webnovel

To Coax Girls

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 243: Para manuyo ng mga babae

Nasa ikapitong palapag ng Regal Riveria Hotel ang bagong tutuluyan ni Ning Xi. Isang three-bedroom apartment na may living room at binigyan ng simpleng ayos at napakakomportable. May magandang view ng ilog mula sa balkonahe. Kumpara sa dati niyang apartment na luma at maliit, parang langit at lupa ang pinagkaiba.

Inabot ng tatlong balik sina Ning Xi, Lu Tingxiao, at ang driver para iakyat ang mga gamit.

Habang pinagmamasdan ang mga abubot sa apartment, nagpunas ng pawis si Ning Xi."May isa pang bag, kukunin ko lang!"

Tumango si Lu Tingxiao. "Mm, magsisimula na akong mag-ayos."

"Teka, may nalimutan ako…" May inilabas si Ning Xi na isang kahong pangregalo mula sa isa sa mga malalaking kahon.

"Ano 'yan?" tanong ni Lu Tingxiao.

Pa-misteryosong ngumiti si Ning Xi. "Ginagamit 'to para manuyo ng mga babae!"

Sa baba.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com