webnovel

Pagkumpleto sa Plano ng Hundred Corpse

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Simula makaabot si Zhao Feng sa half-step Origin Core Realm, ang half-step True Yuan ay nabubuo na ng kaniyang Source of True Spirit at sunod ay isinasalin ito para maging True Yuan.

Ang Source of True Spirit sa loob ng katawan ni Zhao Feng ay napakalagkit, at nagsisimula na itong maging solido. Sa oras na tuluyang maging solido ang Source of True Spirit at mabuo ang Origin Core, ang kapangyarihan at lakas ng isang tao ay labis na tataas.

Subalit, ang pagsasalin na ito ay isang mahabang proseso.

Sa bawat oras na nalilinis ang half-step True Yuan, nagreresulta ito sa maliit na breakthrough. Ito ang kinakailangan para sa pagtaas ng mental energy intent at sa state of existence.

Kung hindi masiyadong mataas ang mental energy level o state of existence ng isang tao, ang proseso ng pagsasalin ay labis na mabagal at maaari pa itong magipit. Ito ang dahil kung bakit maraming half-step Origin Core Realms ang hindi makaalis sa harang na ito sa dose-dosenang taon.

"Sa kasalukuyan kong bilis, maaari akong maging isang Sovereign sa loob ng tatlo o apat na taon."

Tantsa ni Zhao Feng, dahil sa kasalukuyang bilis ng pagsasalin.

Batay sa teorya, walang magiging kagipitan para sa kaniya sa pag-abot ng Origin Core Realm, na siyang isa sa mga dahilan kung bakit mas mataas ang kaniyang conversion speed kaysa sa iba. Ang mga gaya lamang ni Lu Tianyi at ng iba na mula sa two-star sects at na mayroong mga ekspertong nasa Void God Realm na umaalalay sa kanila ang maaaring maikumpara kay Zhao Feng.

Sinadya ni Zhao Feng na pabagalin ang conversion speed at tumutok lalo siya sa comprehension.

"Kung gaano kalakas ang mga elemento at intents ng isang tao, mas magiging makapangyarihan ang Origin Core kapag nabuo ito."

Nagtuon si Zhao Feng sa pundasyon. Sa oras na maging Origin Core ang Source of True Spirit, ito ang magiging sentro ng cultivator, naglalaman ng lahat ng kanilang comprehension, kapangyarihan at intents.

Halimbawa, ang Source of True Spirit ni Zhao Feng ay sumanib sa elemento ng Wind Lightning, at ang iba't-ibang cultivators na nagcultivate ng iba't-ibang techniques ay magkakaroon ng magkakaibang antas ng comprehension.

"Mas mainam kung papalakasin ko ang aking mga elemento bago tuluyang masalin ang half-step True Yuan."

Pinataas pa ni Zhao Feng ang kaniyang mga layunin.

Dahil hindi siya agad-agad na makakatungtong sa Origin Core Realm kapag walang tulong ng ilang mga heaven-defying items, mas magandang lumakad sa landas ng isang elite.

Sa loob ng kaniyang isipan, isinanib ni Zhao Feng ang kaniyang kamalayan sa Wind Lightning Stone Tablet muli at nagsimulang intindihin ang Purple Destruction Wind Lightning.

Mabilis na lumipas ang oras at isa na namang buwan ang nakalipas.

Mas naintindihan na ni Zhao Feng ang Purple Destruction Wind Lightning. Nagawa niyang i-comprehend ang 20-30% nito.

Sa katotohanan, simula noong umalis siya sa Purple Saint Ruins sa unang bses, ang kaniyang naging pangunahing pokus ay ang inheritance ng Wind Lightning Emperor.

Sa oras na ito, ang Source of True Spirit ni Zhao Feng ay nalinis na at nagkaroon ito ng aura of Destruction sa loob nito.

Marahan niyang binuksan ang kaniyang palad at isang buga ng wind at lightning ang bumuo ng Blade of Purple Destruction, naglalaman ng isang siksik at purong aura of Destruction.

Shua!

Dali-daling pinaglaho ni Zhao Feng ang Blade of Purple Destruction, subalit kahit ganoon, nakaramdam na agad ang lahat ng nasa barko ng kapangyarihan ng Destruction sa kanilang mga kaluluwa na ikinabalisa nila.

Kahit ang puso ng skeletal Division Leader ay napalundag.

Hindi niya mapigilang bumuntong-hininga. Hindi nagtuon si Zhao Feng sa pagsasalin ng half-step True Yuan; sa halip ay tumutok siya sa comprehension. Sa pamamagitan lamang ng comprehension maaaring labis na tumaas ang battle-power ni Zhao Feng sa loob ng maikling panahon.

"Ang Blade of Purple Destruction na ito ay sapat na upang maging banta sa mga normal na Sovereigns."

Kuntento na si Zhao Feng. Umintin lamang siya ng 20-30% ng Purple Destruction Wind Lightning, kaya't maaaring hindi ito masiyadong makapangyarihan, subalit isang dahil ang nagpataas ng kapangyarihan ng Destruction sa loob ng Purple Destruction Wind Lightning: ang aura mula sa Ancient Dream Realm.

Ang aura mula sa Anciet Dream Realm ay nagdulot upang mas maging pino ang kapangyarihan ng Destruction ni Zhao Feng. Kahit ang Wind Lightning Emperor mismo ay maaaring walang ganito kapurong level ng Destruction nang siya ay nasa antas pa ni Zhao Feng.

Kahit na siya ay nakatuon sa kaniyang comprehension, hindi nakakalimutan ni Zhao Feng na pumasok kada ilang araw sa Ancient Dream Realm.

Ang aura mula sa Ancient Dream Realm ay ang pinakamalaking tulong ni Zhao Feng sa pagpapalakas ng kaniyang katawan at bloodline.

Ang kaniyang bloodline ngayon ay doble ang pagkapuro at pagiging makapangyarihan kumpara noong siya ay nasa Purple Saint Ruins.

Ang aura mula sa Ancient Dream Realm ay nagdulot upang ang bloodline ng isang tao ay "bumalik sa mga ninuno nito."

Siyempre, ang epekto nito ay mayroong hangganan. Nang ang kaniyang bloodline at katawan ay nakarating sa isang tiyak na level, ang epekto ng Ancient Dream Realm ay mas lumiit.

Upang ipagpatuloy ang ganitong bilis, kinailangan niyang humigop ng mas maraming aura mula sa Ancient Dream Realm.

"Skeletal Division Leader."

Sinanib ni Zhao Feng ang kaniyang kamalayan sa Ten Thousand Ghost Pearl at sinuri ang progreso ng plano ng Hundred Corpse.

"Master, kumpleto na ang plano ng Hundred Corpse."

Ang boses ng skeletal Division Leader ay naglalaman ng karangalan. Ang plano ng Hundred Corpse ay ang sarili nitong mungkahi, at ngayon ay nakumpleto na nito ang plano.

"Ang plano ng Hundred Corpse… ay kumpleto na?"

Hindi mapigilan ni Zhao Feng ang kaligayahan sa kaniyang puso.

Sa loob ng Ten Thousand Ghost Pearl, ang mga hundred cursed ghost-corpses ang nakatayo magkakatabi, at ang lahat ng ito ay nasa peak True Lord Rank.

Sa wakas ay kumpleto na ito. Nagpakawala ng mahabang paghinga si Zhao Feng.

Kumunsumo siya ng malaking bilang ng mga resources upang makumpleto ang plano ng Hundred Corpse, kahit na ang karamihan sa mga resources na ito ay mula sa Purple Saint Ruins.

Maaaring sabihin na, kung wala ang Forbidden Ground of a Hundred Graves, Purple Saint Ruins, o ang skeletal Division Leader, ang plano ng Hundred Corpse ay hindi makukumpleto.

Ang lahat ay nakaasa sa kapalaran

"Ngayon na kumpleto na ang plano ng Hundred Corpse, ang kapangyarihan ng Ghost Corpse Cursed Array ay mas magiging malakas."

Ang skeletal Division Leader ay mas nananabik pa kaysa kay Zhao Feng.

Sa loob ng Ten Thousand Ghost Pearl, mayroong dalawang dark silver poisonous ghost-corpses bukod sa hundred cursed ghost-corpses.

Ang dalawang dark silver ghost-corpses ay matagal nang nananatili sa Ten Thousand Ghost Pearl, at nakarating na sila sa half-step Origin Core Realm.

Maaari bang mapalakas ng aura mula sa Ancient Dream Realm ang mga ghost-corpses?

Bilang naisip ni Zhao Feng, subalit hindi kalaunan ay naglaho rin ang ideyang ito. Maaari lamang siyang tumagal sa Ancient Dream Realm nang mas mababa sa sampung paghinga, at wala man lamang siyang natitira para sa sarili niya.

Makalipas ang tatlong araw, iniintindi ni Zhao Feng ang kapangyarihan ng kaniyang bloodline at ang Ice Imperial Spear.

Gu~~

Ang Blue Lightning Sea Sky Ship ay biglang nagsimulang yumanig.

"Anong nangyayari?"

Ang lahat ng nasa loob ng barko ay hindi makatayo.

Gu! Gu!

Ang whale ay nagising na at marahan itong lumalangoy-langoy.

"Captain, ang whale ay natulog ng dalawang buwan at siguro ay maghahanap na ito ng pagkain ngayon."

Sinabi ni Loulan Zhishui, at ang mga mata ng lahat ay kumislap na mayroong pagasa.

"Gising na rin ang dambuhala na ito."

Ngumiti si Zhao Feng, at ang mabigat na pakiramdam ay parang natanggal sa kaniya.

Ang dahilan kung bakit nagcultivate siya sa mga panahong ito ay upang maghintay sa pagkakataong ito. Gaya ng inaasahan, ang lahat ay umaayon sa plano nang umalis ang whale upang maghanap ng pagkain.

Kung ang whale ay nanatili sa kawan nila, kahit gaano pa man kalakas si Zhao Feng, hindi siya maglalakas-loob na gumalaw. Ang grupo ng mga balyena ay naglalaman ng isang daang limitless ocean whales at isang whale king na nasa Void God Realm.

Ang pagpalag sa sitwasyong iyon ay gaya na rin ng pagsalubong sa kamatayan.

"Ito ang ating huling pagkakataon habang naghahanap ng pagkain ang whale."

Huminga ng malalim si Zhao Feng. Ang mga limitless ocean whales ay natutulog sa loob ng mahabang panahon matapos bumalik sa paghahanap ng pagkain, at ang Blue Lightning Sea Sky Ship ay hindi na masiyadong makakatagal.

Gulu gulu~~

Nagsimulang sumugod ang limitless ocean whale sa kailaliman ng karagatan.

Kung sukat ang pag-uusapan, ang whale na ito ay abot hanggang sampung milya. Ito ang isa sa mga malalaking halimaw sa karagatan.

Kaharap ang huling pagkakataon na ito, ginawa ni Zhao Feng ang lahat ng kaniyang makakaya at pansamantalang tinanggal ang pumipigil sa kaniyang God's Spiritual Eye upang suriin ang sitwasyon sa labas.

"Aalis na ang whale na ito sa grupo."

Bumilis ang tibok ng puso ni Zhao Feng.

Ang malaking lipon ng mga limitless ocean whales ay halatang walang masiyadong pakay sa malapit, kaya't kailangang maglakbay ng mga whales sa malayong lugar.

Isang libong milya… limang libong milya… sampung libong milya…

Matapos makaabot sa malayong-malayong lugar ang limitless ocean whale, sa wakas ay nagsimula na itong kumain matapos maglakbay sa loob ng dalawampung libong milya.

"Oras na."

Nagsimula na namang kumaripas ang bilis ng tibok ng puso ni Zhao Feng.

Shua!

Tinawag niya ang skeletal Division Leader.

"Master, ano ang plano mo? Susukuan na ba natin ang mga mandaragat na ito at puwersahing makalabas?"

Nagmungkahi ang skeletal Division Leader, subalit bahagyang umiling si Zhao Feng.

Ang sapilitang pagtakas ay isang masamang plano. Ang battle-power ng whale na ito ay mas malakas pa kaysa kay Lord Hu Suo at sa Eight Desolate Sovereign Lord.

Kahit ang Void Space Eye Slash ni Zhao Feng ay hindi mapagbantaan ito. Kung susukuan nila ang barko, hindi nila matitiyak na mananatili silang walang pinsala.

"Dito tayo magsisimula…"

Ngumiti si Zhao Feng at pinadaloy ang kaniyang bloodline power upang paganahin ang Ice Imperial Spear, na nagpakawala ng aura of Ice and Water.

Bo~~~

Mayroong alon ng tubig na rumagasa sa palibot ni Zhao Feng at tumagos mula sa tuktok ng barko. Ang malagkit na acid ay nakapalibot sa barko, at kahit ang mga normal na Origin Core Realms ay hindi makakatagal nang higit pa sa ilang paghinga.

Subalit, si Zhao Feng at ang skeletal Division Leader ay magkaiba.

Ang skeletal Division Leader ay sanay sa bone strengthening at ang depensa nito ay labis na hindi tinatablan ng pagguho. Sa kabilang banda, ang katawan ni Zhao Feng ay nakaabot na sa level ng isang Sovereign at ang kaniyang Water Bloodline ay sanay sa pagpapagaling.

Bo~~

Sa kubyerta, sina Zhao Feng at ang skeletal Division Leader ay parehas na pumasok sa malagkit na likido. Ang ikalawang nabanggit ay gagamitin na dapat ang kaniyang Nine Deadly Yin Bone at pupuwersahing makagawa ng isang daan palabas, subalit ito ay pinigilan ni Zhao Feng.

"Gawing yelo ang tubig!"

Ginamit ni Zhao Feng ang kapangyarihan ng Ice Imperial Spear sa loob ng kaniyang katawan.

Whoosh!

Isang patong ng liwanag ang biglang bumalot sa barko at lumawak hanggang sa ilang dosenang yarda.

Si!

Ang lahat ng nasa loob ng isang daang yarda ng barko ay nagyelo.

Ang lugar sa palibot ng barko ay naselyuhan na ngayon.

"Magandang ideya!"

Hindi mapigilang mapasigaw ng skeletal Division Leader.

Hindi mapipigilan ng mga normal na paraan ang acid na ito, subalit ang malagkit na likidong ito ay isang likido pa rin; sa oras na magyelo ito, titigil ang paggalaw.

Sa puntong ito, ang lahat ng nasa loob ng isang daang yarda ay naselyuhan ng yelo dahil sa sikretong bloodline technique ni ZHao Feng.

"Tapos na ang unang hakbang."