webnovel

Slapped In The Face

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 244: Sampal sa Mukha

Dito nakatira si Ning Xi?

Imposible!

Pero kailangan ng key card para makapasok at makalabas kaya pa'no siya nakapasok?

Bumulong si Chang Li sa sarili niya at naglakad. Sa huli ay bumigay din siya sa kanyang curiosity at nagtanong sa receptionist.

"Xiao Fang, 'yung babaeng dumating kanina…si Ning Xi, dito ba siya nakatira?"

May halong magalang at nababagabag na emosyon si Xiao Fang. "Miss Chang, kasali po 'yans a privacy concerns ng residents namin at 'di ko po pwedeng sabihin, alam niyo naman po ga'no ka-istrikto 'yung management!"

Pasimpleng nag-abot ng gift card si Chang Li sa receptionist. "Sige na hija, do me a favor! Gusto ko lang malaman kung dito siya nakatira, 'di naman sensitive issue, 'di ka maapektuhan!"

Tinignan ng masama ni Xiao Fang ang gift card at isip-isip niya sa kalooban niya na: Palagi mo akong inuutus-utusan tapos ngayong may kailangan ka bigla kang marunong magbait-baitan?

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com