webnovel

All Your Family Members Are Handsome

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 185: Lahat ng Kapamilya niyo Gwapo

Hayaan na, abala lang ipaliwanag, at 'di naman naaapektuhan si Ning Xi. "Manang, isang kilo po dito sa isda!"

"Sige!" Maayos ang pagkakakilo ng ale sa isda at tinawaran pa ang singil.

Pagkatapos maibenta ang isda, namamanghang nakatingin ang ale sa mga katabi ni Ning Xi. "Ang swerte niyo madam. Parehong gwapo ang anak at asawa niyo!"

Kahit sa lugar tulad ng palengke at kahit may karga kargang bata, may kakaibang dating pa rin si Lu Tingxiao, talent niya na ata talaga 'yun.

"Haha, talaga po? Pero ako din maganda!" biro ni Ning Xi.

"Oo, oo, oo ang ganda ng lahi ng buong pamilya niyo! Lalo na 'yung little darling niyo napaka-cute! Namana niya 'yung pinakamagagandang bahagi ng mukha niyo! Halika, bigyan kita ng maliit na isda, regalo ko na sa'yo!"

Napahawak si Ning Xi sa mukha niya. Namana daw ni Little Bun lahat ng magagandang bahagi ng mukha nila ni Lu Tingxiao?

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com