webnovel

Ang Naglahong Libingan (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang hinarap nilang mga paghihirap sa bawat hakbang ay hindi nagpahinto sa grupo na

ipagpatuloy ang kanilang paglalakbay. Si Jun Wu Xie at ang kaniyang mga kasama ay nilibot

ang buong Heaven's End Cliff at sa wakas ay narating ang kanilang patutunguhan.

Pinagmasdan nila ang walang-katapusan na karagatan ng mga bulaklak na nakalatag sa

kagiliran, at ang lilang mga bulaklak ay pinuno ang buong kalupaan sa abot ng matatanaw,

nakbibighani na umuugoy kasabay ng hangin, kasing ganda ng isang ipinintang larawan, isang

malaking salungat na hindi nararapat sa lahat ng panganib na kanilang naranasan sa kanilang

pagpunta doon.

"Nasaan ang libingan ng Dark Emnperor?" Tanong ni Fan Zhuo habang pinagmamasadan ang

walang katapusan na karagatan ng mga bulaklak, ngunit ang kaniyang sulyap ay blanko at di-

nakakakita. Ayon sa lokasyon na minarkahan sa mapa, sila ay dapat na nakatayo na sa harapan

ng libingan ng Dark Emperor. Ngunit sa kanilang harapan, bukod sa nakabibighani na dagat ng

mga bulaklak, ay wala na silang ibang makita maski ano.

Matapos maranasan ang hindi mabilang na hindi mailarawang paghihirap, si Jun Wu Xie at ang

mga kasama niya ay wala sa kondisyon na mamangha sa mga bulaklak sa ngayon. Ang dagat-

dagatang lila na bulaklak ay mas nagliwanag dahil sa mga damo na nasa ilalim, nang isang

hangin ang dumaan at isang alon ang lumaganap sa dagat-dagatang bulaklak, tumaas at

bumaba habang ang halimuyak ng bulaklak ay pumailangllang sa grupo. Isa iyong

napakagandang tanawin, ngunit pakiramdam ng grupo ay isang kabiguan ang bumuhos sa

kanila.

Ayon sa mapa, malinaw na ipinakita na ang kinaroroonan ng libingan ng Dark Emperor ay ilang

daang metro lamang dapat ang layo sa kanila ngunit sa loob ng isang libong metro, ang

tanging naroon lamang ay ang dagat-dagatang bulaklak na sumasayaw sa hangin. At ngayon

na wala na ang hamog, ay malinaw nilang nakikita ang buong paligid at sa ituktok ng kanilang

mga ulo ay nababalot ng ulap ngunit ang liwanag ng araw ay nakasilip na naging dahilan upang

magliwanag ang buong tanawin sa kanilang harapan.

Bukod sa lilang bulaklak, ay walang kahit na anong naroon.

Ang libingan ng Dark Emperor ay tila hindi umiral simula pa noon, sapagkat walang kahit na

anong bakas nito ang makita.

"Paanong nangyari… paanong nangyari…" Panaghiy ni QIao Chu, nanlalaki at di-makapaniwala

ang mga mata, hindi makapaniwala na pagkatapos nilang gumugol nang matinding pagsisikap

ay ito ang makukuha nilang resulta.

Walang kahit ano…

Walang kahit ano…

Ang napakagandang tanawin sa kanilang harapan ay tinangay ang buong grupo na naroon at

sinipa sila pababa sa malalim na kabiguan.

Tinitigan ni Jun Wu Xie ang walang katapusan na dagat-dagatang bulaklak habang

humahangin, sinipa ang mga naglaglagan na mga talulot. Ang lilang mga talulot ay umikot sa

kaniya, at nagdala ng halimuyak, ngunit hindi niya maramdaman ang kasiyahan doon.

Muling inilabas ni Jun Wu Xie ang kaniyang mapa at sinuring muli ang kanilang kinaroroonan.

Ang lahat ay nasa ayos ngunit bukod lamang sa ang kanilang puntirya ay tuluyang naglaho.

Anong dahilan at nagyari ito? Nagsalubong ang mga kilay ni Jun Wu Xie. Lahat ng nakamarka

sa mapa ay walang mintis at dahil doon napagtanto niya na tunay nga ang mapa. Gaano

karaming sakripisyo ang ginawa ng mga magulang ni Qiao Chu at ng iba pa niyang kasama

noon upang makumpleto lamang ang mapa?

Hindi mabilang na tumpok ng mga buto ang nakita nila sa kanilang pagparoon at sa ilang taon,

ang bilang ng mga tao na namatay sa Heaven's End Cliff ay masyado nang marami. Ang bilang

ay hindi na masusukat sa sampung libo, maaring ito'y miyon… o maaring aabot pa ito sa

sampung milyon kung saan ang Heaven's End Cliff ang naging kanilang huling hantungan.

Isang mapa na ginawa sa hindi mapaniwalaang bilang ng buhay sa likod nito, maari ba itong

magkamali?

Imposible…

Itinakwil ni Jun Wu Xie ang isiping iyon. Ang mga magulang ni Fan Zhuo at ng iba pa ay wala na

at hindi posible para sa kanila na tiyakin kung tunay ngang nahanap na nila ang libingan ng

Dark Emperor sa sandaling iyon.

At si Wen Yu ay nagawa nang makapasok sa loob ng libingan ng Dark Emperor noon. Bagaman

hindi niya matandaan kung paano siya nakapasok, o kung paano niya nagawang makalabas,

isa lang ang sigurado, si Wen Yu ay nakapasok noon sa libingan ng Dark Emperor sa Heaven's

End Cliff. At sapat na iyon upang masiguro na ang libingan ng Dark Emperor ay naroon nga at

hindi iyon maaaring magkamali.

Ngunit…

Ngunit anong nangyayari dito sa kanilang harapan?

Hindi iyon maintindihan ni Jun Wu Xie. Ang libingan ng Dark Emperor ay naroon sa Heaven's

End Cliff at naniniwala siya na ang mga magulang ni Fan Zhuo at ng iba pa niyang mga kasama

ay talagang nakita ang libingan ng Dark Emperor noon bago magbalik ang mga iyon sa Middle

Realm na dala ang mapa matapos ang kanilang misyon. Sa ganoong uri ng katapatan sa

Twelve Palaces noong mga panahon na iyon, ay hindi maaari na hindi too ang kanilang ibalita

sa kanilang mga natuklasan.