webnovel

Ang Naglahong Libingan (6)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Dumagundong ang puso ni Jun Wu Xie. Itinaas niya ang kaniyang kamay at inilagay iyon na

walang anyong pader. Sa ilalim ng kaniyang palad, naramdaman niya ang malamig at matigas

na bato!

Ang libingan ng Dark Emperor!

Pinakiramdaman ni Jun Wu Xie ang pader na hindi niya makita. Ibinaba niya ang paningin at

minasdan ang mga bulaklak sa paligid ng munti niyang mga paa. Sa kaniyang paa, ang mga

bulaklak ay tila hiwa-hiwalay, para bang pinutol ang mga ito sa ilang bahagi nito.

Iyo ang pagbaluktot ng kalawakan!

Huminga ng malalim si Jun Wu Xie.

Ngayon ay naiitindihan na niya kung bakit kahit ilang makapangyarihang mandirigma ang

makarating sa liblib ng Heaven's End Cliff, at matapos ang mahabang panahon, ay hindi pa rin

nila nagawang mahanap ang kinaroroonan ng libingan ng Dark Emperor. Iyon ay dahil…

Ang tunay na libingan ng Dark Emperor ay isang bagay na hindi nila nakikita!

Tulad ng sinabi ni Jun Wu Yao, ang hangganan na tinatawag na "Moon Water's Mirror" ay

inilagay sa labas ng libingan ng Dark Emperor at lumikha ng malikmata na tila sa salamin. Sa

imaheng iyon, tanging ang mga halaman lamang ang masasalamin at kung mamasdan sa

malayo, ang buong lugar ay magmumukha lamang isang walang katapusan na dagat-dagatang

bulaklak na nakalatag sa hangganan at magdudulot ng kalungkutan sa mga tao. Ngunit sino

ang mag-aakala na ang tunay na libingan ng Dark Emperor ay nagtatago sa mga bulaklak na

iyon?

Kahit na magawa man ng mga taong iyon na mahanap ang lugar na ito ay lilituhin sila nitong

ilusyon kung saan ang dagat-dagatang bulaklak ay nasa dulo ng bangin. Walang sinuman ang

mag-aakala na ang napakalaking lihim ay nasa gitna ng mga lilang bulaklak.

Matapos maglakad sa tila walang katapusan na pagpapahirap na balakid, nang ang mga taong

iyon ay nagpunta sa lugar na ito, hindi nila nagawang madiskubre ang malalim na misteryo sa

likod ng "Moon Water's Mirror".

Ang mga bulaklak na magkakatulad ang hitsura ay hindi naging kakaiba sa anumang paraan

nang masdan iyon ng grupo sa malayo, at kung hindi dahil sa kamusmusan ni Little Jue kung

saan naghabi siya ng kuwintas na bulaklak para kay Jun Wu Xie at sumalamin sa "Moon

Water's Mirror" ay hindi rin nila madidiskubre ang lihim na iyon.

Na ang libingan ng Dark Emperor sa katunayan ay nasa kanilang harapan!

Sa wakas ay natunton na nila ito!

"Ang libingan ng Dark Emperor. Nakita na natin." Malinaw na umalingawngaw ang boses ni

Jun Wu Xie, nagdala ng magandang balita sa kaniyang mga kasama na nasa likuran.

Si Qiao Chu at ang iba pa ay agad napatayo sa mga bulaklak at ang kanilang nagagalak na mga

emosyon ay nagpaliwanag sa kanilang mga mata na tila mayroong apoy sa loob. Lahat nang

pahirap at pagod na kanilang dinanas sa buong paglalakbay ay tila agad na naglaho ng walang

bakas, habang ang dugo sa kanilang katawan ay nagsimulang kumulo!

Matapos ang maraming taon, sa wakas ay nahanap rin nila ito!

"Nahanap na natin… Nahanap na natin…" Nagsimulang manginig ang boses ni Qiao Chu at ang

mata niya ay namula sa gilid. Matapos ang tahimik na pagtitiis ng ilang taon, sa wakas ay

natunton din nila ang libingan ng Dark Emperor, at ang emosyon na kanilang pinipigilan sa

napakahabang panahon ay sumabog sa kanilang dibdib ng mga sandaling iyon!

"ARRRGH!!!"

Isang hiyaw ang bumuhos mula sa kanilang puso at bumuga ang kanilang emosyon na

tumakbo sa kanila sa mga sandaling iyon.

"Big Brother Wu Yao, mayroon bang paraan upang malutas ang "Moon Water's Mirror"?

Pinaglabanan ni Hua Yao ang galak na nagwawala sa kaniyang loob at nagtanong sa

kalmadong boses.

Ang mahanap ang libingan ng Dark Emperor, ibig sabihin ay nagtagumpay na sila sa kalahati.

Bagama't ang libingan ng Dark Emperor ay nasa harapan na nila, nararamdaman lamang nila

ito ngunit hindi nila makita at hindi nila magagawang makapasok kung hihipuin lamang nila

ito.

Wala silang ideya kung gaano kalaki ang libingan ng Dark Emperor at kung aasahan lamang

nila ang kanilang kamay sa pagdama sa bawat pulgada nito, tanging ang Heavens lamang ang

nakakaalam kung anong taon at buwan bago nila mahanap ang tunay na pasukan.

"Sa ganitong harang, kailangan niyo lamang hanapin ang ugat at durugin iyon." Nakangiting

saad ni Jun Wu Yao. Nang makita ang nagningning na mata ni Jun Wu Xie dahil sa galak, ang

pakiramdam niya ay tila sumunod at tumaas.

Tungkol sa masayang pakiramdam ni Jun Wu Yao, si Ye Sha at Ye Mei ay napapanatili na ang

pagiging kalmado tungkol sa buong bagay na iyon.

Ang samahan ng kanilang Lord Jue ang Young Miss upang hukayin ang kaniyang libingan ay

wala na lamang. Tinutulungan niya pa ang mga ito na buwagin ang depensa ng sarili nitong

libingan!

Upang mapangiti ang Young MIss, ang kanilang Lord Jue ay talagang binibigay ang lahat!