webnovel

Karate tournament and?

Heidi's Pov...

Habang naglalakad ay nakatingin lang ako sa lupa dahil hindi ko talaga sya kayang tingnan sa mukha ng hindi nahihiya. Hindi ko na nga alam kung nasaan na kami eh.

"Heidi wag kang yumuko" Napangiti ako sa pagtatagalog nya ang tagal ko din syang narinig magtagalog, pero ano daw pinapatingala nya ba ko? Walang sabi sabi ay itiningala niya yung ulo ko para makita nya ang mukha ko at nakita ko na naman ng malapitan yung napakaitim nyang mga mata na hindi ko mabasa kung ano ang nilalaman.

"Heidi!" Napalayo ako kay Adam dahil sa sumigaw at nakita ko si Sherrie na papalapit sa amin, teka nasaan na si Seira?

"Heidi kanina pa kita hinahanap yung kara.." napatigil sya sa pagsasalita ng mapansin nya kung sino yung kasama ko at nginitian nya ako ng nakakaloko.

"Hihi Heidi sumunod ka na lang ha" sabi pa ni Sherrie bago sya umalis ng patalon talon.

"U..um hinahanap na kasi ako si.sige" aalis na sana ako ng bigla nya akong pinigalan at hinawakan nya ang kamay ko."Heidi is there something wrong? Bakit mo ako iniiwasan?" Adam kung alam mo lang pero hindi ko pwedeng sabihin sa iyo dahil hindi ako pwedeng mag mahal baka kung tumagal hindi ko na kayang hindi kita kasama. Binawi ko na ang kamay ko at nakita kong nagulat sya. "A..aalis na ako" Adam bakit pa kasi kita nakita eh? Bakit mo pa kasi ako pinapansin?

Pagkadating ko sa Gym ay mukhang problemado sila Sherrie at nang makita nya ako ay lumapit sya."Heidi problemado na yung team b ng karate dahil kulang sila" Ah oo nga pala nakakainis nakalimutan ko tuloy. "Um pwedeng ikaw na lang Henry?" Tanong ko doon sa kaklase naming wala sa listahan at nagulat sya. "Ano ka ba naman Heidi gusto mo ba akong magkabali bali at hindi makapasok" Siguro kung hindi lang ito emergency ay tumawa na ako sa sinabi ng baklang ito at oo bakla sya.

"Pano na Hei.." Hindi na natapos ni Sherrie ang sasabihin ng may naramdaman akong dumating. "I can do it" Sabi ng bagong dating kaya nagsitinginan kami sa likod pero umiwas kaagad ako ng tingin ng makita ko kung sino iyun at naramdaman ko na naman yung tibok ng puso ko.

"Wow talaga Adam?" Tanong ni Sherrie at siguro ay tumango lang si Adam. "Heidi ilista mo na kaagad si Adam at malapit na yung match" Kausap sa akin ni Sherrie kaya dali dali kong kinuha yung listahan at sinulat sya duon ng hindi ko sya pinapansin.

"Team b ng karate match hinahanap na kayo!" Sigaw nung isang estudyante na siguro ay pinatawag lang ng mga teacher ng mga maglalaban. Nauna ako at biglang dumaan sa akin si Adam.

"After this we'll talk" bulong nya sa akin kaya nagsitilian yung mga nasa likod pero ano daw? Iniiwasan ko nga sya eh bakit ko ba yun gagawin?

Nang mauna sya ay nakita ko ang likod nya at parang may nakikita akong visions at may nakita akong likod ng batang lalaki kaya medyo napainda ako pero hindi naman nila napansin kaya nagdiretso lang ako.

Pagdating namin sa gym ay nandoon na rin yung team a nakalaban nila Adam, um goodluck na lang sa kanila?

"Ok players on your places" sabi nung teacher at pumunta na sa harap yung dalawang maglalaban. "Ok ang unang sumuko ang talo ok fight"

"Nagsimula ng magpaulanan ng sipa yung dalawa pero hindi naman sila nagkakatamaan pero nasuntok sya nang malakas sa sikmura ng kagrupo ni Adam kaya napahawak sya sa tiyan nya at sumuko na rin.

Yung sumunod ay medyo magaling naman kaya kami naman ang nanalo. Nang pinapunta na sa harap yung huling maglalaban ay nagsitilian yung mga fans ni Adam at mayroon pang isang fans club pero hindi ko alam kung kanino?

"Hello my lovely Heidi" Nagulat ako nang may umakbay sa akin at kilala ko yung boses na iyun at alam ko na rin kung kanino yung isang fans club.

Sinubukan kong kumawala pero ang lakas nya pero bigla na lang may humatak sa akin sa kanya na parang wala lang yung lakas ni Trance.

"Don't you ever touch my girl" Nagulat ako sa nangyari kaya hindi ako nakakibo at napansin ko na lang na mukhang nainis si Trance pero hindi ko na lang sya pinansin dahil ang lakas na naman ng tibok ng puso ko. "Hey give her to me" Sabi ni Trance pero hindi man lang ako pinakawalan ni Adam sa yakap nya at nagsisimula na ring magbulong bulungan. "Ok then magpustahan na lang tayong dalawa, if you lose then I'll never bother you two again" Sabi ni Trance at ano daw pagpupustahan nila ako. Ang hilig talaga sa pustahan nitong lalaking ito.

Napag isip isip si Adam at maya maya ay sinabi nyang payag sya. Wait sigurago kayong pagpupustahan nyo ako?!

Nakaayos na sila sa pwesto at nang nagbigay na ng hudyat yung teacher na pwede ng sumugod ay parang nanonood lang kami ng video game sa sobrang bilis ng mga galaw nila. Nagsimulang dumami yung mga tao sa loob ng gym.

Natapos na yung mga sipa ni Trance na iniiwasan lang ni Adam na parang wala lang iyun sa kanya at nang sya naman ang sumugod kay Trance ay nakaiwas din ito sa sipa nya pero nakahanap siguro sya ng opening kaya nasuntok nya si Trance at si Trance ay hinawakan ang natamaang tagiliran at may tiningnan sa bandang harap nya kung saan nakita kong nakatingin sa kanya si Seira na hindi pa rin nagpapalit at ganon parin ang itsura.

"I..I yield" Masyadong mabilis ang pangyayari bakit sya umayaw nadismaya yung mga taong nanonood pero nagulat ako ng pinuntahan niya si Seira at tinakbo at diretsa namang punta sa akin ni Adam at dahil hindi ko alam ang gagawin ko ay napatakbo ako palabas ng gym.

Syempre hinabol nya ako pero ayoko talagang makipag usap sa kanya at nang mapunta ako sa field sa school namin kung saan ay walang tao ay nakuha nya yung kamay ko pero natisod ako kaya natumba kaming dalawa.

"A..aray" Inda ko sa sakit ng pagkakabagsak ko pero nagulat ako ng nakadagan na pala sya sa akin pero hindi sya gumalaw at bigla akong niyakap na kinagulat ko.

"Heidi why are you avoiding me?" Nagulat ako sa tono ng boses nya, umiiyak ba sya?

A suivre....