webnovel

Ang Naglahong Libingan (5)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Napakatindi ng sulyap ni Jun Wu Xie at nakuha nito ang atensyon ni Qiao Chu at iba pa.

"Little Xie, ano ang iyong tinitignan?" Tanong ni Qiao Chu at napaupo dahil sa pag-uusisa at

napakaraming talulot ng bulaklak ang dumikit sa kaniyang katawan.

"Hindi mo mahuhulaan ang puso ng isang dilag." Bulong ni Fei Yan habang nakasilip sa hindi

kagandahang kuwintas na bulaklak na nasa ulo ni Jun Wu Xie, pagkatapos ay saglit na

nagnakaw ng sulyap kay Rong Ruo bago tahimik na pumitas ng napakaraming bulaklak.

Tahimik siyang naupo at mabilis na humabi.

"Ah, kahit ano tungkol sa puso ng isang dilag, walang mas nakakaalam tungkol doon kundi

ikaw lang, Little Yan…" makahulugang saad ni Qiao Chu, binigyang diin ang huling pantig.

Inirapan ito ni Fei Yan at ipinagpatuloy ang ginagawa.

Wala siyang panahon na mag-aksaya ng oras sa isang tanga!

"Anong nakita mo?" Tanong ni Rong Ruo habang naglakad palapit kay Jun Wu Xie. Sa

pagkakakilala niya kay Jun Wu Xie, ang mga bulaklak na nasa kanilang harapan ay hindi

pupukaw ng matinding interes kay Jun Wu Xie at ito ay normal lamang na kumikilos kanina

kaya ano ang dahilan upang titigang maigi ang anumang nasa harapan nito?

Hindi nagsalita si Jun Wu Xie at sa halip ay inalis ang kuwintas na bulaklak sa kaniyang ulo at

hinawakan iyon, ang sulyap niya ay hindi natitinag.

Malungkot na napayuko si Jun Wu Xie sapagkat naisip niya na hindi iyon nagustuhan ni "L:ittle

Big Brother".

"Tignan mo ito." Biglang itinaas ni Jun Wu Xie ang kaniyang kamay at itinuro ang direksyon

kung saan nakatuon ang kaniyang tingin.

Sa ituktok ng mga bulaklak, ay isang kuwintas na bulaklak ang nakabitin sa ere. Ang kuwintas

na bulaklak na iyon ay hindi gaanong maganda ang pagkakagawa, at may kaluwagan ang

pagkakahabi, kapareho nang hawak ni Jun Wu Xie sa kaniyang kamay.

"Anong nangyayari?!" Gulat na saad ni Rong Ruo, bahagyang natigilan sa eksena sa kaniyang

harapan.

Ang kuwintas na bulaklak na nakabitin sa ere ay kakaiba at kapag ginagalaw ni Jun Wu Xie ang

kuwintas na bulaklak sa kaniyang kamay, ang isang kuwintas na bulaklak sa kabilang dako ay

sabay ding gumagalaw!

"Isa itong salamin na ilusyon!" Bulalas ni Fan Zhuo habang mabilis na tumatayo, mabilis na

nagpunta sa tabi ni Jun Wu Xie sa dalawang malalaking hakbang.

"Salamin na ilusyon?" Nag-uusisang tanong ni Jun Wu Xie.

"Hindi gaanong malinaw sa akin ngunit narinig ko na binanggit ng aking ina ang tungkol doon

doon, kaya lamang ay hindi ko gaanong maalala." Tila may naalala si Fan Zhuo na kung ano

ngunit hindi niya maipaliwanag nang maayos. Mabilis siyang lumingon kay Jun Wu Yao na nasa

isang tabi.

"Big Brother Wu Yao, alam mo ba ang nangyayari dito?"

Tumabi si Jun Wu Yao kay Jun Wu Xie at tinitigan ang kakaibang pangyayari, ngunit may

katanungan sa kaniyang mata at kaniyang kinuha ang kuwintas na bulaklak sa kamay ni Jun

Wu Xie. Sa ilalim ng kinakabahan na sulyap ni Little Jue, biglang hinagis ni Jun Wu Yao ang

kuwintas na bulaklak sa ere.

Matapos maihagis ang kuwintas na bulaklak sa ere, naghiwa-hiwalay iyon at ang mga talulot

ay dahan-dahang kumalat, tila niyebe na nahuhulog sa hangin.

At sa kabilang dako, parehong eksena ang nangyari.

Kaparehong-kapareho!

"Moon Water's Mirror." Ang sulok ng mga labi ni Jun Wu Yao ay napangiti habang nagsasalita,

ibinaba ang tingin upang masdan si Jun Wu Xie.

"Ito ay isang uri ng harang, katulad lamang nang mga nakita natin. Ngunit ito ay mas

masalimuot ayon sa ibang mga harang, nagagawa nito na isalamin ang iba't iabng bagay, at

ang harang na narito, ay mga halaman lamang ang nailalarawan."

Iyon ay eksaktong imahe, ngunit tanging ang kuwintas na bulaklak lamang ang nailalarawan at

hindi si Jun Wu Xie at ang iba pa, tila mayroong puwersa na bumura sa kanila.

Napatalon ang puso ni Jun Wu Xie at mabilis na nagpunta sa harapan.

Sa isangdaang metro, naramdaman niya na para bang may kakaibang uri ng lakas na nagpatigil

sa kaniya sa paglalakad paharap!

Tila mayroong isang hindi makita na pader na naghahadlang sa kaniya upang makadaan.

Dumagundong ang puso ni Jun Wu Xie. Itinaas niya ang kaniyang kamay at inilagay iyon na

walang anyong pader. Sa ilalim ng kaniyang palad, naramdaman niya ang malamig at matigas

na bato!

Ang libingan ng Dark Emperor!