webnovel

LEGEND OF VOID SUMMONER [TUA 2] Tagalog/Filipino

Sa pagpadpad ng ating bida sa ibang lugar, ano kaya ang magiging bagong suliranin na kanyang haharapin, magagawa niya pa rin kayang magtagumpay sa buwis-buhay na paglalakbay na ito? Sundan ang ating bida sa pagtuklas ng kanyang sarili maging ng kanyang kapangyarihang tinataglay.

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
28 Chs

Chapter 26

Makalipas ang ilang segundo ay napatawa na lamang ang nasabing lider ng kalalakihan nang wala itong mapansing pagbabago o anumang paglitaw ng nasabing nilalang sa ere na siyang ikinahalakhak naman ng mga miyembro nito.

"Hehehe... Mukhang hindi ka ata maalam gumamit ng summoner's ball mo totoy?! Ano'ng karapatan mong manggulo rito, ha?!" Sambit ni Demosthenes habang humahalhak ito ng malakas.

"Tama nga ako ng hinala sa binatang iyan?! Isa lang pala itong kalokohan lalo na sa tila feelingerong bayani na ito!" Walang pakundangang wika ng isang miyembro ng grupo ng kalalakihang ito. Halatang parang meron itong instinct na hindi nito mawari ngunit alam niyang totoo ang mga impresyon niya.

"Sinabi mo pa, masyado atang makapal ang pagmumukha niya upang i-delay tayo sa pagkuha ng pesting summoner's ball ni Marcus Bellford!" Turan naman ng isa pang miyembro ng grupong ito na halatang nakikita nitong pinagti-tripan lamang sila ng bagong dating lamang na nilalang sa lugar na ito.

Hindi sila tanga upang di malaman ang layunin ng paglitaw ng nasabi nilalang lalo na may pakiramdam sila na tutulungan ng pesteng nilalang na ito si Marcus Bellford na hindi nila hahayaang mangyari.

Ang apat na miyembro ng grupo ng mga kalalakihan ay nananatiling walang kibo sa likuran lamang ng lider at dalawang kasamahan nila. Nakaramdam sila ng kakaiba sa bagong salta lamang na nilalang. Wala silang ideya kung malakas ba ito o hindi.

"Hindi ako maalam na nilalang? Siguro nga. Pero hindi naman ako papayag na basta-basta niyo lamang kaming magagalaw lalo na si Marcus Bellford!" Matigas na saad ni Evor habang sinasabi ang mga bagay na ito. Alam nitong nagkamali ang ungas na Marcus na ito ng mga kinaibigan. Hindi niya aakalaing dahil lamang sa isang Summoner's ball ay gagawa ng karahasan ang mga ito sa kaniya mismo.

"Yun ay kung kakayanin mo ang lakas ng aking taglay... Eudoxos, paslangin mo ang nilalang na ito!" Matalim na sambit ng binatang si Demosthenes habang nalipat ang tingin nito sa familiar nitong nagngangalang Eudoxos.

Mabilis na kumilos naman ang nasabing halimaw na isang summoned hero habang naglalabas ito ng malakas na enerhiya na animo'y gustong atakehin ang binatang si Evor.

Napangiti na lamang ang binatang si Evor nang makita nito ang nasabing lider at ng familiar nitong inuutusan nito.

I summon you unknown hero Zhaleh! Make this place your killing battlefield!

Pasigaw na wika ng binatang si Evor habang hindi na ito makapagtimping matunghayan ang lakas ng kaniyang pangatlong familiar.

Naniniwala siyang magagawa niyang paslangin ang mga pesteng nilalang na ito gamit ang pambihirang lakas ng pangatlong familiar.

Ilang segundo lamang ang nakalilipas ay wala pa ring nakukuhang tugon ang mga nilalang na ito llao na si Evor na siyang ginawang pagkakataon ng mga nilalang na ito upang siguraduhing sila pa rin ang magwawagi sa huli.

Isang nagbabagang init na sandata ang ginawa ng nasabing dambuhalang nilalang na tinawag ng kalaban ni Evor ang tila papalapit sa kinaroroonan nito. Walang duda na siya ang pinupuntirya nito upang panggagamitan ng sandata ng isang summoned hero ni Demosthenes na si Eudoxos.

Ngunit bago pa man makumpleto ng nilalang na iyon ang kakayahan nitong magpamalas ng lakas nito ay isang pangyayari ang bigla na lamang nangyari.

Nakatayo lamang ang binatang si Evor sa kinaroroonan nito malapit sa walang malay na si Marcus Bellford.

Kitang-kita niya kung paanong hahatawin na lamang siya ng hugis taong nag-aapoy habang nakasuot ito ng parang metal armor. Ramdam niya ang sobrang init ng lumalagablab na apoy na taglay ng isang summoned hero ngunit alam at naniniwala siyang hindi siya pababayaan ng familiar niya.

BANG!

Isang nakakapangilabot na lamig ang bigla na lamang naramdaman ng binatang si Evor. Kitang-kita niya kung paanong tumigas ang buong lugar na kinaroroonan niya partikular na rito ang kinaroroonan ng mga kalaban niyang nabalot at ginapangan ng yelo ang kalahating katawan ng mga ito habang ang summoned hero naman ng kalaban ay naging estatwa na lamang ito habang nababalutan ito ng makapal na yelo.

Ramdam ang takot at pagkagulat sa mata ng mga grupo ng kalalakihang kalaban ni Evor ngunit napangisi na lamang ng malademonyo ang nasabing lider ng mga ito na si Demosthenes na parang may binabalak na naman itong hindi maganda.

"Isang Ice Type summoner ang pesteng nilalang na iyan Boss. Hindi natin siya kakayanin!"

"Hindi ko aakalaing makakalaban natin ang pinakamahirap taluning summoner na hindi kailanman gugustuhing mangyari ng sinumang nilalang!"

"Umatras na tayo boss kung ayaw nating mapahamak pa lalo tayo sa tagpong ito!

"Maaari tayong mapaslang kung sakaling manlaban pa tayo sa nilalang na iyan!"

Ito ang sambit ng apat na miyembro ng grupo ng mga kalalakihang balak ng umatras sa ganitong tagpo.

Ito ay dahil kinatatakutan ng lahat ang mga Ice Type Summoner dahil ang familiar ng mga ito ay likas na malakas at tanging nakakaapekto sa apat na elemento ng mundo na siyang apoy, lupa, hangin at tubig.

Isang double element ang ice ng mundong ito na siyang may kinalaman sa tubig at hangin na siyang dahilan upang maging immune ito sa dalawang elemento habang mas lamang ang yelo sa tubig samantalang kayang-kaya namang makisama ang elemento ng yelo sa lupa.

Ngunit kabaliktaran naman ang takot ng mga miyembro ng grupong ito ang siyang nararamdaman ng nasabing lider ng grupo ng mga kalalakihang ito dahil bigla na lamang itong naging mapusok at ganid sa mga oras na ito.

"Isang Ice Type na Summoned Hero na siyang familiar mo hehehe... Hindi ko aakalaing siniswerte ako ngayon! Hindi lamang pala isa ang makukuha kong pambihirang summoner's ball kundi dalawa!" Malakas na sambit ni Demosthenes habang malademonyo itong tumingin at ngumisi sa kinaroroonan ng binatang si Evor.

Ang napakakapal na yelong bumalot sa katawan ng familiar ni Demosthenes ay bigla na lamang...

BANG!

Sumabog at nagkapira-piraso na lamang ang yelong bumalot kay Eudoxos na siyang familiar ni Eudoxos.

Ang yelong bumalot rito ay ganon din ito kabilis malusaw dahil sa nagniningas na init na inilalabas ng familiar nito.

"Magaling, magaling. Hindi ko aakalaing ang lakas ng loob mong kalabanin ako na kitang-kita mo namang isa akong Ice Summoner. Marami ka pang pagkakataon upang umatras Demosthenes!" Seryosong saad ng binatang si Evor habang natangin ito sa gawi ng kalaban niyang tanaw na tanaw niya lamang sa di kalayuan.

Ngunit imbes na masindak si Demosthenes ay mukhang mas bumagsik ang ekspresyon ng mukha nito na animo'y nagalit o nainsulto ito.

"Bakit ako matatakot sa isang katulad mo binata? Isa ka lamang nilalang na ignorante. Hindi ako tanga upang hindi malaman na hindi mo pa masyadong gamay ang paggamit ng familiar mo. Aanhin mo ang lakas nito kung hindi mo man lang nagagamit ng tama ang kakayahan nitong higit na nakalalamang sa apat na primaryong elementong natural na nag-eexist sa mundong ito! Mapang-uyam na sambit ni Demosthenes habang nakatingin ng matalim sa kinaroroonan ni Evor. Halatang gusto nitong sambihin at i-emphasize ang pagiging mahinang summoner ni Evor.

Hindi na nakapagsalita si Evor dahil mukhang malawak ang kaalaman ng kalaban niya sa mundong ito kaysa sa kaniya.