webnovel

I Don't Want To Be Your GF, I Want To Be Your Friend [Tagalog]

Say, a lazy perfectionist in somewhat. She lacks in love experiences, she didn't even know how to act LOVE in front of her friends BUT Asian drama series' teaches her how to love. Like every person wants to changed, say is still under construction so she can't make it through the end perfectly. When her friend felt extremely mad 'bout her habits, friendship got troubled. Then, nick entered and comfort her and then say felt lightened. Then, another guy entered her life and these men are perfectly matched on what she dreamed for. Her fate rushing her to chose to those two. What will say do? What will she act?

Chim_Lin · Teen
Not enough ratings
33 Chs

Killjoy Friend

=S.S.N.H.S. School Auditorium=

"Nay! nakauwi na po ako, dala yung pancit na pinabili ninyo."

"Nay... NaAayyy..."

"Nay! takot niyang sinabi nang nakita niya ang kanyang Ina na nakahiga at walang malay.

"Woy! tumayo ako at sinabing "luma na yan! wala bang bago diyaan?!"

"Huy Surhay!"

Surhay's POV

"Ay... napalakas ba 'ko ng sabi?" nahihiya kong sinabi habang nakatingin sa sa'kin ang karamihan sa audience.

"Tara na ley!!" hinila ko si ley, my very best friend. Lab na lab ko to eh, pero diko lang alam kung paano i-express sa kanya kaya lagi ko siyang pinagt'tripan at binubully, eh hindi naman siya katulad ng iba na kung gumanti sobra sobra. Siya yung kinda friend na may pasensya at puru salita lang. Lagi kaming magkasama magmula nung lumipat ako dito ng grade 7, muka at muka niya lang yung nakikita ko tuwing pagpasok ko, tuwing recess at sa paguwi hanggang ngayong grade 11 na ako. Nagsasawa na ako sa muka niya pero joke lang baka marinig niya. Mahal ko naman siya eh, pero ngayon wala na akong pake kung masaktan sya o kaya mabugbog basta ang mas importante sa time na'to is dignidad ko at dali dali na nga kaming lumabas sa school auditorium.

"Woy ley! hahahaha! nakakahiya naman doon, okay ka lang ba? haha." tinanong ko sa kanya habang tumatakbo kami sa sa hall way.

(Syempre, biro lang yon, may pake ako sa kanya noh, pero lang sa pagkakataong nangyari kanina sa

pinanggalingan namin haha)

"Okay lang ako hahaha baliw ka talaga! grabi kasi 'yang dila mo napakatalas! pwede ba tigilan mo yang pagiging ganyan mo. Tuwing kasama kita kasama ko na din yung kaguluhan at piligro, at kung makahila ka naman sakin kanina! para kang kakainin ng buhay ng mga taong nakatingin sa'yo dahil sa kahihiyan! Hay..."

"Eh, kasi naman ghorl! bakit mo pa kasi ako sinama doon, alam mo namang nakakatulog lang ako kapag ganon. Alam mo namang wala akong pasensya at saka ang boring ng acting acting na 'yan!"

"Kung hindi sila boring... ang o-oa naman, hay! Buti pa manood ng vlogs ni JanO... wait lang ah papaload lang ako at manonood ng vlogs niya ngayong araw. Tignan mo, buti pa'to hindi nakakaboring, kahit daily vlogs, ang lulupet pa din ng mga new contents, talagang entertaining. 'Di tulad ng mga pinapanood mong drama series na 'yan!

"Hay, bala ka jan di 'ko na papatulan lahat ng kakilljoyan mo. Dalian mo na lang nga magpaload at uuwi na tayo."

"Sige sige antayin mo ako ah, wait lang"

"Oo na!! bilisan mo na hahaha"

Tumakbo ako agad papuntang canteen at nagpaload ng 120 pesos. Niregister ko muna at bumalik kay Ley, 6:00 na ng hapon, kaya naman naglakad na kami pauwi. Malapit lang naman bahay namin sa San Siha National High School in short SSNHS.