webnovel

LEGEND NG MGA WALANG JOWA (FILIPINO)

GENRE: HUMOR

Translation:

ALAMAT NG MGA WALANG JOWA!

~*~

NOONG unang panahon, lahat ng tao sa mundo ay may jowa. Kahit ang mga batang pitong taong gulang pa lamang ay nagkakajowa na rin, kaya ang nagbabasa nito ay naiinggit na din.

Ngunit may dalawang magjowa ang kinai-inggitan ng lahat sapagkat halos hindi na sila nahihiwalay.

Sila ay si WALHANG at si JOWALI. Kahit saan sila nagpupunta ay magkakasama pa rin sila.

Kapag natatae ang isa, sasama pa rin ang isa.

Ganyan sila ka-"inseparable."

Mahal na mahal nila ang isa't isa, sa puntong hindi na ito nakabubuti sa kadahilanang naglalandian sila kahit saan, kahit sa kalubian pa iyan.

Dumating ang panahon na nabuntis si Jowali dahil syempre binuntisan siya ni Walhang.

Mga malalandi nga kasi!

Isang araw, naglilihi si Jowali ng isang Ampalaya. Nagtaka si Walhang dahil sa lahat lahat na pwedeng paglihian ni Jowali ay Ampalaya pa.

"Baka maging bitter yan ang anak natin paglaki nyan," biro pa niya.

Bumili si Walhang ng ampalaya sa palengke ngunit nagalit lang si Jowali sapagkat hindi niya gusto ang ampalayang kulay berde.

Gusto niya ng ampalayang kulay kahel.

Nahirapan si Walhang na maghanap ng ampalayang kulay kahel dahil wala naman talagang ganun.

Bobo lang?

Naghanap pa kahit alam na ngang wala ng pag-asa!

Sinabi ni Jowali na baka may makita silang ganun sa gubat.

Pupunta na sana si Walhang kaso gustong sumama ni Jowali.

Ayaw niyang mapahamak ang minamahal ngunit mapilit talaga si Jowali kaya walang nagawa si Walhang kundi isama sa paghahanap si Jowali.

Pinasok nila ang gubat at naghanap ngunit wala silang mahanap, pero may bahagi ng bundok na hindi maaring pasukin dahil sabi ng karamihan na hindi na nakalalabas ang pumapasok doon.

Hindi naniniwala ang dalawa sa kwento-kwento kaya pumasok sila sa loob.

Kunting liwanag lamang ang nakikita nila. Patuloy silang naglakad at hanggang nalampasan nila ang kadiliman at natunghayan ang isang napakagandang tanawin.

Nagpahinga sila sa ilalim ng isang punong-kahoy at nag-pahinga.

Pagkatapos ng kaunting pahinga ay nagpatuloy sila sa paghahanap. Napadpad sila sa isang harden na may samu't saring gulay at halaman.

Nabighani si Jowali sa ganda ng lugar kaya nagpatakbo-takbo siya at sa hindi inaasahang pangyayari ay nahulog siya sa isang patibong at walang sino man ang sumalo sa kanya.

Tatanga-tanga kasi kaya nahulog sa maling tao!

Charot lang! Hindi talaga siya nahulog.

So ayon, nilalasap niya ang sariwang hangin at naghanap na rin ng ampalaya at maswerte syang nakakita ng halaman na may kulay kahel na ampalaya.

Tinawag niya si Walhang para kunin iyon.

Akmang kukunin na ni Walhang ngunit may napansin silang maliit na karatula na may nakalagay na babala: "Bawal pitasin ang bunga! Kung sino man ang kukuha nito ay magiging si-"

Nabura na ang kasunod na nakasulat sa karatula.

Hindi nila pinansin ang babala.

Dali-daling pinitas ni Walhang at Jowali ang ampalaya at umalis na sa lugar.

Nang ligtas silang nakauwi sa bahay, sinimulan ng lutuin ni Jowali ang kahel na ampalaya habang si Walhang naman ang naghanda sa hapag-kainan.

Naluto na ang ampalaya at hinain ni Jowali sa mesa.

Kukuha na sana si Walhang kaso tinampal ni Jowali ang kamay niya.

"Sinong may sabi na kakain ka rin?" Saway niya at tinaasan ng kilay.

Ngumuso si Walhang na parang aso kung tingnan.

Pasikreto siyang kumuha ng ampalaya at umalis sa lugar at kinain iyon.

Sa kabilang dako, nasisiyahan si Jowali habang kumakain ng niluto niya.

~*~

Gabi na at magkatabing humiga sina Walhang at Jowali sa banig.

Sa kalagitnaan ng gabi ay nagising si Jowali, gayun na din si Walhang.

May nakita silang liwanag sa labas ng bahay nila.

Lumabas sila sa bahay at nakita ang isang diwata.

Kinusot-kusot nila ang kanilang mata sa pag-aakalang panaginip lamang ang nakikita.

"Jowali, nakikita mo ba ang nakikita ko?"

"Oo Walhang. Kitang-kita ko."

Lumapit sa kanila ang diwata na para bang galit-galit.

Nagtataka sila kung bakit ito galit.

"Kayong mga mortal ang may kasalanan nito!" Sigaw ng diwata sa kanila.

"Magandang diwata, wala naman po kaming ginawang masama!" depensa ni Walhang.

"Akala niyo lang wala, pero meron meron meron!" sigaw ng diwata.

"Dahil sa inyo, nasira ang skin care routine ko! Mga punyemas!" Akusa niya sa kanila.

"Anong ginawa namin aber?!" pagtataray ni Jowali.

"Tsk. Pinitas niyo lang naman ampalaya na kulay kahel sa aking bakuran which is part of my skin care routine!

"Kita niyo itong kutis kong hindi nadadapungan ng langaw!? Nasira lahat iyon dahil may isang langaw na dumapo dito dahil hindi nakompleto ang skin care routine ko!" maarteng sigaw ng diwata.

"Patawa-"

Naputol ang sasabihin ni Walhang nang magsalita si Jowali.

"Pake namin sa skin care routine mong bruha ka?! Skin care routine lang naman ang naisturbo sa iyo at tulog sa amin kaya quits nalang tayo."

The Godess is fuming mad when she faced Jowali.

"At dahil hindi mo ako nirespeto, pinaparusahan kita." sabi ng diwata.

Nagulat si Walhang sa sinabi ng Diwata.

"Po? Huwag po! Buntis po ang mahal ko kaya niya nasabi iyon. Kumbaga mood swings kaya't parang awa niyo na huwag.

Hindi niyo po alam kung gaano kahirap ang magbuntis kasi wala naman kayong jowa!" pagmamakaawa ni Walhang.

Mas lalong nagalit ang Diyosa ng Bitterness dahil sa sinabi niya.

Ipinamukha pa namang walang jowa!

"Mga walang kwentang nilalang! Ang bagay sa inyo ay parusahan habang buhay!

"Ang magiging anak niyo ay maaanak na may sumpa. Walang kahit sino mang lalaki o babae ang magkakaroon ng pagtingin sa iyong anak. At ang magiging anak nito. At sa susunod pa na henerasyon! Isinusumpa ko kayo!" akmang iwawasiwas na ng diwata ang kanyang kamay ng biglang tumawa si Jowali.

Napakunot ang noo niya.

"Bakit ka tumatawa?"

"Pfft! Hahaha. Bobo niyo po" natatawang wika niya.

"Jowali!" Suway ni Walhang sa kanya.

"Eh ano naman kasi eh. May pasumpa-sumpa pa siyang sinasabi pero wala namang kwenta. Isipin mo Walhang, walang magiging kasintahan anak natin pero sinasabi ng diwatang ito na mapapasa ang sumpa niya sa anak niya at sa susunod na henerasyon. Anong kabobohan yun ate? Wala ngang jowa diba? Walang pagtingin? Hahaha"

Namula ang diwata sa galit.

"Osige, binabawi ko ang sumpa na iyon at Gagawa ako ng bago"

"Filiti Filiti Bahogi giti giti. Ang magiging anak niyo ay dalawampu't walo at lahat sila ay magiging imortal at kung sino man ang kakausap, lalapit, at titiningin sa kanila ay mawawalan ng kasintahan at mas malala pa ay hindi magkakaroon ng kasintahan.

Ipapakalat ko sila sa iba't ibang bahagi ng mundo para maghasik ng lagim.

Wala ni isa ang magkakaroon ng pagtingin sa kanila.

Filiti filiti bahogi giti giti.

Rosis ah rid. Da sis ahr Blo. Ayawg Pagsigngisi kay magbuwag ramo!"

may lumabas na makikintab na bagay sa kamay ng diwata at pumalibot ito sa katawan ng dalawang tao.

Humalakhak ang 'diwata ng bitterness' sa nangyayari.

"Walhang, Jowali, matuto at magsisi kayo sa pagkakasala ninyo. Ang itatawag ko sa sumpang ito ay WALANG JOWA na galing sa pangalan ninyo na WALhANG at JOWAli! Adios estupidos!" Naglaho ang diwata.

Kinabukasan ay parang wala lang ang nangyari kina Walhang at Jowali.

Pagkalipas ng ilang taon , nagkatotoo ang sinabi ng diwata na magkakaroon sila ng mga anak na dalawampu't walo.

Ni walang isa sa kanila ang nagkaroon ng kasintahan.

Nilalayuan sila ng mga tao ng malaman ang sumpa nila.

Ang lahat ng nakakausap ng mga anak nila ay nagiging 'single' forever o di kaya'y nawawalan ng kasintahan.

Kaya ang ginawa nila, itinago nila ang kanilang mga anak sa bahay nila.

Nagulat sila isang araw nang lumitaw ang diwata at pinalaho ang mga dalaga at binata nilang anak.

Natupad ang sumpa ng diwata na ipapakalat nito ang kanyang mga anak sa iba't ibang bahagi ng mundo hanggang sa wala nang natirang anak sa kanila.

Labis na pagsisisi ang naramdaman nila Walhang at Jowali kaya nanghingi sila ng tawad sa diwata at nagmamakaawang bawiin na ang sumpa. Ngunit huli na ang lahat.

Hindi na mababawi ang mga bagay na dati nilang nagawa.

Ika nga, nasa huli ang pagsisisi.

Sa kasalukuyan, buhay parin ang dalawampu't walong anak nila Walhang at Jowali.

Nakakalat sila sa buong mundo at hindi natin alam na nakausap at nakita na pala natin sila, kaya wala kayong jowa.

END