wala ng araw" ani mike at tumayo naman si chloe at sinuot ang kanyang cover up.. nakikita ko pa kung paano napalunok si Mike dito

Tsh.

Isang oras pa ang lumipas..

"Nakahanda na ang pagkain tara" ani tim

Masaya kaming nagsalo-salo ng pinagluto ni Tim at lahat kami ay sarap na sarap dito kaya panay ang papuri namin sa kanya at ito na naman ang nakakalokang Vlogger na walang ibang magawa kundi ang magdaldal ng walang katapusan sa harap ng kanyang camera

Sarap batukan! Ma unsubscribe nga haha

Matapos namin kumain ay lumabas muna kami para mag Soundrip gaya ng sinabi ni Luke ay masaya nga Ito peru naiilang ako sa mga titig niya sa akin na pilit kong iniiwasan hindi ako tumitingin dito habang siya ay halos di na mawala ang tingin sa akin

habang nagpapatugtug ng guitara si luke.. ay panay naman ang kaway ng mga kamay sa ere nila na sinasabayan ang kanta.. yumuko ako bago tinignan ang gawi ni kim na nakatuon lang ang paningin kay Luke na nakatingin rin naman sa akin kaya napalunok nalang akong yumuko

"K-kim dali sayaw tayo" yaya ni Carl sa kanya

"Ha? A-ano, ah ahmm sige" nahihiya pang sabi nito at sinayaw nga ito ni Carl sa gitna may ibinulong ito sa tenga ni kim peru di na namin narinig dahil sa lakas ng tunog ng musika

Niyaya rin ni Jen si Tim at pumayag naman ito batid koy mag vivideo lang ito kaya niyaya si tim sumayaw at di nga ako nagkamali dahil puro video lang ang inaatupag nito habang kunwari sinasabi sa kanyang video na niyaya raw siya ni Tim sumayaw kaya di ko napigilan ang matawa sa nakita

Sumayaw narin si Chloe at si Mike at bagay na bagay sila puro maganda at Gwapo ngunit alam kong hindi napapansin ni Chloe ang pagtingin sa kanya ni Mike

Oo may gusto si mike kay chloe kaya kahit ilang babae pa ang tumili sa harapan niya ay hindi niya ito pinapansin dahil may gusto siya dito..

Lahat kami alam iyon bukod sa kanya dahil ayaw ipaalam ni Mike ang nararamdaman nito at hindi pa raw ito ang tamang panahon para magtapat siya kay Chloe ang lahat ng pinapakita niya sa amin ay may kinalaman dito lalo na Itong Outing namin alam namin na isa si chloe sa mga dahilan ni Mike kaya siya nagplano nito dahil alam nitong bukod sa magustuhan namin ay mas magugustuhan ng taong gusto niya..

Huminto si Luke sa kanyang pag guguitara at pinatugtug ang sound system upang magpatuloy ang masarap na musika peru nagulat nalang ako ng biglang ilahad nito ang kanyang kamay sa akin bilang pag anyaya sa pagsayaw kaya nagdalawang isip pa muna akong tanggapin ito peru sa huli ay tinanggap ko rin.

Napansin ko ang pagtigil ni Kim sa pagsasayaw alam kong dahil ito sa amin ni Luke habang sumasayaw kami ay panay naman ang tingin ni luke sa akin

"A-ano ba naman iyan wag mo nga akong tignan ng ganyan kung ayaw mong ma black-eyean kita" mahinang singhal ko dito

"Okay lang atleast nakita ko ng malapitan ang mukha mo Leah" seryosong sabi nito at napalunok naman ako

Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya ramdam ko ang pagiging sinsero niya at natutuwa ako sa naririnig ko peru sa naisip ko palang na nararamdaman ni kim ay parang piniga na ang aking puso

"Leah I think Im Falling Inlove with you at seryoso ako .. M-mahal na yata kita" sinserong sabi nito na mas lalo ako nakaramdam ng matinding gulat na pinaghalong kaba

"A-ano ba naman iyan t-tigilan mo nga ako di ako natutuwa sa mga kakornihan mo Luke.. isa nalang talaga titigil ako sa pagsasayaw dito" banta ko pa sa kanya peru mas hinigpitan niya ang paghawak sa aking bewang kaya gustuhin ko man umalis ay hindi ako makakaalis

"Mahal kita Alleah at sa ayaw at sa gusto mo mas mamahalin kita" ayon na naman ang seryosong sabi niya at batid ko ay narinig ito ni kim dahil magkatabi lang naman kami at napalakas ang boses ni Luke habang binibigkas ang mga litanyang iyon

"E-excuse me C-cr lang" iyon na naman si Kim alam ko magtatago lang iyon para umiyak mabuti nalang at sinundan siya ni Carl

Shit!

"Gusto ko ng maupo Luke n-napagod ako" sabi ko dito

"Eh sandali pa tayong sumayaw napagod kana agad?" Sabi niya

"Napagod kasi ako sa snorkeling natin kanina kaya gusto ko ng maupo" pagdadahilan ko

"Ang tamad mo naman eh.. peru sige ayaw kong mapagod ang prinsesa ko" sabi pa nito at di ko nalang pinansin

Sinamahan niya pa akong maupo peru hindi ko na ito binigyang pansin dahil masyado na yatang occupado ang utak ko dahil sa pag-iisip kay kim.. sa mga nakikita ko ngayon ay alam kong mas lalong di niya kakayanin kong malaman niyang gusto ko rin si Luke

Nahihirapan din naman ako Kim eh...

Lumalim na ang gabi at nakapag desision na kaming matulog dahil bukas ay may pupuntahan kaming isla na pinaka maganda raw sa palawan kaya excited na naman kami peru mas excited si jen dahil may panibagong Video na naman daw siya tsk! tsk!..

Mike POV

Kasalukuyan kami nakahiga sa kama para matulog na sana ng Biglang may kung anong bagay ang naramdaman namin sa Yate.. bigla itong huminto ng napakalakas at ramdam namin ang gasgas nito dahil sa lakas ng tunog na galing sa Baba na siyang nagpahinto dito

Bilis akong Tumakbo papalapit kay Dante at tinanong kong anong nangyari

"S-sir palagay ko po may nabangga tayong malaking Bato"

"Ano?" Gulat na tanong ko dito at agad naman niya chineck kong may damage ba at kamalas-malasang Sobrang laki nga ng Damage dahil malaking Bato ang nabangga nito

Sinubukan kong tumawag para humingi ng rescue peru dahil malas nga at walang signal sa Lugar nato at nasa gitna pa talaga ng dagat

Shit!..

At gaya ng inaasahan ko ay nagsilabasan ang aking mga kaibigan at nagtanong kong anong nangyari kaya sinabi ko sa kanila ang problema

"Please calm down.. it's okay tatawag ako ng rescue" sabi ko

"What? How? E wala ngang signal sa Lugar nato eh" sigaw ni chloe "so tell us how to calm down mike ang laki ng damage pano kung lumubog tayo at wala parin ang Rescue?! Galit na talagang sigaw nito

"Chloe is right Mike pano kung lumubog tayo dito ha? What can we do?" Sigaw ni leah

"Look kahit ako hindi ko alam ang sasabihin I'm sorry gusto ko lang kumalma kayo at hanapan natin ng ibang paraan" nangungusap na sabi ko

"At anong paraan mike? Walang ibang paraan bukod sa ma tawagan natin sila mike!" Umiiyak na sigaw ni jen

Umiyak naman si Kim na agad niyakap ni carl

"We can't fix this kung lahat tayo ay magagalit' hindi natin ma sosulosyunan ito! Please hindi ito ang tamang oras para mag away" Sigaw ni Luke

"Hindi kasalanan ni mike kung bakit nangyari ito and this is no one's fault kaya please wag tayong magsisihan walang may gustong mangyari ito" tiim bagang na sabi ni Tim

"Sana pala pinili ko nalang ang mag Training kaysa sumama dito kung alam ko lang na ito na pala ang katapusan natin" sigaw ni Carl habang yakap pa si Kim nang bigla itong suntukin sa mukha ni Luke

"Luke ano ba tama na muntik mo nang matamaan si kim ano ba!" Sigaw ni leah

"Gago ka! Alam mo ba iyon ha? hindi mo kami masisisi kung mas pinili mong sumama kaysa mag Training! Gago ka!" Galit na Sigaw ni Luke na dinuro pa sa mukha si Carl kaya inawat namin siya

"Ano?! Iyan ba ang sinabi mong hindi ito ang tamang oras para mag away? Eh wala ka pala eh sabihin niyo nalang kasi na wala ng solosyon 'to at mamamatay na tayo! Dahil Wala ng pag asa!" Sigaw ni Carl at di ko napigilan ang sariling suntukin siya

"Gago ka Carl! Kahit kailan di ko inakalang ito ang mangyayari! Hindi ko ginusto ito at hindi ka nakakatulong sa problema nato!" Sigaw ko sa kanya at agad naman ako inawat nila troy at Luke

"As if may magagawa karing solosyon! This is all your plan! This is your yatch! And this is all your Fault!" Sigaw ni Carl sa akin at akmang susuntukin ko na naman sana siya ng biglang harangan siya ni Kim at inawat naman ako nila Luke at tim

"Tama na please" umiiyak na pakiusap ni kim na agad naman inalayan si Carl para makatayo

"Ano ba naman iyan bakit niyo pinagtutulungan si Carl ha? Tama siya eh baka ito na ang katapusan natin dahil wala na tayong Choice kundi ang maghintay sa paglubog nitong yati!" Sigaw ni jen at bigla naman itong sinampal ni Leah kaya napahawak ito sa kanyang mukha sa lakas ng pagkakasampal nito

"Jen ano ba tama sila walang kasalanan si Mike dito bakit siya ang sinisisi natin? Sa tingin mo ginusto niya ang nangyari?" Galit na Sigaw ni Leah kay jen

"At ano leah maghihintay nalang tayo dito na parang wala lang nangyari ha? Anong gusto mo ang kumalma habang papalapit na si kamatayan ha?! Sigaw ni Jen kay Leah at aakmang sasampalin ulit ito ni Leah peru agad naman sinalubong ng sampal ni jen "Wag na wag mong idadampi ang kamay mo sa mukha ko Leah! Hindi affordable tong mukhang ito para pagsampalin mo lang dahil hindi ako magdadalawang isip na patulan ka!.. Kahit anong sabihin niyo wala na tayong magagawa kaya simulan niyo ng magdasal na sana buhayin pa tayo ni kamatayan!" sigaw ni Jen kay leah na akmang sasampalin ulit ni Leah ng biglang harangan ito ng kamay ni Chloe

"Guys please wag na tayong mag away" naiiyak na ani Kim

"Tama na" mahinang usal ni chloe .. "TAMA NA!" Ng biglang sumigaw ng ito napakalakas at alam kong galit na talaga siya "ganyan ba kayo ha? Magkakaibigan sa oras ng kasiyahan peru pagdating sa kaguluhan may natitira pa bang kaibigan? Ha?" Sigaw nito sa amin at bumaling sa akin .. "Mike hindi mo kami mapapakalma dahil kahit sino walang kakalma sa situationg ito!" At hinarap naman nito si jen na umiiyak narin "At tama naman sila jen eh! walang kasalanan si Mike sa nangyari at ni sino man ay walang gustong mangyari ito!" Galit na talagang sigaw niya at humarap sa amin "Peru paano nga ba natin ma sosolosyunan ang problemang ito kong pati kayo ay nag aaway-away na?! Wala kayong nagawa at hindi kayo nakakatulong!.. dahan dahan itong lulubog sa dagat ng wala tayong nagagawa! At ano ang solosyon ang magsuntukan? Magsampalan? Magsakitan? Kung gusto niyong mabuhay edi mag isip tayo dahil hanggat may utak tayo ay makakapag isip pa tayo! Habang may buhay pa tayo may pag asa pa tayo!" Sigaw nito at natahimik naman kami

"Wag na tayong mag away away please tama si chloe" umiiyak na sabi ni kim na agad naman niyakap ulit ni Carl

Nasipag iyakan na naman ang mga babae kaya di ko maiwasan ang mag alala lalo na at mas lalo lang ako hindi makapag isip ng tamang Gagawin kung nakikita ko silang nawawalan ng pag asa.

To be Continued...