webnovel

Waning Moon Chambers (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pinigilan ni Lin Hao Yu ang kaniyang sarili na magsalita pa, ngunit bakas pa rin sa mukha nito ang hindi pagsang-ayon.

"Pwede kang maging tanga mag-isa, pero huwag mo na akong idamay." Naiiritang sabi ni Gu Xin Yan. Tumalikod na ito at nagsimulang maglakad paalis ngunit iba ang nasa kaniyang isip. Naapektuhan din siya sa malamig na pakikitungo ni Jun Wu, pero ganoon naman ito sa lahat. Sa katunayan, siya lang ang tanging nakausap kahit papaano ni Jun Wu.

At ngayong papunta si Jun Wu sa Waning Moon Chambers, nasilayan ni Gu Xin Yan ang katiting na pag-asa.

Kung anong mayroon sa Waning Moon Chambers, hindi niya alam. Ngunit kung pagmamalupitan si Jun Wu Xie doon, sasamantalahin niya ang pagkakataon iyon para aluin ito.

Nang matanggap ni Jun Wu Xie ang balita mula kay Tian Ze, saglit muna siyang naghanda bago siya nagtungo sa Waning Moon Chambers.

Nasa east wing ng Cloudy Brook Academy ang Waning Moon Chambers. Ang kinalalagyan noon ay hindi lugara para sa mga disipulo ng Cloudy Brook Academy na gawin ang kanilang cultivation. Pero hindi iyon gaanong nalalayo sa silid-aklatan at treasure vault. Ilang mga grupo ng disipulo ng Cloudy Brook Academy ang kaniyang nadaanan. Bakasa sa mga mukha ng mga ito ang pagkasabik at saya, mukhang kagagaling lang ng mga ito sa pag-cultivate. Malaki ang kanilang paniniwala na ang ginagawa nila ngayon ay magbibigay sa kanila ng magandang kinabukasan.

Masayang nag-uusap ang mga kabataan at nang makita nila si Jun Wu Xie agad silang nanahimik at nagbulong-bulungan. Masama ang tinging kanilang ibinibigay kay Jun Wu Xie.

Ang alam ng mga disipulong ito ay hindi malakas ang spirit power ni Jun Wu Xie at mahina lang din ang kaniyang Ring Spirit. Sa kabila noon, patuloy pa rin siyang umaani ng atensyon. Habang ang lahat ay may mga kasama, nanatili si Jun Wu Xie na mag-isa. Ngunit kahit na ganoon ang sitwasyon ni Jun Wu Xie, kinaiinggitan pa rin siya ng iba.

Nakasimangot ang mga kabataan habang sinusundan ng tingin si Jun Wu Xie. 

"Hanggang kailan kaya siya magkukulong sa kaniyang kwarto o may balak pa kaya siyang lumabas." Nakangising salita ng isa sa mga kabataang naroon.

"Kawawa naman. Narinig kong ang lahat ng mula sa Innate Gift faculty ay pumasok na kanina. Ngunit sa isang 'to, parang walang may pakialam sa kaniya."

"Tsk, kawawa nga. Hindi ba't nakatanggap siya ng imbitasyon mula sa Twelve Palaces? Mukhang hanggang doon na lang ata siya. Dito sa Cloudy Brook Academy ay wala siyang binatbat, ni wala ngang nagtatanong tungkol sa kaniya. Nakakatawa."

Ilang sandali pa nilang pinag-usapan si Jun Wu Xie bago bumalik sa kanilang unang pinag-uusapan.

Si Jun Wu Xie naman ay nasanay nang makarinig ng mga bagay na tungkol sa kaniya at tila natuto na lang siyang maging bingi. 

Nagpatuloy sa paglalakad si Jun Wu Xie at sa wakas ay natunton niya ang Waning Moon Chambers. Mula sa kaniyang kinatatayuan binasa niya ang tatlong karakter sa Chinese sa tuktok ng loft na nagsasabing "Waning Moon Chambers". 

Ilang sandali pa lang siyang nasa labas ng pinto at akmang kakatok na sa pinto nang maamoy niya na ang matapang na amoy ng wine at mukhang galing iyon sa loob.

Mahigpit na ipinagbabawal sa mga disipulo na uminom ng alak sa loob ng Cloudy Brook Academy maging ang mga guro din ay bawal. Tanghaling tapat at tirik na tirik ang araw. Bakit mangangamoy alak doon?

Nagtataka pa rin si Jun Wu Xie ngunit isinantabi niya iyon at kumatok sa pinto.

Tahimik ang silid sa likod ng pintong iyon at wala siyang marinig na kahit ano. Ilang segundo ang pinalipas ni Jun Wu Xie bago muling kumatok.

Dinig na dinig ang katok ni Jun Wu Xie dahil sa katahimikan ng paligid.

Wala pa rin siyang narinig na tunog o kaluskos man lang mula sa loob ng Waning Moon Chambers. Matamang naghintay si Jun Wu Xie bago muling kumatok.