webnovel

His breakdown, her confession

Heidi's pov...

Hindi ko alam kung umiiyak nga sya pero biglang naradaman ko yung pamamasa ng bandang kwelyo ko at unti unti naring yumuyugyog yung balikat nya, u..umiiyak nga sya.

"A..ada.." Hindi ko na natapos sabihin yung pangalan nya ng nagsalita na naman sya. "Heidi please just let us stay like this" Hindi na lang ako nagsalita at hinayaan lang syang nakayakap sa akin at maya maya ay tumayo na rin sya. "I'm sorry about that" hingi nya ng paumanhin, at hindi na sya umiiyak. Ah niyakap nya ako para hindi ko makitang umiiyak sya.

Pagkatayo ko ay bigla nyang kinuha yung kamay ko. "Ba..bakit?" Sabi ko habang nakatingin ako sa lupa. "Heidi please don't avoid me again" Sabi nya na puno ng sinseridad.

Bakit ba ako iniyakan ng lalaking ito? Hindi ako karapat dapat na mahalin dahil may kulang sa akin, kaya gusto kong lumayo sa iyo matatanggap mo bang isa akong walang kwentang babae, tanga-tanga at walang alam sa nakaraan nya. Bakit ko hahanapin yung lalaking para sa akin kung alam ko sa sarili kong hindi pa ako karapat dapat para sa kanya.

Tumango na lang ako at sabay na kaming tumayo. "A..aalis na ko may kailangan pa kasi ako eh" sabi ko nang tumingin ako sa kanya ay nakangiti na sya. Tumango sya para sabihing ok lang.Nang umalis ako ay nakahawak ako sa puso kong napakabilis ng tibok.Please tumigil ka na.

Napahinto ako ng nakita ko si Seira na nakatayo lang at nakatingin sa malayo, OO nga pala kinuha sya ni Trance.Pagkalapit ko ay nagulat sya.

"Seira anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya pero yumuko lang sya kaya nagtaka ako."Miss Heidi anong ibig sabihin ng lalaki kapag sinabihan kanilang wag mag ayos?" Tanong nya sa akin at dahil doon ay nagulat ako at naguluhan.Niloloko lang ba ako ng Trance na iyun sa crush crush nya sa akin oh si Seira talaga ang gusto nya?

"Hindi ko rin masyadong maintindihan, pero siguro ayaw nyang may ibang lalaking nakakakita sa iyo pag nakaganyan ka" Sabi ko ng nakangisi.Namula sya sa sinabi ko at mas lalo pang yumuko.

Hindi ko na talaga kinaya yung kacutan nya kaya nayakap ko na sya.

Sabay kaming naglakad papunta sa gym ng may tinanong sya sa akin."Heidi gusto mo ba si kuya Adam?" Nabigla ako sa sinabi nya kaya napatingin ako sa paligid."B.bakit mo naman natanong?"

"Kasi alam mo lagi kong nasusulyapan si kuyang nakangiti at alam kong ikaw ang dahilan noon" Ngu..ngumingiti si Adam dahil sa akin?

"Heidi alam mo ba noong maliit pa kami ni kuya ako yung tagapagligtas nya, madali kasing humina ang katawan nya para ngang ako yung ate sa aming dalawa eh.Pero nung iniwan namin silang dalawa ni mama ay nagbago sya, hindi na sya yung lampang kuya na nakilala ko, hindi na rin sya nagpapakita ng kahit anong emosyon hindi na rin nya ako nilalambing tulad ng dati" Mangiyak ngiyak na sabi ni Seira. "Tapos nabalitaan pa namin na namatay yung batang babae na gusto nyang protektahan, hindi ko alam kung bakit iyon ginagawa nila mama para ilayo nya si kuya sa amin *hik* Heidi please wag mong papabayaan si kuya ha, lahat na lang kasi ng mahal nya iniiwan sya sana sa pagkakataong ito wag mo syang iwan please" Hindi ko alam kung anong emosyon ang ilalabas ko pero parang bibigay ako sa mga sinasabi nya at maya maya ay naramdaman ko yung mga luha kong tumulo.

"He..Heidi bakit ka umiiyak?" Nag aalalang tanong sa akin ni Seira kahit na umiiyak rin sya."Seira karapat dapat ba ako sa kuya mo? *hik* hindi ako kahanga hangang tao para sa kuya mo pero alam mo ba Seira *hik* sa tingin ko...ma..mahal na mahal ko na sya." Nanlaki ang mata ni Seira sa sinabi ko at may lumabas na namang mga luha sa mata niya.

"Noong una ayoko sa kanya kasi sa tingin ko mali yung ginagawa nya pero sa tuwing nagkakasama kami at niyayakap nya ako parang matagal ko na syang hinahanap hanap *hik* Seira ang weird sa pakiramdam pero kanina ko lang sya narealize" This time sabay na kaming umiiyak at humihikbi.

Hindi ko alam pero parang gusto ko o nang sabihin sa kanyang mahal ko sya. "Seira magtatapat na ako sa kuya mo" ngumiti lang sya sa sinabi ko at hinawakan nya ang kamay ko. "Please Heidi alagaan mo si kuya para sa akin ha?" Paalala nya sa akin "oo naman"

Yun na lang ang sinabi ko at umalis na.Salamat Seira kung para naman yun kay Adam ay hindi na ako matatakot pang masaktan kahit na hindi ako karapat dapat sa kanya, gagawin ko na lang ang lahat para manatili sa tabi nya.

Bumalik ako doon sa field kung saan ko sya naiwan pero wala na sya doon kaya naghanap ulit ako kung saan saan, bumalik ako sa room para tingnan kung nandoon at sya pero wala rin kaya lumabas ako.Nasaan ka na ba Adam? Ewan ko ba pero parang ayaw kaming magkitang dalawa pero wala akong pakealam dahil hahanapin ko sya.Pagkatingin ko sa labas ay maybonfire na kaya lumabas na ako.

Adam, Adam.Napatigil ako ng nakita ko syang pinalilibutan ng mga babae pero hindi nya lang iyon pinapansin at nang umalis na yung mga babae ay tumakbo ako papunta sa kanya kaya nagulat sya nang nasa harap na nya ako kasabay rin noon ang pagsisimula ng bonfire dance.

"Pwede ba kitang masayaw?" Tanong ko sa kanya ng nakangiti at tumango sya at kinuha ang kamay ko.Habang nagsasayaw kami ay nakatingin lang ako sa kanya kaya nakikita kong nagtataka sya maya maya ay niyakap ko sya pero hindi pa rin kami tumitigil sa pagsasayaw at naramdaman kong nanigas sya sa pwesto nya.

"Adam wag kang magugulat sa sasabihin ko ha" bulong ko sa kanya habang nakayakap pa rin tumango naman sya, wala na akong pakealam kung maraming nakatingin dahil sasabihin ko sa kanya ang nararamdaman ko.

"Adam *hik*" hindi ko na namalayang naiiyak na naman pala ako kaya muntik nang kumawala sa yakap si Adam pero hindi ko sya hinayaan dahil kailangan nya itong marinig mula sa akin "Adam mahal na mahal kita" dahil sa sinabi ko ay napatigil kami sa pagsayaw at unti unti akong humiwalay sa yakap pero nagulat ako ng biglang may malambot na bagay ang dumampi sa labi ko at narinig ko rin ang gasp ng mga tao sa paligid.

Hi..hinalikan nya ako.Maya maya ay pinutol nya na ang halik at hinila nya ako sa field na walang tao.

"Is it true?" Tanong nya sa akin kaya tumango lang ako at niyakap nya ako ng napakahigpit. "Heidi I love you too, you don't know how happy I am to hear those words from you" sabi nya kaya hinimas himas ko ang likod nya.

Pero parang may nakita akong kumikinang sa isa sa mga bintana nung isang building ng school at tiningnan ko ng maayos ay isang lalaking may baril at nakatutok iyon kay Adam nung pinihit nya yung gatilyo ay dali dali kong pinalit ang pwesto naming dalawa at naramdaman ko ang sakit ng bala na tumama sa likod ko.

Before I pass out I smiled at him and instantly I seen nothing but darkness.

A Suivre....