webnovel

LADY AKIRA [FILIPINO]

Lady Akira a girl with an abnormality condition. It started when she was younger, being hatred or bashed by your neighbors is not equal. She accept the fact that she's not normal when she burn the house of her Older brother ex. Not until she found a friend.

Enialaqt · Others
Not enough ratings
13 Chs

Akira

Nawalan ako sa mood. Wala ako sa sariling lumabas ng kwarto ni kuya. Pero bago iyon pinost ko muna sa account nung babae lahat ng kachat nya.

Ang dami non! tapos halos lahat babe o baby tawag sa kanya! ew tapos nakita kopa chat nila ni Kuya sya nga ung parang aso psh.

"oh bakit?" tanong ni Tito umiling lang ako

"anyare sayo?aki?" tanong nya uli at yumuko sa harap ko

"Wala po" ani ko sabay iling

"bored kaba sa tv?ayaw kasi nung mama mo magpc ka. Oh eto hiramin mo muna cellphone ko" nabuhayan naman ako

Natawa sya sa reaskyon ko at binigay na sa akin ang cellphone nya

"talaga po?"

"oo, wag mo babasagin ah?" sundo sundo na tango ang ibinigay ko sa kanya at nagtatakbo sa kwarto

"Ano kayang pwedeng laruin?" tanong ko habang scroll ng scroll dito sa apple store

"ay pangit naman laro! ay alam kona!" ani ko at inopen ang safari at nagincognito

Nagbukas ako ng fb ni Kuya hihihi, matalas memorya ko dahil alam kona dati pa number nya at ang pass nya nakita ko kanina

Nang makalog in ako ay kitang kita ko ang sunod sunod na notif nya. Isa yong post and sundo sunod na comments don

Eh?ah naka turn on pala ung notification kay Trixie?!

Binuksan ko iyon at nakitang madami nang likes agad! Kapopost ko lang non eh! tapos madami na! nakaofline si Trixie kaya hindi nya agad madelete

Marami na nakakita, natawa pako ng makita ang ibat ibang comments sa post. Nakita ko kanina marami syang gc kaya siguradong maraminsyang backup

Pero hindi yon ang nakita ko! sila mismo ang nagcocomment don! ay sabi dito jowa pa nila nilalandi ni Trixie hayz

'malandi ka!'

'grabe ang lala mo, ang dami nila!'

'kaya pala ayaw mong makipagpalit acc haha'

'ayos dami namin'

At mas madmai pang ibang comments pati kamaganak nya nagcomment narin. Pero after an hour may post! public apology!

Nadelete na ang post ko at napalitan iyon ng public apology nya?!

'guys sorry po, pero hindi po ako ung gumagamit ng account. sino naman pong babae ang magpopost ng ganyan diba?hindi po ako. sa mga chat po hindi din po ako. busy po ako sa school at family problem kaya hindi ako madalas magonline tapos po kabubukas ko lang po. '

Hindi kona tinapos ang public apoy nya dahil halatang peke yon pero ang mga nagcocomment ay okay na daw

ganon?pagpangit malandi tapos pagmaganda okay na?

Nainis naman ako. Sa sobrang inis ko ni log out kona ang account nya at nagsearch kung paano maging professional hacker

Pero puro kalokohan lang ang nakikita ko peste! Pero may isang site akong napindot at lumabas ang isang parang fb?ay hindi basta

'tutorial how to be a professional hacker'

Pinindot ko iyon at puro numbers ang lumabas pero ng magrefresh ako at pumindot ng kung ano ano ay naging letters na!

Tumakbo ako papunta sa side table at sinulat ang mg dapat isulat! pagaaralan ko to! kinuha ko ang ipad at inilagay doon ang link ng site dito sa cp

Binura ko ang history ng Cellphone at itinabi na iyon. Lumipat ako sa ipad para safe!

#

Nakangisi ako habang nakatingin sa isang bahay na nasusunog. i mean sinunog ko?

Marami narin kaming mga nanunuod sa sunog, masyadong malaki ang apoy kaya hindi makapasok ang iba ang iba naman ay naghihintay ng fire force

Pero matagal pa iyon kaso tulog sila ngayon. Opx hindi ko kasalanan yon ah?Naginuman sila kagabi kahit na may pasok sila sa umaga ayan boom boom

11 yrs old nako and si Trixie ang unang napatay ko

Natagalan kasi naging sila ni Kuya ng palihim, pero hindi sa akin. Walang lihim na dapat naitatago sa akin.

Kaso nalaman ko rin na sinaktan nya si Kuya kay bumagsak si Kuya ngayong Quarter. Sabi nya pampalipas oras lang nya si Kuya.

Nainis ako sinunog ko bahay nila.

Sakto namang sya lang ang nasa bahay nila dahil nagbakasyon sa ibang lugar ang magulang nya. Iba pang tao ang nasuspect kasi ung lalaki ay dapat na magsstay don.

Ayan sya tuloy naturo na nagsimula ng sunog. Don daw sya matutulog tapos nung tinawagan ang parents ni Trixie ay bawal daw pala magpatuloy don.

Tumalikod nako at naglakad sa park na hindi kalayuan. Hindi mahirap hanapin ang bahay nila dahil madali lang isearch ang name ni Trixie sa site at lalabas na lahat don.

Napangiti ako habang nagsswing pero may biglang lumapit sa akin. Batang lalaki parang kasing edad ko lang.

"hoy ikaw" ani nya

Napaturo naman ako sa sarili dahil baka ibang tao pero ng tumingin ako sa paligid ay walang ibang tao kami lang

"ako?bakit?" ani ko at tumayo para lumapit sa kanya pero umatras sya

"Ikaw ung nagsunog nagbahay nila" saad nya nagulat naman ako

"ako?bakit ako?"

"oo nakita kaya kita, don ako dumadaan sa likod nila para makatakas sa mama ko tapos nakita kita" paliwanag nya

Lumapit naman ako sa para sana sabihing secret lang pero umaatras sya. Takot sya sakin?

"Takot ka sakin?"

"hindi"

"kaya kong sunugin bahay nyo" kako

"isusumbong kita sa pulis" ani nya nagulat naman ako

Nanubig agad ang mata ko sa sinabi nya. Ayoko makulong! papaluin ako ni mama! Nagulat yata sya ng umiyak ako kaya lumapit sya

"uy sorry na" ani nya pero umiwas lang ako

"susum-susumbong moko pulis!" ani ko sabay hikbi

"bad ka kasi" bulong nya

"sinaktan nya kuya ko! ayaw ko sakanya!" ani ko

"ganon?sige hindi na." ani nya na parang napipilitan

Napatingin naman ako sa kanya nakayuko na sya at may hawak na panyo.

"hindi na kita susumbong, sorey na. wag kana iyak" ani nya at binigay sa akin ang panyo

"pa-pangit bako umiyak?" umiling naman sya agad

"maganda ka nga" ani nya at namula ang pisngi

"talaga?pogi ka!" saad ko at pinunasan ang muka

"talaga?edi.."

"edi ano?"

"edi bagay tayo" bulong nya

Lumapit ako sa kanya ang akala ko aatras sya pero hindi!

"tao tayo diba?" inosenteng tanong ko muka naman syang napahiya kaya naguilty ako

Hinalikan ko sya sa pisngi!

Nagulat sya sa ginawa ko pero agad ring nakabawi

"Oo bagay tayo!" lumiwanag muka nya

"Charles!" ani nya sabay abot ng kamay sa akin

"Akira!" ani ko rin at nagkamayan kami at saka bumungisngis

______________