webnovel

Sweet Nickname

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 186: Sweet Nickname

'Di alam ni Ning Xi kung ano'ng pagpipilipit ang ginawa ni Lu Tingxiao at nakita na lang niyang tumilapon ang katawan ng lalaki sa tabi. Nang mahulog siya sa sahig na parang ibinatong sako, 'di na siya gumalaw…

Dahil siguro sa bagsik ng atake ni Lu Tingxiao kaya nagkatinginan ang tatlo pang mga lalaki bago kaagad na tumakas palayo.

"Ayos ka lang?" May bakas ng pagkabayolente sa mga mata ni Lu Tingxiao nang lumingon siya sa direksyon ni Ning Xi.

Blangkong tumango si Ning Xi. "Ayos lang ako…"

'Di niya pa nakit si Lu Tingxiao na makipaglaban at inisip niya rin kasi na sa isang banda, mahinahon at tahimik na tao siya. 'Di niya akalaing magaling pala siyang… makipagsagupaan…

Nang oras na 'yun, may itim na Ferrari ang tumigil sa tabi. May lumabas na isang tao mula sa kotse.

Si Ning Yaohua na nakasuot ng isang mamahalin at pinasadyang Giorgio Armani suit.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com