webnovel

Your Name

"PITS!" biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ang maamong boses ng bestfriend ko agad kong hinanap kung nasan sya at nakita ko sya sa isang stand ng takoyaki, TLE Month kase kaya may mga stand ng pagkain na gawa sa mga tanim ng tle club

"J!" hays ang cute talaga ng nicknames namin pits short for neferpitou at j short for jeid, naalala ko yung time na naisip namin magbigay ng nickname sa isa't isa

~Flashback 2 years ago~

"WALA NA NAMAN SI SER! MGA KABABAYAN TAYO'Y MAGDIWANG!" nagtawanan kaming lahat sa sinabi ni Jake. Tatlong buwan na since makilala ko si Allistra at isang buwan na kaming magbff.

"MAIZE! TARA DITO" sigaw ni Allistra na umagaw sa atensyon ko since wala naman si ser lumabas na ako ng classroom at pinuntahan si Allistra

"Bakit mo ako tinawag?" minsan lang ako tawagin ni Allistra na Maize kapag...shems kapag andun yung crush ko. "ASAN SYA?"

"Nako po alam agad sino tinutukoy ko tinamaan ka na talaga noh?" ginugulo nya ang buhok ko kasabay ng pagturo sya sa direksyon ni Adrien. Adrien Renz Rivera a famous basketball player, kind, charming, hot and gorgeous with a heart-warming smile ang aking first crush sa EGH kateam sya ni Allistra sa basketball club kaya medyo close sila kayo tong unggoy kong kaibigan ay hindi parin ako pinapakilala kay Adrien. "ADRIEN!" parang lalabas na yung puso ko sa aking dibdib ng tumingin si Adrien sa direksyon namin. Eto na bayon? Is this the day na manonotice niya nadin ako? What am I gonna do? Act natural? Napahawak ako sa kamay ni Allistra ng sobrang higpit dahil sobrang bilis ng tibok ng puso ko at wala na akong marinig kundi ito.

"Pre musta?Bakit pala wala ka sa practice kanina hinahanap ka ni coach" ambango niya, kahit pawisan sya amoy bagong ligo parin gusto kong punasan yung pawis nya. Allistra naman e ba't mo ako tinoture ng ganito alam mong weakness ko si Adrien e.

"Aids si Maize nga pala bff ko" wow naman aids ang ganda ng nickname parang sakit lang bagay na bagay sakanya since pinapahina niya buong katawan ko pagmalapit sya.

"Hi Maize nice to meet you!" Ang cute ng smile nya sa pagkakasabi non kaya naman 'di ko na naiwasan na mautal

"H-hi uhmm ang init noh?Nice to meet you din sige balik lang ako sa room 'di ko na kaya yung init e" kumaripas na ako ng takbo dahil ramdam ko na ang paginit ng mga pisngi ko. Shems si Allistra pala ano kaya pinagsasabi ng mokong yun tungkol sakin?

"Hello miss beautiful bakit namumula ka?" Sabi ng epal na si Kent hays kahit kelan talaga siraulo yan.

"Mainit kasi sa labas try mo kayang lumabas ewan ko nalang kung 'di ka matusta"

"Ayoko nga madaming chix na naman ang makakasilay sakin" GGSS mo talaga ser nakakaloka

"Asan nga pala sila Amanda?" Si Amanda nga pala ang girl bff ko top-notcher, mabait, maganda as in kung lalaki ako magiging crush ko din sya

"Sikret no clue" bwiset talaga nagtatanong ng maayos e. Since alam kong wala akong mapapala sa pakikipagusap kay Kent hinanap ko nalang si Amanda.

Ilang minuto na akong naghahanap pero di ko sya makita ng biglang may nagtakip sa mga mata ko

"Isa paghindi mo tinanggal yan sisigaw ako ng rape"

"Chill ka lang ako toh si Allistra"

"Ikaw lang pala ano pala balita kay Adrien nung umalis ako"

"Ayun nagusap lang kami about basketball tas kung gano kagalit sakin si coach"

"Ayan sige absent pa"

"Alam mo namang may tournament sa League of Nations e" ayan na namang laro yan alam kong malaki nakukuha niyang pera kapag nananalo sila sa mga tournament pero para unahin yan kesa sa studies? No way di ako papayag na bumaba rankings ng bestfriend ko sa class

"Pero Allistra kailangan mo parin umattend sa mga extra-curricular activities mo or else babagsak ka"

"You know what masyadong mahaba yung Allitra isip kaya tayo ng nicknames?"

"Yan ka na naman e 'di ka na naman nakikinig sakin huwag mo ako sisisihin kapag 'di mo na mahabol yung grades na nawawala mo ha"

"Ano kaya kung J? Short for jeid"

"Isang syllable din naman yung jeid pinaikli mo pa ganyan na ba kababa iq mo?"

"Hahahaha medyo moody ka ata ngayon meron ka?" tinitigan ko sya ng parang tinutunaw na sya ng mga mata ko"Joke lang ito naman peace tayo dyan" Napangiti nalang ako sa kalokohan nitong mokong na toh "AHA PITS!" napatayo pa sya sa pagkakasabi non na para bang nakaisip sya ng master plan para sa evil scheme nya

"Pits? Ano yon ipits?" ok akala ko nakakatawa yon

"Pits kung magjojoke ka sabihin mo muna ha para handa ako tumawa" binatukan ko nga.

~End of Flashback~

"Hoy Pits ba't bigla kang natulala?"

"Wala may naalala lang" and i smiled until my lips reached my eyes.