webnovel

LEGEND OF VOID SUMMONER [TUA 2] Tagalog/Filipino

Sa pagpadpad ng ating bida sa ibang lugar, ano kaya ang magiging bagong suliranin na kanyang haharapin, magagawa niya pa rin kayang magtagumpay sa buwis-buhay na paglalakbay na ito? Sundan ang ating bida sa pagtuklas ng kanyang sarili maging ng kanyang kapangyarihang tinataglay.

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
28 Chs

Chapter 25

Hinang-hina ang katawan ni Marcus Bellford sa mga oras na ito lalo na at mukhang napinsala talaga ang katawan niya ngunit alam niyang hindi naman nakakamatay ito.

Ngunit sa mga oras ito at kasalukuyang kalagayan niya ay imposibleng mapigilan niya pa ang lider ng grupo nila noon na kunin ng sapilitan at hindi bukal sa kalooban niya ang gagawin nito.

Hindi niya lubos aakalaing dahil sa kayabangan niya at pagiging natural na madaldal ay ito pa ang ikapapahamak niya upang makapasok sa isang prestirhiyosong paaralan ng Azure Dragon Academy na isang Summoner School sa pinakadulong bahagi ng bayan.

Kitang-kita niya na abot kamay na ng lider nila ang Summoner's ball niya sa lupa.

Akmang lalapitan na nito ang Summoner's ball na puntiryan ng lider ng mga kalalakihan ay isang hindi inaasahang senaryo ang nasaksihan niya na siyang ikinagulat din ng kabilang panig.

Whoosh!

Sa isang iglap ay isang humahangos na pigura ang dumaan sa paningin ng dalawang panig dahilan upang maalerto ang mga ito lalo na sa grupo ng mga kalalakihan.

Sinubukan pa ni Marcus Bellford na maglakad paabante ay bigla na lamang itong nahilo at nandilin ang paningin. Sa huli ay bumagsak na lamang ito sa lupa kahit na pinwersa pa nitong idilat ang mata nito.

Tumambad naman sa grupo ng mga kalalakihan ang pigura ng isang nilalang habang hawak-hawak nito ang Summoner's ball lalo na sa mismong lider ng mga ito.

Ito ay walang iba kundi ang binatang si Evor na siyang humahangos upang hindi makuha ng kalaban ni Marcus Bellford ang gusto nitong kunin o mas mabuting sabihing gustong nakawin nito sa walang malay na binatang ilang metro lamang ang layo nito mula kay Evor.

Kitang-kita nito kung paano ito bumagsak ngunit hindi na nito sinalo. Makapal naman ang damuhang kinaroroonan nito at hindi naman mabato kaya kampante siya rito. Mas importante pa ring makuha niya ang pakay ng mga kalaban nito kay Marcus Bellford dahil alam niyang magwawala naman ang impaktong nilalang na ito kung sakaling magising ito mamaya.

Ramdam niyang buhay pa naman ito ngunit kailangan niyang harapin ang problemang kinakaharap nito kung ayaw niyang mamamatay kasama ng walang malay na si Marcus Bellford.

Ramdam niya ang matalim na tinging ipinupukol ng nasabing lider ng mga kalalakihang ito. Hindi niya kilala ang mga ito ngunit base sa obserbasyon niya at narinig niya ay tiyak siyang kilala ito ni Marcus Bellford. Kapag magising ito at makaligtas sila sa suliranin nilang life threatening situation kung maituturing ay sisiguraduhin niyang tuturuan niya ng leksyon ang pesteng binatang ito na nakasalampak sa lupa.

"Sino ka at anong ginagawa mo rito?! Ibalik mo sakin ang aking Summoner's ball!" Walang pakundangang wika ng nasabing lider ng mga kalalakihang naririto.

Lihim namang napaismid abg binatang si Evor dahil sa mga sinabi ng kalaban ni Marcus Bellford. Sa isip-isip niya ay dakilang sinungaling ang nilalang na ito na mapagpanggap. Angkinin ba naman ang hindi kaniya.

"Iyo ba ito? Kung pagmamay-ari mo ito ay makukuha mo ito ng madali sa akin kung kinikilala ka nito ngunit mukhang akin na lamang ito dahil ako naman ang nakapulot ng bagay na inaangkin mo." Pahayag na turan ni Evor habang makikitang tila hindi ito basta-bastang maniniwala sa kaharap niyang nilalang. Ilang dipa lamang ang layo nito sa kaniya at masasabi niyang tila nagsisinungaling pa ito o nangangatwiran pa ang nasabing kalaban ni Marcus Bellford.

Tila naningkit naman ang mga mata ng nasabing lider ng grupong kinalaban ni Marcus Bellford at mistulang mas tumalim ang mga tinging ipinupukol nito kay Evor ngunit mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha nito na parang umamo ng biglaan.

Hindi alam ni Evor kung matatawa o matatakot siya sa biglaang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ng kalaban niya. Talagang mapagkunwari ang nilalang na maituturing ni Evor na pinakadelikadong katangian ng isang masamang nilalang.

"Ako si Demosthenes at ito ang mga kasamahan ko. Pinahiram ko lamang ang Summoner's ball na iyang hawak mo kay Marcus. Ayaw ko mang gumamit ng dahas ngunit kailangan kong bawiin ang dapat ay pagmamay-ari kong talaga." Malumanay na sambit ng lider na nagpakilala pa sa pangalan nito. Halatang gusto nitong magbigay ng magandang impresyon kay Evor.

Napatango na lamang ang binatang si Evor habang mabilis rin itong nagsalitang muli.

"Talaga ba? Bakit di mo naman ako in-inform na iyo pala ito. Ibabalik ko na lamang muna ito sa kaniya at saka mo na lamang kunin kung gising na ito." Malumanay na wika ni Evor at mabilis nitong nalapitan ang walang malay na katawan ni Marcus Bellford.

Walang pag-aalinlangan nitong nilagay roon ang summoner's ball ng mismong pagmamay-ari nitong ginintuang tigre na siyang ikatlong familiar ng nasabing binata.

Nang makita naman ng grupo ng mga kalalakihan ang ginawang ito ng binatang si Evor ay nanlaki ang kanilang mga mata ngunit makikita ang inis sa mga mukha ng mga ito.

Tumalim din bigla ang mga tingin ng nasabing lider ng kinalabang grupo ni Marcus Bellford na nagngangalang Demosthenes habang walang ano-ano ay bigla itong nagsalita na siyang ikinalingon naman ng binatang si Evor.

"Hindi kita mapakiusapan ng mabuti binata ngunit dahil sa ginawa mo ay nagtagumpay kang inisin ako ng tuluyan grr!" Inis na inis na sambit ni Demosthenes habang makikitang namumula na ang mata nito dahil sa nararamdaman nitong emosyon.

Walang pag-aalinlangan nitong kinuha at ibinato sa ere ang isang summoner's ball na pagmamay-ari nito upang siya na mismo ang tumapos sa pesteng nilalang na sumira at sinisira ang mga plano niya. Ito ang klase ng mga nilalang na sa tingin niya ay dapat turuan ng leksyon at kung maaari ay paslangin ng tuluyan.

Hindi siya tanga upang hindi gawin ito dahil nararamdaman niyang tila kilala nito ang pesteng nilalang na nakahandusay sa lupa na minsang naging miyembro ng grupong binuo niya. Dapat lamang na linisin niya ang mga kalat na maaaring patuloy na sumira ng mga plano niya sa hinaharap. Sisiguraduhin niyang magbabayad ito sa pagsira sa mga plano niyang perpekto sana ang pagkakagawa ngunit umeksena pa ito out of nowhere.

"Eudoxos I summoned you thee!" Malakas na sigaw ni Demosthenes upang tawagin ang nasabing familiar nito.

Walang ano-ano pa ay bigla na lamang nagliwanag ang summoner's ball at nagkaroon ng isang malaking Magic Circle na doble ang laki nito kumpara sa mga na-summong magic circle ng mga miyembro ng grupo nito.

Naging alerto naman ang binatang si Evor nang marinig ang pagtawag ng tila magiging kalaban niya.

Kitang-kita nilang lahat lalo na ni Evor ang human-size ba nilalang sa ere na siyang lumabas sa loob ng Magic Circle na matingkad na kulay dilaw.

Hindi nga siya nagkakamali na isang Summoned Hero ang familiar ng nagngangalang Demosthenes na ito.

Kakaiba ang laki ng human-like creature na ito. Mahahaba ang buhok ng nasabing nilalang habang nababalot na kulay dilaw na armor ang buong katawan nito na animo'y gawa sa mainit na apoy ang elementong taglay nito. Kakaiba ngunit rmadam na malakas ang kakaibang nilalang na ito na nabibilang sa mga Summoned Hero.

Napag-isip-isip ni Evor na hindi niya maaaring tawagin ang Fire Fox niya dahil sigurado siyang matatalo lamang ito.

Walang pagpipilian ang binatang si Evor kundi ang gamitin ang huling alas niya laban sa life and death situation niya ngayon na maaaring ikapahamak niya kung hindi niya masosolusyunan ang panganib na kinakaharap nila.

Isang kulay asul na summoner's ball ang hawak ng binatang si Evor at walang pag-aalinlangan nitong ibinato ng napakalakas na animo'y hindi na ito makita pa dahil mukhang tumagos ito sa makakapal na ulap sa himpapawid. Saktong maulap ngayong araw kaya alam niyang magiging pabor ito sa kaniya kahit papaano.