webnovel

Chapter 3

CHAPTER 3

____

CONTINUOUSLY FLASHBACK

Suot ko ang Blue dress na binili at pinaghandaan pa ni mama for this day. Ang SSG president ang nakaisip na gumawa ng party ang batch namin. Ngayon ay nandito ako sa Isang lamesa at kumakain ng mallows, chocolates at biscuits.

"Dala ko pa naman itong regalo ko. Darating kaya siya?"

Naisip ko kasi na umamin na. Aamin ako sakaniya. Oo!

Alam kong kaya ko noh!

Nahagip sila ng mata ko. Si Khadi, Jeno and my Twin.

"Uy, Lei!" Pumunta si Jeno sa puwesto ko at kinausap. Nonsense naman ang kinekwento niya. Palagi. Gusto niya akong tumatawa palagi.

"Hey, What's wrong?" Mukhang wala lang akong problema rito pero kabado na ako.

It's 6 pm and at 6:30 magsisimula na ang program.

Tumayo ako at akmang pupuntahan si Khadi pero nakita ko siyang kasama si Kattlin. They are laughing with each other. It's genuinely smile. Abot pa hanggang mata. Napakapit ako sa regalong nasa likod ko. Wala na akong makita. Tinakpan pala ni Jeno ang mata ko. Nagulat akong tumingin sakaniya.

"H-hind----"

"Shhhh. Huwag mo nalang tignan."

The party started. Jeno and my Twin sitting here in my table while Khadi 's with Kattlin sa gilid namin. Circle ang lamesa. sa isang lamesa Si Jeno, ako at si Johann. Sa kabila naman ay si Kattlin, Khadi, Jade at Rim. Bali katapat ko si Rim at Khadi. Magkatapat kami ni Khadi at nakatalikod naman sa akin si Rim.

Nang magtagpo ang paningin namin ay kaagad akong umiwas. It feels so weird. Crush ko lang naman siya pero bakit ako nagkakaganito. Kabado, hindi mapakali, wants to see him pero kapag nakita na. Ayoko na ulit siya makita.

"Woahhhhh"

"Yuhoooooo!"

"Gusto mong sumali?" Tanong ni Jeno sa isang game. Wala ako sa mood makipag laro. Ayoko rin maagaw ang attention ng mga tao.

"Hindi. Restroom lang ako." Ngumiti ako at nagpaalam sakanilang dalawa. Binitbit ko ang bag at regalo ko para sakaniya.

"Nakakainis. Bakit kasi kailangan mo pa siyang gawan ng regalo? Ano 'to birthday niya, birthday niya? Hays." Huminga ako ng malalim at tumingin sa salamin. Para kang sira, Lei.

Lumabas ako.

"Ay Palaka!" Napahawak ako sa dibdib ko. Anong ginagawa niya rito?

"You're so weird. Talking to yourself, really?" Inirapan niya ako tsaka tumingin sa regalong hawak ko. Mabilis ko itong itinago sa likod ko at naglakad-lakad.

"Uhh...Babalik na ako sa------Akin na iyan!" Naagaw niya. Nakakainis!

"Woah. Hindi naman Christmas. Wala ring may Birthday. Hmmm"

"W-wala. Para kay ano iyan."  Nagpapalusot ka pa Lei tskk.

"Tss...A wonderful tonight. This is my gift for you, Khadi...?" Nanlaki ang mga mata ko at napatungo sa kahihiyan. Bakit niya ba kasi binasa.

"Hahaha...So, para sa akin pala."

"Hindi ah. Nagkamali lang ako ng sulat." Hala, bakit niya binubuksan.

"Ohhhh Ako ba 'to? Hmm?" Kinuha niya ang isang teddy bear at tsaka inilapit ang mukha sa akin.

"HINDINGADIBA." Sinigawan ko na tuloy siya huhuhuhu. Nakakainis. Bakit ba ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Hindi ko naman kamukha ito pero sige. Tatanggapin ko." Tinignan ko ang likod niya habang naglalakad paalis. Phew. Mabuti nalang at umalis na siya.

"Oh-oh-oh...Anong." Nagugulat kong reaksyon habang papalapit ulit siya sa akin. Hinila niya ang kamay ko at saka kami nagpunta sa isang madilim na lugar.

"Shhhhh."

"Ano bang meron---." Natigilan ako ng may mga lalaking lumilingon-lingon sa paligid.  "K-Khadi."

"Shhhh Sila ang kalaban. Hindi ko alam kung anong ginagawa nila rito. Pero hindi ka nila puwedeng makita." Lumingon siya sa akin. Hala, ang lapit naming dalawa sa isa 't-isa. "Christine...Makinig ka sa sasabihin ko."Hinawakan niya ang ulo ko. "Pagbilang ko ng tatlo tumakbo ka. Okay?"

"Huh? Bakit-----."

"Isa."

"Sabi----"

"Dalawa."

"Khadi...Paano ka, hindi kita iiwan dito----."

"Tatlo----" Natigilan siya at tumingin sa akin. "Mapanganib dito. Tumakbo ka na. Sigena."

"Pero----."

"Huwag ka nang makulit."

"K-khadi."

Wala na akong marinig pagkatapos. Nakita ako nung mga lalaki na pinagsusuntok si Khadi. Tumakbo ako palayo at bumalik sa party.

"J-jeno...Jeno Huhuhuhu." Lumapit ako sakanilang dalawa. Si Jeno ang nilapitan ko dahil baka mahalata nila kapag kay Johann ako lumapit. "S-si Khadi...May mga lalaki roon----." Hindi pa man natatapos ang sinasabi ko ay tumakbo na silang dalawa. Sumunod ako sakanila dahil nag-aalala ako. Ayokong may masamang mangyari sakanila. Isusumbong ko na talaga ito si Kuya kay Mama. Huhuhuhu.

Hindi ko alam kung saan ako tatakbo habang sila ay nagsusuntukan. Hanggang sa may lalaking nakaitim na dahan-dahang lumapit sa akin. Lumingon ako sa likod ko at tsaka tumakbo. Pumasok ako sa Swimming pool area at doon nagtago.

"Hanapin niyo bilis."

Umiiyak ako dito at pinipilit na hindi makagawa ng ingay.

"Christine...Lei?" Napalingon ako sa isang sulok. Si Kenji I think. Sa ibang section siya.

"Anong ginagawa mo rito. Tara itatakas kita masyadong delikado." Lumapit ako sa kaniya at pinamewangan siya.

"At bakit ba kasi ang yayabang at titigas ng ulo ninyo? Gang? Ha! Kalokohan naman. Ang babata niyo pa. We're on the same level at-----."

"Ayun sila." Pagtalikod ko ay nanlaki ang mga mata ko habang papalapit ang mga lalaki sa amin.

Pumunta sa harapan ko si Kenji at siya ang nakipag-usap sa mga lalaking ito.

"This is our School, man. The Party is on going. Ni hindi man lang namin nasulit. Hahahahaha."

"Aalis kami rito. Pero ibigay mo sa amin iyang babae." nanginig ako. Bakit ako?

"Hahahaha. Naligaw lang siya rito. Besides kami naman ang kalaban so why her." oo nga. Why me!

"Masyado na siyang maraming nakita. And mukhang babae siya ni Mill. Nakita siya ni Gabriel."

Ako? Babae?

"Ah--hahahaha mukhang nagkakamali kayo----."

"Ahhhh!" Napasigaw ako ng makita si Kenji na nakahiga sa sahig dahil sa suntok.

Nagsuntukan sila habang ako ay nasa likod pa rin. Kapag may lumalapit sa akin ay hinaharangan kaagad ng mabilis ni Kenji. Salamat sakaniya at handa ata niyang isakripisyo ang buhay alang-alang sa akin. Huhuhu.

Dumating ang pagkakataon na kaming dalawa nalang ang malakas kaya hinila niya ako at inilabas sa swimming pool area.

Pero hindi pa man kami nakakalabas ay may mga pumasok nang lalaki at sinugod kami. Kasama sina Jeno, Khadi at Johann.

N-nahulog ako sa swimming pool. Anong gagawin ko! Hindi ako marunong lumangoy. At mas lalong----.

This is scary. May phobia ako rito. Wala na akong maisip na ibang paraan para maka ahon. This is killing me. Hindi ako makahinga. Unti-unting naglalaho ang lahat. Hindi na ako makahinga.

" *Cough* " Umubo ako nang umubo at nararamdaman ang lamig sa buo kong laman. Anong ginagawa ko rito. Nasaan ako.

"Are you okay?" Si Khadi. Basa rin siya. Siya ba ang nagligtas sa akin?

Unti-unting nagdilim ang lahat at paggising ko ay nasa hospital na ako. Si mama at Johann ang unang bumungad sa akin.

"Ha! Thanks God at nagising ka na." Niyakap ako ni Mama.

Pagkauwi sa bahay

"Johann, starting from now on grounded ka na sa bahay at hindi ka lalabas kahit pa makipagbonding ka sa mga kaibigan mo. Maliwanag ba?"

"But..Mom----."

"No buts!" Tinignan ako ng masama ni Johann at padabog na sinara ang pintuan ng kuwarto niya.

"Kumusta ang pakiramdam mo, Anak."

"Maayos na po Mama." ngumiti ako sakaniya bago siya pumunta sa kuwarto ni kuya.

"J-Johann."

*Tok* *Tok* *Tok*

"Why?" Bungad niya pagbukas sa akin ng pintuan.

Pagpasok ko sa kuwarto niya ay sinara niya muna ang pinto at saka kami nag-usap.

"You know. Sana ako nalang ang anak ni Mama. Palagi ka nalang niyang kinakampihan. I don't get it. Niligtas ka nga namin eh---."

"Hindi totoo 'yan Johann! Hindi ako ang kinakampihan ni mama."

"Well siguro nga, Oo. Tsk ano bang dahilan at pinuntahan mo ako rito. I'm grounded and it's all because of you. Tch."

"Sorry. Gusto ko lang itanong. Are you okay? Wala bang namatay sa inyo?" Kabado kong tanong and he laughed. Sarcastic.

"Are you serious, Lei? Gusto mo bang may mamatay sa amin pagkatapos kang iligtas?"

"H-hindi naman. Nag-aalala lang ako."

"And are you asking If I'm okay? Seriously? Hindi ba 't parang itinatanong mo lang kung kamusta ang crush mong si Mill." Nanlaki ang mata ko at umiling-iling. Iwinagayway ko pa ang mga kamay ko para sabihing hindi.

"Hindi. Hindi, nagkakamali ka. Gusto ko lang naman tanungin kasi nag-alala talaga ako sa inyo."

"Hmm."

"Teka...Sino palang nagligtas sakin mula sa tubig? Malalim kaya iyon! Tsaka..." I saw it was Khadi. Pero nagdududa pa rin ako sa ala-ala ko eh. Blurred kasi.

"Si Kenji. Pasalamat ka at marunong siyang lumangoy. Kundi ay baka namatay ka na." Grabe, bakit ganyan siya kung magsalita about kamatayan? Iniisip ba niya na....

"Tigilan mo nga iyang pag-iisip mo ng kung ano. Just take a rest. Magpahinga ka hanggang sa magaling ka na."

"Magaling na kaya ako! TSK!" Lumabas nalang ako ng kuwarto niya at pagsara ko ng pinto ay sinamaan ko iyon ng tingin.

Kung ganoon pala. Si Kenji ang nagligtas ng buhay ko.

High school na ako!

Ang dami ring nangyari during vacation. Ang kaso, ang daming kakaibang mukha. Mga transferees.

Narinig ko ring usap-usapan ng iba. Mayroong isang babae raw na nagtransfer for Khadi Mill. Oh Crap! Oo nga pala. Hindi na kami nagpapansinan ni Khadi. Nakalulungkot ano! At the same time mas maraming araw kong natititigan lang siya, mula sa malayo.

"Get off my way!" Sigaw ng mahabang buhok, sexy at maganda nga pero akala mo ay reyna na ng school. Mukhang puwet naman.

"Hey, Mill-----."

"Are you transferring here just because of me, Aidize?" Inis na sabi ni Khadi at hinarap si Aidize.

"Yes, uhm..."

Ang lahat ng tao ay nakatutok palagi sakanilang dalawa. Siguro, naiirita na si Khadi sakaniya. Pero hindi pa rin lumalayo si Aidize. She pulled hair one of our schoolmates na ang gusto lang ay magbigay ng letter kay Khadi. Iyong isa ay patago pang nagbigay ng regalo sa armchair ni Khadi pero nang malaman iyon ni Aidize ay ipinahanap niya iyon at ipinahiya sa buong campus. The 3 boy's are watching from far na parang walang ginagawang masama si Aidize. I don't know how it started but this is not good.

"Kuya---."

"I'm busy, Lei." I closed my mouth. Maybe I'm wrong. Lumalayo na talaga siya sa akin.

Nagpunta ako sa canteen kung saan naroon silang tatlo. Gusto ko ng pigilan ang ginagawa nila. They are bullying us. Mga kawawang member ng Social Group at ilang estudyante na ang tanging gusto ay ang paghanga sa isang lalaki.

"Hoy! Kayong dalawa, puwede ba kayong makinig sa 'kin!" Ang lakas ng boses ko. Kuya 's not here. Maybe nasa music lesson siya.

"What are you doing here." Maarteng sagot ni Aidize.

"Bakit hindi niyo siya pigilan sa pambubully niya sa ibang estudyante rito? Hindi na tama ang ginagawa niyo." Tumingin lang sila sa akin. Jeno smirked at me before looking at his phone again. Khadi was busy with his books.

"Hindi niyo ba ako papansinin------."

*PLANKKKKKK*

Kinuha ko ang Libro ni Khadi pero itinabing niya kaya tumaob ako at tumama sa lamesa. Nangatapon ang ilang snacks. Nakatingin lang ako sa sahig. I didn't expect this.

"Bakit ka ba nangingialam? Do you want to throw it to yourself? Sa 'yo nalang kaya gawin?" Aidize said. With her tone akala mo siya na ang pinakamataas sa lahat. I looked at her. Nagdikit ang dalawa kong labi at inayos ang upo. Tumingin ako kay Khadi na sa akala 'y tutulungan ako. But he just left. He looked...Cold, basta ibang tao siya. Napakasama niya.

Nalaman ni kuya ang nangyari. Nagalit pa siya sa akin sa bahay ng hindi naririnig nila mama. I felt so guilty. Hahaha at ako pa talaga ang naguguilty ngayon? I don't even remember what am I do wrong?

Singing with birds in the garden. I want to see Lila.

"Anong ginagawa mo!" Pagalit na wika ko nang madatnan si Khadi sa halaman ko. Medyo matangkad na ito at sigurado akong lalaki pa ito.

"Can't you see? Dinidili----."

"Huwag mong hahawakan----." Sinagi ko ang pandilig niya ng halaman at tumama iyon kay Lila.

"WHAT THE HELL IS YOUR PROBLEM? UMALIS KA NA NGA!"

Umiyak ako ng umiyak dahil muntik ng maputol si Lila. Lumapit ako kay Lila at niyakap ito. Alam kong kasama ko si Khadi na nagtanim dito. Kaya siguro isa iyon sa dahilan kung bakit ko iyon inaalagaan ng mabuti. I looked at Khadi.

"Wala ka talagang kwenta."

Paalis na siya pero...

"Ano bang ginawa kong masama sa iyo, ha? Alam mo bang gustong-gusto kita kaya mo ako ginaganito?"

"I'm not. And I'm not interested."

"Sana hindi nalang kita nakilala! Isa kang dilim sa aking liwanag. Khadiliman!"

"Tsh. Hahaha look at you. Being nice with me kasi kaibigan ako ng kapatid mo? And what? HAHAHAHA gusto---Gusto mo ako? Are you serious Christine Lei? Don't think about it. Just stay away from me. Kalimutan mo na. Umalis ka. Lumayo ka. Don't look at me. Maybe you don't know me but I'm bad. I am so Bad. Masama akong tao. At hindi mo alam kung ano ang mga kaya kong gawin."

Mas lalo akong umiyak ng sabihin niya iyon. Kaya simula nung oras ding iyon ay iniwasan ko na siya. Hindi na ako lumapit pa sakaniya. He's so scary. Galit ang namuo sa akin at hindi na paghanga. I wish he's not my brothers friend anymore. Sa tuwing makikita ko siyang ngumingiti at tumatawa with so anybody. I just want to punch his face and saying loudly. "Isa kang Khadiliman ng lahat." Bagay sakaniya. Khadi Tczhillman.

I transferred into a public school. Siyempre nagpaalam muna ako sa mga naging friends ko sa DSLU, kay Jeno at kay Kenji. Kay Leila

There. I met my friend Rejin. She's smart, talented, beautiful and so serious. Marunong siyang magbasa ng mga tao. Naging masaya naman ang buhay ko with her and our Schoolmates in STU.

________________________________

Next