webnovel

Lost in Lost Island

Veh_Seranob · Teen
Not enough ratings
7 Chs

Chapter Five (Lost Island)

Mike POV

"Sir marami na pong dagat ang nakapasok sa ilalim umabot na po sa tuhod pinilit ko pong takpan ang  mga butas peru masyadong malaki ito, nakukulangan tayo sa Materyales at lahat po ng signal ay ubos na po kahit fireworks wala narin po.. isa nalang po talaga ang makakapag ligtas sa atin iyon ay kung may dadaan dito at makita ang ating signal Light" kabadong sabi ni Dante

"Damn!" Mahinang singhal ko sa sarili at di napigilan ang mapayuko at maiyak "May malapit ba na isla dito? Baka sakaling may malapit lalangoy ako papunta don tatawag ng tulong maligtas lang tayo dito" naiiyak na talagang sabi ko

"Ikinalulungkot ko po peru wala pong isla na malapit dito at nasa gitna po tayo ng Dagat.. m-malalim po ang dagat dito kaya hindi tatagal ay lulubog po talaga ang yate" naiiyak naring sabi ni Dante

"Hindi!..gagawa ako ng paraan" sabi ko habang pinapalakas ang sariling loob "t-teka may mga gamit ba tayo ditong lumulutang sa Tubig?..S-surf Board o kaya mga Life Jacket paki labas kung meron" utos ko dito at agad naman kumilos

Inilabas naman nito ang Life Jacket buti nalang at umabot ito ng sampu at may tatlong Surfboard kumuha narin ako ng Lubid at winasak ko narin iyong pader ng yate at pinag konekta namin ito hanggang magka dikit-dikit..

Tinulungan ako ng mga kaibigan ko sa ginagawa at lahat sila ay alerto dahil bilang nalang ang oras ng yate

Matapos namin gawin iyon ay may kinuha pa kami sa mga gamit namin na kailangan dalhin

Dinala ni Carl at tim ang mga Flashlight dahil magagamit namin ito pang signal

Si Luke naman ay dala ang maliit na bag niya kung saan nakalagay lahat ng mga Cellphones namin dahil nagbabaka-sakaling makahanap pa ng signal, si Chloe naman ay may dalang bag peru di ko alam kung anong nakalagay don peru nasisiguro kong importanteng bagay rin ito, Si Leah ay dinala ang komot nila sa kwarto habang si jen ay bitbit parin ang kanyang camera na nakasabit lang sa kanyang Leeg.

Ako naman ay dala ang lubid na natitira at si dante naman ay dala ang GPS

"Ilang minuto at lulubog na ang yate kailangan na nating makalabas agad dahil baka mahigop tayo ng dagat sa paglubog nito" sabi ko at agad naman silang tumango ngunit nandoon parin ang Takot sa kanilang mga mukha

Pinauna namin ang mga babae at pinasakay namin sa Ginawang sasakyan habang kaming mga lalaki ay naka alalay lang sa kanila. Ang mga dibdib namin Patungo sa paa ay Nakalutang sa Dagat na siyang tumutulak upang makalayo kami dito

At ganon na nga' ilang minuto lang ay nakita na namin ang yati na lumubog at mas lalong nagsipag iyakan ang mga babae kahit kaming mga lalaki ay naiiyak narin lalo na ako dahil ako ang may responsibilidad dito...

Mas binilisan pa namin ang pagpadyak sa dagat dahil sa takot na baka mahigop kami sa paglubog peru di naman kami nabigo kahit nahihirapan dahil pinagtulungan namin ang pagpadyak upang makalayo.

Lumipas ang ilang oras sa paglalangoy masyado ng nangalay ang mga paa ko at nasisiguro kong ganon din sa kanila hindi rin kami pweding umakyat dahil baka hindi kayanin nito ang bigat namin

Tinignan ko ang relos ko at alas 3 na ng umaga peru nandito parin kami sa dagat. Nakapag desision kami na isa-isa lang ang pweding magpahinga at papalit na naman ang isa kaya nong ako na ang magpapahinga ay umakyat na agad ako at kitang-kita ko na ang pagkunot ng aking mga paa

"Uminom ka muna ng Tubig" sabi ni Chloe at uminom naman ako "Buti at may tubig ako dito sa bag kahit papano makakatulong"

"Sorry talaga t-tama si Carl kasalanan ko ito eh k-kung di sana ako nag plano nito hindi tayo aabot sa ganitong situation" naiiyak na sabi ko

"Sshh.. walang may kasalanan mike mas lalo kana wala kang kasalanan kaya wag mong sisihin ang sarili mo" sinserong sabi ni chloe

"S-sorry mike sa nasabi ko kanina ha?.. nadala lang talaga ako sa emosyon" naiiyak na sabi ni Jen

"I understand jen im sorry din"

"Dude sorry kanina ha? Nawalan lang talaga ako ng pag asa peru salamat dahil din sayo nakagawa tayo ng paraan" sinserong ani Carl

"Sorry din Dude may kasalanan din kasi ako at nasuntok pa kita" sabi ko

"Tsk okay lang iyon dude ang hina mo nga sumontok eh mas bakla kaysa kay Luke" pang aasar ni Carl at natawa naman kami

"Salamat at naging okay na tayo kaya sana magkaisa tayo ngayon at dapat maging positive dahil tama si chloe.. habang may buhay pa tayo may pag asa pa" sabi ko at tumango naman sila

"Ang init mo kim are you okay?" Sabi ni leah na kinapa-kapa pa ang leeg ni kim

"I-im okay leah g-giniginaw lang ako" sabi ni kim at agad naman itong binalutan nila ng kumot na dala ni Leah

"P-pano kayo?" Kim

"Okay lang kami hindi naman na kami giniginaw" sabi ni Leah at ngumiti lang ito at pinahiga ni leah sa kanyang binti

Lumipas pa ang ilang Oras at araw ay nararamdaman na namin ang gutom at masyado na kaming pagod peru dahil sa takot na ito na ang aming magiging katapusan ay kinaya namin ito at pinagpatuloy parin ang ginagawa.

"Oh no! Kim is Burning ang init init niya na talaga shit!" Sigaw ni jen kaya mas natutuliro na ang mga babae tulog lang ito hanggang ngayon peru mas lalong lumala ang lagnat nito

Binilisan namin ang pagpadyak sa takot na baka mapano si Kim dahil kailangan na talaga namin siyang dalhin sa Hospital

Peru lumipas ang ilang oras at sumapit ang hapon peru wala paring isla na nakikita

Jusko tulungan niyo kami di ko na alam ang gagawin ko.. naiiyak na sabi ko sa isip

"Ang layo na ng narating natin peru wala parin tayong nakikitang isla" mahinang sabi ni Tim na parang nawawalan na ng pag asa

"Wag lang tayong mawalan ng pag asa makakarating din tayo" sabi ni Luke at bumaling kay Leah "ano mainit pa ba si kim?"

"Oo sobra at kailangan niya na talaga madala sa Hospital lalo na't mahina si kim" sabi ni leah

"Pano na ito tyak na tatagal pa tayo dito pag walang makakakita sa atin" naiiyak na naman sabi ni jen kinuha nito ang Kanyang Camera at batid koy nag vivideo ito habang umiiyak

"It's okay just think positive Girls sa ngayon tayo na muna ang mag alaga kay Kim" si Chloe

Lumipas pa ang ilang oras hanggang sumapit na ang gabi pinilit pa kami ng Girls na kami muna ang umakyat at sila ang magtutulak kahit si Chloe na di marunong Lumangoy ay ginawa ito.. di pa kami pumayag nong una peru sa huli ay napapayag narin kami..  ilang sandali pa lang ay kami na naman ang pumalit sa kanila

Tinignan ko ang aking relo at alas 10 na ng gabi

"Sir, sir" tawag sa akin ni Dante "may isla po sundan lang natin itong tinuturo sa GPS" sabi nito at natuwa naman kaming lahat sa sinabing iyon ni dante

"Sa wakas matatapos na ang problema natin kunting tiis nalang Boys" mahinang salita ni kim na alam naming hinang hina na talaga

"Kim magpahinga ka muna dahil pagdating natin doon dadalhin ka namin agad sa Hospital" ani Carl at ngumiti naman si kim sa kanya

"Salamat Carl" hinang-hina na sabi bi kim

"Leah ano okay ka lang jan? Baka magkalagnat karin ha.. kayo rin chloe at jen baka lagnatin din kayo" sabi ni luke

"Malakas kami sadyang mahina lang si kim" ani leah na hinahaplos pa ang buhok ni kim

"Eh mas mabuti narin iyong sigurado" sabi ni Tim

"Paano kung walang Hospital sa islang iyon?" Tanong ni chloe

"Ang importante may makakatulong na sa atin makabalik sa ating lugar at alam ko naman na may mga taong tutulong para gamotin si kim" si Jen

"Sana nga lang ay may tutulong talaga sa atin" makahulugang sabi ni chloe at kinabahan naman ako

"What do you mean chloe?" Di na napigilang magtanong ni leah

"We don't know if there are people leaving in that Island leah" sagot nito

"Yeah she's right di pa natin alam kung may nakatira ba sa islang iyon ang mahalaga ay makatungtung tayo ng isla" pagsang-ayon ko dito at bumuntong hininga naman si Leah

Lumipas ang ilang oras ay nakita na namin ang islang iyon kaya mas nakaramdam kami ng sobrang tuwa

Mas binilisan pa namin ang pagpadyak hanggang sa naramdaman na namin ang mga Bato nito sa ilalim ng dagat natuwa ang lahat at nagyakapan dahil sa Pag-asang nakaabot na kami sa isla

Pinababa na namin ang mga babae at kaming mga lalaki naman ay nahirapan sa paglalakad dahil siguro sa Buong araw at Gabi na paglalangoy ngunit di nagtagal ay medyo naka recover narin peru nandon parin talaga ang sakit sa paa namin

"Where here siguro dito na muna kayo at kami nalang muna ang tatawag ng Tulong dahil baka mahirapan lang kayo maglakad" sabi ni chloe

"Sigurado kayo?.. sige sige peru wag kayong lumayo masyado ha.. wala paring signal dito kaya hindi pa tayo makaka Contact sa Mga magulang natin" ani Luke habang tinitignan ang kanyang Cellphone

Lumakad na ang mga babae sinundan pa namin ito ng tingin hanggang sa hindi na namin ito makita peru Dalawang oras na ang Lumipas ay hindi parin sila bumabalik kaya mas lalo kaming kinabahan at nakapag desision na hanapin sila..

Naglakad kami sa Gubat na iyon at sinundan ang Daanan nito peru wala kaming nakitang mga Bahay kundi puro malalaking puno at dilim ng paligid lang ang makikita .. may mga Boses sa paligid na alam namin ay tunog lang ito ng mga hayop

"Mike baka bumalik na sila don baka nagkasalungat lang tayo ng daan" sabi ni Carl habang karga karga si kim sa kanyang likuran

"Peru kung ganon ay sana nakasalubong na natin sila makikita mong iisang daan lang meron dito at sigurado akong ito rin ang sinusundan nila" sabi ko

"Tama si Mike carl, kung nakabalik na nga sila ay malamang dito rin iyon dadaan kasi obvious naman na ito lang ang may daanan at lahat sa kapaligiran ay malalaking puno na at malalaking bato" si tim

Pinagpatuloy namin ang aming paglalakad habang tinatawag ang kanilang mga pangalan ngunit hindi parin namin ito nakita at nasisiguro kong may kalayuan na ang aming nilalakaran

"Kanina pa tayo dito at hindi parin natin sila nakikita masyadong malaki ang islang ito peru kahit mga bahay ay wala tayong makita... saan na kaya sila nag aala na ako" kinakabang ani Carl

"Kahit signal nalang ay wala talaga saan na kaya sila ni Leah" nag-aalalang sabi ni Luke

"Sir baka kako nandon na sila bumalik sa pinanggalingan natin" ani Dante

"Araaay!" biglang sigaw ni Carl na nasa Likuran kaya bilis kaming lumapit sa kanya

"What happen?.. Oh shit" malakas na bulong ni Luke na ikinagulat din namin

"May kumagat sa akin di ko alam kung ano iyon bigla nalang nawala" mahinang sigaw ni carl at lumapit naman si luke para kunin ang nanghihinang kim dito

"What was that? .. dude dumurugo ang sugat mo" sigaw ni tim na alalang alala dito

"Much better para matanggal ang kung ano mang rabies iyon" sabi ko

"Teka baka may makita tayong Dahon dito na pweding e tapak jan... teka eto eto may lubid ka po ba sir para matali natin ito" sabi ni dante

"Wala, naiwan lang don" sabi ko dito

"Ito may pan tali ako sa buhok baka pwedi" suhestyon ni kim na nanghihina na habang pa ubo-ubo pa

"Sige ito nalang po" sabi ni dante at gaya sa sinabi niya ay tinali ito sa paa ni Carl kung saan banda ang kinagat

Nagpatuloy kami sa paglalakad at inalayan namin ni dante si Carl at si Luke naman ang nagkarga kay Kim. nangangalay na ang mga paa namin ngunit pinagpatuloy parin ang paglalakad kahit alam namin na masyadong lumalayo na kami sa kung saan kami kanina.. panay ang tawag namin sa kanila ni chloe, jen at Leah peru walang kahit ni isa ang sumagot.. at sa di inaasahan ay may kung anong bagay ang tumapon sa amin galing sa itaas na ikinagulat namin lahat.. At sa isang iglap ay namalayan nalang namin ang sarili na nasa isang lambat na kami kung saan nakasabit sa malaking puno..

Mas lalong naghahalo-halo ang iba't ibang nararamdaman dahil sa nangyari lalo na nang kasunod ay ang makita namin ang dami ng mga taong nakasuot ng itim na roba na nakapalibot sa aming paligid

Shit!... Who are they?

To be Continued...