webnovel

Ang Naglahong Libingan (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Tunay ang mapa, hindi peke ang libingan ng Dark Emperor. Kaya bakit hindi nila ito makita?

Mayroong mali dito.

"Huwag muna kayo mabalisa. Huminga muna kayo at isiping mabuti ang lahat." Nang makita

ang pagiging negatibo na bumabalot sa mga kasama, ay biglang nagsalita si Rong Ruo. Silang

lahat ay talagang napagod sa kanilang pagparoon bagaman ang isip at katawan nila ay hindi

lubusang hapo, ngunit, silang lahat ay hindi na magagawa na mapanatili ang lohikal na estado

ng pag-iisip sa mga sandaling iyon. Ngunit, hindi dapat sila masiraan ng loob.

"Magpahinga muna tayong lahat kung gayon. Bobong Qiao, ipasa mo sa akin ang iyong

inuminan, naubos ko na ang sa akin kanina at tila mamamatay na ako sa uhaw." Bigkas ni Fei

Yan, sumalampak siya sa dagat-dagatang bulaklak at inunat ang mga kamay upang saluhin ang

inuminan na ibinato ni Qiao Chu bago niya inayos ang upo upang ibuhos sa kaniyang

lalamunan ang tubig.

Ang malamig na tubig ay dumaloy sa kaniyang lalamunan, pinawi nito bahagya ang pagod na

kaniyang nararamdaman, at inibsan din nito ang agam-agam sa kaniyang puso.

Ang lahat ay naupo sa dagat-dagatang lilang bulaklak. Nasa estado na sila kung saan hindi na

sila pwedeng bumalik pa. Imbes na magalit at masiraan ng loob tungkol doon, bakit hindi na

lang muna sila magpahinga at payapain ang kanilang mga isip kung saan magagawa rin na

makabawi ng kanilang mga katawan.

Sa ganitong bihirang pagkakataon na makapagpahinga sila ng maayos, ang lahat ay kinuha ang

oras na mayroon sila at sinubukan na bawiin ang kanilang mga lakas. Uminom sila, at pinuno

ng pagkain ang kanilang mga sikmura. Karamihan sa mga tuyong pagkain na dala-dala nila ay

mga karne na tuyot at may matigas na hilatsa, at sa tuwing ngunguyain nila ang mga iyon, ay

wala iyong lasa at tuyot. Higit pa doon, sa nakaraang buwan ay iyon ng iyon lamang ang

kanilang kinakain at ang kanilang panlasa ay masasabing namanhid na sa bagay na iyon.

Ang tanging hiling lamang ni Qiao Chu sa mga sandaling iyon, sa pag-alis nila sa Heaven's End

Cliff at pagbalik sa Qi Kingdom sa hinaharap, ay makakain ng masarap. Maaring kahit ano iyon,

hindi niya papansinin kung iyon man ay simpleng lugaw na may mga sahog. Basta hindi na siya

kakain ng mga kasumpa-sumpang tuyot na karne!

"Sa pagbabalik natin, nais kong magpakabusog ng isang buong buwan, at kumain nang kumain

hanggang sa ako'y sumuka!" Bulalas ni Qiao Chu habang nginunguya ang tuyot at matigas na

karne, humiga siya sa mga bulaklak na nakaunat ang mga kamay. Hindi tulad noong nakaraan

na nakakanginig na ginaw at nakakapasong init, ang temperatura sa lugar na iyon ay

katamtamang init lamang na tila sa tagsibol, at sinamahan ng mabangong bulaklak at

napakagandang tanawin, iisipin niya na napakaganda ng lugar na iyon kung hindi lamang sila

sa lokasyon na iyon.

Sa kasamaang palad, wala siyang maramdaman na paghanga sa mga iyon sa mga sandaling

iyon.

"Pakiusap bigyan niyo ako ng bukal at hayaan akong maglunoy doon." Saad ni Fei Yan habang

muling humiga. Napakarumi niya at maging siya mismo ay hindi na matagalan ang sarili ngunit

wala gaanong mapagkukunan ng tubig sa ibaba ng Heven's End Cliff. At kung mayroon man, ay

mayroong nakatago na halimaw doon o kaya naman ay puno iyon ng nakamamatay na lason,

kahit alinman doon ay walang gamit.

Nais lang niya makaligo sa mga sandaling iyon at tuluyang alisin ang mga dumi at dungis sa

kaniyang katawan.

Maaring dahil sa mga reklamo ni Qiao Chu at Fei Yan ay naisip din iyon ni Fan Zhuo na

nakaupo rin sa mga bulaklak, ibinuka niya ang bibig upang tanungin si Hu Yao ang lalaking may

kaunting salita.

"Sa ating pagbalik, ano ang gusto mo gawin?"

Nilingon ni Hua Yao si Fan Zhuo at matapos ang ilang sandali na pag-iisip ay sumagot siya:

"Gusto ko lang ng maayos na tulog."

Hindi niya maalala ang huling pagkakataon na nagawa niyang maglunoy sa isang payapa at

maayos na pagtulog. Ang mga sandali na kailangan nilang magpahinga sa ibaba ng Heaven's

End Cliff ay napakaiksi lamang at sila ay napapalibutan ng iba't ibang uri ng nakaambang

panganib. At kahit na makaidlip sila, ay hindi nila maaaring pahintulutan ang kanilang mga

sarili na mahimbing sa pagkakatulog.

Bahagyang tumawa si Fan Zhuo at ipinatong ang baba sa kaniyang palad at sinabi: "Nais ko

talagang magbalik sa Zephyr Academy at maglibot." Iniisip niya kung kamusta na ang kaniyang

kapatid bilang Headmaster at iniisip niya kung ang munting tirahan niya sa kakahuyan ay

naroon pa.

Ang masayang alaala ay nagdulot sa nababagabag at balisang puso ng mga kabataan na unti-

unting kumalma at ang sulok ng labi ng lahat ay bahagyang napangiti. Sa edad kung saan sila

ay umaapaw sa kasiyahan ng kabataan, ang mainit at kumukulong dugo nila ay hindi nila

mapapayagan na madali silang matatalo.

"Sa totoo lang, may isang bagay na gumugulo sa akin." Saad ni Qiao Chu sabay upo nang

maayos.

"Ano?" Tanong ni Hua Yao habang tinitignan siya.

"Sabihin niyo sa akin, nang magpadala ang Twelve Palaces ng napakaraming tao sa mga

nagdaan na taon noon, ngunit tanging ang mga magulang lang natin ang nagawang mahanap

ang kinaroroonan ng libingan ng Dark Emperor. Hindi niyo ba naisip na ang lahat ay

nagkataon?" Tanong ni Qiao Chu habang kinakamot ang ulo.