webnovel

Sunburn

"Pits naalala mo ba yung sinigawan kayo ni ser" biglang nagflashback sakin ang mga nangyari dahil sa binanggit ni J

~FLASHBACK~

"Ms. Ayala can you and Mr. Gutierrez get the exam papers on my desk?" Ha? Ba't kasama si Kent kaya ko naman dalin yon magisa e

"Yes po" tumayo nalang ako at hindi na hinintay si Kent. Kahit may bff akong lalaki doesn't mean na wala na yung anxiety ko sa mga boys noh. Walking-run na yung ginagawa ko ng biglang may bumunggo sa likod ko.

"Tss gusto mo talaga bumabangga sakin noh?" What the hell? Sinong adik ang gustong bumangga sa sakanya??

"Ikaw na nga bumangga ikaw pa nag-assume lakas mo rin e noh?" Tumigil ako sa paglalakad at tinignan sya ng masama sabay ngumiti ng nakakaloko " Baka ako crush mo" Ano ka ngayon get a taste of your own medicine. Kaso wrong move ata dahil di sya nagpaindak

"Bakit kase ang bagal mo mag-la-kad?" habang sinasabe nya yon palapit ng palapit ang muka nya sakin. Okay mas matangkad sya sakin kaya naman nakakainis dahil kailangan nya gawin yon para ipaalam sakin na mahaba ang mga binti nya kase sakin, so what? nakakapaglakad naman ako ng maayos sa legs ko noh. Tumalikod ako at naglakad palayo since bawal tumakbo sa hallway naglakad-takbo ako na mas mabilis pa sa kanina

"Sige una ka na baka pagsumabay ako sayo bumangga ka na naman sakin" Edi wow pwet mo may sabaw.

Nang makarating kami sa desk ni ser agad kong hinanap ang mga exam papers namin nagulat nalang ako ng makita ang bundok na papers sa desk. My gulay samin yan lahat? 38 lang kami sa room pero pang buong batch ata toh. Trinay ko magbuhat ng mas marami sa kalahati kahit na medyo mabigat.Umabot hanggang chin ko yung mga exam papers.

(A/N: Yung exam papers nila ay gawa sa notebook na may iba't ibang section para sa iba't ibang subject)

Naglakad na ako at hindi pinansin kung nakasunod ba sakin si unggoy. Nagulat nalang ako ng biglang gumaan ang dala ko

"Maliit ka na nga nagbubuhat ka pa ng mas mabigat sayo" Hindi ko alam kung ano magiging reaction ko, tinulungan nya ako kaso nilait nya din ako. Dahil di ako sanay ng may tumutulong sakin na di ko close napabulong nalang ako ng thank you. Hindi ko alam kung narinig nya at wala ako pake at least nagthank you. Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko si Adrien.

"Uy Maize ba't andami mong dala" Oh my gulay kinausap ako ni Adriennnn ok kalma tinanong niya lang naman kung ba't madami ako dala

"Ah hindi mas madami yung kay Kent medyo binawasan na nga e" ayan ayos na yan di ko na kaya makipagusap pa umiinit na naman mga pisngi ko

"Kayo talaga ha, may something kayo noh" di ko na marinig mga pinagsasabi ni Adrien kasi masyado kong kinokontrol ang pagkamula ng aking pisngi "Ayun oh namumula si Maize hahahaha maiwan ko na nga kayo, bye Maize, Kent ha ayusin mo" Ano daw nagbye sya sakin? Omggg kalma self kalma enhale exhale enhale exhale

"Hoy ikaw ba't ka namumula" luh epal pake mo ba

"Ah ano kase"

"Ano? May crush ka sakin noh?" baliw si Adrien kase hindi ikaw wag kang GGSS

"Hindi noh! Ano kase sunburn"

"Sunburn"

"Oo sunburn lam mo na pagmainit nagkakasunburn ka"

"Hindi naman tayo abot ng araw dito" Okay nawawalan na ako ng excuses.

"Ms. Ayala! Mr. Gutierrez! Bakit ang bagal nyo?! Pumasok na kayo bili" yesssss savior talaga tong si ser. Nagmadali na kami sa paglalakad dahil sobrang lakas ng sigaw ni ser samin medyo malapit nadin naman kami kaya onti lang nilakad namin. Pabalik na sana ako sa upuan ng tanungin ni Liana kung ba't ako namumula, pasagot na sana ako ng sumabat si unggoy

"May sunburn daw siya" tungeks ka talagang hatdog ka ano iisipin nila ha, na naglandian tayo bago pumasok sa room?!? Nakakaines ka.

~End of Flashback~

"Hinding-hindi ko makakalimutan yon"

"Well I know I'm 1 month late pero may nangyari kasi samin ni Natalia yung seatmate ko"

"Nangyari ha?anong ginawa nyo sa room na may madaming tao?"