webnovel

HARRISON UNIVERSITY: The School of Monsters

Myrttle Joong, a seventeen years-old girl who doesn’t want to get involve to anyone, ang sapilitang pinapasok sa isang prestihiyosong paaralan. She has her reasons for choosing to be alone, but her fate makes her involve to this place called ‘Harrison University’ Isang simpleng paaralang patagal nang patagal ay nagbabago sa paningin ng dalaga. ‘Monsters’— that's what Harrison University have. Sikretong dapat nitong pangalagaan. At sikretong makapagbubukas pa ng pinto sa kanyang tunay na pagkakakilanlan.

GHIEbeloved · Urban
Not enough ratings
14 Chs

CHAPTER 7 : FORCED DECISION

MYRTTLE JOONG

ILANG ARAW na rin ang nakalipas mula noong kausapin ako ng ilan sa mga myembro ng Rulers para sumali sa grupo nila. Mabuti na lamang at tumigil na rin ang mga ito dahil wala silang kayang gawin para mapilit ako.

Ang totoo ay wala akong balak salihan ang kahit na ano pa mang mayroon sa school na ito. Hangg't maari, ayokong ma-involve sa kahit na ano. Lalo nang malaman ko ang tungkol sa Legendary Rulers? Ayoko, masama ang kutob ko.

At kung mali man ako, ayoko ring utus-utusan lang ako ng kung sino.

"Xander, kuha mo ko ng tatlong balot ng lahat ng iyan. Dalian mo, hindi ko abot!" Utos ko kay Xander na ginawa naman agad nito pero ang totoo niyan ay gusto ko lang siyang asarin dahil sa pagkapandak niya.

Nandito kami nila Shenny at Xander sa mall para bumibili ng mga pagkain ko. Ubos na rin kasi ang stocks ko sa bahay at hindi ako mabubuhay ng walang gummy worms.

"Grabe! Naubos mo na talaga agad iyong binili ko sayong Gummy worms nung nakaraan? Anong klaseng bituka 'yan Myrttle" sermon ni Shenny na tinalikuran ko lang.

Ang akala niya ba gummy worms lang habol ko? Hindi! Lahat ng makukulay sa Cancy store na ito!

Nang matapos na kami sa pagbili ng stocks ay pinabuhat ko na ito sa pansamantalang driver ko at naghanap ng makakainan.

"I heard some news about the group you're talking about, Myrttle. Harrison University Rulers, right?" seryosong pagbibida sa akin ni Xander na dahilan upang mapatigil ko sa pagkain at seryoso silang tiningnan.

Nasa isa na kaming kainan ngayon dahil napagod ako kalalakad kanina.

"Spill it."

Nakakatawa lang dahil kahit anong pilit kong palampasin lang ang lahat ng curiosity sa katawan ko'y nagkukusa pa rin itong maghanap ng impormasyon tungkol sa mga Rulers.

He sighed. "Since nauna akong mag-aral dito sa Harrison University. May naririnig-rinig din ako tungkol sa mga Rulers na sinasabi mo. In fact, sila ang inaabangan ng mga estudyante ng University. Kung nakakakita ka ng nagtutumpukang estudyante sa gate. Well, ang rulers ang mga hinihinay nito."

Halata nga.

"Sa pagkakaalam ko'y matagal nang bulong-bulungan ang pagtatalaga sa bagong Rulers. Pero ngayong taon ang opisyal nilang paglabas sa publiko. " dugtong pa nito.

"So you mean, bago lang sila?" singit ni Shenny.

"Yeps, ngayon lang sila lumabas dahil ilang taon run silang nanatili sa loob ng restricted area."

"Restricted Area?" Paglilinaw ko.

"Yes, Restricted Area. They own the other part of Harrison University sa likod ng nagtataasang pader. " Paliwanag naman ulit ni Xander.

This guy never failed me.

But what he says triggers my curiosity more. Dang! Ano nga bang mayroon sa likod ng nagtataasang pader na iyon? Ang nag-iisang daanan papasok sa pader na iyon ay golden gate na napakaraming bantay.

Well, Ilang beses ko na ring sinubukang akyatin o hindi naman ay pasukin ang golden gate. Pero lagi akong bigo dahil sa higpit ng siguridad dito. Nakapagtatakha lang na silang anim lang ang nakapapasok sa lugar na iyon. Ano bang mayro'n?

"Anyway, here are the basic information about them. Nakuha ko lang ito sa fans club nila sa school. They made website for the Rulers Fandom. " Matapos nito ay naglabas si Xander ng laptop at kung ano-ano ang pinindot dito.

Magaling din si Xander sa pagha-hack ng mga accounts at paghahanap ng mga impormasyon. Kaya kung may ipagagawa ako sa kanya, tiwala akong hindi ako nito bibiguin.

Hinarap na nito sa amin ang laptop na pinasadahan ko lang ng tingin. May mga litrato doon pangalan hubbies and such. Bagay na wala akong kinaiinterisan.

"Hindi ako interisado sa kanila, Xander. Mas interesado ako sa mga nauna sa kanila. "

Bagay na ikinabago ng ekspresyon nito.

Pero ikinagulantang namin ang biglang nagtitili si Shenny. "Bakit ang gugwapo nila? Sumali ka na sa kanila, Myrttle! Dali!" Hagikgik pa nito habang kilig na kilig pang hinahawakan ang monitor ng laptop.

Seriously?!

Nahatak ni Shenny ang atensyon ng lahat kaya wala na lamang akong ibang magawa kung hindi ang mapasapo at talikuran ang lukaret na babaeng ito.

Shenny Park, you've got to be kidding me.

Dahil dito'y marahas na inagaw ni Xander ang kanyang laptop. Kinatikot ito, at hindi na pinansin pa ang pag-angal ni Shenny.

"So, ayon nga, Myrttle." He stopped, ang akala ko'y may ipakikita na siya sa aking inpormasyon. Pero not supported site lang ang ipinakita nito.

"I'm sorry, but I can't find any information about them," he sadly explained.

Hindi na ako masyadong naapektuhan sa sinabi ni Xander dahil inaasahan ko rin naman ito. Pero nangilabot ako nang husto nang makakita ako ng kaduda-dudang tao, hindi kalayuan sa aming lamesa. Nakangiti ito pero hindi ko siya masyadong maaninag dahil sa natatakpan ang mukhang nito ng itim na hood.

"I used all my resources, but nothing found. Mayro'n akong nakitang data pero nang buksan ko ito, burado na."

Napaisip naman ako sa sinabing iyon ni Xander.

Bakit? Anong dahilan kung bakit nila itinatago ang impormasyon ng legendary rulers?

Makalipas ang ilang sandali'y tumayo na ang lalaking naka-hood na nakangiti sa amin kanina. Sinundan ko lang ito ng tingin hanggang sa mawala na ito at tuluyang makaalis.

"Tara na, umuwi na tayo," walang gana kong yaya sa mga ito na agad din nilang ikinatayo.

Habang naglalakad palabas ng mall ay ramdam ko na agad na may sumusunod sa amin. Ilang beses akong luminga para tingnan kung sino ito pero wala akong makitang kahina-hinala.

Napakasama ng kutob ko't alam kong hindi maganda ito.

Nang makarating na kami sa parking lot ng mall ay nanibago ako kung bakit tila tumahimik ang kapaligiran. Wala na ang madaldal kong mga kaibigan na kanina lang ay nag-aasaran. Agad ko na silang nilingon dahil sa kaba ngunit ikinagulat ko ng makitang hawak na sila ng mga lalaking nakaitim.

My mind are still in shock but I manage to run after my friend. Pero hindi ko na ito nagawa pa. Hindi na dahil bago pa man ako makalapit sa kanila ay nabalot na ng dilim ang lahat.

KIERA TAYLOR

"WE GOT her."

Napabuntong-hininga na lang ako sa narinig ko. Hindi naman kasi dapat hahantong sa ganito ang lahat pero dahil imposibleng mapilit namin si Myrttle, kinailangan ko itong gawin.

"Good. Dalhin mo siya sa Head quarters. Are you sure that Blaise is not around?" tanong ko sa kambal ko, the one and only Ash Taylor. It is more thrilling for me if Blaise doesn't know anything about Myrttle.

"I don't know. Ask Hunt. I'm sure sigurado iyon. Anyway, anong gagawin ko rito sa dalawa niyang kasama?"

Tsk, My twin brother are asking stupid question again. Tinatanong pa ba 'yon? Kung minsan talaga mas matalino pa ako dito, eh.

"Iuwi mo sa kani-kanilang bahay," walang gana kong sagot.

"Do we really need to do this?!" iritang tanong nito sa akin.

Kita mo na nagtatanong pa.

"Tss. She's a hard headed woman. Tingin mo ba, gagalaw ako ng ganito kung may choice akong iba?" I retorted and hung the call up.

I won! Naunahan ko siyang babaan ng phone.

Hindi naman nagtagal ay ini-dial ko rin ang number ni Hunt.

"Hello,"

"K-kiera?" But I heard an unexpected voice.

Anak ng...

Pinatay ko nang mabilis ang telepono ko nang marinig ko na naman ang boses ni Kurt. The one who breaks my heart.

Ugh! Sa dinami-dami ng p'wedeng mapindot bakit 'yong number pa ng Kurt na 'yon?! Universe, are you kidding me?!

"My name are too far from the name of that idiot." Ikinagulat ko naman nang marinig ko ang boses ni Hunt sa tabi ko.

Inirapan ko lang naman ito at pinagpatuloy na lamang ang ginagawa ko sa computer. Katatapos ko lang ring burahin ang inutos ng batong ito. Ang burahin ang information ng Legendary Rulers. Hindi ko nga rin alam kung bakit ko siya sinusunod.

Pero teka, may kailangan pala akong itanong sa kanya. "Si Blaise?"

"Nasa bahay nila. Inaalagaan niya si Celine," walang ganang sagot nito sa akin.

Ngunit ikinagulat ko nang biglaan ako nitong hawakan sa kamay at hatakin palabas. Tatanungin ko pa sana kung anong kalokohan na naman ang gagawin nito nang tamarin na naman akong magsalita.

***

HABANG NAGLALAKAD kami papasok sa university ay sinalubong na naman kami ng mga estudyante.

"Kiera!"

Kahit pilit kong sinasabi sa isip ko na huwag siyang lingunin ay sinuway pa rin ako nito. Nilingon ko pa rin ang taong nagmamay-ari ng boses na iyon.

Si Kurt, my ex-bestfriend. Iiwas na sana ako ng tingin sa kanya nang biglang halikan siya sa pisngi ng isang babae.

What the... hell?

Nang dahil dito'y napatigil ako sa paglalakad at napatitig lang sa kanila.

Pero mas ikinagulat ko nang hawakan muli ni Hunt ang kamay ko upang sabayan ako nitong maglakad. Bagay na ikinayuko ko na lang dahil sa panlulumong aking nararamdaman.

Bakit ang sakit? Dahil ba dati ko ng minahal ang bestfriend ko? But this is too much! Bakit nasasaktan pa rin ako ng ganito!

"Don't show your tears for those who want to see it," bulong ni Hunt sa akin. "Girls tears are man's pride."

Napatunghay akong bigla sa sinabing iyon ni Hunt pero diretso lang itong nakatingin sa daan namin na parang walang sinabing kahit na ano. Kaya naman marahas kong pinunasan ang luha ko at ginawa na lamang ang sinasabi nito.

Mahigpit ko ring tinugon ang pagkakahawak nito sa kamay ko at taas-noo na ring lumakad.

Nabigyan ako niyon ng pagkakataon para matitigan siya.

Tahimik lang itong na tila ba hindi niya inaalintana ang paghawak sa aking kamay. Ngayon ko lang napansin ang mahaba niyang pilik-mata. Sa bagay, ngayon lang din naman ako napalapit sa kanya.

Matingkad ang blonde nitong buhok na bumabagay sa kaputlaan ng kanyang kulay pero naagaw din ng atensyon ko ang hikaw nitong itim sa tainga.

Malimit ko lang marinig magsalita si Hunt Spark. Madalas may kwenta, madalas wala. Madalas ay hangin lang din ang kausap niya, at madalas ay walang pakialam. Pero ngayon, ipinakita lang nito na ang pagtahimik ng isang tao ay hindi sumisimbolo ng walang pagkapakialam. This guy just did great thing for me today and I surely appreciate it.

Nang makarating kami sa head quarters ay ikinagulat kong naunahan kami ni Ash dito. Napangiti ako nang matagumpay niyang naigapos si Myrttle sa isang upuan ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang masamang pagtingin ng kambal ko sa akin. Sinimangutan ko tin ito, ngunit nang ibaba nito ang tingin sa aming kamay ay nag-init bigla ang mukha ko. Ngayon ko lang namalayang mahigpit pa rin naming hawak ang kamay ng isa't isa. Ako at si Hunt... Damn!

Sa pagkataranta ko ay marahas kong kinuha ang kamay ko rito. But I still manage to calm myself very quick to stop my twins for thinking dirty thoughts. Bagay na ikinairap lang din namin sa isa't isa

MYRTTLE JOONG

PAGKAMULAT NG aking mga mata ay tumambad sa akin ang isang hindi pamilyar na lugar.

Nasaan ako? Hindi ko alam ang lugar na ito.

Ngunit nang makapag-adjust na paningin ko'y natanaw ko agad ang tatlong personalidad sa hindi kalayuan, sa dulo ng napakahabang lamesang kinasasadlakan ko. Sinubukan kong tumayo, sinubukan kong magkumawala, ngunit gapos-gapos ako ng makakapal na lubid. Maging mga paa ko ay nakatali na ikinangalit nang husto ng mga bagang ko.

"You're finally awake, Miss Myrttle," ani ng babaeng pamilyar sa akin.

Tama! Siya iyong babaeng sumingit noong kaaway ko ang isdang iyon.

Paglingon ko sa kanan nito ay nakita ko ang lalaking laging nakaitim at masama lang ang tingin sa akin. Sa kaliwa naman nito ay ang kambal ng babaeng ito.

Ngunit agad akong kinabahan nang bumalik sa alaala ko ang lahat.

Sina Xander at Shenny!

"Nasaan ang mga kasama ko?!" mariin kong sigaw kasabay nang malakas na kabog ng dibdib ko.

Ayos lang sa akin na ako na lang ang pagdiskitahan ng mga ito pero bakit pa nila kinanti ang mga kaibigan ko?!

"Don't worry. Personal ko silang hinatid sa kani-kanilang bahay," walang ganang sagot sa akin ng kambal nito.

Bagay na ikinahinga ko ng maluwag. Yes, they're still stranger to me but seeing his reflective eyes makes me prove that he is saying the truth . So I manage to calm myself down and look straight to them.

"What do you want?" kalmado kong tanong sa mga ito.

Naging alisto naman ako nang naglabas ng patalim itong lalaking nakaitim, paunti-unti rin itong lumapit sa akin pero hindi ako nasisindak sa kanyang mga tingin.

But seriously? I don't even remember na nagkaroon ako ng atraso sa kanila. Ni hindi ko nga sila kilala kaya imposibleng nagkatagpo na kami dati. Dahil kung may atraso nga ako sa kanila, matagal na sana silang wala.

Nakipagtitigan lang naman ako sa lalaking nakaitim hanggang marating nito ang kinauupuan ko.

Lumapit siya nang lumapit. "If I were you. Hindi ko na susubukang tumakas," bulong nito sa akin pero nanatili lang akong kalmado.

Ramdam ko ang pagkalag nito sa lubid na nakagapos sa akin ngunit mas ikinagulat ko nang ihagis nitong bigla ang kutsilyo sa dart board na nasa likod ng mag-kambal. At kita kong sa pinakasentro nito iyon tumama.

Is he trying to impressed me? Well you fail lame man.

Naglakad na rin ito pabalik sa kanyang upuan at hindi na lumingon pa.

So tiwala sila sa aking hindi ako aalis, huh? They really assume na kaya nila akong pigilan kapag ginusto kong umalis. Well, watch me.

"So we're here to offer you something," habol pa nitong sabi sa akin bago tuluyang umupo.

Napakunot naman ako ng noo sa sinabi nito.

Offer me something?

Offer me... What?

Don't tell me... Bloody hell?! Seryoso ba talaga silang kinakailangan pang umabot sa ganito ang lahat para lang makuha ako?! That's too desperate!

"We don't know why Mr. Harrison wants us to do this, but one thing's for sure," maangas na sabi ng lalaking kambal ng babae.

Sino ba kasi 'yang Mr. Harrison na 'yan at trip guluhin ng buhay ko? Yeah, I know that he is the old man I met at the fountain last time. Pero sino ba siya para pilitin akong magdesisyon?!

"Stop it, Ash. Where is your manners? Hindi man lang ba tayo magpapakilala?" angal ng babaeng ngayon ay may kaharap na ang laptop niya.

"Tsk! Okay, fine! I am Ash Taylor, her twin brother," walang gana nitong pagpapakilala sa akin kasabay nang pagturo sa babaeng katabi.

"I'm Kiera Taylor, please to meet you." Ganoon din naman itong babae. Hindi nagbabago ng itsura at ekspresyon ng mukha. Weird.

"Hunt Spark," mabilis at walang gana ring pagpapakilala ng lalaking nakaitim. Wait? Siya 'yong naka-hood kanina sa resto! I knew it! Sinabi ko na nga ba!

But they are wasting my time. I don't even force them to introduce themselves. Ni wala akong pakialam sa pagkakakilanlan nila.

"Okay. Nice to meet you," sarkastiko kong sagot sa mga ito. Pinipigilan kong huwag magalit kaya impit lang ito pero nang susubukan ko na sanang tumayo ay sabay-sabay nila akong tinapunan ng masamang tingin. Tinging hindi nakapagpasindak sa akin kaya humalukipkip lang ako.

No one can scared me.

"Myrttle Joong. Masyadong limitado ang impormasyong mayroon sa'yo. Mind to share your personal information?" seryosong tanong sa akin ni Hunt Spark, and bagay na hindi ko mapigilang ikangiti.

But that would kill you.

"Sorry but my Lolo taught me about strangers, pero kung sasabihan ninyo ako ng sapat na dahilan, baka magsalita ako." I lied

"Okay, alam kong alam mo na kung anong pakay namin sa'yo. Mr. Harrison wants you to be one of his Rulers. That's why we've done this because we want to make sure that you'll be an official member of our group," tuloy-tuloy na paliwanag nitong Ash Taylor.

"And if I refuse?" pang-aasar ko sa mga ito kasabay ng aking pagngiti.

"Well, we have lot of plans just to convince you," sarkastiko namang sagot sa akin ni Hunt kasabay ng pagguhit ng isang wirdong ngiti sa labi nito..

Tss.

Naging alisto ako nang gumalaw na naman ito pero telepono lang pala ang kinuha nito sa kanya bulsa. Bagay na ikinagulat ko nang ihagis niya ito papunta sa dereksyon ko..

This man is crazy!

Nataranta man ay mabilis ko pa ring nasalo ang telepono nito nang hindi pinuputol ang tingin ko sa kanya.

Pero bakit niya naman sakin to binigay? Libre ba 'to?

"Sagutin mo," utos nito na sinimangutan ko. "Your Grandfather is on the line" dugtong nito na ikinagimbal ko.

Darn! Si Lolo?