webnovel

Ang Paggising ng Anak

Mga araw ay lumipas, ganoon ang nangyayari sa mag-ina sa tuwing ang binata ay uuwi.

Hihingi ng pera, o 'di kaya'y pagkain, kung hindi maibigay agad o hindi nakuha ang gusto, agad na pagbuhatan ng kamay ng binata ang ina. Bukod pa roon, pagsasalitaan ng binata si Josephine ng mga salitang hindi tama.

Araw-araw na ensulto ang natatanggap ni Josephine, araw-araw na pananakit, araw-araw na mura at sego-segundong sakit sa kalooban ang nararanasan ni Josephine.

Subalit, hindi siya nagsalita. Hindi siya umimik. Bagkos, nginitian niya ang anak sa kabila ng lahat na iyon. Dahil sa iisang dahilan.

Mahal niya si Zack. Ang kan'yang kaisa-isahang anak, ay mahal niya bilang ina, ama, kapatid at pamilya.

Sa kasalukoyan, makikita si Zack na nakatayo hawak-hawak ang kapirasong yosi. Hindi pa niya ito nagagamit sapagkat hindi siya mapakali.

Tila nilalamon ng kaba ang kalooban niya. Hindi niya magawang ituon ang sarili sa hawak-hawak dahil sa pakiramdam na may mali.

Subalit, hindi niya matukoy ang dahilan ng nito.

"Zack pare!" isang masiglang boses ang nagpagulat sa binata. Dahil sa pagkabigla, natapon niya ang yosi na hawak.

"Loko, nagulat ako sa'yo Harold ah. Nakain mo at nangugulat ka? Mangyayaya ka na naman? Pass ako," salita ni Zack na may pagtanggi sa balak ng kaibigan.

"Bwahahahaha! Pero sayang pare, may chicks sana kanina, abcent ka sa session," ngising tugon ni Harold.

"Nax, pati 'yan tumira na kayo?" sagot ni Zack.

Tumango si Harold. "Plano talaga 'yon ng girls. Sila pa nga nabingwit namin eh," saad naman ni Harold.

"Sige lang," sagot ni Zack, "Pass muna ako. Baka sa susunod na ako. Wala akong ambag eh. Sige hingi muna ako. Kung may session ngayon, habol ako."

Nakangiting tumapik si Harold sa balikat ni Zack. "Sige pare, gorabels ka na," tugon ni Harold at tinulak-tulak si Zack.

"Loko," sabi na lang ni Zack at umalis.

Pagkatapos, muling naramdaman ni Zack ang pagkabagabag. Hindi niya mawari ang kan'yang nararamdaman kung saan.

Ilang saglit pang paglalakad, may nakasalubong si Zack na babae. Maganda ang tindig nito.

Halatang may kaya. "Kung gan'yan lang ako kamapera, hindi na talaga ako hihingi sa walang kwentang 'yon," naibulong pa niya sa sarili.

Nang maalala ang ina, lalong tumindi ang pagkabagabag niya. Hindi niya napansin na huminto pala sa harap niya ang babae.

"Hey," tawag atensyon ng dalaga sa kan'ya. Doon pa lamang natauhan ang binata.

Kamuntikan na niyang nabangga ito. Buti na lamang at nahatak ang atensyon niya rito.

"Problem?" pagkausap ng dalaga sa kaniya.

Napaisip si Zack. Hindi niya kilala ang kaharap. Subalit tila kilala siya nito sa paraan pa lamang ng pakikipag-usap nito na tila magkaibigan lamang at ang paghinto ng dalaga sa harap niya mismo.

"Uh, ha? W-wala," tanggi ng binata at umiling.

Hindi naman naniwala ang kausap ni Zack.

"You were not in yourself while walking awhile ago that's why naisip kong may problema ka. Care to share kuya Zack?"

Natigilan si Zack sa narinig.

Matagal na niyang hindi narinig ang tawag na iyon. At tanging isa lang ding tao ang tumawag sa kan'ya ng kuya maliban sa kaniyang mama kapag magpang-abot sila sa tumawag sa kaniya ng ganon. Tanging isa llang, at walang iba kung 'di...

"Jenny?" gulat na saad ni Zack.

Ngumiti ang dalaga.

Tumango.

"Yes, kuya. 'Yon pong pinrotektahan mo dun po sa mga nang-aaway sakin nung bata pa po tayo," pagpapaalala ni Jenny sa kaibigan niyang itinuturing niyang kuya.

Napangiti si Zack.

Muling sumariwa sa kan'yang isipan ang mga sandaling umiiyak si Jenny dahil sa mga kalaro.

Dahil dito, muling nabuksan ang kaniyang alaala sa ina sa tuwing pinapagalitan siya kapag makikipag-away na siya sa mga nang-aaway kay Jenny.

"Anak, Hindi ba't sabi ko sa'yo na huwag makipag-away?" saad ng kaniyang ina nang makitang nagkasugat si Zack dahil sa pakikipag-away.

Syete anyos pa lang si Zack nun at hindi na maitatanggi ang pagmamahal niya sa itinuturing na kapatid bilang totoong kadugo.

"Bad po kasi sila ma eh,  inaway nila si Jenny kahit gusto lang naman niyang makipaglaro sa kanila," sagot ng batang si Zack.

Ngumiti si Josephine.

Litaw na litaw ang kan'yang pagmamahal para sa anak at pagmamalaki rito sa mga mata ng babae.

"Magiging mabuting tao ka rin, anak sa paglaki mo. Sa panahong 'yon, marami ka nang tinulungang tao na nangangailangan," may ngiti na saad ni Josephine sa tuwing malalaman ang ginagawang pagprotekta kay Jenny.

"Ipinagmamalaki kita, Zack," alingawngaw ng boses ni Josephine sa isipan ni Zack.

Dahil sa mga alaalang iyon, mas lalong tumindi ang kan'yang nararamdamang pagkabagabag.

Hindi na siya mapakali at pinagpawisan na rin siya.

"It seems like ayaw mong pag-usapan kuya ang bumabagabag sa'yo. But let me guess, It's about nanay Josephine right?"

Kumabog ng malakas ang dibdib ng binata pagkarinig pa lang ng pangalan ng ina.

'Ha? Ah h-hindi hindi...' hindi mapakaling sagot ng binata.

Umayos ng tayo ang dalaga.

Bahagyang tumingala kay Zack at nagbigay ng malumanay na ngiti.

"She loves you," saad ni Jenny na nakatitig sa mata ng binata.

"Mahal na mahal ka kuya ni nanay Josephine. Kahit pa nga na gumapang na siya sa hirap, ikaw pa rin ang iniisip n'ya. Hindi ko nga lang alam kuya kung ba't ka nagkagan'yan. Ang bait bait mo pa nga rati kuya eh nung bata pa tayo.

Pinapaaral lang ako nina tita sa US, naging addict ka na. Alam mo ba kuya, last week, si nanay Josephine, umuwing bugbog sarado. Hindi pa 'yon ang dala ng ginawa mo po sa kan'ya.

Nang tinanong namin kuya ni mama, sabi ni nanay, dahil din daw sa amo niyang addict din. Konting pagkamali, bugbog agad. Hindi pa siya sinahoran ng tama.

Nung isang araw nga kuya, apat na tao ang pumunta sa inyo. Siningil si nanay sa mga utang niya. Napahiya nga siya nun kuya Zack eh.

Pero hinayaan lang niya 'yon. Kasi po, para naman sa'yo raw 'yong inutang niya."

Habang nagsasalita si Jenny, bumabalik sa kaniyang alaalla ang mga panahong lulong siya sa ginamit.

"Bwisit ka talaga!"

Nakita niya ang luha ng ina nun. Pero may ngiti pa rin sa mga labi.

Ngiti ng ina na may pagmamahal para sa anak.

"Wala kang kuwenta!"

Doon, pumatak ang luha ng ina niya. May sakit sa mata na nakaguhit at kitang kita niya iyon. Subalit mas lalo lang niyang sinaktan ang ina dahil sa nakikitang isa pang emosyon sa mga mata nito.

Pagmamahal.

Pagmamahal ng ina para sa kan'ya.

"Alam mo kuya..." nabalik sa ururot si Zack nang marinigang muli ang dalagang kausap.

"Kahit 2 weeks ago pa ako nakabalik dito saatin, at mag-iisang buwan nang sinaktan si nanay, para sa kan'ya, ikaw pa rin ang mabait niyang anak. 'Kahit na binugbog mo na siya pagkauwi mo galing sa mga barkada mo, kahit na minumura mo na siya, kahit na naging pasaway ka sa kan'ya, she still love you.

Kaya sulitin mo na kuya ang oras while she's still there for you. Huwag mong sayangin kuya ang sacrifices niya para sa''yo. Bumawi ka kuya and treasure every moment na meron kayo.

Ang swerte swerte mo kuya kasi may mama kang ganiyan sa'yo,"ngumiti si Jenny.

Bahagyang sinuntok ang braso ng kuya kuyahan.

At tumalikod na.

Bago umalis ng tuloyan, nagpaalam muna siya rito.

"Anyway, I gotta go kuya. I was just here to see you and confirm the roomers about you. At totoo nga pala. Bye kuya!"

Kumaway ang dalaga at tuloyan nang naglakad papalayo.

Naiwan naman si Zack na nakatulala at laman ang mga sinabi ng,  kababata.

***