webnovel

HARRISON UNIVERSITY: The School of Monsters

Myrttle Joong, a seventeen years-old girl who doesn’t want to get involve to anyone, ang sapilitang pinapasok sa isang prestihiyosong paaralan. She has her reasons for choosing to be alone, but her fate makes her involve to this place called ‘Harrison University’ Isang simpleng paaralang patagal nang patagal ay nagbabago sa paningin ng dalaga. ‘Monsters’— that's what Harrison University have. Sikretong dapat nitong pangalagaan. At sikretong makapagbubukas pa ng pinto sa kanyang tunay na pagkakakilanlan.

GHIEbeloved · Urban
Not enough ratings
14 Chs

CHAPTER 8 : THE GUEST

Kiera's Point of View

NAGPATAWAG NG biglaang meeting si Mr. Harrison kaya naman lahat kami ay patungo na sa meeting room ngayon. Which is good dahil may surperesa rin kaming tatlo para sa kanila ng kanyang apo.

Pfft...

I can't wait to see Blaise reaction.

Nang makarating na ako sa gate ng restricted area ay binigay ko na rin ang silver I.D ko sa guard. Isang malaking bulas na taga-bantay ng Gate. Guard na kinaiinisan ko dahil sa paulit-ulit nitong tanong sa ID.

Oh Please! Ilang buwan na akong palabas pasok dito sa Restricted area, pero hindi pa rin niya ako natatandan. That's too dumb!

Dumeretso na agad kami sa head quarters at umupo na ako sa nakatalagang pwesto para sa akin. Ganoon din naman si Ethan, Landon, Hunt, at ang kambal kong si Ash.

May kung anong pilit na ipinapakita si Landon sa kanyang cellphone. Agad naman itong tiningnan ni Ethan na agad ding napabusangot.

Parang alam ko na.

"Oh, 'di ba? Ang ganda ng sumbrero! Mamaya na dadating yan from korea!"

Pero hindi na iyon pinakinggan pa ni Ethan at bumalik na lamang sa upuan nitong nasa kabilang bahagi ni Landon.

Mahilig sa pangongolekta ng sumbrero ang kapreng ito. Halos nakakabili ito sa isang araw ng sampung sumbrero. Kaya naman kami na mismo ang nagsasawa para sa kanya.

Ngunit naagaw ang atensyon naming lahat nang bumukas ang pintuan ng meeting room at niluwa nito ang disenteng-disenteng si Mr. Harrison.

Agad kaming tumayo at nagbigay galang dito na agad niya tinanguan hudyat para kami'y magsiupo na.

"Nasaan si Blaise?" bungad nitong tanong sa amin nang mapansing wala pa rin ang apo niya rito.

Sinubukan kong maghanap ng kasagutan sa mga kasama ko ngunit wala ring alam ang mga ito. I tried to ask Hunt pero bago pa man ay nagkibit-balikat na ito.

"Sorry, Mr. Harrison. We don't have any idea where your grandson is," magalang na sagot ni Hunt sa matanda.

Mr. Harrison pinched his nose bridge out of frustration. Kahit kailan talaga, sakit sa ulo niya si Blaise.

"Okay, settle down. I have some announcements," maalam nitong sabi.

Napatahimik kami sa sinabi niyang iyon. Its either may pagagawa na naman ito o may ipapagawa nga ito. Wala namang bago.

But the moment he gave us smile? Tila ikinakaba ko iyon.

"Rulers you're having your new members,"

Wait what?!

Members?!

Akala ko ba si Myrttle lang?

Ikinagulat naming lahat ang sinabing iyon ni Tanda. Lalo na kaming tatlo dahil ni hindi pa nito alam na nakumbinsi na namin si Myrttle! Thats weird.

Buong ngiti lang naman itong tumungo sa pinto at dalawang babae ang agarang pumasok doon.

Ang isang nakaharap sa amin ay hindi pamilyar. May singkit itong mga mata, bangs at may highlight na brown ang itim na buhok. Ngunit ikinabigla ko ang pagharap ng babaeng may waby at brown na buhok.

Teka... si Linzy ba 'yon?!

Bagay na agad kong ikinatingin kay Ethan. At tulad ko ay nagulantang din ito sa mga nangyayari.

"A-ate?!" sigaw ni Ethan sa Ate niya.

"Hey, lil bro," ngiting kaway nito kay Ethan at niyakap ito.

"Long time no see!" Gigil nitong gulo sa buhok nito.

I can't belive na nagawang i-brainwash ng Tandang Harrison na ito si Mr. Romsay para hikayating sumali sa kabaliwan niya.

Kapatid ni Ethan si Linzy Valdez sa ama, bagay na hindi ko naman kinakikitaan ng problema kahit lumaki si Linzy sa Mommy nito.

Kumpara kay Ethan ay maypagkasingkit ang mga mata ni Linzy. Their height are the same maging ang natural na mapulang labi nila. Ang nagsstand out lang dito ay ang sobra nitong kaputian, unlike my pale skin color.

"Please introduce yourself, ladies," utos ni Mr. Harrison sa kanila at umupo na sa upuan nitong nakapwesto sa harapan.

Naunang mag-react si Linzy nang mabilis nitong pagkaway.

"I am Linzy Valdez. Ethan's Sister. Eighteen years old." Ngiti nito sa amin pero hindi ko magawang hindi mapatingin kay Landon dahil sa tulala nitong ekspresyon kay Linzy.

Just what the hell is that face? Don't tell me...

Ngunit ikinagulat naming lahat nang agaw eksenang bumukas ang pinto at niluwa nito si Blaise. Kunot-noo siyang sinundan ng tingin ni Mr. Harrison, ngunit siya ay lulukso-lukso pang tumungo sa kanyang upuan.

Woah, mukhang good mood si itlog, ah!

Myrttle's Point of View

Mas mabigat pa sa angkla ng barko kong nilagay ang daan patungong Restricted Area. Hanggang ngayo'y hindi ko pa rin magawang maging excited sa ka-corny-han ng mga tao rito.

Sinubukan ko namang hingin ang opinyon ni Shenny at Xander, pero badtrip! Magkaiba rin sila!

Xander is giving me many reason para hindi sumali, pero kinukontra iyong lahat ni Linzy.

Ang akala kong malaking tulong, wala rin pala!

"Where do you think you're going?"

Buong irita akong napalingon nang may magsalita sa likuran ko. At ngayon pa lang ay alam na alam ko nang masisira ang araw ko!

It was him again. Isdang nangigil na akong ihawin!

Di ko ginustong patulan ito kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

"What the..."

What the-what the ka pa. Psh.

Thats right Myrttle, save your day! Act like you never seen that fish! Pero agad akong napaatras nang may humarang sa aking malaking lalake.

"ID." usal nito sa malaki niyong boses.

Teka, wala akong I.D.

Tsk! Eh, wala rin namang sinabi si Kiera na kailangan ng I.D!

"Miss Ki—"

Sasabihin ko na sanang si Kiera ang nagpapunta sa akin nito nang maglabas ng isang Golden I.D ang katabi ko. And yes, nasa tabi ko na ang isdang ito. Bilis kumilos, palibhasa crush ako.

"Psh! Asa ka namang makapasok ka sa teritoryo ko," maangas nitong pagpaparinig kasama ang nakamot-yamot nitong ngisi.

Tanungin niya kaya muna kung may pakialam ako? Napaka-paepal! Gusto na niya kayang mamatay?

At hindi pa ito nakuntento! Walang pakundangan pa ako nitong binangga na ikinayanig ko ng husto.

Nak nang! Siya rin kaya 'yong bumangga sa'kin noong isang araw?! Tama! Ganyang-ganyan ang likod ng siraulong bumangga sa'kin!

Humanda ka talaga sa'king isda ka! Iihawin kita at ipapakain sa kauri mong isda!

If I know, janitor ka lang sa lugar na 'yan. I am sure about that.

Agad naman na akong tumalikod sa gate na iyon at tuluyan nang lumakad palayo.

I looked for my phone at nagulat nang makita ang nasa screen.

34 missed calls.

Taranta ko itong binuksan ngunit nakahinga ako nang mawaluwag nang makita kong si Kiera lang ito.

Dang! Ang akala ko kung ano na.

Muli itong tumawag na agad ko nang sinagot.

"Where the hell are you?" bungad nito ikinapantig ng tainga ko.

Seriously?!

Ugh! Kaunti na lang talaga.

"Nasa labas ng Gate ninyo. I don't have any ID. Just fetch me bago magbago isip ko," walang gana kong baba sa telepono.

Dahil sa iritasyo'y naglakad na rin ako palayo sa golden gate. Kung makatingin kasi ang mga huklubang gwardya roon ay parang papatayin ako.

May kalakihan ang katawan ng mga ito na kinalalangkupan ng itim na suits at maging ng shades nila. But their bad, dahil hindi ko iyon ikinasisindak. Wala pa sila sa kalingkingan ng mga body guards na nakita ko na.

Isang minuto na ang lumipas and I'm already pissed by how those guys wasting my time. So I start walking away na agad ko ring ikinatigil nang isang rumaragasang motor ang narinig kong parating.

"Tara na, sakay!"

Nagulat ako nang makita kong si Hunt Spark ito. Sweating with his black unbuttoned polo, messy blond hairdos, and an eye that is dead like fish.

Pero bakit siya pa ang sumundo sa'kin?

He waited for me so I made my way to ride his black monster bike. Pero ikinainis ko nang bigla nito iyong paandarin na halos ikahulog ko pa. Mabuti na lamang at agad kong naibalanse ang aking katawan bago pa man ako maihulog ng balahurang ito.

Marahan akong napapikit habang patuloy naming binabagtas ang daan ng restricted area. Hindi dahil sa takot, kung hindi para mas madama pa ang hanging humahampas sa aking mukha. Ilang taon na rin kasi akong hindi nakasakay dito. Na-miss ko ang pakiramdam at kakaibang saya kada magtitila kidlat sa bilis ng sasakyan ko.

Pero nang makapasok kami sa gate ay hindi ko maiwasang mapadilat dahil sa kadilimang bumalot sa amin.

Tila ba pumasok kami sa ibang dimensyon na tumagal nang tatlong segundong sa kabila ng napakabilis naming takbo. Napakakapal ng pader ng restricted area! Pero bakit? Bakit ganito kakapal ang pader ng restricted area? Anong dahilan?

Nang makapag-adjust na ang mga mata ko sa liwanag na bumungad sa akin pagkalabas ng pader ay tuluyan kong ikinamangha ang aking nasilayan.

Kagubatan, napakalawak na kagubatan ang nasa likod ng pader. Kagubatang hinahati ng isang daang may lapad na kayang pagkasyahin ang limang sasakyan. Tanaw ko rin sa dulo nito ang mga naglalakihang gusali na inakala ko'y isang makabagong lungsod. Mga gusaling mas matataas pa sa clock tower ng University. Gusaling may mga makabagong disenyo na ikinabubusog ng mga mata ko. May ilang gusaling nagkukuminang dahil sa salaming materyales ng kabuuan nito. Transparent ang gusaling iyon kaya kitang-kita ko ang mga opisinang nandoon. Mayroon din namang isang gusaling kasing laki ng HU hall. Isang dome na agaw atensyon dahil sa pula at lilak nitong kulay.

Nagpatuloy pang lampasan ni Hunt ang mga iyon hanggang sa maituon ko ang atensyon ko sa gusaling may pinakamataas na sukat sa kanila. Nasa pinakasentro ito ng restricted area. Isang gusaling nagtitila palasyo dahil sa kakatwa nitong itsura. Nakamamangha kung paanong binabagayan ng itim na mga bricks ang kabuuan nito. At sa pinakatuktok niyon ay may tatlong gintong letra ang tila lumulutang doon.

"H.U.R," basa ko rito.

Hindi ko alam kung paano nilang napalutang iyon pero nakamamangha talaga ang lahat.

This place is completely incredible. But why is it needed to be like this? Ganoon ba kaseryoso ang pagiging Rulers para maging sentralisado ang lahat gaya nito? I knew that people take their responsibility differently. But making this place exist just to rule over those college students are too much. I felt like there is some reason why things falls into pieces like this. Making a new world just to manage a University. At si Mr. Harrison maging ang rulers lang ang makakasagot niyon.

Ugh! Ang akala ko mapuputol na ang curiosity ko dahil tuluyan na akong nakapasok sa restricted area pero mas lumalala lang pala lahat ngayon. Mas dumami ang tanong sa isip ko. And this is not really good.

Tuluyan na akong pinababa ni Hunt sa bike nang makarating na kami sa HUR. Hindi ito nagsasalita kaya sinundan ko na lamang ito papasok sa gintong pintong entrada ng gusali.

Tumambad sa akin doon ang isang klasikal na atmosphere ng lugar. At tila nasa palasyo talaga ako. Though, it's not my first time entering this kind of places.

The floor was marble. Things are quite arranged and things don't seem dirty like it never got dirty before. The furniture, the statues, the paintings and even the window design is so fascinating. Samantala, hindi ko naman maiwasang hindi mapansin ang mga nakikita kong mga taong nakaitim na suit at shades na sumasalubong sa amin. Na tila ba palibot-libot lang sila sa lugar na ito.

Takte, ano ba kasing mayroon sa pagiging rulers ng Harrison University? Bakit pakiramdam kong may mali?!

Ngunit sa dami ng mga pinintang larawang aming nadaanan ay may isang malaking painting ang tunay na nakapagpapukaw sa aking atensyon.

A classical huge painting that shows the color f death, sorrow and pain. I am about to touch this work at hindi ko na sinundan pa si Hunt.

"Don't touch anything," pigil sa akin ni Hunt kaya agad kong pinasok ang kamay ko sa aking bulsa.

Pero sino kayang gumawa sa painting na 'to? Ugh. Bakit ba kasi interesado na naman ako? You're acting so weird, Myrttle.

"Keep going," ani Hunt pa sa akin at nauna na muling lumakad.

"Anyway, ayaw ni Kiera na binababaan soya ng telepono," anito sa akin nang hindi lumilingon.

"Okay," tipid ko na lamang na sagot.

Napahinto ako nang mapahinto rin si Hunt sa tapat ng isang pinto sa ikalabing-dalawang palapag ng gusali.

Blaise's Point of View

BAKIT LATELY, ang weird ng kilos ng tatlong ito? Si Hunt at ng kambal?

Sabagay, weird naman talaga sila. Pero mas lumala nga lang. Lalo na nang umalis si Hunt nang hindi man lang kinwestyon ni Lolo.

Argh. Ano bang pinagkakaabalahan ng tatlong 'to?

"Blaise, are you listening?" nagulat naman ako nang tawagin akong bigla ni Lolo.

"Y-yes, Lo..." I stopped, "I mean. Yes, Mr. Harrison," pormal kong hingi ng paumanhin.

Langya! Lutang na naman ako. Bakit kasi nasa labas ng restricted area si Myrttle?

Siya ba ang dahilan kung bakit umalis si Hunt? Oh no, thats bad. It shouldn't be. Napakasama ng taste ni Hunt kung gayon.

"Really? It seems like you're not," diretsong puna sa akin ni Agata Fontellan. Ang isa sa mga bagong myembro ng Harrison Rulers. Sinagot ko lang naman ito nang masamang tingin at nakakainis na wala man lang siyang naging reaksyon.

Hindi lingid sa kaalaman ko na may mga bago kaming myembro. Lolo informed me about this last night. And I was surprised that he made Ethan's sister join our group. Mabuti na lamang at napapayag niya pa ang magulang ng mga ito. They knew the risk of being one of the rulers. That's why I can't really be happy to know na may bago na naman kaming myembro. Lalo na't mga babaeng katulad nila.

"Go ahead, hija," putol ni Lolo sa masama naming titigan ni Agata.

"I am Agata Fontelan. The only child of Vernon Fontellan, also known as Katsumi. The former member of Harrison Rulers. Seventeen-years-old." pagpapakilala nito nang hindi man lang ngumingiti.

But seriously, paano nagawang hanapin ni Lolo ang pinakamailap sa mga Legendary rulers na si Mr. Vernon?

"I wonder how you you convince Mr.Vernon, Lo. Knowing kung gaano siya kahirap kumbinsihin?" I was impressed.

"I did not," ngiti ni Lolo sa akin.

"Siya mismo ang naghanap sa akin para lang ipakilala ang kanyang unica hija," pagpapatuloy pa nito na ikinabigla ko.

Nagawa nang makumbinsi ni Lolo ang pinaka-mailap. Eh ang nawawala kayang myembro ng Legendary Rulers?

Matalim kong binalingan ng tingin ang bakanteng upuan sa tabi ko. Isang klasikal na upuang kinalulugdan ng pulang mga bato bilang disenyo niyo. Kulay na sumisimbolo sa pinakamalakas na babaeng myembro ng Legendary Rulers. The Phoenix, the archer, and the one who made our life miserable. The one I am waiting for.

Kaunting oras na lang at mahahanap na rin kita.

Matapos ang kanilang pagpapakilala ay pinaupo na ni Lolo ang mga ito sa kani-kanilang upuan. Mga upuang itinalaga sa amin base sa kung sino ang aming mga magulang.

Kitang-kita ko hindi mawaring reaksyon ng mga kamyembro ko sa balitang hatid ni Lolo. May saya, ngunit mas lamang ang pagaalala dahil sa panganib na maaring maidulot ng trabahong ito.

Bagay na miski ako'y nababahala, ngunit ang katotohanang malapit na ring matagpuan ni Lolo ang taong may koneksyon sa babaeng iyo'y ikinasasabik ko.

Agad kong ikinalingon nang magbukas muli ang pintuan. Niluwa niyon si Hunt, at ipinagtakha ko ang pagderetso nito kay Lolo para bulungan.

What was that?

Bakit ganoon na lamang ang pagningning ng mata ni Lolo sa sinabi niya?

Matalim kong tiningnan si Hunt nang makaupo sa upuang may violet na kristal. I tried to find answers to his eyes but he just give me his smile!

"You're finally here," Ngiting tayo ni Lolo, nang pumasok ang babaeng malakas na ikinakabog ng dibdib ko.

I can't barely see her face bukod sa maalon at pulang pula nitong buhok.

Bagay na ikinanlaki ng husto ng mata ko....

I-ive seen that weird hair b-before...

I heard gasped sa bandang unahan mula kay Ethan at Landon. At ikinasama lalo iyon ng kutob ko.

L-Langya...

Huwag mo sabihing....

"Ikaw?!" We shouted in unison ng gulat na gulat na si Myrttle Joong.

S-Shit....