webnovel

Chapter 4

CHAPTER 4

______

LEI 'S POV

"AHHHHHH!" Napasigaw nalang ako paggising ko. Binangungot yata ako. Napahawak ako sa dibdib ko kahit wala naman. Joke, meron kaya 'to no!

Hinilamusan ko ang mukha ko at saka bumaba para kumain ng agahan. It's 6 am and 7:30 am pa naman ang pasok.

"Bakit ka umalis kaagad ng school kahapon?" Kuya...Again?

He's torturing me! Help! Huhuhu

"H-Ehem....Ughh sumakit kasi yung ulo ko kahapon and wala namang ginawa kundi ikutin lang ang school kaya umuwi nalang ako at nagpahinga."

Kumuha ako ng pagkain ko at uminom ng milo.

"They're here in 5 minutes---."

*PSHHHHHHHHHH*

"What the Hell Lei? WHY ARE YOU----Ughhh!" Natulala lang ako at tinignan ang paglalakad niya papunta sa sink para hugasan ang mukha niya. Umiinom kasi ako at bigla-bigla siyang nagkekwento ng kung ano.

"Now the answer is real. Mayroon ka pang nararamdaman sakaniya." Why he's starting again?

"Huh? Sino?" Just act normal, Lei.

"Tsh. Si Jeno at Mill ay dadaan dito sa bahay, so mag-isa kang pumunta ng school."

"What? Noooooo!"

"Bahala ka."

"Kuya!!!!!"

Nang marinig ko ang harurot ng sasakyan sa labas ay mabilis kong inubos ang hotdog at umakyat sa itaas. Habol ko pa ang hininga ko. Ginawa ko talaga ang best ko para hindi nila ako makita. Ughhhh nakakainis!!! Nagpagulong-gulong ako sa kama bago mahimasmasan.

Inayos ko Ang gamit ko at sumilip sa ibaba. Paano kaya ako tatakas nito? Sana umalis na sila. Bilisan niyo alis na kayo!!!!

Malaki Ang ngiti ko ng umalis sila pero nakakainis dahil mag-isa akong pupunta ng school. Masanay ka na Lei!!!!

Pagdating ko sa school ay tahimik naman at walang mga asungot. Katabi ko si Luhan na tulog pa rin. Kinalbit ko nga.

"Pst!"

"Luhan?"

"Oy."

"Hmmm?" Minulat lang niya ang Isa niyang mata at tinignan ako tapos ay sinara ulit ang mata at bumalik sa pagkakatulog. Mukha atang nainis ko siya. Hindi ko nalang pinakialaman hanggang sa dumating ang guro. Buti naman at nakaramdam siya. Nagising. Pero sigurado akong natutulog pa rin ang kaluluwa 'non hshshshshshs

Unang araw palang nagtuturo na ang mga teachers. Pero wala ata ako sa katinuan dahil lumilipad ang utak ko. Magkikita kaya kami ulit? Ayoko.

*KRIIIIINGGGGGGGGG*

Lunch time na. Wala naman akong ibang plano-----.

"CHRISTINE!!!!!" Nagulat nalang ako ng may biglang naghugot ng braso ko. Si Jenoooo!

"Masakit Jeno, ano ba!!!!?"

Huminto kami sa may canteen. Yung dati kung saan kami tumatambay. Wala akong nagawa kundi ang umupo nalang sa malambot na couch. Inisa-isa kong tinitigan ang tao rito sa canteen. May isang hindi tao, si Johann.

"Ano!!!" Tinaasan niya ako ng kilay. Halatang alam na may iniisip akong hindi maganda sakaniya. Eh ano naman! Inismiran ko lang siya at nag crossed arms. Hays malakas magtaray, palibhasa wala si.....Dzuh magtataray pa rin ako kahit andito siya. Ano naman kung magtaray ako o hindi sa harap niya at bakit ko ba siya iniisip! Hayssa iling-iling.

"Kumain ka lang dyan Christine. Kuwentuhan mo naman kami sa dati mong school."

"Huwag mo ngang aksayahan ang laway mo sa pangit na iyan, Jeno." Nanlaki ang tainga ko.

"Hoy! Johann sinong panget!!?"

"Hahahahaha oh awat na awat na."

Inikot ko talaga ang mata ko. Nakakainis ano ba kasing ginagawa ko rito! Kumuha nalang ako ng kutsara at tinidor tsaka ako nagsimulang kumain ng tahimik. Hinayaan lang si Jeno na magdaldal sa tabi ko. Lima silang kasama ko rito. Yung ka member nila sa...Ano na nga ba ulit iyon? Nakalimutan ko na Yung tawag. Wala namang ginagawa yung tatlo kundi magbasa ng libro. Si Isaac, Yorf at Espino. Siyempre Kasama si Jeno at ang buwisit kong kapatid.

"Hi Johann." Muntik na akong mabulunan dahil may biglang lumapit kay Johann sabay kandong sa lap niya. Anak ng***

Isusumbong kita kay mama!!!

Mabilis naman niyang tinulak iyong babae at sinamaan ng tingin. Sinara rin niya yung librong hawak niya at saka tumayo. Parang manununtok pa ata siya Ng babae.

"Johann." Sinabi ko. Mahirap na baka mamaya eh may gawin siyang masama. Akala ko kalandian niya 'tong babae eh. Hindi ko na siya isusumbong.

"Hoy miss ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha!?"

"A-ahh ehh ano kasi...a-ano."

"Sumagot ka!!!!" Sinigawan niya ito. Ang lapit na ng mukha niya rito sa babae. Halatang takot na takot yung babae. Siyempre baka mamaya kasi may lumilipad nang laway sa mukha niya na galing Kay Johann. Hindi ba kadiri.

"Anong kaguluhan ito?" Napalingon kaming lahat maliban kay Johann na nasa babae pa rin ang tingin.

Si Khadi. I mean...Khadiliman.

"Oh bro!" Si Jeno. Nag fist bump sila. Ako lang ba o ano pero sumulyap siya sa akin. At hindi lang pala siya mag-isa. May katabi siyang babae. Maamong kulot Ang hair sa gilid ng tainga. Nakabun Ang hair. Sa likod naman nakasunod ang Ilan sa member ng grupo nila. Umupo ako. Pakiramdam ko kasi na outcast ako. Wala na kasi akong alam sa mga nangyayari.

Hindi ko ata napansin at umalis na yung babaeng umupo sa lap ni Johann.

"Grabe ang lakas naman ng loob 'non ah. Ano ilagay na ba sa hunts list?" Tumatawang wika ni Jeno. Napangisi ako ng matabang.

"Hoy Jeno-----"

"Sa tingin ko baka nagkamali lang iyong babae. Puwede niyo namang hayaan nalang siya." Wika noong babae na katabi ni Khadiliman. Para tuloy akong binara kasi nagsasalita ako tapos bigla siyang sumabat. Nakakainis!

"Oo nga tama si Grace. Anong pagkain diyan?"- Khadiliman

Nakatingin lang ako ng malalim sa lamesa. Ano hayaan? Huh! Kapatid ko 'yon tapos magkakaroon ng aksidenteng pag-upo sa hita niya? Kalabisan. Tapos nakakainis pa. Bakit may kasama itong babae si Khadiliman? Inapprovehan pa ha? Hahaha. Tumingin ako ng masama sakaniya nang akma niyang kukunin ang pagkain sa lamesa. Natigilan siya at napalingon din sakin..

"Huwag mong gagalawin ang nasa lamesa. Nauna ako rito kaya huwag kang magrereklamo. Hindi porket member ka ng gang niyo eh puwede mo ng gawin lahat ng gusto mo. May canteen doon. Doon kayo kumain." Tsaka ako padabog na umalis. Hindi ko namamalayang nakakunot na pala ang noo ko. Argh!!! Nakakainis. Ano bang nangyayari sa akin!!!

___________________________

Next