webnovel

LADY AKIRA [FILIPINO]

Lady Akira a girl with an abnormality condition. It started when she was younger, being hatred or bashed by your neighbors is not equal. She accept the fact that she's not normal when she burn the house of her Older brother ex. Not until she found a friend.

Enialaqt · Others
Not enough ratings
13 Chs

Teacher

"sir nagpass naman po talaga ako!" reklamo ng kaibigan ko

"oh eh asan?!" sigaw na tanong nya habang nakasitting pretty

"sir naman, nagpass po talaga ako" maluha luhang saad ng kaibigan ko

"nako Rhea wala nga" ani ng teacher namin

Mahalaga kasi ung clearance hindi sya makaka graduate kung wala yon. Nagpass naman sya eh pero sabi ni Sir bigla raw nawala.

"palabasin mo muna kasama mo at paguusapan natin pano to! tsk nagpass daw eh wala nga" ani nya napayuko naman ako at lumabas

Nagpasama kasi sakin si Rhea. Ako naman si dakilang libutera sumama.

Siguradong hindi papayagan ni Sir si Rhea na humingj nalang ng panibagong clearance dahil kung bibigyan man hindi nya na makukumpleto yon

Graduation na next week ngayon pa nawala tsk tsk.

Nasa bakasyon narin ang ibang mga teacher namin. Tapos na man na lahat eh.

"oh ano daw nangyari?" tanong sakin ng kaklase namin

"nawawala daw" sagot ko halos lahat sila bumagsak ang balikat

"pano nyan?hindi naman mawawala yon ng ganon!" ani nung isa

ANG goal kasi naming mga g12 STEM ay makagraduate lahat with honors pa.

"hindi naman burara si sir eh! baka naman hindi talaga nagpass argh! pinakita pa sakin ni Rhea ung clearance nya! kumpleto na yon" si president

"excited pa sya non! sa sobrang excited nya nauna pa syang magpass sating lahat! dapat talaga nagsama sya para may witness!" si vice president

"maligalig din kasi yon! hindi man lang tayo hinintay man lang" si Secretary

"hindi rin aabot kung manghihingi sya ng panibago" kako mas lalo silang bumagsak

"hindi ba pwedeng pakiusapan si Sir?" tanong ni muse

"sige ikaw makiusap" sabay sabay naming saad

Napasimangot naman sya. Wala naman kasing sinasanto yon. Kahit yata principal takot don.

"Pano yan?edi hindi tuloy ung party mamayang gabi?" tanong ni escort

Advance party daw kasi ung iba katapos ng graduation hindi mahagilap.

"tuloy!" napatingin kami sa pinto at nakita si Rhea

Napatayo naman kaming lahat at lumapit sa kanya para magtanong. Nakangiti sya saming lahat tumataas taas pa ang kilay

"anyare?" tanong ko agad

Nakarinig naman ako ng YES sa mga kaklase ko. Siguradong masaya sila dahil mangyayari parin ung GOAL namin

"umiyak ako syempre! sabi ko kailangan ko talaga grumaduate!" ani nya at sumabit sa braso ko

"ows?baka naman jokeeeee!"biro nung iba sa kanya

"gago kayo! pero nabanggit ko sa kanya ung Party natin mamayang gabi kaya ininvite kuna" natigilan ung iba pero bumalik din sa dati ng mahagip kong kindindatan sila ni Rhea

Napangisi nalang ung iba at napailing.

"pupunta ka naman diba akiraaa?" tanong sakin ni Rhea

"oo, pupunta ka eh" kako natawa naman sya

#

"eto nga suot mo!"

Kanina pa nyako pinipilit na isuot ang Black Tube at ternuhan ko daw ng pencil skirt tapos magblazer nalang

"hindi ngako kumportable sa ganyan! pano ko maeenjoy yon kung ganyan suot ko?" reklamo ko napakamot naman sya ng batok

Hindi ko nalang sya pinansin at kinuha ang maroon oversized t-shirt na may nakalagay na " DIE " in Japanese

Naalala ko kasi don si Bakugou.

"hayz tara na nga!" ani nya at hinila nako palabas ng bahay

"ako na magtitimpla" volunteer ko sa paggawa ng dalandan juice

Natuwa naman sila at binigay na sakin ang mga gagamitin. Malalate daw kasi ng punta si Eron na may dala ng alak.

"Thank you akira!" pasalamat nila sakin sabay kaway at bumalik na sa sala

Napangisi nalang ako at umiling. Salamat daw.

Pagkatimpla ko ng juice ay nagpatulong ako sa pagdala non sa sala para simulan na ang party. Nakita ko namang andon na si Sir at hinaharot ng mga kaklase ko.

Natawa nalang ako.

"okay na" kako at napatingin silang lahat sakin

Tumayo na sila at nagayos. Nakapalibot kami sa bilog na dining table. May basa sa harap namin na naglalaman ng juice.

"okay okay! dahil sa kabobohan ni Eron juice muna" ani ni President sabay tawa

"one" kinuha ko ang baso

Nakarinig ako ng bungisngis sa kung saan. Abot tenga ngiti nila sakin.

"two"

"three!"

Sabay sabay naming ininom ang juice. At nagsisigaw sila!. Natawa pako pero bigla nalang lumabo ang paningin ko.

"gumana na pre" ani ni Vice President

Nagbukas at Sara ako ng mata at nakitang nakangisi silang lahat sakin. Hinagip ng mata ko si Rhea at nakitang nakangisi rin sya.

"okay na. Dalin nyo na sa taas. Si Sir daw muna" rinig kong ani ni Rhea

Napapikit ako at hawak sa ulo dahil wala lang HAHAHAHA

Naramdaman kong may humawak sakin at nakitang si Sir yon. Hinila nya nako at nakarinig ako ng hiyawan. Pero tumigil kami sa kalagitnaan ng hagdan.

Humarap ako sa kanila ng nakangisi at Nilabas na parang Water Fall ang juice sa bibig ko. Halata ang gulat sa muka nila.

Lalapit na sana sila sakin ng bigla silang mapahawak ng sabay sabay sa ulo, sa leeg, at sa tyan. Ngumiti ako sa kanila at humawak sa braso ni Sir.

"Congratulations Guys!" bati ko sa kanila habang nakatayo at sila dahan fahang napapaluhod

"A-anong" ani ni President

"You're welcome nga pala! madali lang naman magtimpla ng juice with some ahh?ano ba kasi yon?ah basta yon" tangging ani ko

Hinarap naman ni Sir ang muka ko sa kanya at masuyong akong hinalikan. Napakapit naman ako sa leeg nya.

"Akira"

"I love you Sir Charles"