webnovel

Pahinging Yakap

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa ilalim ng Heaven's End Cliff, ang iba ay nakakatakot, ang iba ay nakakabighani, ngunit mayroon silang iisang katangian.

Lahat ay nakamamatay.

Kung aalalahanin ng grupo ang lahat ng naranasan nila sa kanilang buhay, walang tutumbas sa karanasan nila sa lugar na ito.

Samantala, maayos pa naman ang kondisyon ni Jun Wu Xie. Wala gaanong nagbago sa kaniyang kalagayan at ang kontrol nito sa paggamit ng spirit power ay sapat lang kumpara kina Qiao Chu at Fei Yan. At sa oras na ito na nagkaroon siya ng pagkakataong makapagpahinga, hindi siya tumigil mag-isip. Inilatag pa nito ang mapa para tignan kung nasaan na sila banda.

"Hindi mo kailangang magpahinga?" Umupo si Jun Wu Yao sa tabi ni Jun Wu Xie. Nakatuon ang mga mata nito sa mukha ng kaniyang Little Xie. Siya ang nahihirapan para dito.

Sa buong paglalakbay nila, hindi ito kailanman nangunang manghingi ng tulong kay Jun Wu Yao kahit na alam niyang mas mapapadali sila kapag tinulungan niya ito.

Kung sa mga pagsubok na ito ay kailangan niya ng tulong ng iba, paano siya mangangahas na kalabanin ang Twelve Palaces?

Ayaw niyang umasa na lang sa isang tao dahil sa taglay nitong lakas.

Umiling si Jun Wu Xie: "Hindi ako pagod."

Ngunit sa halip ay niyakap siya ni Jun Wu Yao at kinuha ang mapa sa kaniyang kamay. Sunod ay matigas nitong sinabi: "Pero sa nakikita ko ay pagod ka."

Bahagyang nagulat si Jun Wu Xie, doon ay tiningala niya si Jun Wu Yao na bakas ang pag-aalala sa mukha.Ilang sandali muna siyang nagdalawang-isip bago tuluyang sumandal kay Jun Wu Yao. Habang nakapaloob siya sa bisig ni Jun Wu Yao, tumingin siya kay Little Jue na nakatulog na sa kandungan ni Ye Sha.

"Malapit na tayo at ayokong mag-aksaya ng oras." Mas maaga nilang mahahanap ang puntod ng Dark Emperor, mas mapapabilis ang pagkakaroon nila ng pambihirang kapangyarihan. Sa nakalipas na isang buwan, iilan lang ang pagkakataon na tumulong sa kanila si Jun Wu Yao. At tuwing gagawin niya iyon, mas lalo lang napapatunayan ni Jun Wu Xie kung gaano ito kalakas.

Ayaw niyang habang buhay na lang na nakaasa dito. Ayaw niyang lagi na lang nasa likod niya ito at nakatulong sa lahat ng gagawin niya. Hindi iyon ang gusto niyang mangyari.

"Kung hindi ka magkakaroon ng sapat na pahinga, bibitbitin kita sa pagpapatuloy natin." Nakaangat ang isang kilay na saad ni Jun Wu Yao. Mukha itong nanunudyo pa. Sa sobrang tigas ng ulo ni Jun Wu Xie minsan ay gusto niya na itong kagatin.

"Parang ganito?" Biglang inangat ni Jun Wu Xie ang kaniyang braso at ikinawit sa leeg ni Jun Wu Yao saka ngumisi.

Bahagya namang nagulat si Jun Wu Yao doon. Nakakawit sa kaniyang leeg ngayon ang bisig ni Jun Wu Xie dahilan para mas umiksi ang distansya nila sa bawat isa. Kitang-kita na niya ang sarili niyang repleksyon sa mga mata nito.

"Kung iyan ang gusto mo, pwede ko namang gawin iyon." Biglang tumawa si Jun Wu Yao at kinarga si Jun Wu Xie.

Habang tumatagal ay natututong manukso ang kaniyang Little Xie.

Kumurap-kurap si Little Xie at maya-maya ay kumunot ang kaniyang ilong kay Jun Wu Yao. Nakomportable siya sa posisyong iyon hanggang sa ihilig niya nag kaniyang ulo sa dibdib ni jUn Wu Yao.

"Gisingin mo ako maya-maya."

Hindi naman siguro masamang manatili ng ganito ng ilang sandali, 'di ba?

Marahang tumawa si Jun Wu Yao habang karga niya si Jun Wu Xie na unti-unti nang nakakatulog. Tumitig siya sa magandang mukha na nasa kaniyang harapan…

Habang sina Ye Sha ay Ye Mei ay lihim na ipinagdarasal ang kanilang Panginoon.

Wala silang malamig na tubig dito para tupukin ang nag-iinit na si Lord Jue! Lord Jue, kailangan mong pigilan ang sarili mo!

Nang makita naman ni Fei Yan na nahimbing na si Jun Wu Xie sa bisig ni Jun Wu Yao, umupo siya at nagningning ang mga matang tumingin kay Rong Ruo.

"..." Tahimik na humarap si Rong Ruo sa malaking bato at niyakap iyon para makatulog.