webnovel

Fear The Unknown ( Cursed )

UNDER REVISION

Dazz_Trea · Fantasy
Not enough ratings
50 Chs

Chapter 30

"Whuuut!??"- napatingin ako kay Yuan sa biglaang pag rereact nito. We're here at the Headmaster office and this time ay kailangan naming pumunta sa Fire Village at kagaya ng una ay we need to stop the sacred creature in destructing the Village. But this time ay Phoenex na to. Hindi nadin naman nakapagtataka kung maging agresibo din ang natitirang sacred creatures dahil siguradong pakana na naman ito ng taong may pakana ng lahat. Sigurado akong nakarating na sakaniya ang ginawa naming pagpigil ng walang kahirap hirap sa nauna. Kaya nga nagtataka parin ako kung bakit ipinagpapatuloy pa din niya ito kahit alam niyang may makakapigil sa balak niya? Unang pumasok sa isip ko. Maybe ginagamit niya ang oras na yon para makapaghanda o ano.

"Can you please shut your mouth first and hear me out"- seryosong saad ni Headmaster. She's a serious type I know but now she's change a lot. Hindi na siya katulad ng dati. Ni hindi ko na siya makitang ngumite at parang laging may problema dinadala.

At hindi ko maiwasang mapabungtong hininga tuwing naaalala ang malaking problema na kinakaharap namin. Una, ay si ina. Ngayon may dumagdag pa talaga. At alam kong mas malala pa to kaysa sa nauna.

Sa totoo lang nabablanko ang isip ko tuwing naiisip ko ang problema namin at sa magiging resulta nito kung hindi namin mapipigilan. Maraming mapapahamak at ayokong mangyari yon. Kayang kaya kong isakrapisyo ang buhay ko para sa buhay ng lahat ngunit nag dadalawang isip ako tuwing naiisip ko ang mga maiiwan ko kung mawawala ako. Hindi ko maatim na makita ang paghihinagpis nila lalong lalo na si Zeke

Napangiwe ako ng maramdaman ko ang biglaang pagkirot ng Tatoo ko sa gilid ng bewang ko. Eto ang palatandaan ng pinagmulan ko. Pinilit kong huwag makagawa ng ingay dahil seryoso ang pinag uusapan ng mga kasama ko at wala akong maintindihan ni isa. Nagsimula na ding manlabo ang mga mata ko. Napapikit na lamang ako at ininda ang sakit na nararamdaman ko. Pakiramdam ko mapupunit at mahihiwa ang balat ko.

Arghh! Last time na nangyari to ay hindi ko na matandaan. Napakatagal na non at hindi ko aakalaing sasakit muli to.

At hindi ko napigilan ng mapanawan ako ng ulirat at ang pagkakagulo ng mga kasamahan ko. Gustuhin ko man magsalita ay hindi ko magawa..

~☆~

"Goddess Olivia?"

"Yes Dear. I'm glad that you still remember me. It's been a long time when we saw each other"- she sweetly said at lumapit sakin. Ngumite ako dito at niyakap ito. Imbis magulat ay niyakap din ako nito ako pabalik at mahinhin na tumawa. How i miss her laugh..

"You've change a lot.."- i know and it's because of them. Pagkatapos ng yakapan session namin ay naging seryoso ang babaeng nasa harapan ko. Wala parin siyang pinagbago. Ang mahaba nitong paalon alon na buhok na kulay violet na umabot hanggang talampakan. Ang balinkinitan nitong katawan. Ang maputi nitong balat na kasing kulay ng gatas. Ang inosente at perpekto nitong mukha. Nagliliwanag ito at kumikinang pa. Lahat ng meron sa kaniya ay napaka perpekto at walang makakatumbas ninuman kahit ako pa.

Malaki ang agwat ng kagandahan naming dalawa. Kung maganda ako ay mas maganda siya. She's the goddess of all, what do you expect? Siya ang pinagmulan ng lahat. At kung nag tataka kayo kung bakit ko siya nakilala? Well tuwing sumasakit ang Tatoo ko at mapapanawan ako ng ulirat ay magigising na lamang ako na kasama siya. Isang beses pa lang naman nangyari ito at pangalawa palang to.

I feel honored dahil nakakasama ko siya kahit ilang saglit lamang. Siguradong matatawa ang lahat at iisiping baliw ako kapag nalaman nila na nakita ko na ang Dyosang lumikha ng lahat. Kung naguguluhan kayo. May Diyosang may kapangyarihan ay creation ngunit wala siyang maikukumpara sa babaeng nasa harapan ko. Siya ang pinakamataas sa lahat. Pati ang mga Diyos at Diyosa. Ang ama at ina ko ay mahina lamang kung ikukumpara dito

"Kamusta kana mukhang naging masaya ang pag aaral mo sa akademyang yon? Kahit alam ko na ang sagot gusto ko paring marinig mula sayo"- she said with a smile plastered on her face. At hindi ko maiwasang mapanguso sa nang aasar nitong mga ngite na parang may ipinapahiwatig.

"Oo na alam kong mali ako ng akala. Ano masaya kana?"- nakangusong saad ko. Napailing na lamang to ngunit nakangite parin. Alam kong iniisip na naman niya ang ilang beses kong pagtanggi na makapasok sa akademyang yon. At hindi ko itatangi ang pagkakamali ko. Bakit ba? Wala namang perpekto, lahat nagkakamali.

"Masaya ako at nahanap mo ang mga taong naghahatid ng kasiyahan mo"

"Pero alam mo naman ang sitwasyon ko. Ano sa tingin mo ang mangyayari kapag nalaman nila kung sino talaga ako? Matatanggap kaya nila ako?"- nanghihinang saad ko

"Magtiwala ka sa kanila. Kung totoong mahal at importante ka sa kanila ay matatanggap kanila at magagawang ipag laban. At ang payo ko sayo mas mabuting sabihin mo na sakanila habang maaga pa kaysa malaman pa nila sa iba. At kung mabigla sila sa nalaman nila. Bigyan mo sila ng oras at maiintindihan din nila ang lahat. Huwag kang mag alala. Magiging maayos din ang lahat"

"Sana nga... sana nga"

Your votes and comments are really appreciated!